logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Meet Me In Amsterdam

Meet Me In Amsterdam

heartless_ink


PROLOGUE

“I am always doing what I cannot do yet, in order to learn how to do it.”
-Vincent Van Gogh
But I was so scared
Takot akong matutunan iyon,
Ayokong matutunan iyon.
I can't do it.
Hindi ko naman talaga kasi kaya.
Pero kailangan ko,
I need to learn how to do it.
Para makalaya ako.
Para makapagpatuloy ulit ako.
●●●●●
"Bakit?" tanong ko.
Narito kami ngayon sa isang coffee shop na malapit lang sa eskwelahan namin. Sakto lang ang tao dahil alas singko na rin ng hapon. Karamihan sa mga nakikita ko ay mga estudyante na nasa tapat ng kanya-kanya nilang hawak na selpon at ipod habang may sinisimsim na kape. Mayroon din mga empleyado na halatang may mga seryosong pinag-uusapan tungkol sa trabaho.
Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko. Marami pa akong kailangan gawin. Gagawa pa ako ng essays sa Eng Acads, mayroon ding iniwan na additional activities sa Physics at Research. Pero dahil sa lalaking nasa harapan ko ngayon ay mukhang kailangan kong pagpuyatan ang mga iyon mamaya.
"It's my fault, That's why I wanted to help you." Napabuntong hininga ako dahil sa sinabi niya.
"Hindi mo'ko kailangang tulungan." Napatingin ako sa relo na suot ko. Alas singko y medya na, dapat kanina pa ako nakauwi. Hindi ko alam kung bakit ba ako nag-aaksaya ng oras sa lalaking ito, Wala namang kahalagahan ang mga pinagsasasabi. Nakakasayang ng oras.
"Pero gusto ko, I'm sorry. Tutulungan kita, ano bang dapat kong gawin?" napapikit ako dahil sa irita. Ang kulit.
"Wala kang dapat gawin, Adam." iritang saad ko pero kalmado pa rin ang boses.
"Meron, Sabihin mo na." Tinignan ko siya, Kanina pa ako napipikon dahil sa  pamimilit niya. May mga mas importante pa akong gagawin. Halos paulit-ulit ko nang nasabi iyon. Hindi ko alam sa kaniya kung bakit hirap siyang maintindihan 'yon.
Gusto niya ko tulungan dahil iniisip niyang mali niya iyon kahit ako naman talaga ang may kagagawan. Pareho lang namin sinasayang ang oras namin sa walang kakwenta-kwentang bagay, katulad nalang nito.
"Hindi ka makakatulong, sinasayang mo lang ang oras ko." Kumuha ako ng singkwenta sa wallet ko sabay na inilapag iyon sa tapat niya.
"Baki--"
"Maghanap ka nalang ng ibang tao na kaya kang pag-aksayahan ng oras." Sinukbit ko ang bag sa aking balikat sabay na kinuha ang susi sa gilid bago tumayo. Mabilis akong naglakad palabas ng kilalang coffee shop.
Natanaw ko ang sariling motor sa gilid kaya naglakad ako papunta roon para makaalis na sa lugar na'to.
Irita akong napahinto nang may biglang humawak sa braso ko dahilan kung bakit napapikit ako bigla at seryosong humarap sa kaniya.
"Ano bang kailangan mo?" malamig na tanong ko. Nauubos na ang pasensya.
"Ikaw, kailangan mo'ko." Sarkastiko akong natawa. Nainsulto ako pero hindi ko iyon pinahalata. Ang kapal ng mukha. Pinaka-ayoko sa lahat ay ang mga taong pinapakita sa akin na hindi ko kayang mag-isa.
Kahit kailan ay hindi ako humiling na magkaroon ng kasama. Hindi ko kailangan ng nino man.
"Saan?" tanong ko.
"Something that you don't want to tell about." Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano bang kailangan niya sa'kin pero hindi ko iyon nagugustuhan.
"Let me help you." Ngumiti ito dahilan kung bakit nalukot ang mukha ko.
"I don't want to." sagot ko. "Alam kong hindi lang 'iyon' ang dahilan kung bakit mo 'to ginagawa, Adam."
"Hindi ko aakalain na ganito ka na kasungit." he whisphered.
"Ano? Close ba tayo?" Mahina itong natawa dahil sa inasta ko.
"Aren't we? Why are you suddenly talking like we don't have some shared memories?" Bumuntong hininga ako.
"Adam, nasisira na ang ulo mo."
"Just say yes, Amanda." He plead. "I just really wanted to... help you." Umirap ako, alam kong hindi iyon ang totoong dahilan niya. Hindi lang iyon.
Dumidilim na pero hindi pa rin ako nakakaalis. Gusto ko nalang siyang suntukin sa mukha at hayaang mawalan ng malay sa sahig para makaalis na ako.
"Kahit hindi mo sabihin, alam kong kailangan mo ng kasama." dagdag niya. Biglang nablangko ang mukha ko at malamig siyang tinitigan.
"Hindi ko kailangan."
"You do, you wanted someone who can listen to you. Someone like a friend." Hindi nga ako nagkamali. Tinitigan ko siya para iparating na hindi ko nagustuhan ang sinabi niya. Wala siyang karapatan na magdesisyon kung ano at sino ang mga kailangan ko.
Masyadong mataas ang tingin ng lalaking 'to sa sarili niya.
"Bakit mo ba pinagsisiksikan ang sarili mo sa'kin?"
"Am I?"
"You are."
"You need me." He said that made me stared at him more.
"No, Bakit naman kita kakailanganin? wala ka namang halaga sa'kin." seryosong sambit ko.
Tinitigan ko siya bago ulit nagsalita, "Huli na'to, I don't need anyone Adam." saad ko.
"Lalong-lalo ka na." habol ko saka siya tinalikuran. Mabilis akong nakaangkas at agad na pinaharurot ang motor palayo sa lugar na iyon.
____________
ಥ_ಥ

Book Comment (53)

  • avatar
    EdisanRodime t

    thank po

    05/07

      0
  • avatar
    CoronelAkisha

    may part 2 po? hindi pa tapos story eh huhu, hindi pa nalalaman ni Amanda na si Adam at si Adi ay iisa. ☹️

    13/06

      0
  • avatar
    RanayBlesie

    good

    30/03

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters