logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 3

SIA'S POV
Sinisikap ko imulat ang mga mata ko pero napakabigat ng mga ito na kahit ano'ng subok kong buksan ay kusa itong sumasara.
Tinigil ko ang pagpipilit na buksan ang mga mata ko ng marinig ko si Mommy at Jace na nag-uusap. Gusto kong pakinggan kung anomang pag-uusapan nila.
"Tita Zee, ano po ba nangyari kay Reine?" tanong ni Jace.
"Rj, please lang Sia ang itawag mo sa anak ko," pakiusap ng Mommy ko.
"Pero tita Zee iyon naman talaga ang pangalan niya," paliwanag ni Jace sa kaniya.
Hindi ko pa rin mawari ang pinag-uusapan nilang dalawa. Ang alam ko lang kailangan ko silang pakinggan para malaman ko kung ano ang nangyayari Kahit na sumasakit ang ulo ko ay sinisikap ko pa ring intindihin ang pag-uusap nila.
"Makinig ka namam RJ, pwede ba? sundin mo naman ako? Para na rin sa ikabubuti ni Sia," muling sagot ni Mommy sa kaniya.
"Opo tita, pero pwede ko na po ba malaman kung ano talagang nangyari sa kaniya?" muling pag-usisa ni Jace.
"Ganito kasi yon may na---" naputol ang sinasabi ni mommy dahil sa pagkatakok ng kung sino man. Argh!!! nakakainis naman kung sino man yung panira na yun.
"Doc, how's my daughter?"
"Miss, let's talk outside"
Ano ba yan, bakit ayaw ako pagbigyan na malaman kung ano man ang tinatago sa akin ni Mommy?
Nagulat ako ng may humawak sa kamay ko at kinakausap ako.
"Reine, gumising ka na, hindi ko alam ano'ng nangyayari pero sana maging magkaibigan tayo," sabi sakin ni Jace na may malungkot na tono at napagtanto kong umiiyak sya dahil napatakan ng luha niya ang kamay ko.
"Pangako ngayon hinding-hindi na kita pababayaan. Pumunta ako dito para lang hanapin ka dahil ipinangako ko sa iyo yo'n at tinupad ko na. Tinupad ko rin yung pangako ko na hindi kita kakalimutan," dugtong pa niya.
"Sana ganon ka rin sa akin, sana tinupad mo yung pangako mo pero ano man ang dahilan kung bakit, iintindihin kita. Kahit kailan hindi ka nawala sa puso at isip ko kasi hindi lang kaibigan ang turing ko sayo. Dati pa man ay ma---" Bigla siyang tumigil dahil bumukas ang pintuan. Napapaisip ako ano yung sinasabi niya sa dulo?
Wala na akong choice kundi sikapin na talagang magmulat dahil kahit hindi ko naiintindihan si Mommy at paramg gustong sumama ng loob ko ay ayaw ko namang mag-alala siya ng sobra. Ginalaw ko paunti-unti ang kamay ko na hawak pa rin ni Jace.
"Tita Zee, gumalaw kamay ni Reine," pagbibigay alam ni Jace.
"Sabi kong Sia diba?" may inis sa tono ng pananalita ni Mommy and he should be scared.
"M-mommy," tawag ko sa kaniya at agad namang siyang lumapit sa akin para halikan ako sa noo. Binitiwan na ni Jace ang kamay ko.
"Yes baby, may masakit pa ba sayo? Are you okay? How's your feeling?" May pag-aalala sa boses niya hindi ko pa man makita ang mga mata niyang nakatingin sa akin ay alam kong puno iyon ng pag-aalala.
"Masakit pa rin po ulo ko at nahihirapan po akong dumilat," sagot ko naman sa kaniya.
Hinimas ni mommy ang ulo ko at sinubukan ko ulit na dahan-dahang iminulat ang mata ko at nagtagumpay naman ako.
Bumungad sa aking ang mukha ni Mommy na puno ng pag-aalala. Sa paglibot ko ng aking paningin ay namataan ko si Jace di kalayuan sa amin ni Mommy at ang doctor.
"Miss Moore, I will check her again later," paalam ng doctor.
"Okay, thank you Doc." Agad namang lumabas ang doctor matapos bitawan ni Mommy ang mga katagang iyon.
"Mommy, pwede ko po ba malaman kung ano ang nangyayari? Bakit kayo magkakilala ni Jace?" tanong ko.
"Baby, we're from the Philippines, right?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya.
"Opo."
"Doon ko siya nakilala dahil magkaibigan kasi kami ng Daddy niya," sabi ni Mommy at pakiramdam ko naman ay nagsasabi siya ng totoo.
"Eh bakit kung maka-react si Jace parang nagkakilala na kami dati?" muli kong tanong.
"K-kasi p-pinakilala ka ng daddy niya sa kaniya s-sa ano, sa picture tapos sabi niya best friend mo d-dapat yan kasi magkaibigan kami ng Mommy niyan." This time naramdaman kong nagsisinungaling siya kasi mag-stutter siya. Tinignan ko si Jace sa mga mata ngunit wala akong makitang emosyon doon na marahil ay pilit niya itong ikinukubli.
"Ah okay," nakapaloob sa salita kong iyon na hindi ako pinaniniwalaan ang huli niyang sinabi.
Nararamdaman ko na mas mayroong higit pang na dahilan doon pero alam kong nagsasabi lang siya ng ganoon para rin sa sarili kong kapakanan. Sa ngayon hindi ko pa man maintindihan kung ano yung dahilan pero kilala ko ang Mommy ko, I'm the most important to her, hindi niya kayang mawala ako sa kaniya.
"Mommy, kailan pala ako lalabas ng hospital? Simpleng himatay lang naman dinala nyo na agad ako sa hospital."
"Mamaya o bukas siguro," sagot naman ni Mommy.
"Rei---" naputol iyon dahil napansin kong tinitigan siya ng masama ng Mommy ko.
"I mean Sia, paggaling ka na kasi may pasok na uli tayo sa susunod na linggo. Ikaw pa naman ang princesa ng buhay ko," sabi niya sabay kindat. Tumikhim si Mommy bago nagsalita.
"Ano ulit yon?" singit naman ni Mommy na may halong pagkastrikta ang boses. Ganyan naman yan strikta pagdating sa akin.
"I mean Tita, princess sya ng campus kaya di sya pwede mawala sa school," palusot naman ni Jace.
"Oh siya! Iwan ko muna sa iyo saglit, si Sia, bantayan mo, may bibilhin lang ako sa labas," bilin ni Mommy.
"Opo tita, babantayan ko po si Rei- este si Sia."
Lumabas na si Mommy kaya't lumapit naman sa akin si Jace at hinawakan ang kamay ko.
"Sia, naaalala mo yung nagkita tayo under the moonlight? Yung nilapitan mo ako?" tanong niya sa akin.
"Oo hindi ko makakalimutan yon," sagot ko naman na ikinangiti niya.
"Yun ang isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ko kasi sa tagal ng panahon nakita uli kita."
"Bakit nagkita na ba tayo dati?" takang tanong ko sa kaniya.
"A-ano diba sa picture lang kita nakita? Tapos ayon matatagpuan pala kita dito."
"Ahh, sino pala yung sinundan mo dito yung sinabi mo kagabi?"
"Ahh, wag mo na isipin kung sino yon." Tinignan ko siya ng mataman pero mukhang seryoso naman siya ng sabihin niya iyon kaya hindi na ako nag-usisa pa.
May dumaang katahimikan sa pagitan naming dalawa pero hindi kami nakaramdam ng pagka-awkward sa isa't isa.
"Basta tandaan mo lang ha, lagi ako na sa tabi mo. Hindi na kita iiwan at hindi na kita bibitiwan." Hindi ko man batid kung bakit ganoon ang sinasabi niya pero lumukso sa tuwa ang puso ko.
"Pangako?" hindi ko alam bakit ko sinabi yon.
"Pangako," sabay halik sa kin sa noo.
Hindi ko batid pero tila pamilyar ang mga katagang namutawi sa mga labi namin. Na para bang hindi ito ang unang beses na narinig namin sa isa't isa ang katagang iyon. Hindi ko man batid sa ngayon kung bakit ganito ang nararamdaman ko.
Kailangan ko nang tumigil sa pag-iisip ng kung ano-ano dahil sumasakit na naman ang ulo ko.
Kinantahan ako ni Jace, ang ganda ng boses niya at napapawi non ang sakit ng ulo ko kanin. Nararamdaman kong unti-unti akong hinihila ng antok dahil sa pag-awit niya. Ngunit bago pa man ako tuluyang hilahin ng antok ay muli niya akong hinalikan sa aking noo sabay bitaw ng mga katagang.
"Sleep for now my princess,"
Sure, My Prince Charming.
Hindi ko alam bakit pumasok iyon sa aking isipan ngunit bago pa man ako makapagreklamo ay tuluyan na akong hinila ng antok.

Book Comment (7)

  • avatar
    Rico Guinto

    oka

    26/07

      0
  • avatar
    Angela Zamora

    this is really amazing story for me

    11/06

      0
  • avatar
    CabingatanHavanna

    good

    26/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters