logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4

Nilalambing-lambing ko ngayon si baby Cean at mukhang natutuwa siya sa 'kin. Ni hindi man lang siya umiiyak 'di tulad kanina. Naalibadbaran siguro siya sa poo-poo niya.
"Natutuwa ako at magkasundo kayo ng little shining armor ko."
Agad kong nilingon ang nagsalitang 'yon at nakita si ma'am Clarideth. Mukhang kararating lang niya. Ngunit nang titigan ko pa si ma'am, pansin ko na parang kagagaling lang niya sa pag-iyak. Pawis din siya at animo'y hinihingal.
"Ahmm... Ma'am, nandito na po pala kayo. Gusto niyo po ba ng juice?" bungad ko na lang sa kaniya nang mailapag ko si baby Cean sa higaan niya. Akmang sasagot pa lang si ma'am nang biglang umiyak ang sanggol.
"Okay lang ako, Ericka. Mukhang need ka ng baby ko. Hmm... Sandali lang at may gagawin ako," paalam muli ni ma'am at muling lumabas. Bakit parang hindi siya mapakali?
"Sshhh... Baby tuturututu..." pagpapatahan ko sa sanggol. Umiiyak pa rin siya. Baka gutom na siya.
Agad akong tumayo at nagtimpla ng gatas sa bote niya. Nagmadali pa ako dahil medyo lumalakas ang pag-iyak niya.
"Oh ito na, oh. Tahan na, baby Cean. Sshhh... Hmm... Hmm... Hmm..." pagpapatahan ko sa kaniya. Nang mai-dede niya ang bote, marahan kong tinapik-tapik ang tigiliran ng puwet niya.
Gumaan na lang ang pakiramdam ko dahil natahan naman ang bata. Nagugutom na nga siya.
"Alam mo, ang cute-cute mo. Imagine, na-cute-an lang ako sa 'yo nung nasa mall ako pero ngayon, babysitter mo na ako. Ang cute ng coincidence natin, 'no?" Nakangiti pa ako habang nagkukwento sa walang kamalay-malay na bata.
Bigla na lang nag-ring ang cellphone kong de pindot kaya't agad kong sinagot 'yon. "Hello?"
"Hey! Ericka. Ano? Kumusta ang work?"
Si Divine.
"Ito, okay. Hindi naman ako nahihirapan. Siguro, first time ko. Pero keri lang."
"Good to know naman. Nandito na kami. Hoy, kahit malayo na tayo sa isa't isa, magchi-chikahan pa rin tayo kahit thru phone lang, ah? Na-miss kaagad kita."
"Oo na. Bye muna, aalagaan ko pa 'tong si baby Cean e. Mag-chika-han na lang tayo mamaya, okay?"
"Sige. Work ka muna. Ingat ang love you! Muah!"
Agad ko ring isinuksok ang phone ko sa bulsa ko at ipinagpatuloy ang pag-aasikaso sa bata. Hindi rin nagtagal at muling nakatulog si baby. Sinigurado ko munang mahimbing ang pagkakatulog niya bago ako lumabas ng kwarto. Hahanapin ko si manang Brenda at baka may maitulong ako sa kung ano man ang ginagawa niya.
Nagsimula akong naglakad at akmang bababa pa lang ako sa hagdan nang marinig ko ang tila paghikbi ng isang boses ng babae. Alam kong si ma'am Clarideth 'yon dahil sa tono pa lang. Pero hindi ko alam kung saan ko siya makikita dahil maraming pinto ang naririto. 'Di ko alam kung anong room ni ma'am.
"M-Manang... P-Paano...."
Nahinto na lang din ako sa kinaroroonan ko dahil sa sambit ni ma'am Clarideth. Anong problema?
Hindi ko na pinakinggan pa kung ano man ang nangyayari kay ma'am. Kahit alam kong naroroon din si manang, bumaba na lang ako at nagtingin-tingin kung ano ang mga pwede kong gawin.
Dahil naka-assign din ako sa kusina, nagsimula na akong mag-asikaso ng tatlong putaheng lulutuin ko. Dapat, ma-impress ko si ma'am sa iluluto ko. Malay ko ba kung masarapan siya? E 'di baka tumaas pa ang sahod ko, hindi ba?
Nagsimula na akong kumuha sa bawat lalagyan ng mga ingredients na gagamitin ko. Hinugasan ko ang mga 'yon at sinimulang hiwain ang mga dapat hiwain. Medyo marami-rami kaya't medyo mabagal ako.
"Hmm... Naririto ka pala. Buti naman at ikaw na ang naghahanda," bungad ni manang kaya't mabilis kong naibaling sa kaniya ang atensyon ko.
"Opo. Tatlong putahe po ang lulutuin ko para sa dinner," tugon ko. Nasulyapan kong bigla ang pagpupunas niya sa mga mata niya. "Umiiyak po ba--"
"Kailangan mo ng tulong?" singit niya.
"Sige po," tanging sagot ko sa kaniya.
Umiiyak ba si manang Brenda?
"Anong gagawin ko? Bilis at bago sumapit ang dinner time ni ma'am Clarideth," seryosong tanong niya sa 'kin. Itinuro ko naman sa kaniya ang mga iba pang hihiwain dahil ako na ang magluluto. Hindi ko na rin pang binalak na makiusyoso kung ano man ang nangyari at baka sungitan pa ako ng matandang ito.
NAKITA ko ang pag-ngiti ni ma'am Clarideth habang nilalanghap ang mga niluto ko. "Nakakagana ang mga niluto mo, Ericka. Gusto ko ang mga 'to," sabi niya sa 'kin.
"Salamat naman po, ma'am, at nagustuhan ninyo," tugon ko. Kasalukuyan kong bitbit si baby Cean dahil mukhang natutuwa 'tong bata sa 'kin.
Simula nang magising ulit si baby Cean, binuhat ko siya. Sa tuwing nilalapag ko siya, umiiyak siya.
"Oh? Ano pang tinatayo-tayo ninyo, manang at Ericka? Sabayan niyo ako," ani ma'am Clarideth.
"S-Sige lang po, ma'am. Tutuunan ko po muna si baby Cean. Mukhang natutuwa po sa pagbubuhat ko sa kaniya e," tugon ko habang si manang ay naupo naman.
"Are you sure? Sige, titirhan ka na lang namin," tugon naman ni ma'am.
"Sige po, ma'am. Salamat po."
"Manang, ano? Okay na sa 'yo si Ericka?" tanong naman ni ma'am kay manang. Nakita ko si manang Brenda na tumingin sa direksyon ko bago siya tumugon.
"Mukha namang mapagkakatiwalaan, ma'am. Sana, mapanagutan niya ang pagiging tapat niya," tugon naman ni manang.
"Opo. Kaya ko pong panagutan. Promise po't hinding-hindi ko kayo bibiguin," sagot ko naman sa kanila.
Nagpatuloy sina manang at ma'am Clarideth sa pagkain nila nang mag-ring ang cellphone ko. Medyo nagulat pa ako dahil doon. Kahit kailan talaga 'tong si Divine!
"Mukhang importante yata ang tawag sa 'yo?" seryosong tanong ni manang.
"Y-Yung kaibigan ko ho kasi e. Hayaan niyo po, hindi naman po--"
"It's okay, Ericka. Answer your phone. It looks important," singit ni ma'am Clarideth na ina-allow akong sagutin ang tawag. "Go on. It's fine."
"S-Salamat po, ma'am," tanging tugon ko sabay layo mula sa dining area. Dala-dala ko pa rin si baby Cean na tahimik lang nang sagutin ko ang tawag.
"Divine naman e. Sabi ko, mamaya na."
"Pasensya na. 'Di ko lang mapigilan."
Huminga na lang ako nang malalim.
"Bakit? Anong balita?" tanong ko.
"Ako nga ang magtatanong e. Ano?"
"Kaku-kumusta mo lang sa 'kin kanina, ah? Tss... Pero ito, medyo nawi-windang. Medyo weird ang first day ko. Pero okay lang naman."
"Weird? Bakit?"
"Mukhang may problema ang amo ko e. Pero h'wag na. Wala na akong kinalaman do'n. Baka mamaya, marinig pa ako ni manang at masermunan."
"Gano'n ba? Hayaan mo na dahil hindi naman 'yon kasama sa work mo, ano?"
Huminga na lang ako nang malalim. Sabagay.
"E ikaw, anong sadya mo at napatawag ka?"
"Girl! Watch t.v.! May surprise!"
Huh? Surprise?
Kaagad akong nagtungo sa may tv at binuksan ito. Marahan pang napaawang ang bibig ko nang makita ko ang letse kong ex-boyfriend. Aba? Sikat na sikat na pala ang mga manloloko ngayon?
Mr. Guillermo Lave is one of the most popular businessmen all over the world.
At anong klaseng balita 'to?
"Nakita mo? Nakita mo?"
Bakas pa ang excite sa boses ni Divine na nasa kabilang linya.
"Oh? Ano namang surprise dito?" tanong ko sa kaniya bago patayin ang t.v.
"Popular ang ex-bf mo! Grabe, ano? Ang yaman na niya nang bonggang-bongga. Kung ano ang ikinayaman niya noon, mas lumalo ngayon."
"Tsk! Dapat ibinalita na lang sa kaniya na siya ang pinaka-popular sa panloloko. Walang kwentang balita, Divine. Kung 'yan lang ang balita mo, sige na, bye na."
At walang ano-ano nang pinatay ko na ang tawag. Biglang uminit ang ulo ko dahil sa nakita ko.
Bumalik na lang ako sa dining area at nakita sina ma'am at manang na katatapos lang kumain.
"Ericka, akin na si baby. Kumain ka na at magpahinga. Maaga pa ang gising mo para bukas. Sige na," sabi ni ma'am kaya't inabot ko sa kaniya si baby Cean.
"Sige po, ma'am."
Umakyat na si ma'am Clarideth kasama si baby Cean. Si manang Brenda na ang naghugas ng mga hugasan at naglinis. Kumain na ako na mag-isa.
Kaunti lang ang kinain ko dahil hindi naman ako gutom masyado. Ako na rin ang naghugas ng pinagkainan ko bago ako pumunta sa maids' chamber.
"Hmm? Sino ang tumawag sa 'yo kanina?" tanong ni manang habang nakahiga. Humiga na rin ako sa isang kama.
"Kaibigan ko po, si Divine," tipid kong tugon. Hay. Pahinga na rin sa wakas.
"Akala ko, pamilya mo e." Napangiti ako sa sarili ko dahil sa sinabi ni manang.
"Wala na po akong pamilya," sambit ko habang nakatingin sa dingding ng itaas na kama nitong double-deck bed.
"Walang pamilya?" pag-uulit ni manang kaya't tumango ako.
"Wala na, manang. 'Di ko kilala ang mga magulang ko. At yung tita ko na tumayong nanay at tatay ko, namatay na po kamakailan lang."
"Ay naku. Pasensya na. 'Di ko alam."
Medyo nabigla pa ako sa paghingi ng dispensa ni manang. Kahit pala napakasungit nitong matandang 'to, marunong din makitao.
"Ayos lang po."
Sandaling hindi kami umimik ni manang at naging tahimik ang buong paligid.
"Alam mo, hija, gano'n talaga ang buhay. Walang permanente sa mundo. Napakalupit. Ikaw bilang isang tao, dapat alam mo kung paano lumaban at magpakatatag. Naiintindihan mo?"
"Salamat po, manang."
"Hmm... Sige na. Matulog ka na r'yan at kailangan pa nating magising ng maaga para bukas. Goodnight," huling sabi ni manang bago pumirme ng pagkakahiga at natulog.
Sinulyapan ko siya at binigyan ng isang ngiti.
Buti pa si manang, mukhang okay sa buhay.

Book Comment (189)

  • avatar
    Clark Meremilla

    ang jehehsjiwuwjwisuwhwnwoisnsjsskskos9eiejjeiw8eiiwheieuejeuejsjsisjejsjsisjsjsjisisjw8yg2nwosuwnsiejekosisjwkisjsksisnsiwusjeisjjsisusiusueusususuejsueusisjejsjejejeueuueueueueueueueusjejueieuejeieiiejekeijdjdusjsjsijekeushejeuneieuehwjjwuwjwuwueueuwjejeueiei8eiejwjeiejjeieisjejwosijejwieiwjejjeiwiwuejwiwiwiwjjejejejejeiiwjwjeiejsjsjsjjsjsjsjsjejueueueueueuwueueuwuuwuwuwuwuwuwuwuueueueueueuwueueiieieieieieisisiiejenjsjsjsususjsjejejejsjejsjeueueueieieueueiieieieueueueueueusjsksijejeiiejeisuejw

    19/08

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    wow

    16/08

      0
  • avatar
    Re Jean Floro

    When po ang next…🥰 ganda nito,when po yung soon ng book 2 po???

    15/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters