logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 6

"Ate gusto ko nun." turo ng kapatid ko sa ice cream. Andito kase kami ngayon sa park na hindi kalayuan sa bahay namin. 4:30 PM na ng hapon kaya marami rami na din ang mga taong tumatambay dito mapa bata man o matanda.
"Maya maya pahinga muna tayo, hindi naman agad aalis yan." 
"Bilis na ate... Ice cream! Ice cream! Ice cream!..." pag papaulit ulit pa nito.. Kaya wala akong nagawa kundi bigyan siya ng pera. Hindi na ako sumama kase masyadong masakit talaga ang paa ko. At tska tanaw naman dito sa pwesto ko yung bibilihan niya at wala namang sigurong kidnapper dito.
Pinag masdan ko ang paligid hindi pa nagsisimula  ang pag litaw ng sunset.  Nong una kung punta dito saglit lang ako dito kase ang totoo naligaw lang talaga ako nun kaya ako napadpad dito.
"Ate oh." abot ng pera sa akin ng kapatid ko.
" Hindi ka bumili?" pero may hawak naman siyang ice cream.
"Hindi bigyan lang ako kuya.."
"Sinong kuya?" nagtataka kung tanong..
"Kuya Patrick.... kuyaa!....." sabay takbo niya papalapit at hinila niya papunta sa mismong pwesto ko..
At ako naman tong loading, kase parang hindi agad ako maka pag isip ng tama.
Nakuuu Ashley naman relax si Patrick lang yan kaklase mo...
"Ate siya libre sa akin." pagmamayabang pa ng kapatid ko sa akin.. Sa totoo lang gusto ko siyang kurutin.. kaso wag nalang baka umiyak tapos isumbong pa ako kay mama... Edi ako pa ang napagalitan.
Tiningnan ko yung katabi ng kapatid ko at parang naiilang siyang tumingin sa akin..
Problema neto?
"Ah mahaba kase ang pila kaya binigay ko na yung binili ko sa kanya." sabi niya sabay kamot sa batok..
Sasabihin ko sanang hindi ko naman tinatanong pero na realized ko na parang ang bastos naman.. kaya wag nalang...
"Ate laro lang ako." paalam bigla ng kapatid ko. Pipigilan ko sana siya kaso nakatakbo na.
Ngayon naniniwala na talaga akong mapaglaro nga talaga ang tadhana...
Naiwan kaming dalawa dito. Bakit ba kase andito pa  siya sa Park nato?
Umayos ako ng upo at nag titingin sa paligid. Yung totoo nakakahilo.. Ang awkward kase masyado. Nakaupo kami sa iisang banngko at halos dalawang dangkal lang ng palad ang pagitan namin. 
"Dito ka pala tumatambay..?" tanong niya bigla..
Maka pag tanong parang close kami.. pero hinayaan ko nalang..
" Ngayon lang.. Pansin ko kase maganda ang sunset dito." tulo tuloy kung sabi para mabawasan naman ang awkward moments sa aming dalawa.
"Oo yun ang halos dinadayo ng kabataan dito at ng ibang matatanda."
Ahhh akala ko yung mga street foods.. ang dami kasing nag titinda dfito sa gilid gilid. Buti hindi sila hinuhuli, hindi pala bawal dito yun..
"Ikaw lagi ka dito?" tanong ko naman sa kanya. wala naman sigurong masama kung magtanong ako diba? tinanong din naman niya ako kaya dapat fair.
"Oo, kapag umuulan lang hindi.." sabay tawa niya. 
May dimple pala siya ngayon ko lang napansin...
"Cute ko ba?" tanong niya ng may malawak na ngiti..
Tinaasan ko siya ng kilay.. Anjan nanaman yung pagka mahangin niya.. Oo na cute siya pero pwede bang manahimik nalang siya..
" Hhahaha.. masyado ka kasing nakatitig sa akin."
" Naka titig ba? baka nag iimahinasyon ka lang jan." pag maang maangan ko. Shempre alangang umamin ako edi napahiya nanaman ako. At tska ikaka proud nanaman niya yun sa sarili niya noh.
" Baka nga.." sabi niya habang nakangiti.
Bakit ba ngiti siya ng ngiti?
" Ate uwi na ako sama nako kina Tita Alexa.." biglang sabi ng kapatid kung hinihingal pa.
"Oh cge ingat.. wag lalayo sa kasama ah."
" Yes ate." iniwan ako. Uwing uwi na kase uuwi na din yung kalaro niya na anak ng kapitbahay lang namin na si Tita Alexa. Akala ko pa naman titingnan din niya yung sunset..
Tinanaw ko siya papalayo at nung mawala siya sa paningin ko ay bumalik nanaman ang katahimikan dito sa pwesto ko. Kaya tumingin nalang ako sa langit at nag sisimula na ang pakay ko talaga dito ang sunset..
Pinanood ko lang ang unti unting pag ganda nito at hanggang sa tumingkad na ang kulay nito... Kinuha ko agad ang phone ko at kinuhanan ito ng litrato.
Naka ngiti akong nakatingin sa sunset ng biglang may magsalita sa tabi ko. "Ang ganda..." tumango ako habang nakangiti ng hindi tumitingin sa kanya...
Ilang minuto din akong nakatingin doon at pa minsan minsan ay kinukunan ko  ng litrato kahit ang totoo ay nakunan ko na ng paulit ulit kanina.. 5:30 na at medyo dumidilim na at nag babadya na din umulan. Kaya napag desisyunan ko ng umuwi.
Nag mamadali ako kaninang mag lakad baka kase abutan ako ng ulan. Pero hindi nakikisama itong paa ko. Sumasakit  masyado mukhang hindi na ako sanay mag lakad ng malayo nakakainis..
"Pwedeng sumabay?." sabi ng kung sino. Pag lingon ko yung Patrick lang pala. Tumango lang ako dahil sumasakit yung paa ko parang nawawalan na din ako ng gana mag salita..
Para bang apektado lahat..
Medyo malapit na kami sa bahay at sa bahay niya kase mag kapit bahay lang naman kami. Pero biglang bumuhos ang malakas na ulan..
SHIT! eto na nga ba ang sinasabi ko..
Tumingin ako sa kasama ko na hinuhubad ang suot niyang jacket at inilagay sa ulo ko para kahit papano ay hindi ako mabasa. Hawak niya na ako sa kamay at hihilahin na sana patakbo kaso napansin niyang nakahawak ako sa binti ko.. Tumingin siya sa akin at hindi ko inaasahan ang kasunod niyang ginawa.
Binuhat niya ako habang lumalakad sa gitna ng malakas na ulan..

Book Comment (133)

  • avatar
    PanunciarKulin

    wow

    1d

      0
  • avatar
    NavarroMarcois Jemdlee

    it's so good

    11d

      0
  • avatar
    Erenel James Magno

    💖💖😚💖😚

    20d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters