logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 5

SIA'S POV
Nakarating na kami sa school hindi ko alam ano'ng trip ng taong yon. Nauna na akong lumabas dahil maghahanap pa siya ng pagpa-park-an at nagsimula na rin akong maglakad. May ilang babae na masama ang tingin sa akin at may ilang lalaki na lumalapit sa akin o tamang sabihing nang ha-harass sila.
"Back off dude, she's mine," sabi nung lalaki na may pagka shaggy pa ang ayos ng buhok at hawak-hawak ang kamay ko.
"Let go," sabi ko naman.
"Don't be shy Alessia, I know you like me. Hindi mo kasama yung lalaking sinayaw mo nung first and last dance mo." So kilala nila ako dahil ako ang 'princess' ng campus.
"No dude, he likes me and not you," sabi nung isa na medyo disente ang ayos pero hindi ang ugali dahil marahas niya akong hinihila.
"I SAID LET GO," napapitlag sila sa lakas ng boses ko at tila narinig ni Jace ang sigaw ko kaya tumakbo siya palapit.
"Don't touch my woman or you'll never have a chance to say goodbye to your love ones." Napatitig ako sa kaniya dahil sa mga sinabi niya. Yung para ba siyang papatay dahil inaagaw or hina-harass yung girlfriend niya. Natakot naman ang mga lalaki na nag-aagawan sa akin at kumaripas ng takbo.
"I owe you," sabi ko sa kaniya.
"You can pay for it now."
"How?" tanong ko sa kaniya.
"Let's make it official, I'm yours and you're mine."
"Let's make it official, I'm yours and you're mine."
"Seryoso ka? Eh, hindi ka pa nga nanliligaw." Ewan, pero imbis na sabihin ko ay kakakilala pa lang namin ay iba ang sinabi ko, na parang gusto ko naman talagang maging kami I mean parang yun yung sinisigaw ng puso ko at yung isip ko naman nagtatanong kung bakit.
"Eh di, liligawan kita," ngiting-ngiti pa siya ng sinabi niya yo'n.
"Bahala ka, kausapin mo si Mommy," mataray na sagot ko pero sa totoo lang parang gusto lumukso ng puso ko sa tuwa sa hindi ko malaman na dahilan.
"Sure," nag beautiful eyes pa siya kaya lalo siyang pumogi.
Owemji, Sia, seryoso ka papaligaw ka samantalang kailan mo lang siya nakilala?
Manahimik ka, yo'n ang gusto ng puso ko kaya yo'n na lang rin ang susundin ko. Kumokontra ang isip ko pero, oh well, masaya ang puso ko kaya ayos na rin.
Dahil parang wala ng ibang pumapasok sa isip ko kung hindi ang mga sinabi ni Jace ay natalisod ako. O tamang sabihin na tinalisod ako.
"What's your problem?"
"You." Sino pa ba? Siyempre si Scarlette the bitch.
"Oh! Sorry dear, hindi ko alam na ganoon na pala ako ka-importante para problemahin." Naramdaman ko ang presensya ni Jace sa likod ko at alam kong nag-iinit siya.
"Sino na---"
"Hep!" Tinaas ko pa ang kamay ko tanda ng pag-awat sa kaniya. Tinalikuran ko siya para harapin si Jace.
"Jace, doon ka muna, I'm going to finish my business here." Nararamdaman kong ayaw niya umalis pero umatras siya sa kung saan kita niya pa rin ako.
"I hate you."
"I already know that, besides, I don't need you to like me. Sabi nga nila, if someone hates you, it means they're beneath you. Sorry dear, I won't stoop down to your level; try harder." Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis ngunit peke ang mga iyon. Akmang lalapit siya pero itinaas ko ang kamay ko kaya napatigil siya.
"Your attitude may harm me, but mine has the capability to kill you. Don't test my patience." I raised one of my eyebrows and gave her a death glare.
Pinaikot niya ang mga mata niya at pagkatapos ay naglakad palayo sa akin kasama ang mga alipores niya. Nagpasimula akong maglakad palapit kay Jace para makapasok na kami sa klase.
NAIHATID na ako ni Jace sa house namin at pinauwi ko na rin siya sinabi ko na bukas na lang siya magpaalam kay Mommy. Papasok na sana ako ng makita ko na may ibang tao sa house.
"Ate, bakit dinala mo na siya agad dito? Hindi pa pwede," alam kong boses iyon ni Mommy.
"Zoey, hindi pwedeng ikaw na lang lagi masusunod, kailangan na nila magkita. Nasa tamang gulang na siya at matagal-tagal na rin kaya anoman ang mangyari ay magiging ayos lang ang lahat," sabi naman nung kausap ni Mommy. Pakiramdam ko narinig ko na ang boses na iyon pero hindi ko matandaan kung sino, saan at kailan iyon.
"Pero, ate,"
"Mom I'm home, sino po yung---" napatigil ako dahil may isang batang nasa anim o pitong taong gulang ang bigla na lang yumakap sa akin.
"MOMMMMYYYY," sabi ng bata na hindi pa rin humihiwalay sa akin.
"A-anong M-mommy? Mom, ano sinasabi nito? And sino po yang katabi mo?" tanong ko na ang tinutukoy ay yung kausap niya kanina at ang batang nakayakap sakin.
"Ahh baby, ate ko 'to, si Tita Zyanna mo tapos y-yang baby ano---"
"Alaga ko yan, pinaalagaan sa akin," pagpapatuloy ni Tita Zyanna sa sinasabi ni Mommy.
"Ano po name?" tanong ko at umupo ako para makatapat ko yung batang yumakap sa akin.
"Reika Aleesha, Alee for short."
"Hi Alee, ako naman si At---" napatigil ako dahil ng makita ko siya ay parang sarili ko ang tinitignan ko dahil magkamukha kami.
"Mommy," niyakap akong muli ng pitong taong gulang na batang kamukha ko. Dalawang bagay lang nararamdaman ko saya at kirot. Saya dahil para bang kilala ko siya at di lang basta kilala kundi malapit sa akin. Kirot sa hindi ko malamang dahilan pero para bang ang sakit-sakit.
Hindi ko alam pero bigla kong naitulak ang batang nakayakap sa akin.
"Sia, bakit mo siya tinulak?" Tumulo ang luha ko ngunit hindi ko alam bakit. Hindi ko alam bakit pakiramdam ko nadudurog ang puso ko.
"H-hindi ko po alam, Tita, p-pero bakit may kirot? B-Bakit ang sakit?" naoahagulgol na ako. Napahawak ako sa ulo at puso ko, sabay itong sumasakit.
Si Alee na hawak-hawak ni Tita Zyanna ay biglang kumawala sa kaniya at lumapit sakin para lamang punasan ang mga luhang naglalandas sa aking mukha.
"Mommy, if may ginawa po ako sorry," nangingilid na rin ang mga luha niya. At biglang yumakap sa akin.
"Sabi ko kasi sayo, Ate, dapat hindi muna kayo nagpakita, makakasama lang," bulong ni Mommy sa kapatid niya pero sapat para maintindihan ko.
Tinanggal kong muli pagkakayakap niya sa akin.
"Hindi mo ako Mommy," sabi ko sa kaniya sa malungkot pero parang galit yung boses ko. Kusa iyong lumalabas sa hindi ko malamang dahilan. Bigla siyang pumalahaw ng iyak at tumakbo kay Tita.
Hindi ko alam pero nasasaktan ako pag lumalapit siya o kaya hawakan man lang niya ako pero bakit mas nasasaktan ako ng makita kong grabe ang iyak niya sa sinabi ko.
"Sia, ano ba yang ginagawa mo?" Napatingin ako kay Mommy, as far as I remember this is the first she raises her voice while talking to me.
"M-Mommy, s-sino ba siya? B-bakit ganon? B-bakit ako nasasaktan? B-bakit para akong sinasaksak? B-Bakit ang sakit?" Hindi na nila nahintay pa ang sagot ko nang tumakbo ako papasok sa kwarto ko at nagkulong.
Inabot ko yung phone ko, tatawagan ko na lang si Jace, siya lang naman friend ko dito eh. Ilang ring lang ay sinagot niya na iyon.
"Yes, baby?" bungad niya sa akin. Pinipilit kong huwag kumawala ang hikbi pero hindi ko mapigilan yo'n.
"Princess, bakit ka umiiyak?" tanong niya na may halong pag-aalala sa boses.
"P-pwede ba tayo magkita?"
"Ngayon na?"
"Y-yes, let's meet up sa Marina Bay Sands. M-may water show ngayon do'n."
"Sunduin na kita."
"NO," napasigaw ako dahil na rin siguro sa taranta, "Pasensya na."
"Ayos lang yo'n, baby."

Book Comment (7)

  • avatar
    Rico Guinto

    oka

    26/07

      0
  • avatar
    Angela Zamora

    this is really amazing story for me

    11/06

      0
  • avatar
    CabingatanHavanna

    good

    26/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters