logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER SIX

Chapter 6
***
"Ate... Ate... Ate!"
Nagitla ako nang marinig ang pagtawag ni France sa akin. Inayos ko ang sarili at tinanong siya kung ano ang kailangan niya sa akin. "Kanina ka pa tinatawag ni Mama. Bakit ka ba kasi tulala, Ate?" Tanong niya sa akin. "Ha? Ako? Tulala? Hindi, ah!" Pagtanggi ko kahit na totoo naman ang sinasabi niya. Napakamot na lamang siya sa ulo bago sumama kay Paris. "Siguro may nangyaring something kay Ate at Kuya Vern. Magkakaanak na kaya sila? Tulala kasi si Ate. Hindi ba ganoon 'yung mga buntis?" Dinig kong tanong ni Paris kay France kaya naman nangunot ang noo ko at akmang pagsasabihan sila nang biglang tumakbo ang kambal papalayo sa akin. Mga siraulo talaga.
"Ma! H'wag mo na nga paglaruin ng computer games 'yung dalawang 'yon. Natulala lang ako saglit tapos pinag-iisipan na nila akong buntis?! Ano ba naman 'yon?" Pagsusumbong ko kay Mama nang lumapit ako sa kaniya. Tapos na kasi siyang makipag-usap sa kumare niyang nakasalubong niya. "Hayaan mo na, mga bata pa 'yon. Ikaw naman, ang init-init ng ulo mo. Sinasabayan mo pa ang init ng panahon. Kaya nga tayo nag-picnic para mag-bonding at magsaya hindi para isipin ang problema!" Saad ni Mama. Napabusangot naman ako dahil sa narinig. Kampihan ba naman ang dalawang kambal na pasaway? Hayyy buhay.
"Bakit ka nga ba kasi tulala, Yna? Kanina ko pa napapansin na parang wala ka sa katinuan. Ano ba 'yang iniisip mo at parang problemadong-problemado ka?" Tumingin ako kay Mama at agad na itinanggi ang naiisip niya. "Wala akong problema, 'Ma. May iniisip lang ako,"
"O, e ano nga?" Pangungulit niya. Close kaming dalawa ni Mama pero ayoko namang sabihin sa kaniya lahat lalo na't ang iniisip ko ay ang ginawang pag-amin ni Coralynn sa akin kagabi na ikinagimbal ng sistema ko. Paniguradong aasarin ako ni Mama at baka sabihin pa niyang nagseselos ako dahil may ibang nagkakagusto kay Vern. Oo, alam ko ang nasa isip ng Nanay ko. "Iniisip ko kung saan ko nailagay 'yung paborito kong damit. Wala kasi sa damitan ko nang hanapin ko kanina," pagsisinungaling ko na mukhang kinagat naman ni Mama. "Iyon bang dress na binili ni Vern sayo ang tinutukoy mo? Akala ko ba nilagay mo sa treasure box mo 'yon?" Tanong niya sa akin. Ang tinutukoy niyang treasure box ko ay ang malaking box na nasa kuwarto ko at naglalaman iyon ng mga gamit na binigay sa akin na pinapahalagahan ko ng lubos. Si Papa ang gumawa no'n at iyon ang regalo niya sa akin noong mag-8 years old ako. Yes. Mahigit isang dekada na ang treasure box ko na iyon. "A-Ahh. Oo nga pala, nilagay ko nga pala 'yon doon," sagot ko saka tumawa ng peke at sumunod sa dalawang kambal para makipaglaro. Naramdaman ko naman ang pagsunod ng tingin ni Mama sa akin na mukhang hindi na naniniwala sa sinabi ko kanina.
Habang naglalaro kami ng pasahan bola ng dalawang kapatid ko ay hindi sinasadyang sumobra ang lakas ng pagkakabato ni France sa bola kaya naman natamaan niya ang isang lalaking naglalakad kasama ang aso niya. Nabitawan niya ang aso na kaagad tumakbo papalayo nang hawakan niya ang ari na natamaan ng bola. Shit. Ang sakit no'n panigurado. Nilapitan naming tatlo ang lalaking sapu-sapo pa rin ang ari niyang natamaan. "S-Sorry po, Kuya. Hindi ko po sinasadya. Sorry po talaga," paghingi ng tawad ni France sa lalaking natamaan ng bola. Maging si Paris ay nag-sorry din sa lalaki at maya-maya'y sabay na tumakbo papalayo nang mag-angat ng tingin ang lalaking natamaan ng bola. Natakot? Tama lang na matakot kayo! Pero bakit hindi rin ako tumakbo papalayo? At bakit naman ako tatakbo papalayo? Ano ako, bata?
"Pagpasensiyahan mo na 'yung dalawang kapatid ko. Hindi talaga nila sinasadya ang nangyari. Sorry talaga. Mag-iingat kami sa—Ikaw?" Agad na napalayo ako nang makita ang itsura ng lalaki. Siya 'yung lalaking nakabanggaan ko sa hallway ng Campus! Nanlaki rin ang singkit niyang mata at agad na umayos ng tayo saka ngumiti sa akin. "It's nice meeting you again," salita niya. Ngumiti ako ng awkward sa kaniya. Kakamustahin pa niya sana ako nang bigla niyang maalala ang aso niyang wala na sa tabi niya. "Si Rigel!" Sambit niya saka tumingin-tingin sa paligid para hanapin ang aso niya. "Teka, d'yan ka lang, ha?" Utos ko sa kaniya saka tumakbo kay Mama para magpaalam. "Sasamahan ko lang po 'yung schoolmate ko na hanapin 'yung aso niya. Tatawag na lang ako kung makakabalik pa ako dito," paalam ko. Agad naman pumayag si Mama at sinabihan pa akong mag-ingat kami at tumawag ako kaagad sa kaniya kung may mangyari man. Sumagot ako ng 'opo!' at mabilis na tumakbo pabalik sa lalaking kanina lang ay hindi makatayo ng maayos dahil sa pagtama ng bola sa ari niya. "Tara na!"
"Saan tayo pupunta?" Tanong niya. "Hahanapin 'yung aso mo?" Sagot ko na nakapagpabalik sa isip niya. Narinig ko pang sinabi niyang 'Oo nga pala,' bago tumakbo kaya naman sinundan ko siya.
---
Sa mahigit isang oras na paghahanap sa Labrador Retriever niyang aso na nagngangalang Rigel, sa wakas ay nahanap na rin namin iyon. Ngayon ay naglalakad na kami pabalik sa mga dinaanan namin nang biglang mag-aya si Alastair o Alas na mas pinaikli pa—Oo, kilala ko na siya—na magpunta kami sa isang restaurant para kumain. "Grabe, bakit sa restaurant pa? Pwede namang kahit sa tusok-tusok na lang," sambit ko. "Tusok-tusok? Saan ba makakakita no'n? I haven't seen any of those dito sa dinadaanan natin," sagot niya sa akin na nagpapalinga-linga pa sa paligid para maghanap ng sinasabi ko. Natawa naman ako sa pagiging conyo niya dahil naalala ko sa kaniya si Myrtés. "Bakit ka tumatawa? May madumi ba sa mukha ko?" Tanong niya na sinagot ko naman ng pag-iling. "May naalala lang akong kaibigan sayo. Same kasi kayong conyo," sagot ko habang tumatawa. Tumawa na rin siya at maya-maya'y ngumiti.
"Thank you nga pala sa pagsama sakin na hanapin si Rigel," sinuklian ko naman siya ng ngiti. "Naku, wala 'yon! Kapatid ko naman may kasalanan kung bakit mo nabitiwan 'yung aso kanina kaya syempre, tutulungan kita sa paghahanap." Sagot ko. Napahinto ako nang makakita ng pagkaing gusto kong kainin. "Ayun, o! Tara, dali!" Aya ko sa kaniya habang tumatawid. Sumunod naman siya at tiningnan ang mga pagkaing nasa harapan niya. "Bagong luto po ba 'yung fishball niyo, Kuya?" Tanong ko kay Kuyang Tindero. "Oo, kakakuha ko lang niyan sa mantika," sagot niya kaya naman natuwa ako. "Kumuha ka na," aya ko kay Alas na agad namang kumuha ng stick at nanghingi ng baso para lagyan ng mga bibilhin niyang pagkain. Labinlimang fishball ang binili ko at ganoon rin si Alas na nagpadagdag pa nang masarapan sa kinakain. Binigyan niya rin si Rigel na mukhang nasarapan din sa fishball. Nagbayad na kami at nagsimulang maglakad habang kumakain. Dahil sa gutom ako ay naubos ko kaagad ang kinakain ko at tinapon ang basong may stick at kaunting sawsawan sa basurahang nakita ko. "Ang sarap naman nito. Magpapaluto nga ako ng ganito kay Yaya pagkauwi mamaya," agad naman akong napatingin sa kaniya. "Mayaman ka?" Tanong ko na agad niyang tinawanan. "No, hindi ako ang mayaman kundi ang parents ko," sagot niya. "Anyway, napaayos mo na ba 'yung phone mo?" Tanong niya sa akin nang maitapon niya na rin sa basurahan ang pinagkainan niya nang maubos iyon. Dahil sa itinanong niya ay agad akong napahawak sa bulsa ko. Nakalimutan kong tawagan si Mama. Lagot! Agad akong nag-text at sinabing pauwi na ako. "May basag pa rin? Let's go there!"
"Ha? Saan?" Hindi na ako nakaangal pa dahil hinila niya na ako. Akala ko kung saan niya ako dadalhin, sa bilihan lang pala ng mga phone cases at tempered glasses.
"Anong brand ng phone mo?" Tanong niya sa akin na agad ko namang sinagot. "Xiaomi Redmi 9A," tumango naman siya at maya-maya'y kinausap ang lalaking bantay ng mga tindang phone cases at iba pa. Habang naghihintay ay tumingin-tingin muna ako sa mga designs ng phone cases. Nang magsawa ay sa paligid naman ako tumingin. Ilang minuto ay kinalabit ako ni Alas at kinuha ang phone ko para papalitan ng tempered glass at bilhan na rin ng phone case. "Hindi na. Ako na bahala dito," pagtanggi ko pero nagpupumilit talaga siya. Nang hindi siya huminto sa pagpilit sa akin ay sumuko na lamang ako. Pinag-aagawan kasi namin ang phone ko at biglang sumagi sa utak ko ang scenario'ng nangyari kagabi nang mag-agawan kami ni Vern sa plato na nabasag. Sa takot na mabasag lalo ang phone ko ay ibinigay ko na lamang kay Alas iyon.
Naalala ko na naman 'yung ginawang pag-amin ni Coralynn sa akin kagabi.
"Gusto ko si Vern,"
"Ha? Pakiulit nga?"
"A-Ayoko nga! Alam ko namang narinig mo ng malinaw iyon, e. Kaya, ayokong ulitin."
"Paanong... Paano mo naman nagustuhan ang baliw na 'yon? Seryoso ka ba, Coralynn?"
"Oo, seryoso ako, Sachzna. Noong nakaraan ko lang nalaman na gusto ko nga si Vern. Ang cute niya kasi, e."
"Pero shh ka muna, ha? H'wag mo muna sabihin sa dalawa 'yung sinabi ko sayo ngayon. Magfi-freak out 'yun lalo na si Maia. Alam mo naman ang isang 'yon,"
"O-Oo. Secret lang natin 'to,"
"Sachzna, you okay?"
"Ha? Ah, oo. Bakit?" Tanong ko pero hindi niya na sinagot pa ang tanong ko bagkus ay ipinakita na lamang sa akin ang phone ko na mayroong bagong tempered glass at phone case. Binayaran niya na iyon at umalis na nga kami doon. Ngayon naman ay naglalakad kami pauwi sa mga bahay namin. Nagpaalamanan na kami sa isa't-isa dahil magkaibang daan ang tatahakin namin kaya naman mag-isa na lang akong naglalakad ngayon. Nakangiti akong naglalakad na patalon-talon pa nang bigla kong makita si Vern na para bang may hinihintay sa tabi ng gate ng bahay namin. "Hoy! Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko nang makalapit na ako sa kaniya. Imbis na sagutin ang tanong ko ay binato niya ako ng tanong. "Saan ka galing?"
"Saan nga ba ako galing? Hindi ko maalala, e. Basta kasama ko si Alas tsaka si Rigel—"
"Alas? Anong klaseng pangalan 'yon? Ang bantot naman, tunog aso!" panlalait niya sa pangalan ni Alas na ikinakunot ng noo ko. "Alastair kasi 'yon tapos nickname niya lang 'yung Alas, at saka cute kaya ng pangalan niya,"
"Sino ba 'yun?"
"Basta. Sa susunod ko na siya ipapakilala sayo,"
Binuksan ko na ang gate ng bahay namin at inaya siyang pumasok. "Ano nga pala 'yung sinasabi ni France at Paris sakin na tulala ka raw? May problema ka ba?" Tanong niya sa akin. Dahil doon ay muli ko na namang naalala ang pag-amin ng kaibigan kong si Coralynn sa akin kagabi tungkol sa nararamdaman niya para kay Vern. "Wala. Wala akong problema,"
"Sure ka?"
"Oo nga! Napakakulit,"
"Sige, uuwi na 'ko."
"Okay, ingat."
Naglakad na siya papalayo sa akin at nang mawala na siya sa paningin ko ay saka lang ako pumasok sa bahay.

Book Comment (108)

  • avatar
    Rosalie Dizon Carisma

    super ganda

    09/06

      0
  • avatar
    Juliana Clarisse Lang Molina

    it’s been years and years binabalik balikan ko itonc basahin when po kayo mag-update

    06/06

      0
  • avatar
    tarucandrea

    update na Po kayu author nag we wait Po ko ng update nyu po sa storing eto sayang Naman Po kung Wala ng kasunid at Hindi matatapos basahin Hanggang finale ang story pong eto....

    04/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters