logo
logo-text

Download this book within the app

03

"What are you doing here?" malamig na tanong ko sa lalaking nasa harapan ko. Biglang nagkaroon ng mabigat na tensyon na nagsimula sa akin.
"Visiting my daughter?"
"Daughter?" tanong ko na ikinatango niya.
"How are you, anak?" mapait at sarkastiko akong natawa dahil sa tanong niya. Napailing ako tila hindi makapaniwala.
"Wala na siya, your daughter is not here, Sir. You may leave." Matabang na saad ko. Mabilis kong naramdaman ang presensya ni Lola at ang pagpulupot ng kamay niya sa braso ko.
"Apo, tatay mo iyan. Hindi ko gusto ang mga sinasabi mo." kalmadong saad niya. Lumingon ako sa kaniya at blangko siyang tinitigan.
"Wala na ho akong tatay, Lola." sagot ko. Halatang nairita siya sa isinagot ko at handa na akong pagsabihan pero mabilis kong ikinalas ang kamay niya sa braso ko at agad na naglakad palabas ng kusina.
"Papasok na ho ako 'La." paalam ko agad nang makapagbihis lang sa kwarto.
Malutong akong napamura nang makalabas sa bahay. Iritado kong tinanggal ang benda na nakasukbit sa balikat ko bago umangkas at mabilis na pinaharurot ang motor palayo. Nakakaasar.
Pagkarating ko sa paaralan ay kunot noo akong dumiretso sa court para pumunta sa locker area at doon na plinano maligo. Hindi na kasi ako nakapag-ayos kanina sa bahay. Hindi ko lang din kasi maisip na nasa iisang bubong kami ng tatay ko. Hanggang ngayon ay naiirita pa rin ako kapag ka naalala ko ang ngiting ipinakita niya kanina.
Ang lakas ng loob niyang magpakita sa akin. Ilang taon akong naghintay sa kaniya. Kung kailan na kinamuhian ko na siya, saka siya lumapit sa'kin.
Irita kong pinatay ang shower at hindi napigilang hampasin ang sementong nasa harapan ko.
Sa lahat ng taon na hinintay ko siya, hindi siya dumating. Ngayon na wala na akong pakialam sa kaniya, saka siya nagpakita na para bang wala lang. Mapait akong mahinang tumawa.
"The guts..." kumuyom ang kamao ko at malakas na sinuntok ang pader.
Nakakairita.
Padabog kong hinila ang towel at pinilit na pakalmahin ang sarili habang nag-aayos. Nang matapos ay mabilis akong umalis nang court.
Pumunta ako agad ng clinic para magpalinis ng sugat. Ni hindi ko naramdaman ang sakit ng katawan ko dahil lang sa iritang naramdaman.
"Maupo ka muna, Miss. Kukunin ko lang ang panglinis sa mga galos mo." tumango ako at sinunod ang sinabi niya.
Napatingin ako sa oras at mag-aalas siyete pa lang naman. Alas otso pa ang simula ng klase. Napaangat ako ng tingin nang maramdaman ang presensya ng nurse na may dalang pang-linis ng sugat.
"Ano ang nangyari rito, Miss?" tanong nang babaeng nurse habang naglilinis. Bumuntong hininga ako bago sumagot.
"Motor." simpleng sagot ko. Ngumiti lang ito tila nabasa na agad na hindi maganda ang araw ko.
"Ayos ka lang ba?"
"Mukha ba akong ayos?" mahina itong natawa dahil sa isinagot ko.
"Nakakatuwa ka." sambit nito. Hindi na ako sumagot. Nang matapos ay mabilis akong nagpaalam at lumabas na ng clinic.
Plano kung pumunta nalang muna sa mini forest dahil maaga pa. Naglalakad ako sa hallway nang makita ang tatlong lalaki na nagtatawanan sa gilid ng hall. Halatang may pinag-lalaruan silang babae na ikinukulong nila kaya hindi ko makita ang mukha.
Hindi ko pinansin at naglakad lang nang diretso. Wala naman akong pakialam kung ano ang trabaho nila.
"Kunin mo 'yong salamin pre para hindi tayo masyadong makita."
"Ganda ng katawan, ang linis din ng balat. Kaso pagdating sa mukha, kulang na sa bitamina." sabay sabay silang humalakhak. Umiling-iling ako. Halos naririnig ko rin ang hagulgol ng babae na nasa gitna nila.
"Laki pala ng hinaharap mo kulot." napahinto ako bigla dahil sa narinig. Mas lumakas ang iyak na narinig ko ngunit nangingibabaw pa rin ang malakas na tawanan. Napakunot ako ng noo at mabilis na lumapit nang makita ko familiar na kulot na buhok ng isang babae.
Masoy.
"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo?" sabay-sabay silang napatingin sa akin. Tumawa ang isang lalaki nang makita ako.
"Sino naman 'to?" mapaglarong tanong ng isa pang lalaki.
Napatingin ako sa babaeng nakaupo sa sahig at humahagulgol. Yakap nito ang sarili na para bang kaya noon protektahan ang sarili niya. Isinuot ni Masoy ang salamin niya nang maagaw iyon mula sa kamay ng lalaki.
"A-amanda.." mabilis akong humakbang palapit sa kaniya para kunin siya at makaalis na. Ngunit aabutin ko pa lang sana ang kamay ni Masoy ay may mabilis na humampas sa kamay ko.
"Wag kang mangi-alam dito!" mabilis na humarang ang isang lalaki sa harap ko kaya natatabunan niya na si Masoy.
Hindi ako nagpatinag at itinabig lang siya para umalis sa harapan ko. Hindi ko pa nahihila patayo si Masoy ay may dalawang lalaki na ang mabilis na humawak sa magkabilang braso ko.
"W-wag niyong sasaktan si Amanda, Ano ba!?" bigla akong nairita nang sinampal nila si Masoy para lang tumahimik.
Hindi ko aakalaing may namimisikal pala sa paaralang ito. Pinaka-ayoko talaga sa lahat ay mga lalaking nananakit ng pisikal at bastos.
"Tigilan mo 'yan."  kalmado at malamig na saad ko nang makitang pinaglalaruan na naman ng isang lalaki si Masoy sa harap ko. Patawa-tawa lang ang dalawang kasamahan nito na nakahawak sa mga braso ko.
Putangina. Mabilis kong tinadyakan ang kamay ng lalaking hinipuan si Masoy. He's crossing the line. Dahil sa nakita mas dumagdag ang iritang nadala ko mula sa bahay.
Siniko ko ang baba ng isang lalaking nakahawak sa braso ko dahilan kung bakit napabitaw ito. Nang mabitawan ako ay mabilis kong sinapak ang lalaking nakahawak sa isa ko pang braso.
Lahat sila ay nagulat sa biglaang pagkilos ko. Tamad akong ngumisi at hinila si Masoy para makaalis na kami. "Kahit babae ka kaya kitang patulan." Napataas ako ng kilay sa sinambit ng isang lalaki na humipo kay Masoy. Tumingin ako sa isang lalaking hawak ang baba niya, nakagat niya rin yata ang sariling dila dahil sa biglaang pagsiko ko.
"Oh?"
"Pakialamera!" galit na sambit nito. Mabilis kong nasalag ang kamao niya na muntik nang dumikit sa tiyan ko. Pinaikot ko ang braso nito dahilan kung bakit napasigaw siya sa sakit. Ang hina lang naman. Napailing ako at itinulak siya palayo sa akin.
"Gago pala to e!" sabay na umamba sa akin ang dalawang lalaki kaya sabay ko ring isinalag iyon. Tinuhudan ko sa tiyan ang isang lalaki at umamba pa ito ng isang suntok pero mabilis akong nakailag dahilan kung bakit ang isa niyang kasama ang nakasalo ng kaniyang kamao.
"Hala.." suminghap si Masoy at nag-aalalang tumingin sa akin.
Napapikit ako at iritang napahawak sa sariling pisngi dahil sa biglaang may malakas na sumampal sa akin. Blangko akong tumingin sa lalaking nakangisi sa harap ko. Ang humipo kay Masoy, siya yata ang leader-leader sa kanilang tatlo.
Pinagdikit ko ang dila sa loob ng pisngi nang maramdamang namanhid ang kabilang pisngi ko. Ngumisi ako at lumapit sa kaniya.
"Ang hina ng sampal mo." saad ko. Akmang tatawa siya pero mabilis ko siyang sinuntok sa mukha dahilan kung bakit siya sumalpak sa sahig.
"Tangina.." bulong nito sabay kinapa ang sariling ilong na may tumulo nang dugo ngayon. Nilapitan agad siya ng dalawang lalaking kasama niya.
"Demonyo." bulong nila.
Malamig ko siyang tinignan bago kalmadong naglakad palayo. Sumunod sa akin si Masoy na gulat pa rin. Hindi na siya umiiyak ngayon. Pero halatang lutang pa rin ang isip at nakaawang ang bibig.
"Nagboboxing ka ba?!" pasigaw na tanong nito. Hindi ko siya pinansin at diretso lang na naglakad.
"Karate? Kung fu?" tanong pa nito. Lumiko ako para pumunta sa mini forest pero nakasunod pa rin siya.
"Pwedeng ka nang umalis." saad ko. Napahinto siya bigla. Nagtataka ang mukha nito pero mabilis din naman napalitan iyon ng ngiti.
"Salamat kanina Amanda ha! Thank youuu!" lumapit siya sa akin na akmang yayakapin ako pero mabilis akong umatras.
"Ay" humagikhik siya bago binaba ang sariling dalawang braso, "Una na ako ha! Na-appreciate ko ang ginawa mo." sensero itong ngumiti sa'kin kaya umiwas ako ng tingin at hindi na siya sinagot pa.  Narinig ko ang yapak nito paalis kaya umupo na ako sa bench na nasa tapat ng fishpond at doon napailing at tumunganga.
○○○
Kakatapos lang magtanghalian, kaya pabalik na rin ako sa room namin dahil magsisimula na ang panghapon na klase.
"Amandaaa!" Napalingon ako sa dalawang babaeng patakbong lumapit sa akin. Magiliw at masaya ang mga itong tumabi sa gilid ko. Nangunot ang noo ko pero diretso pa rin akong naglakad.
Napitlag ako nang biglang pinulupot ni Masoy ang braso niya sa braso ko. Nakangiti lang ito habang nag-uusap sila ni Ikay at sabay sabay kaming tatlo na naglalakad. Hindi ako komportable na may dumidikit sa akin na ibang tao.
Dahan-dahan at pasimple kong tinanggal ang braso niya. Napansin niya yatang hindi ako komportable kaya siya na mismo ang umalis noon. Nauna na akong naglakad dahil hindi ko na nagugustuhan ang pagiging malapit sa akin ng dalawa.
Kunot ang noo ko habang nakikinig sa prof namin na nagsasalita sa harapan. Halos mamanhid na yata ang pwet ko dahil sa ilang oras na akong nakaupo sa sariling upuan dito sa silid. Ito na ang huling subject namin para matapos ang klase.
"I will group you all into five members for our research paper."  bigyang anunsyo ng aming guro. "Mas maagang magsimula, mas maagang matatapos." dagdag pa nito. Wala namang umalma sa klase namin. Pero panigurado mamaya paglabas ng prof saka sila magrereklamo.
"Hindi ko nalang kayo iggrupo, You can choose the group that you want. But remember that one group will only needs a five members." Natuwa silang lahat at kaniya-kaniyang lumapit sa mga gustong kagrupo. Kalmado lang ako at hindi gumagalaw sa sariling upuan. Plano kong makigrupo nalang sa kung sino ang natira.
"Hindi, hindi kayo pwede rito! maghanap kayo iba! reserved na sa amin." rinig ko ang boses ni Masoy na nasa gilid. Tinataboy niya ang mga gustong makigrupo sa kanila ni Ikay. Nakita ko naman si Ikay na nililibot ang tingin.
Biglang lumiwanag ang mukha niya nang makita ang isang lalaking prente at tahimik ring nakaupo sa gilid. Lumapit si Ikay at halatang tinanong ang lalaki kung may kagrupo na.
Umiling ang lalaki kaya mas nangiti siya. "Really? sa akin ka nalang-- I mean sa amin hehe." napailing ako bigla dahil sa narinig. Tumango lang ang lalaki na parang wala namang pakialam dahilan kung bakit tatalon-talon si Ikay na lumapit kay Masoy.
Tuwang-tuwa naman si Masoy bago lumingon sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. "Amandaaaa!" sabay silang mabilis na lumapit sa akin.
"Bakit?"
"Sa amin ka na makigrupo!" Nilibot ko ang paningin at lahat sila ay may grupo na. Binalik ko ang tingin ko kila Ikay saka tumango. Impit na tumili ang dalawa kaya napairap ako.
"Dito ka upo!" binigyan ako ni Masoy ng upuan. Pinapatipon na kasi kaming magkakagrupo at nasa likuran kami pumwesto.
"Hala! kulang pala tayo ng isa!" biglang saad ni Masoy.
"I'll asked our guro nalang, saglit lang." tumayo si Ikay at lumapit kay Sir para magtanong. Patakbong bumalik si Ikay at nanlalaki ang matang umupo sa upuan niya nang makausap si Sir.
"Omaygad!"
"Bakit?!"
"Si Adam Isiah Gomez nalang daw ang walang grupo, kasi absent siya ngayon. Girl! It's Adam Isiah Gomez!" Sambit niya na parang hindi makapaniwala.
"Seryoso?! As in anak ni Sir Carlo Lim Gomez?!" sunod sunod na tumango si Ikay kaya napatakip ng bibig si Masoy.
"Owemjii--"
"Ano naman kung kagrupo natin siya?" pagsulpot ko. Natahimik sila bigla, sabay kaming tatlong napalingon sa lalaking mahinang tumawa.
"Bakit?" kalmadong tanong ko.
"You don't know him, don't you?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya.
"Anong magiging silbi niya sa buhay ko para kilalanin ko?" Tumawa siya kaya mas kumunot ang noo ko.
"Unbelievable!"
"Oo nga! sobrang unbelievable ka Amanda!" sabay sabay silang tatlong tumawa. Naglabas ako ng papel at inilapag sa gitna.
"Sayang ang oras, magsimula na tayo." natahimik silang lahat bago nagseryoso nang makitang seryoso ang mukha ko. Itinuon nalang namin lahat ang atensyon sa paggawa ng title para sa research paper namin.
Pakatapos ng klase ay dumiretso na agad ako sa parking lot para kunin ang motor para makauwi na.
Kinabukasan ay pumasok ulit ako na hindi maganda ang araw. Hindi pa kasi kami nakakapag-usap ni Lola dahil sa nangyari. Pareho kaming nagtatampo sa isa't isa. Wala rin naman akong planong humingi ng tawad sa kaniya dahil totoo naman ang isinagot ko sa tatay ko kahapon.
Pagpasok ko sa room ay bumungad sa akin si Masoy na nag-aalala ang mukha. Mabilis siyang lumapit sa akin nang makita ako.
"Amanda, pinapatawag ka raw ng dean." nakayukong saad niya. Nangunot naman ang noo ko. "Sorry.. Dahil sa akin pinatawag ka." Umiling lang ako sa kaniya na parang sinasabi na hindi niya kasalanan bago tumalikod para pumunta sa dean office.
Dire-diretso lang ang lakad ko. Pagkarating ko sa tapad ng office ng Dean ay hindi ako nagdalawang isip na pumasok. Natigilan ako nang makita ang mukhang bumungad sa akin.
Mabilis na nawala ang emosyon sa mukha ko at awtomatikong kumuyom ang kamao ko.
"Hi my step daughter!" Bati niya. Malawak at nakakaasar itong nakangiti sa akin. Napatingin ako sa lalaking katabi niya na nag-aalalang nakatingin sa akin.
Lumapit ako sa dean at hindi pinansin ang presensya nila. Mabigat ang tensyon na nagsisimula na naman sa akin.
"There's a family who reported you for breaking their son's arm, Miss La Silva." saad agad ng Dean. Dismayado itong nakatingin sa akin.
"Oh my.. My daughter is a kind person, Miss Heuseff. She is very caring and sweet, kaya bakit niya iyon gagawin?" Masama ko siyang tinignan dahil sa mga sinabi niya. Ang plastik. Ang arte. Nakakairita.
Nang-aasar itong ngumiti sa akin na parang nakikipaglaro. Lumingon ulit sa akin ang Dean at nagsalita.
"I called your parents para malaman nila ang ginawa m--"
"You called the wrong family, Dean. I only have one family member. Call my Lola then I'll talk to you properly." Tumayo ako at akmang maglalakad na pero nilingon ko muna silang dalawa.
"Nakakahiya kayo." malamig na saad ko bago mabilis na naglakad palabas ng Office.
Mabigat ang pakiramdam kong lumabas ng office. Mabilis akong naglalakad at kuyom ang kamao dahil sa irita. Nakatagpo ko si Masoy pero hindi ko na siya pinansin.
"Amanda sandali! kanina pa kita hinihintay!" Hinabol ako ni Masoy pero mabigat at mabilis pa rin akong naglalakad.
Napahinto ako at iritang inangat ang tingin dahil sa taong humarang sa dinaraanan ko. "Ang bilis mo maglakad!" hinihingal na saad ni Masoy.
Blangko ko siyang tinignan at akmang lalagpasan na pero hinawakan niya ang braso ko.
"May ibibigay ako sayo!" nakangiting saad nito pero halatang kinakabahan. Kunot na kunot lang ang noo ko sa harap niya.
Napatingin ako sa kamay niyang inilahad sa akin. May angry bird na kulay dilaw doon, Ginansilyo.
Ngumiti siya ng napakatamis "Ginawa ko yan para magpasalamat sa pagtanggol mo sa akin kahapon." Nakangiting saad niya. Umiling-iling lang ako at sarkastikong natawa nang may naalala.
Ganito naman lagi, may mga taong magbibigay sayo ng isang bagay para iparamdam sayo na pinapahalagahan ka nila. Pero sa dulo, ang bagay lang na iyon ang matitira sa'yo, dahil ang taong nagbigay sa'yo noon ay mawawala rin naman.
Nakakatawang maraming taong ipaparamdam sayong mahalaga ka,  pero may panahon talaga na iiwan ka rin naman na para bang wala ka ng halaga.
Mapait akong napatawa dahil sa ala-alang biglang sumagi sa isip ko.
Linagpasan ko siya dahilan kung bakit nawala ang ngiti sa mukha niya. "Amanda sandaliii!" Irita ko siyang tinignan nang humarang ulit siya sa harap ko.
"Ano bang gusto mong gawin ko?" tanong ko. Kinakabahan niyang inabot sa akin ang ginansilyong laruan.
Padabog kong kinuha iyon sa kaniya saka siya tinignan. "Gusto mong kunin at tanggapin ko'to?" Iritang tanong ko habang pinapakita sa kaniya ang laruan na hawak, Kinakabahan siyang tumango sa akin na parang naiiyak na.
"Aanhin ko ba? E wala namang kwenta 'to. Nagsayang ka lang ng oras." Napasinghap siya nang ibinato ko ang laruan sa harap niya.
Mabilis ko siyang linagpasan at naglakad sa kung saan man ako dadalhin ng paa ko.
Pumasok ako sa mini forest at tumayo sa harap ng wishing well na nasa gitna ng maliit na hardin. Nakatulala at pinapakiramdaman ang sarili.
Naghalo-halo ang emosyon ko. Hindi ko maintindihan.
Napaigti ako sa gulat nang may humila sa akin mula sa likod. Napahawak ako sa kabilang pisngi ko nang maramdaman ang malakas na sampal galing sa taong nasa harapan ko.
Si Ikay.
Namumula ang mata nito sa galit. Biglang nawalan ng emosyon ang mukha ko at blangko ko siyang tinitigan.
"Para saan iyon?" malamig na tanong ko.
"You made Masoy cry! you freaking hurt her!" madiin at nanginginig ang boses nito sa galit. Hindi ko alam kung ano ang dapat na reaksyon ko.
Sarkastiko akong tumawa. "Oh? ano ngayon?" Mabilis kong nasalag ang kamay niyang sasampalin sana ako.
"Ang sama ng ugali mo!" galit na sigaw niya pero blangko lamang ako nakatingin sa kaniya. Hindi ko alam kung ako ang dapat kong maramdaman.
"I know." sagot ko.
"Tangina, what an insensitive bitch!" sigaw niya.
"Kaya ka itinakwil ng tatay mo, dahil sa baluktot mong pag-uugali! Deserve mo 'yon Amanda." Parang may pumintig sa tenga ko dahil sa narinig. Sinampal ko siya at malamig siyang tinitigan.
"Wala kang alam." madiin ngunit kalmado kong saad.
"Oh? How does it feel to be judged by someone na walang alam sa kung ano ang nasa likod ng nangyari?!" hindi ako nakasagot.
"Masoy didn't even sleep just to finish her so called thank you gift for you!" Dinuro niya ako pero nakatingin lang ako sa kaniya.
"Hindi mo alam na pinaglaanan ng oras ng tao 'yon para lang magustuhan mo!" naluluha na siya habang sumisigaw at dinuduro ako.
"Tapos pagdating sayo? binato mo lang na parang isa nga talagang walang kwentang bagay?"
"Tinanggap mo nalang sana!" saad niya. Pansin kong pinapakalma niya ang sarili bago nagsalita ulit.
"Kasi hindi mo alam na kung para sa'yo ay isang bagay lang 'yon na walang kakwenta kwenta, para sa iba ang laki na ng halaga no'n." Pinunasan niya ang luhang namuo sa mata niya bago ako seryosong tinitigan.
"Masyado kang makasarili, Amanda." Dismayadong sambit niya bago ako tinalikuran at mabilis na naglakad palayo sa akin.
_____
ಥ_ಥ

Book Comment (53)

  • avatar
    EdisanRodime t

    thank po

    05/07

      0
  • avatar
    CoronelAkisha

    may part 2 po? hindi pa tapos story eh huhu, hindi pa nalalaman ni Amanda na si Adam at si Adi ay iisa. ☹️

    13/06

      0
  • avatar
    RanayBlesie

    good

    30/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters