logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2

Isang araw ang lumipas matapos ang paglalasing ko, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko. Oo, still, nakakalungkot ang pagkawala ni tita pero wala rin naman sigurong magagawa ang pagmumukmok, hindi ba?
Nasa mall ako ngayon hindi para mamili o kumain. Wala akong pera. Sadyang nagpapalamig lang ako. Gusto kong ilibang ang sarili ko sa paglalakad.
Kanina pa ako nakadungaw sa first floor mula rito sa second floor. Hindi ko alam kung anong base ng hitsura ko ngayon. Nakatingin lang ako sa mga dumaraang tao habang sila, masasaya sa mga kasama nila.
Ayokong umiyak rito na parang bata. Gusto kong humagulgol.
Pero h'wag na. Nakakahiya.
Muli akong naglakad-lakad habang tinitignan ang mga nakabalandrang mannequin sa mga tindahan ng damit. Magaganda ang design ng mga damit. May dress at may pares-pares pa. Kaso wala akong pera.
"Hi, my little shining armor. How are you?"
Nalingon ko na lang ang atensyon ko sa nakakasabayan kong maglakad. May dala-dala siyang sanggol na nasa tulak-tulak niya.
Nang makita ko ang bata. Napaka-cute na lalaking sanggol. Nakangiti siya sa mama niya habang medyo malikot pa sa hinihigaan niya. Ang sarap kurutin!
"Soon, baby. Don't worry, mommy will bring them to you soon... I-I promise," dinig kong sabi ng babae. Tinignan ko ang mukha niya na nakatuon pa rin sa sanggol. Bakas sa mukha niya ang lungkot. Yung ngiti niya, hindi ngiting masaya. Ano kayang pinagdadaanan niya?
Hindi ko na nakasabay pa si ate dahil medyo nauna na siya sa paglalakad. P-in-ick up niya rin ang cellphone niya dahil parang may tumatawag sa kaniya.
Huminga ako nang malalim. Naaalala ko na naman si tita. Sigurado ako noong sanggol ako, ganito rin niya ako alagaan. Siya na ang itinuring kong mama at papa ko dahil hindi ko alam kung nasa saan ang tunay kong mga magulang. At wala na akong balak alamin pa.
Napukaw na lang sa pansin ko ang bagay na nasa sahig katabi ng kinaroroonan ko. Teka, kwintas ba 'yon?
Kaagad kong pinulot ang bagay na 'yon at tinignang mabuti. Napakaganda ng kwintas. Makinang at mukhang mamahalin. Mukhang totoo!
Kulay ocean blue ang diamond na nasa gitna niya. Kung ano ang ningning nito sa paningin ko, gano'n din ang mata ko rito.
P-Pwede ko 'tong maisangla!
P-Pero... Pero hindi!
Hindi akin 'to.
Kanino ba 'tong---hindi kaya... Sa babaeng may sanggol ang may ari nito?
Kaagad kong nilinga ang daan na tinahak ng babaeng may sanggol na nakasabayan ko kanina. Baka hindi pa siya nakakalayo.
Mabilis akong naglakad at tumakbo para mahanap ang babaeng 'yon. Panay rin ang paghinto ko para tignan kung saan siya pwedeng pumaroon. Kailangan maisauli ko sa kaniya 'tong kwintas na 'to.
Kalaunan, nakita ko na lang siya na nasa first floor. Mukhang lalabas na siya ng mall. Kaya naman dali-dali akong gumamit ng escalator para kaagad ko siyang maabutan. Hinakbang ko na ito at nag-excuse sa mga nakaharang na tao.
"Miss! Miss!" tawag ko sa babae pero hindi niya ako nilingunan. Maya-maya pa'y tila nabigla siya nang hawakan ko ang balikat niya. Tinignan niya ako habang ako ay hingal na hingal kahahabol sa kaniya. "K-Kwintas mo," sabi ko sa kaniya sabay pakita ng kwintas niya.
Kinuha naman niya 'yon at tinignan. "Thank you! Thank you so much!" sabi ng babae at tuwang-tuwa sa ginawa ko.
"Wala 'yon. Sige," pagpapaalam ko sa kaniya at akmang aalis nang hawakan niya ang kamay ko.
"No. This thing is so important to me. I'm so much thankful at binalik mo sa 'kin ang kwintas ng anak ko," sabi niya sa 'kin sabay lingon sa sanggol niya. Ang napaka-cute na baby. "Tell me if you need anything. Come with me. Join me to the restaurant nearby this mall. Treat ko for you."
Medyo nagningning ang pandinig ko dahil sa sinabi niya. Ano? Treat daw niya.
"A-Ahh... Ehh... H-H'wag na. A-Ayos lang--"
"No, I insist. Sige na. And my little shining armor also want to thank you," sabi pa niya sa 'kin.
Tinignan ko ang sanggol. Nakangiti pa rin siya at malikot sa hinihigaan niya. At para akong nasimentuhan sa kinatatayuan ko nang magtama ang paningin namin ng bata. Bumilis ang tibok ng puso ko sa tuwa nang ngumiti siya sa 'kin. Yung mga mata ng baby, kulay ocean blue gaya ng kwintas.
Nakakatunaw siya ng puso.
"S-Sige," pagsang-ayon ko sa babae. Sinabayan ko na siyang maglakad para makaalis ng mall at makapunta kami sa malapit na restaurant na sinasabi niya.
HINIHINTAY na lang namin ang in-order namin ng babae nang tanungin niya akong bigla. "May I know kung anong pangalan mo?"
"Hmm... Ericka Montecillo po," sagot ko sa kaniya.
"How old are you? Are you a student?" tanong muli ng babae.
"21 na po ako. Kaka-graduate ko lang po ng college pero minamalas po sa trabaho," sagot ko ulit sa kaniya.
"Bakit? Ano ba ang natapos mo?"
"Culinary Arts po."
"Interesting!"
Medyo nagulat pa ako sa sinabi niyang 'yon.
"I want to hire a babysitter for my son. Madalas akong wala sa bahay for work. If you want, maging babysitter ka ng baby Cean ko."
Hindi ako makapaniwala sa araw na 'to. Totoo ba ang naririnig ko? Gagawin akong babysitter ng.... Napaka-cute na baby na 'to?!
"O-OPO! Gusto ko po!"
Halos matuwa ang pakiramdam ko dahil sa oportunidad na lumapit sa 'kin. Ngayon lang ako hinanap ng trabaho. Ang swerte ko naman sa araw na 'to!
"Then tomorrow morning will be your first day, Ericka. My baby will be so excited to meet a new person in his life," sabi ng babae sa 'kin.
"Ahmm... Excuse po, ano po pa lang pangalan ninyo? At ano pong real name ng baby ninyo?" tanong ko naman sa kaniya dahil hindi pa siya nagpapakilala sa 'kin.
"Oh? I'm sorry. Hindi pa pala ako nakakapagpakilala. I am Clarideth Sonlar. And he's my baby, Ocean Sonlar. His nickname is Cean," pagpapakilala niya sa kanila ng baby niya.
"It's nice meeting you po, ma'am Clarideth. And to you too, baby Cean," sabi ko sa kanila. Gusto kong kurutin ang pisngi ng baby pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.
Nakaka-miss tuloy si tita.
"Here's your order po," sabi na lang ng waiter at saka ipinatong sa mesa namin ni ma'am Clarideth ang mga in-order namin. "Enjoy your meal!" huling sabi nito bago umalis.
"Kumain ka lang nang kumain, Ericka. H'wag kang mahihiya," sabi ni ma'am Clarideth sa 'kin bago kami nagsimulang kumain.
DUMIRETSO ako sa sementeryo matapos ang paghihiwalay namin ni ma'am Clarideth. Binigyan niya ako ng card kung nasa saan ang address niya at phone number.
"Tita, tignan ninyo, oh? May natanggap na po akong trabaho. Ang ganda at bait nung magiging amo ko, tita. Tapos yung baby niya, napaka-cute! Siya po ang aalagaan ko," kwento ko sa puntod ng tita ko. "Bukas na po ang start ng trabaho ko, tita. Sayang e! Bakit naman kasi iniwan mo kaagad ako? Ipapakilala ko pa sana sa 'yo si Ocean."
Narinig ko na lang ang pagkulog sa kalangitan kaya't tiningala ko ito. Makulimlim ang langit. Mukhang uulan na.
"Tita, una na po ako. Uulan na e. May bahay ka na po rito kaya hindi ka mababasa. Uwi na po ako sa bahay, ah? Babye," paalam ko sa kaniya sabay naglakad paalis.
Nagtawag ako ng trycicle at sumakay roon. Sakto, bumuhos na ang malakas na ulan.
At sa ilang sandali ng pagbyahe, nakauwi na rin ako sa wakas. Kaagad akong uminom ng isang basong tubig at nagpalit ng damit. Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at nagbuga ng isang malalim na paghinga. Ganito pala ang pakiramdam na nabunutan ka ng tinik sa lalamunan.
Bigla na lang nag-ring ang de pindot kong cellphone na sira-sira. Nakita ko na lang ang pangalan ni Divine sa screen kaya't sinagot ko ito kaagad.
"Hello?"
"Hello, Ericka. Pupunta ako now d'yan sa 'yo. May sasabihin ako e."
"O sige, wait naman kita rito e. Malakas ang ulan, ha?"
"Oo. Sige na."
Tss... Kahit kailan 'tong si Divine, handang sumugod para lang makipag-chikahan sa 'kin.
Hinayaan ko muna ang sarili kong nakahilata sa de kahoy kong kama at hinintay ang pagdating ni Divine. Halos umabot ng 15 minutes bago siya nakarating.
"Ang lakas nga ng ulan. Pero, Ericka! May chika ako. Isang good news at bad news! Pero ewan ko kung yung good news e good nga ba sa 'yo?" bungad niya nang maupo siya sa gilid ng kama.
"Yung bad news muna na sinasabi mo. Ano 'yon?" tanong ko.
"Ang bad news, we're going to leave here na dahil lilipat na kami sa Bulacan. Tapos na ang bahay na pinagawa ng mister ko e," sabi niya sa 'kin. Bakas pa ang lungkot sa tono ng pananalita niya.
"Ano ka ba? Okay lang 'yan. Ako naman, nakatanggap na ng job. Kanina lang," sabi ko naman sa kaniya. Biglang gumanda ang aura ng hitsura niya.
"Really?! Oh my! Congrats! I'm sure, tuwang-tuwa si tita mo sa 'yo!"
"Hmm... Oo nga," sagot ko lang. "Oh? E ano naman ang isang nag-aalangan mong good news?" tanong ko ulit sa kaniya.
"Girl! Remember your ex, Guillermo? Si Iller mo! Nag-come back na sa Pinas!"
Hindi ko alam kung anong nakakatuwa sa balitang 'to ni Divine. Dahil sa 'kin, napakawalang kwenta.
"E 'di welcome," wala kong ganang sambit.
"Sus! Napaka-bitter! After five years, hanggang ngayon, hindi ka pa rin maka-move on sa nagawa niya. Mga freshmen pa lang tayo noon, 'teh! Tagal na. May feelings ka pa sa kaniya, 'no?"
Huh?! Ano raw?!
"Tantanan mo ako, Divine, ah? Wala na akong pakialam sa kaniya. Mas poproblemahin ko na lang ang sarili ko," tugon ko.
"Talagang wala, ano? Dahil taken na siya."
Tsk! Alam ko.
At dahil sa ginawa niyang 'yon, sa kaniya ko unang nakita na ang mga lalaki ay hindi dapat pagkatiwalaan.
Mga manloloko.

Book Comment (189)

  • avatar
    Clark Meremilla

    ang jehehsjiwuwjwisuwhwnwoisnsjsskskos9eiejjeiw8eiiwheieuejeuejsjsisjejsjsisjsjsjisisjw8yg2nwosuwnsiejekosisjwkisjsksisnsiwusjeisjjsisusiusueusususuejsueusisjejsjejejeueuueueueueueueueusjejueieuejeieiiejekeijdjdusjsjsijekeushejeuneieuehwjjwuwjwuwueueuwjejeueiei8eiejwjeiejjeieisjejwosijejwieiwjejjeiwiwuejwiwiwiwjjejejejejeiiwjwjeiejsjsjsjjsjsjsjsjejueueueueueuwueueuwuuwuwuwuwuwuwuwuueueueueueuwueueiieieieieieisisiiejenjsjsjsususjsjejejejsjejsjeueueueieieueueiieieieueueueueueusjsksijejeiiejeisuejw

    19/08

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    wow

    16/08

      0
  • avatar
    Re Jean Floro

    When po ang next…🥰 ganda nito,when po yung soon ng book 2 po???

    15/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters