logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4 OTHER MAN FROM ORPHANAGE

Sakay ng kaniyang mamahaling Volkswagen ay taas-noong lumabas si Rana sa kaniyang sasakyan. Mula sa kinatatayuan ay tinanggal niya ang suot-suot na aviator shades at isinuksok sa manipis na panloob na tenernuhan ng lampas tuhod na gold-beaded coat. Pasimpleng tinitigan niya ang harapan ng kompanyang matagal na pinagtrabahuan ng kaniyang ina.
Sa labas pa lang ay kitang-kita na niya ang malaking pangalan ng agency na gawa sa ginto. Nang nasa lobby na ay nakalulula pa rin ang laki at lawak ng lugar. May mga mamahaling mwebles at painting na nakasabit sa bawat sulok.
Nginitian siya ng desk clerk at binati,
"Good morning, ma'am!"
Tinanguan niya lang ang huli sabay tugon ng maikling,
"Morning."
Nang makapasok sa photoshoot studio ay inasikaso agad siya ng mga naroroon. Mula sa make-up, damit at sapin pam-paa ay nakaayon sa theme na ipalalabas na magazine.
Palipat-lipat ng pose si Rana sa harap ng kamera. All-smile na hindi niya hinihiwalayan ng tingin ang lente na nakatutok sa kaniya. As much as possible, she wants to look like the character from her past. Fresh, innocent and pure.
Ang ila-launch ng Sky Chaser Agency ay summer collection na sumasalamin sa pagiging inosente ng isang dalaga ng nasa kasagsagan pa ng transition nito bilang babae. Sa bawat click ng kamera ay nadaragdagan ang kagustuhan niyang makuha ang tamang look.
Pumalakpak ang manager niya nang matapos ang photoshoot. Halos hindi ito makapaniwalang hindi lang ang kagandahan ang napasa galing sa ina kundi maging ang skills sa pagmomodelo.
"You never changed. Nang una kitang makita si Mommy Sylvi mo pa ang hinahawakan ko. I know you have something in you, too,"papuri nito habang proud siyang pinakatitigan.
She laugh heartily. Pinagmasdan niya ang ngiting bumakas sa mukha ng Manager niyang si Mr. Tiangco. Isa itong lalaki na may pusong babae.
"The credit is all thanks to Mom. She raised me to follow the footsteps of her own path,"aniya na ang ngiti ay hindi na rin mapigilan.
Ilang minuto pa itong nakipagkwentuhan tungkol sa mga naging achievements ng ina noong ito pa ay modelo ng naturang agency. At wala siyang magawa kundi ngumiti nalang ng mapait sa mga lumalabas sa bibig ng Manager. If only her Mommy didn't die, she could see it herself how her daughter strive to maintain that legacy.
Nang matapos na ang halos ilang minutong pagkukwentuhan ay lumabas na ng agency si Rana. Halos segundo lang ang pagitan nang pumarada ang sasakyan niya. Binuksan agad ng driver ang pintuan ng backseat.
"Pasok na ho kayo, ma'am,"magalang na anito.
Nanibago naman siya sa pagiging magalang ng driver at sa bilis ng pagpapatakbo nito. At halos matawa siya nang maalala kung paano niya ito binantaan kahapon. 
Natatawa siya pero ibinunton na lamang niya ito sa pagkuyom ng mga kamao. Hangga't maaari ay hindi niya hahayaang maging babaeng mababaw sa mata ng sinuman dahil ayaw niyang kayan-kayanin lang siya ng lahat.
Bumaling siya sa driver,
"Teka lang manong. Can you please take me to the Child Support Orphanage first?"aniya sa driver.
"Yes, ma'am."
Ang tinutukoy ay ang bahay-ampunan na matagal nang sinusuportahan ng ina. Mula nang magsimula ang Mommy Sylvi niya sa pagmomodelo ay naroon na ang kagustuhan nitong tumulong sa iba pang mga bata na walang mga magulang. Mag-isa nitong itinaguyod ang pamilya nila dahil nang mabuntis ito ng ama ay bigla na lamang sila nitong iniwan kaya nagsikap ang Mommy Sylvi niya at kahit nang hindi pa masyadong malaki ang sweldo nito ay binibigyan na nito ng atensyon ang mga batang napalapit na sa loob nito. Dahil tulad ng mga batang iyon ay galing din sa orphanage ang ina niya.
At hindi ito niyon inilihim sa kaniya.
Nasa memorya pa niya ang lahat ng magagandang paalala nito patungkol sa mga nararapat niyang gawin sa buhay at hindi nito kailanman nakaligtaan na idagdag na ang bawat bata sa mundo ay may karapatan sa magandang buhay sa hinaharap.
Hindi nito binitawan ang pangarap na mamanahin niya ang itinanim nito at mas palalaguin pa. Tunay na napakabait ng ina pero magkaiba silang tao. May sariling pagkukusa ang kaniyang ina at purong pagkakawanggawa at pagtulong sa kapwa ang nasa puso habang siya ay ipinagpapatuloy lamang ang nasimulan nito.
"Andito na po tayo, ma'am,"iyon ang sabi ng driver na nagpagising sa natutulog na diwa ni Rana.
Nagpalinga-linga siya at inayos ang sarili. Binuksan ng driver ang pintuan sa tabi niya at walang sali-salitang umibis siya ng sasakyan.
Malaki ang bahay-ampunan na pinasok niya. Mula sa labas ay kitang-kita niya agad ang ilang mga madre na nag-aasikaso sa maraming numero ng mga bata na nasa 1 year old hanggang 12 years old. Mukhang may reading session na nangyayari dahil isang madre ang nasa harapan habang may dalawang bata namang nag-volunteer sa gilid nito na tila nire-reenact ang mga pangyayari sa kwento.
"Good morning, Mother Lily,"aniya sa unang nakitang matanda na nasa gilid lang ng pinto habang nakatanaw sa mga bata. Yumukod pa siya upang ipakita ang malaking paggalang sa matanda. 
Napatingin ang matanda sa gawi niya at nginitian agad siya nito.
"Oh, ikaw pala iyan hija?!"
Inakay siya nito papasok sa loob ng ampunan.
Nakangiting lumapit sila sa mga bata ngunit dahil tutok na tutok ang mata ng mga ito sa panonood ay hindi sila nito napansin kung kaya ipinalakpak ni Mother Lily ang mga kamay upang kunin ang atensyon ng mga bata.
"Mga bata, andito si Ate Rana ninyo!"
Napatingin sa kaniya ang mga bata. Namilog ang mga mata ng iilan samantalang may iba naman ay napaismid lang.
"Do you want to play kids?"aniya sa palakaibigang tono.
"No. Not without doing the household chores first,"sabat ng isang boses.
Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses at nakita niya ang isang batang babaeng nakapameywang habang mataray na nakaharap sa kaniya.
"And who says that? Diba kapag pumupunta ako dito, ganoon naman ang routine natin? Kids,"aniya na pinagduldulan sa kausap na siya ang masusunod dahil mas may gulang siya kumpara sa mga ito.
"Kuya Nate said it would be very appreciative to help the nuns to do household chores than to play games,"tugon ng bata na pinapantayan ang intensidad ng talim ng paningin niya.
Natawa siya sa malakas na pagtataray ng bata. Noon na man kahit gaano kataray ang ibang batang nasa ampunan at hindi niya masyadong nakakasundo ang iilan. Even once, nobody ever talk back at her. Just at this very moment. And it's because of that Nate-guy words.
Gigil na napapangisi siyang napatingin sa batang nagtataray kanina.
"Okay so now since you are done with your reading session, might as well clean the comfort rooms,"aniya sa mapang-asar na tono.
"And why would I do that?"napamaang na ani ng bata.
Tinaasan niya lang ito ng kilay at inginuso ang kalapit na kubeta.
"Make your Kuya Nate even prouder."
Inis na nagpapadyak ang mataray na bata sa sahig at bumubuka-sasara ang bibig nito habang kumukuha ng mga gamit pang-utility.
Nakangiting bumaling naman siya sa ibang bata.
"Okay kids, let's play in the lawn!"aniya sa mga bata.
Pailing-iling niyang tiningnan ang batang nagtaray sa kaniya kanina. Bumubulong-bulong parin ito at magkasalubong ang kilay na nagkukuskos sa comfort rooms.
Look at what Kuya Nate's words did to you? How pathetic.

Book Comment (82)

  • avatar
    Jay M Pineda

    nice

    24/08

      0
  • avatar
    Jecker Lama

    ganda

    21/08

      0
  • avatar
    Kevin Sibucao

    JUSTIN

    13/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters