logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Paints and Photographs

Paints and Photographs

Lemeryems


Prologue

Prologue
I was once a coward. Boring and ignorant. Always letting my own pride take over me. I never let people know what's inside my head. Too lazy to let my guard down. That's why most of people around me are saying that I was too distant to reach. That I was too unapproachable...
No, I am not like that.
He said I wasn't like that.
It was around December, year of 2002. When I first met him.
He's wasn't looking at me... He's not smiling... He's not crying...  
Busy lang siyang nakayuko hawak-hawak ang isang lapis. Mukhang may dinodrawing siya sa sketch pad niya at hindi ata siya makapili ng tamang color na gagamitin.
W-Wow!
"Drawer ka ba?" tanong ko.
Nakita ko ang paghinto niya sa kaniyang ginagawa matapos marinig ang sinabi ko. Saka na siya unti-unting tumingin sa akin. Tinignan niya ako kung saan tumaas-baba ang mga mata niya na para bang tinatanong kung sino ako. 
"What do you mean?"
Nang sawakas ay nagsalita na siya, napatakip ako sa bibig ko at ngumiti ng pagkalawak-lawak. He's cute!
"Uhm, drawer! Mahilig ka magdrawing tapos magaling ka tapos cute. Edi drawer ka." Simple kong paliwanag habang kinakamot pa ang makati kong pisngi.
"You are stupid."
Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong umiyak. Hindi niya pinansin ang ingay ko at nagpatuloy lang siya sa pagdo-drawing niya.
He said, I'm stupid!
Hindi ako natigil sa pag-iyak habang nakaturo sa batang lalaki. He's bad!
He's so bad...
He was the first boy who made me cry. He's always the reason why I'm crying... As years passes by, guess making me cry became his hobby.
"Ma, papunta palang po ako sa Ministop. May ipapahabol po ba kayo?" Huminga ako ng malalim sabay tingin sa bintana ng sinasakyan kong Taxi. Madilim na ang paligid at dumadami na rin ang mga sasakyan. "Saglit lang po ako, babalik ako kaagad."
"Pwede mo ba akong bilihan ng iced coffee? Mukhang magpupuyat na naman ako rito." Ani Mama at mahinang natawa.
Mapait nalang din akong napangiti habang tumatango. Hindi ko alam kung saan pa nakukuha ni Mama ang lakas niya para tumawa sa mga oras na ito. Alam kong kalakip ng mga tawang iyon ay ang sakit sa kaniyang puso. Alam kong tumatawa lang siya upang maibsan ang pagkabagabag at pagkalungkot niya. Sana nga... Sana nga ay mawawala na kaagad ang sakit na nararamdaman niya sa pagtawa lang.
"Sige, Ma." Huminto na ang Taxi na sinasakyan ko sa tapat ng Ministop. "Nandito na po ako, tawagan ko nalang po kayo kapag pabalik na ako."
"Mmm, sige hija. Salamat, mag-iingat ka pabalik."
Si Mama na ang pumatay ng tawag kasabay nang pag-labas ko ng Taxi. Inilabas ko naman ang ID ko mula sa aking wallet at iniabot iyon sa driver.
Tumikhim ako. "Kuya, pakihintay nalang po ako. Saglit lang po ako, may bibilihin lang." 
Tumango ang driver sa akin at sumaludo pa. Pagkatapos no'n ay pumasok na rin ako kaagad sa Ministop dahil baka maabutan lang ako ng mahabang pila. Lalo pa't nagsisilabasan na ang mga tao mula sa Abs Cbn building.
Isang box ng Salonpas at tissue ang kinuha ko. Tapos ay dumaan ako sa drinks para kumuha ng dalawang iced coffee. Napadaan naman ako sa mga magazines at hindi naiwasang mapatingin sa nakasulat doon.
“... the legendary... suffering from... 3 months... hospitalized... waiting for the latest... get well soon...”
Mas lalo akong napabuntong-hininga ng malakas at hindi na lamang pinag-patuloy pa ang pagbabasa. Lahat nalang ba ng mga bagay ay kailangang ilathala at ipaalam sa lahat ng tao?
"Thank you, Ma'am." Anang cashier habang iniaabot sa akin ang resibo.
Tinanguan ko lang ito at dali-dali na rin akong lumabas ng Ministop. Napatingin ako sa kalapit na Bakery. Naakit ako sa mga nakadisplay kaya hindi ko na napigilang pumasok. Nag-take-out ako ng Empanada. Paborito niya 'to.
Bumalin ang atensyon ko sa phone ko nang tumunog. Si Mama.
"Hello, Ma? Nakasakay na po ako sa Taxi, pabalik na po---"
"Hija... hija... bilisan mo... pakiusap, bilisan mo--Pakiusap! Ang anak ko!"
"Ma..." Parang biglang huminto ang paghinga ko matapos marinig ang sunod-sunod na pag-iyak at pag-sigaw ni Mama mula sa phone. "M-Ma, ano pong nangyayari? Ma? Ma!"
"Hija, ang anak ko..." Hagulgol ni Mama.
Agad akong napakapit sa upuan ng driver. Tumutulo na ang aking mga luha habang hinahampas iyon.
"K-Kuya, please... Dalian po natin, bumalik na po tayo agad! Kuya, nakikiusap ako! Please!" Bumuhos ang aking mga luha habang nakikiusap sa driver.
Tumango ng tumango ang driver at agad na sinunod ang sinabi ko.
Anong nangyayari... bakit umiiyak si Mama?
Hindi na ako mapakali habang pinagdarasal na sana ay makarating na ako kaagad. Na sana ay umabot ako... na sana ay maabutan ko pa siya...
"Ma'am, nandito na po--"
Iniabot ko na agad ang bayad ko sa driver. Tinakbo ko ang daan papasok ng ospital at hindi na pinansin pa ang pagkahulog ng hawak kong plastic bag.
"N-Nasaan siya? Doc, nasaan siya?" Lumakas ang paghikbi ko habang isa-isang tinitignan ang mga laman ng kurtina. "Nasaan siya?! Kailangan ko siyang makita! P-Pakiusap, sabihin niyo kung nasaan siya..."
Napaluhod ako at doon na ibinuhos ang aking mga iyak. Kahit alam kong nakatingin ang mga tao sa akin ay wala na akong pakialam. Humina ang mga paa ko at parang hindi ko na kakayanin na humakbang pang muli. Ang mga nurse sa gilid ko ay hindi na mapakali at pilit akong pinapatahan.
"Patrina..." 
Umangat ang tingin ko sa doctor na tumawag sa akin.
"Kyle... nasaan siya? Nasaan siya?!" Malakas kong sigaw na halos mapaos na ang boses ko habang hinihila ang dalawa niyang braso. "N-Nakikiusap ako, Kyle... Please, do everything... do everything... do everything... I can't... I can't live... without..."
Nahihirapan na akong huminga... para na akong mawawalan ng malay dahil sa lakas ng pagtibok ng puso ko.
"Nasa Operating room na siya, kanina ka pa hinihintay ni Tita roon." Sagot ni Kyle at mahigpit na hinawakan ang kamay ko.
Sa sinabing iyon ni Kyle ay mabilis ko na siyang binitawan upang takbuhin ang daan papunta sa operating room. Please, please... please... not now... please, give me more time... 
"Ma! A-Anong nangyari?" Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Mama nang makita niya ako. Nakita ko pa si Kelly sa gilid na umiiyak na rin.
Ramdam ko ang mabibigat na paghinga ni Mama. Hawak-hawak niya ang rosaryo habang nakayakap sa akin.
"Hindi ko kayang mawala ang anak ko, Trina..." Hagulgol niya.
Mahigpit kong niyakap si Mama pabalik at pinunasan ang aking mga luha. Pilit na pinapatatag ang sarili kahit ang mga luha ko ay hindi na maihinto sa pagtulo. "Ako rin, Ma. Hindi ko rin kayang mawala siya. Hindi ko kakayanin. Hindi ko kaya..."

Book Comment (57)

  • avatar
    Jhepot Biay

    ang ganda po

    19d

      0
  • avatar
    Princess Zafra Prado

    I want this story🥰

    10/08

      0
  • avatar
    Anna Javan

    𝙨𝙪𝙥𝙚𝙧 𝙜𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙗𝙖𝙨𝙝𝙞𝙣

    03/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters