logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

Nang makarating na ako sa harap ng tindahan ni Aling Berta, isang itim na kotse ang nakahinto sa gilid. Maya-maya ay nakita kong lumabas si Raven mula sa backseat ng kotse at naglakad papunta sa akin. Nakasuot siya ng gray t-shirt at black na jogging pants.
Tumigil siya sa harap ko at unti-unting ngumiti. "You look gorgeous."
Nag-angat naman ako ng tingin sa kaniya dahil mas matangkad siya sa akin, ngumiti nalang din ako sa kaniya dahil pakiramdam ko ay namumula ang pisngi ko ngayon.
"Thank you," I said.
Magkasabay kaming naglakad palapit sa kotse at doon sumakay. Nang tuluyan na kaming makasakay ay umandar na paalis. Magkatabi kami ni Raven sa backseat habang nagmamaneho naman ang driver sa harap. Nilibang ko nalang ang sarili ko sa pagtingin sa labas ng bintana, hindi ko pa naranasan sumakay sa kotse, ngayon pa lang.
"Sabi ng kapatid ko, i-invite raw kita sa birthday niya." Lumingon naman ako kay Raven matapos niyang magsalita. I got curious, how did his little sister knew me?
"Kilala niya ako?" I asked. He gently scratched the back of his head and smiled awkwardly. 
"Yes. I've always been telling her about you." Magkaharap kaming nag-uusap at masasabi kong medyo nahihiya siya.
Bakit naman kailangan niya akong i-kwento sa kapatid niya? Maraming tanong sa isip ko pero hindi na ako nagsalita ulit. Tumango nalang ako at ngumiti sa kaniya bilang sagot. Natahimik kami ng halos kalahating oras. Maya-maya ay tumigil ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay, may mataas at malawak na gate. Bumukas ang gate na 'yon at umandar naman ulit ang kotse papasok doon.
My eyes grew bigger. "Bahay niyo 'to?!" I exclaimed. Parang ngayon lang ako nakakita ng ganito kalaking bahay. Mayroong tatlong sasakyan na naka-park sa harapan ng bahay.
"Yes, why?" I was speechless for a minute. Ganito ba talaga sila kayaman?
In front of the house is full of beautiful plants and flowers.
"Ang ganda at ang laki ng bahay niyo." Wala na akong ibang masabi pa. Sobrang ganda at sobrang laki ng bahay nila. Kumpara sa tinitirahan naming bahay, siguro yata ay sampung beses na mas malaki ang bahay nila Raven.
Narinig kong tumawa si Raven nang mahina pero sapat para marinig ko. "Our house is still smaller compare to our grandparent's house."
Natahimik ako. Ang yaman pala ng family nila. Akala ko naman ordinaryong tao lang din si Raven gaya ko. Pero ordinaryong tao naman siya, mayaman lang sila pero tao pa rin siya.
Nang tuluyang makapasok ang kotse sa loob ay naunang bumaba si Raven at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse. Nakangiti pa siya.
Nag-thank you ako sa kaniya. Sabay kaming naglakad papunta sa likuran ng bahay nila. May mga naririnig na akong ingay at mga sari-saring tunog. Agad akong nailang, marami yata silang bisita.
Nang makarating na kami sa likod ng bahay nila ay bumungad sa amin ang napakaraming bisita. Marami ring handa ang nakalagay sa ibabaw ng lamesa, karamihan sa mga pagkain na 'yon ay hindi ko alam. Isa lang yata ang alam kong pagkain doon, spaghetti. May apat na cake at iba-iba ang flavor no'n.
"Wave, let's go there." Tinuro ni Raven ang isang bakanteng lamesa na mayroong apat na upuan. Naglakad kami papunta roon at naupo.
"Ang dami niyo palang mga bisita." Umiling naman si Raven.
"Close friends lang invited. 'Yung mga kaibigan ko nga wala pa rito." Nakangiti niyang sagot sa akin. Nakakatuwa talagang kasama si Raven, para siyang masyadong masayahin. Ilang beses kaya sa isang taon siya magalit? "Wait lang, Wave. Tawagan ko lang mga kaibigan ko."
Tumango lang ako sa kaniya, tumayo na siya at pumasok sa loob ng bahay nila. Ilang minuto pa ang nakalipas, hindi pa rin bumabalik si Raven kaya naman tahimik ko nalang na pinagmasdan ang mga tao sa paligid ko. Masaya silang nag-uusap.
Maya-maya ay isang babae ang naupo sa upuan sa harapan ko. Maganda siya, wavy ang mahaba niyang buhok at nakasuot siya ng kulay pulang dress. May matangos siyang ilong at mapupulang labi, maganda rin ang mga mata niya.
Nakatitig lang siya sa akin at bahagyang nakangiti. Ganoon din ang ginawa ko, ngumiti nalang din ako sa kaniya. Hindi siya nagsasalita at nahihiya naman ako kung ako ang magsisimula ng usapan. Hindi naman kami magkakilala, baka isipin niyang feeling close ako.
"Anong name mo?" Nagulat ako nang bigla siyang magtanong sa akin. "I'm Rianon, you can call me Ria." She even offered her hands for shake hands. Nang tinanggap ko ang kamay niya ay sobrang lambot no'n.
"Ako si Wave," sabi ko. Ngumiti siya nang malapad sa akin, bumitaw na kami pareho bago siya tumayo at lumipat sa upuan na nasa tabi ko.
"Your name is unique, Ate Wave."
Awkward akong ngumiti sa kaniya, hindi ko alam kung paano ko sasaluhin ang compliment niya sa pangalan ko. Sino ba 'to? Bisita rin ba siya nung kapatid ni Raven? Baka kaibigan niya?
Hindi ko tuloy maiwasang mag-isip kung anong itsura ng kapatid ni Raven. Magkamukha kaya sila? Mabait din ba siya?
"Nasaan na ba si Raven," mahinang bulong ko.
Maya-maya pa ay may dalawang babae at tatlong lalake ang dumating. Nagpaalam naman sa akin si Ria na lalapitan daw muna niya 'yung mga dumating. Siguro mga kaibigan niya o kakilala niya. Lumapit siya sa mga 'yon at masayang nakipag-usap sa kanila. Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nag-text kay mama para sabihing nandito na kami sa birthday ng kapatid ni Raven.
Agad namang nag-reply si mama sa text ko at sinabing mag-ingat ako. Mag-enjoy lang daw ako at umuwi agad pagtapos ng birthday ng kapatid ni Raven.

Book Comment (6)

  • avatar
    AcebedoJessiett

    good

    15d

      0
  • avatar
    VuKim

    Bắc ff

    07/07

      0
  • avatar
    nkkwlln

    update po hehehe, nakakakilig ang bitin lang huhu

    29/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters