logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7

"Ang galing niyo po!" Nag-okay sign lang ako. Ang dami ring nagpapa-picture sa akin.
Hinanap ko si Phythos nang makitang wala na siya sa pwesto niya kanina.
Nang makita ko, nakangiting naka-thumps up ito sa akin. May iba ring nagpapa-picture sa kanya. Syempre, dahil gwapo siya.
Ilang sandali lang ay lumapit na ito sa akin.
"Hey, people! Tapos na ang show. Bukas naman!" sigaw niya sabay akay sa akin.
"Ay! Sayang!" Kita ko ang panghihinayang nila.
"Sa wakas!" Napahinga ako nang maialis na ang dambuhalang costume.
I'm so tired, but I'm also happy!
"Ang galing mo pa lang sumayaw. Ang dami mo na agad tagahanga." Pagod akong umupo. Hinayaan ko lang siya nang isuot sa akin ang mask ko.
"Yeah, of course because I'm an ar—" Napatigil ako.
"Because?" Napakunot-noo siya.
"Because I love watching videos of different artist." Muntik ko nang masabing artist ako.
"Ahm, tara!" Inilahad niya ang kamay niya.
"Saan?" tanong ko.
"Kakain. Bakit hindi ka pa gutom?"
"Gutom ako, syempre!" Napatawa naman siya. Agaran kong inabot ang kamay niya para makatayo.
"Saan tayo kakain?" tanong ko. "I don't like food chains in mall," agad kong sabi.
"Mabuti naman." Ginulo niya ang buhok ko. "Hindi kakasya ang pera ko, wala pa tayong sweldo."
"Then, saan tayo kakain?" kulit kong tanong.
"Basta, may alam ako. Masarap dun!" Mukhang sobrang saya niya. Kaya napangiti na rin ako.
Pumasok kami sa may kaliitang pagkainan. Malapit lang sa mall. Marami ngang kumakain.
"Dito ka muna. Mag-order lang ako." Agad akong kumapit sa laylayan ng damit niya para pigilan siya.
"Are you really sure, the food is safe here?" hirap kong tanong.
"Oo nga, magtiwala ka sa akin. Kahit maliit ito, sigurado naman akong malinis ang luto nila," kumpyansang sabi niya. Nakahinga na rin ako sa sinabi niya.
Sana nga, totoo.
Pinanood ko lang siyang mag-order. May mga malalaking kaserolang binubuksan niya at itinuturo. Doon siguro nakalagay ang mga ulam.
Ilang minuto pa ako naghintay. "Kain na tayo!" Nilingon ko siya. May dala-dala na siyang tray ng pagkain.
Tiningnan ko ang mga pagkaing in-order niya.
I'm not familiar with it.
Pinanood ko lang siyang kumakain. Panay nga ang subo niya. Halatang gutom na talaga. Pagkaraan, ay tumingala siya sa akin.
"Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong niya.
"Ahm, I'm not familiar with the food. I don't know if I should eat it or not." Pag-amin ko. Ayaw ko namang magsinungaling.
"Kumain ka na, they are edible okay? Edi, sana namatay na lahat ng kumakain dito." Nilagyan niya ng ulam ang plato ko. Wala na rin akong nagawa kundi kumain. Nahihirapang nginuya ko ang unang subo ko hanggang sa unti-unti kong nalasahan.
Napangiti ako. Masarap!
"Wow, it's delicious!" manghang sabi ko.
"Oh, diba? Wala ka kasing tiwala sa akin, eh." Nag-okay sign ako at sunod-sunod nang sumubo.
I'm so hungry. Dala na rin siguro ng pagod.
"Dahan-dahan!" Natatawang awat niya pero dire-diretso lang ako sa pagkain.
I never tasted delicious foods like this.
"I'm so full!'' masayang sabi ko habang hinihimas ang tiyan ko.
I don't know how many cups of rice I just ate.
"Ang takaw mo pala, hahaha!" Tumatawang kantyaw niya.
"Syempre, gutom ako, eh." Paliwanag ko. Napailing-iling lang naman siya habang natatawa pa rin.
Nakuha naman ang atensyon ko. Ang dalawang baklang nagtutulakan sa katabi naming lamesa.
Pagkaraan, ay lumapit na sa amin. O, I should say kay Phythos.
"Hi Phythos! Pwede ba kaming magpa-picture?" pipikit-pikit pang tanong nila. Nagpapa-cute.
"No," diretsahang sagot niya. Nalaglag ang panga ng dalawang bakla.
"Why, naman papa Phythos?" malambing nilang tanong. Hinaplos pa ang braso ni Phythos. Napangiwi ako.
"Because, my girlfriend is watching. I don't want her to get jealous." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Nalipat ang tingin sa akin ng dalawang bakla. Naningkit ang mga mata nila.
"Oh, I'm sorry papa Phythos. Akala kasi namin wala ka pang girlfriend." Tinaasan muna ako ng kilay at sabay na nag-walk out.
Nakasimangot ko siyang sinuntok.
"What?" Tumatawa kasi ito.
"Nakakainis ka!" sigaw ko. Tumatawang umiilag lang ito sa akin.
"Ahm, excuse me." Napatingin ako sa isa na namang baklang lumapit sa amin.
"Will you also take a picture with him? Go ahead, I'm not his girlfriend." Inunahan ko na. Nanlaki ang mata ni Phythos sa akin pero dinilaan ko lang siya. Belat mo!
"I'm not gonna take a picture with him. May i-o-offer lang ako sa kanya." May iniabot siyang calling card kay Phythos.
"I'm a talent scout, by the way. Gwapo ka, pwedeng modelo o artista. I can help you para sumikat." Nanlaki ang mata ko. A talent scout!
"No, I'm not interested," walang buhay na sagot ni Phythos at agad ibinalik ang calling card.
"But—" Hindi ko na narinig ang iba pang sinasabi ng bakla dahil hinatak na ako ni Phythos.
Tinanggal ko 'yon nang tuluyan na kaming makalabas.
"Grabe ka naman dun! Pagkakataon na 'yon, pinakawalan mo pa." Hindi niya ako pinansin at basta na lang umupo sa isa sa mga waiting shed. Umupo na rin ako sa tabi niya.
"Simpleng rason, dahil ayaw ko," seryosong sabi niya. Halata pa rin ang disgusto sa mukha niya.
"Eh, bakit ayaw mo? Kapag ganun ang naging trabaho mo. Hindi ka na maghihirap."
"Marami ka ngang pera, pero hindi ka naman magiging masaya. Hindi ka malayang makakapasyal. At saka marami ngang magmamahal sa iyo pero sigurado ka bang mahal ka talaga nila? Iyong totoong ikaw." Napanganga ako sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.
Tinatamaan ako.
"Tignan mo ang mga babaeng 'yan." Turo niya sa grupo ng mga kababaihan na nakatingin sa pwesto namin. Base sa itsura, halatang kilig na kilig ang mga ito.
"Anong meron sa kanila?" tanong ko.
"Kilig na kilig sila sa akin. Kasi sobrang gwapo ko." Humalakhak siya pero hindi ako natawa. Mataman lang akong nakatingin sa kanya. Merong mali sa tawa niya, hindi siya masaya. Malungkot ang mga mata niya.
"Yang mga babaeng 'yan, tumitingin lang sila sa pisikal kong anyo. Gusto nila ako kasi gwapo ako pero kapag nalaman nila kung sino talaga ako. Sa likod ng mukha ko. Sa tingin ko hindi na nila ako magugustuhan. Sino namang babaeng magkakagusto sa lalaking gwapo nga pero wala namang pera? Diba, wala!" I don't want to say. Kasi, technically tama naman siya. Almost everything now revolves around money.
Napabuntong-hininga siya. "Alam mo kung bakit ayaw kong mag-artista."
"Bakit?"
"Kasi, ayaw kong mahalin ako dahil sa itsura ko. Gusto kong mahalin ako, kung sino talaga ako."
My heart ached at what he said. It hurts, because I'm an artist and I always love fame. 
Then, here he is. Telling me, how he doesn't like to be like me.
"Mas gusto kong maging buwan. Kasi hindi kumukupas ang ganda at lahat ng tao gusto ito." Napatingala na rin ako. Ang ganda nga.
I never had time to see how beautiful it is. For how many years? I have been so busy with my showbiz life. I forget to appreciate simple things like the moon.
"Thank you," wala sa sariling sabi ko.
"Para saan?" tanong niya.
Hindi ko siya nilingon at nanatili ang tingin ko sa buwan. "Because, it's just one day but you taught me many things. I'm really thankful meeting you."
"I'm also thankful because you're with me," turan niya.
Napangiti ako at nilingon na siya. "Friends?" Itinaas ko ang nakakuyom kong kamao.
"Friends." Natatawang idinikit niya ang kamao niya sa kamao ko.
And I felt at peace with him watching the moon the whole night.

Book Comment (128)

  • avatar
    BeltranGeneva Olive

    nice story i love it

    7d

      0
  • avatar
    Mel Mijares

    ngayon kolang to napanood buti na lang dinawload koto

    25d

      0
  • avatar
    Kiel Esteban

    nice

    25d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters