logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 4

SIA'S POV
"Malulunod na yata ako," sabi ni RJ sa akin.
"Ang lalim kasi ng iniisip mo," dugtong pa niya, "Ano ba gumugulo sa'yo?"
"None of your business," mataray at pabiro kong sagot.
"Tell me please, please!" pangungulit niya sa akin.
"Hmm..." Naghintay siya sa pause ko.
"Aalis na raw kami ni Mommy," sagot kong muli sa kaniya. Napatingin sa amin ang iba pa naming kaibigan at lumapit ang mga chismosa't chismoso.
"Ano!?" pabungad ni Ains. "Bakit naman?" sabi niya with high pitched na boses.
"Ains, ang OA ng reaction mo," singit ni RJ.
"Ewan pero if ever lang naman na totoo gusto ko umalis," paliwanag ko sa kanila.
"Pero bakit pa? Maganda naman na buhay niyo dito? Bakit pa kayo aalis?" malungkot na sabi ni Hayden.
"Hindi ko alam, walang sinasabi si Mommy kung bakit."
"Iiwan mo na kami Reine?"
"Isa ka pang OA, Lexa," pambabara muli ni RJ.
"Ang epal mo, RJ," singit ni Adrian.
"Ano na Reine? Iiwan mo kami? Akala ko ba forever tayo magkasamang anim?" madramang sunod-sunod na tanong ni Lexa.
"Basta," sabi ko. "Kung totoo man gusto ko talaga umalis at wala rin naman ako magagawa. At isa pa maganda naman kasi sa Singapore," paliwanag kong muli sa kanila.
"Bahala ka nga Reine mang-iiwan ka!" galit na sabi ni Lexa.
"Di ka na namin bati, di ka na namin kakausapin," dagdag pa Ains.
"Iiwan mo kami, at mas pipiliin mo pang umalis kahit masaya na buhay mo dito," dugtong naman ni Adrian.
"Hindi ka na namin friend. Mang-iiwan ka," segunda naman ni Hayden.
Nakita ko ang mga mata nilang sarado, nagtatampo sila sa akin.
"Wag naman kayong ganyan, Lexa, Hayden, Ains, Adrian!" Tumingin ako kay RJ, "RJ, tulungan mo naman akong magpaliwanag sa kanila," nakikiusap na sabi ko.
Kasing bilis ng putok ng baril, tinalikuran nila akong bigla.
"Hala, hoy," tawag ko sa kanila.
Hindi sila gumalaw, nanlamig ang buo kong pakiramdamm natakot ako.
"Hoy!"
Naging mabigat ang puso ko, ang mga kaibigan ko.
"RJ?" Lumalayo sila.
"Lexa, Hayden?" Tinalikuran nila ako.
"Ains, Adrian?" Bakit nila ako iiwan?
"W-wag niyo kong talikuran, 'WAAAAG!"
"Sia, gising nananaginip ka,"
Dinilat ko ang aking mga mata, hinahabol ko ang aking hininga. Sa boses ni Mommy nagising ako. Tiningnan ko si Mommy at may pagaalalang nakapinta sa kaniyang mukha.
"Sia, what happened?" tanong ni Mommy.
"It's just a dream, Mommy, i-i-it's just a dream," sabi habang habol ang aking hininga. "I-I don't know if it's true."
"May mga bata--- Di ko sila maalala--- yung mga batang kausap ko, hindi ko sila maalala, s-sino sila? S-sino sila?" paulit-ulit kong sabi.
"Sinasabi kong pupunta kami sa Singapore ng Mommy, yun yung sinabi ko t-tapos nagalit sila, b-bakit? T-tapos tinalikuran nila ko, nagalit sila, t-tinalikuran nila ako. Mommy, b-bakit ako nanaginip ng gano'n?" Hindi ko maikuwento ng maayos ang panaginip ko, ang gulo ang gulo ng lahat.
"I don't know, baby," sabi ni Mommy ng malumanay niyang boses. "Sometimes talaga may mga napapanaginipan tayo na dahil lang sa kakaisip natin or may napanood tayo na konektado sa ganun."
"I don't know Mommy, iba pakiramdam ko. P-pakiramdam ko kilala ko sila. H-Hindi ko maintindihan, Mommy. H-hindi sila maalala," sabi ko na medyo nakakahinga na.
"Sino ba yung mga kausap mo sa panaginip mo?"
"Di ko sila maalala pero nabanggit na name ay RJ, Lexa, Hayden, Adrian, at Ains. Kilala mo po ba sila Mommy?"
Nakatingin si Mommy somewhere else, nagiisip.
"No, I don't know them. Just relax Sia, don't think too much it will harm your health, magpahinga ka muna at kumalma. Lalabas muna ako ipaghahanda lang kita ng food may pasok ka pa, wag mo na isipin yo'n ah. Mag-asikaso ka na at susunduin ka raw ni Jace," sabi niya.
"Yes, Mommy, I'll stay here sa room po muna."
Hindi pa rin ako nakakamove-on sa panaginip ko. Bakit mga na hindi ko na maalala? Lalo na patungkol sa pagkabata ko. Sa panaginip ko I'm only 7 or 8 years old siguro kasi sobrang bata ko pa doon at parang same lang dun sa naging panaginip ko before. Nagka-memory lost ba ako?
Hindi ako mapakali kaya kinuha ko yung journal ko at nagpasimulang sumulat.
Ano nga na naman ba ang nadarama ko
Bakit tila wala ng katapusan 'to
Panaginip nga lang ba ang bagay na yo'n
O totoong naganap sa buhay ko ang pangyayaring yaon
Bakit may mga detalyeng hindi ko maalala?
Ano bang nangyari sa akin sa nakaraan?
Bakit sa bawat oras na lumilipas tila ako'y laging kulang?
Bakit hindi ako nakumpleto?
Dahil ba sa mga alaalang nakalimutan ko?
Bakit sa bawat tanong ko wala akong makuhang sagot?
Ano nga ba ang salitang masalimuot?
Ganoon ba maipapaliwanag ang buhay ko?
Bakit puro na lamang ako tanong?
Kailan ko ba makukuha ang sagot?
Kailangan ko ng tulong
Kailangan ko ng sagot
Hindi maaaring manatili ang buhay ko dito
Hindi maaari na matapos ang buhay ko ng hindi nasasagot ang bawat tanong
Lubhang masama ang loob ko bakit pinahihirapan ako ng ganito
Ito ba ang sakit na ikamamatay ko
Ano nga ba ang sakit ko?
Bakit wala akong maalala sa nakaraan ko?
Nakikiusap ako gusto kong malaman ang sagot
Ayaw kong matapos ang buhay ko ng ganito
Gusto ko ng payapang buhay
Gusto ko bago ako mamatay
Makamit ko ang kasagutan bago ako ilibing sa hukay
~Reine
Maraming gumugulo sa isip ko. Hindi ko maunawaan kung ano'ng nangyayari sa akin. May iilang detalye ako na hindi ko matandaan na para bang ng mga taon na yon ay hindi ako nage-exist.
Napatigil ako sa pagsisintir ng mapadako ang tingin ko sa orasan. Nagsimula akong kumilos at pilit na winawaksi ang anomang isipin na aking naaalala.
NATAPOS na ako sa paggayak pati gamit ko naayos ko na at nakakain na rin ako. Maya-maya lang ay may bumusina na sa harap ng house namin.
"Mom, I'll go na po," pagpapaalam ko sa kaniya.
"Okay, ingat ha," sagot naman niya.
Paglabas ko ng house nakita ko si Jace na nakasandal sa sasakyan niya. Ang ganda ng car niya tapos convertible pa.
"Yow," bati ko sa kaniya.
"Come, we're going to school," pagyaya naman niya.
Sumakay na ako sa car niya at pinasibad niya na iyon.
"Ang ganda mo pa rin kahit ano'ng suot mo." Bakit parang kinikilig ako?
"Shhh! wag kang magulo kinikilig ako," napasapo ako sa noo ko ng biglang sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi. Bakit ko naman kasi sinabi yon?
"Ayos lang yon baby, ako nga di ka pa man nagsasalita kinikilig na ako," may pakindat pa sya kaya para akong nag-apply ng blush on.
"Seriously, baby? Ano ka si Mommy?" sabi ko sa kaniya para mawala ang pamumula ko.
"I am not your mother nor your father but I am your---" pambibitin niya.
"What?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Your future husband," kumindat na naman siya. Feeling ko mas namula ako ron. Wala pang isang buwan mula nung makilala ko siya sa prom pero hindi ako naiilang sa kaniya kahit na parang ang FC niya.
"Dream on, Raziel Jace," pero sa totoo lang kinikilig ako ewan ko ba kung bakit. Alam niyo yung feeling na parang sinabi sayo ng long-time crush mo na crush ka rin niya pero higit pa roon yung kilig na nararamdaman ko.
"Dreaming of you, my princess," sabay kindat sa akin, para na kong sasabog dahil pulang-pula na ako, seriously ang landi pala ng taong 'to.
"Ang landi mo," asik ko sa kaniya para lang itago yung totoo kong nararamdaman. At imbis na sumagot ay tinapakan lang niya ang preno para magkaroon ng pagkakataon na dumukhang at halikan ako sa pisngi.

Book Comment (7)

  • avatar
    Rico Guinto

    oka

    26/07

      0
  • avatar
    Angela Zamora

    this is really amazing story for me

    11/06

      0
  • avatar
    CabingatanHavanna

    good

    26/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters