logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5 | Duster

Despite the warmth and closeness, I felt with Rious, I couldn’t help feeling a pang of guilt for deceiving him. I knew I couldn’t reveal my true identity without causing him pain, so I resolved to continue playing the role of his mother as best as I could. He was the only one in this house that accepted me and was friendly to me. Everybody is… Never mind. Adults are impossible to please. Children were simple to please since they are innocent and very trustful of those around them.
Umupo na kami sa mesa at saka ko tiningnan si Karious at nginisian. Perhaps my cooking skills would finally win him over and prove once and for all that I was not the woman he thought I was.
"So, you know how to cook pancakes now? Is that what you practice with your boy?" mahinang bulong niya. Almost hindi ko na siya marinig at sinadya niya iyon para hindi marinig ng bata pero dahil nakatingin ako sa kanya ay nabasa ko ang buka ng bibig niya.
Umawang ang bibig ko dahil sa hindi ko mapaniwalaan na maiisip niya pa iyon. Imbes na maisip niya na hindi ako si Veronica, ang maiisip niya ay nag-ensayo akong magluto kasama ng kabit ni Veronica? What the hell?
Sinamaan ko siya ng tingin at nawalan ng ganang kumain. How dare he think ill of me! Excuse me, hindi kaya madaling magluto!
Kung gano'n wala ring sense kung magpapakitang-gilas ako sa pagluluto kasi iisipin niya na nag-practice naman ako. Tss, whatever! Magpa-plano pa ako ng iba kung gano'n.
Pagkatapos ng almusal ay pumasok na si Rious sa school. Ako naman ay dumiretso na ulit sa kwarto. Ayokong tumambay sa sala dahil paniguradong naroon pa si Karious. Hmp! Nakakairita talaga ang lalaking iyon. Kailan kaya ako makakaalis sa bahay na ito?
Ang pinakamahalagang tanong ay kung paano ako napunta dito? What the hell happened during that night?
Napabangon ako sa kama at pilit na inalala ang nangyari noong gabing iyon.
I remember that I was dancing erotically with someone. I wanted to experience getting wasted because after so many years, nakaalis rin ako sa poder ng ama. I tried to dance, drink and even smoke that night! Inubo nga lang ako ng sobra-sobra kaya tinigilan ko rin. I don't want to get addicted to that though.
Kasama ko ang mga officemate ko. They are not my friends, but they are nice. Medyo intimidated ata sila sa akin dahil boss nila ko plus future owner pa ng business namin.
Wala talaga ako masasabing tunay na kaibigan. Hindi ko alam kung paano ako nabuhay ng walang kaibigan. Kaya siguro ganoon na lang talaga ang kagustuhan kong makalaya sa ama.
Back to that night, I was wildly dancing on the dance floor when someone bump on me. And then, everything went blank. That's the end of what I remember. Hanggang ngayong ay hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa pamamahay na ito.
It's kind of weird kasi feeling ko sinadya na mapunta ako rito. Nawawala ang mga identity cards ko plus the fact na itinanggi ako ni dad. I think there is something behind it. Hindi ko alam kung ano at aalamin ko iyon.
It’s also unclear whether I truly resemble Veronica or if it’s just a coincidence. I haven’t seen any pictures of her around the house, not even in the kids’ room, so it’s hard to compare. Yet, everyone seems to be convinced that I am her.
Why is this happening? And why me? These questions lingered in my mind as I searched for answers. Was it a mere coincidence or something more calculated?
Wala na naman akong magawa sa mga sumonod na araw kaya naman naisipan ko na lang makisawsaw kina Manang Tess sa gawaing bahay. Ilang trabaho na ang inagaw ko gaya ng pag-aayos sa kama ko na dapat sila ang gagawa at pagluluto.
Nalaman ko rin na ang master’s bedroom ay nasa kabilang ibayo pa ng bahay malayo sa kwarto ko. Pati na rin ang kwarto ni Rious. Nasa guest room ako tumutuloy at hindi ko na kinuwestiyon pa dahil mas gusto ko iyon kaysa ang tumabi sa kama ni Karious. Mamaya ay gapangin ako no’n kasi akala niya asawa niya ako. No thanks.
‘Baka pa ikaw ang gumapang roon, mahadera ka!’
“As if! Birhen pa ako at hindi ako gano’n ka-wild para gapangin ang lalaking may asawa na!” napasabunot ako sa sarili dahil nababaliw na ako sa naiisip. Kinakausap ko na ang sarili at magkaiba kami ng opinyon!
Pagkatapos ng gawain sa loob ay sa labas ko naman binalak na mangialam sa gawain.
Paglabas ko ng bahay ay agad na na-alerto ang mga guards ng makita ako. Tinaasan ko lang sila ng kilay at binigyan ng ngiti bago ako dumaan sa gilid papunta sa likod kung nasaan ang hose.
“Be alert. Papunta na siya sa likod.” I heard one of them mutter under their breath. Tss! As if naman na makakatakas ako sa kanila.
Kinuha ko ang hose at naglakad sa likod ng bahay. Doon muna ako magdidilig ng halaman. Syempre alam ko na hindi pa nakakapag-dilig at nasabi ko na sa mga katulong na ako ang magdidilig ng halaman ng may magawa naman ako.
Medyo close ko na rin ang mga katulong at nakakapag-kwentuhan na kami. Si Manang Tess ay hindi na masyadong masungit sa akin na ikinatuwa ko. Sinasabi na rin nila ang saloobin na baka nga hindi ako ang ma’am Veronica nila dahil ibang-iba raw ako kay Veronica. Obviously.
Nawala ako sa paningin ng mga guards sa unahan. Pagpunta ko sa likuran ay tumambad sa akin ang dalawa na alertong-alerto na akala mo magnanakaw ako na nakapasok at may balak na masama.
Ipinakita ko sa kanila ang hose na hawak ko. “Magdidilig lang ako ng halaman. Huwag kayong overreacting diyan!”
“Pasensya na ma’am. Napag-utusan lang po kami,” one of them replied.
“Whatever!” Inikutan ko lang sila ng mata saka ko pinagpatuloy ang ginagawa. 
Nang matapos sa ginagawa ay pumasok na muli ako sa loob ng bahay. Nagluluto na si Manang ng lunch. Dumiretso na ako sa kwarto para naman maligo. Pagkatapos ay dumiretso ako sa closet.
Pagbukas ko pa lang ng closet ay sumakit na agad ang ulo ko. Seriously, wala bang ibang damit dito kun’di puro duster? Noong una ay hindi ako nagrereklamo kasi may ilang pirasong damit ako sa bag at ng masuot ko iyon, alam kong wala akong choice kung hindi suotin din ang mga duster na naroon sa closet.
Pero ngayon ay naba-badtrip ako habang pinagmamasdan ang mga bulaklaking duster sa harap ko. Mukha akong manang sa loob ng bahay araw-araw. Ni wala akong make-up! Hindi ko naman kailangan ng make up pero ‘yong damit! Wala akong maayos na damit. Hindi ko alam kung sinadya ito ni Karious pero naalala ko na sinabi niya nga pala na hindi ako pwedeng mag-shopping so that means this was his punishment to his wife!
Imposibleng walang damit dito ang asawa niya. Paniguradong nasa kwarto niya ang mga damit.
Suot ang robe ay lumabas ako ng kwarto at pinuntahan ang master’s bedroom. Unang pihit ko pa lang sa seradura ay hindi na ito bumukas. Understandable kasi master’s bedroom iyon. Need talaga lagi ng naka-lock.
Bumaba ako sa sala para hanapin si Manang Tess. Natagpuan ko siya sa may laundry area.
“Manang, pwede bang mahiram ang susi sa master’s bedroom? May kukunin lang akong damit.”
Mabilis na umiling si Manang. “Hindi ka pwedeng pumasok sa kwarto ni Karious hija. Pinag-utos niya ito sa amin.”
“What?! Bakit hindi pwede? Wala naman akong nanakawin doon! Kukuha lang ako ang damit kasi ubos na ang damit ko. Pwede mo akong samahan kung nagdududa ka,” saad ko pero matigas na iling lamang ang ibinigay niya sa akin.
“Bagong akyat lang ng mga damit mo kaya imposibleng wala kang maisuot.”
“And you all expect me to wear that hideous dress?! Sino ba ang bumili no’n at bakit mas maayos pa ang mga damit ninyo kaysa sa akin?!” I retorted.
“Veronica, pinagsabihan ka na ng asawa mo kaya dapat sumunod ka na lang,” manang Tess replied firmly.
“I said I’m not Veronica!” madiing wika ko.
“Kung ganoon ay mas lalong hindi ka maaaring pumasok sa loob ng kwarto ng mga amo ko.”
Inis akong nagmartsa paalis ng laundry area dahil sa sobra-sobrang irita.
Wala nga ang lalaking iyon dito pero pakiramdam ko ramdam na ramdam ko pa rin ang presensya niya.
Bumalik ako sa kwarto at pabagsak na humiga sa kama. Makikita ng lalaking iyon. Magtutuos kaming dalawa pag-uwi niya.
Kaya naman noong kinagabihan, nang malaman ko na dumating na siya mula sa trabaho ay kinuha ko ang mga duster at binitbit pababa. There’s no way I will wear that again. Once is enough. At mukhang pang-isang linggo pa ‘yong mga damit. Kung gusto niyang mang-inis, pwes iinisin ko rin siya.
Pagbaba ko ay saktong nakita ko siya sa sala. Taas ang noong lumapit ako sa kanya habang dala ang mga pesteng damit. Nagsialisan ang mga katulong nang makita ako dahil mukhang alam na nila na magdadala ako ng habagat sa amo nila. Well, they are right!
Malamig na tingin ang pinadapo niya sa akin pero mas malamig ang tingin ko sa kanya. Napansin ko ang pagtatanggal niya sa coat at tie kaya medyo napakurap-kurap pa ako. Couldn’t he do that upstairs instead?
“What do you want?” malalim na boses na tanong niya na nagpabalik ng pinapakuluan kong galit.
Hinagis ko sa sofa ang mga damit saka ako humalukipkip sa harap niya. “Nananadya ka ba?” mataray na tanong ko.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay niya. He titled his head to the side bago sumulyap sa suot ko pababa. Pinag-initan ako ng mukha. Anong tinitingin-tingin niya riyan?!
“Bakit ganyan ang suot mo? Magbihis ka nga at maraming lalaki ang nasa paligid,” galit niyang utos sa akin. I grinned quietly. I was barely dressed in a bathrobe and even had forgotten my tie the belt.
Tumaas ang kilay ko. “Do you expect me to wear that ugly dress? No thanks. Kung hindi mo papalitan ang mga iyan, the next time, I will only wear this robe! Or maybe, you like me better in two-piece?” I smile seductively.
“What do you say?!” His voice boomed around the corner of the house.
Umirap ako at ipinaikot-ikot ang daliri sa buhok. “Madali lang naman akong kausap Karious. Fine, I won’t wear anything while I’m in this house. Hindi naman ako lumalabas kaya wala namang problema roon. Nagdidilig lang naman ako ng halaman tuwing umaga. Minsan tinutulungan ko si Hana sa pagsasampay sa likod bahay. Minsan din pala naglalaro kami ng anak mo riyan sa tapat. Sige na, to please you, I will not wear anything except my undies.” Ngumiti ako ng nakakaloko saka ko siya tinalikuran.
Ngiting-wagi ako habang umaakyat ng hagdan. To see him shock was priceless! Akala niya siguro ay magiinarte ako sa kanya tungkol sa mga damit. Tss! Madali lang naman akong kausap. Hinding-hindi niya ako maiisahan. Hmp!
Bago pa ako tuluyang makapasok sa kwarto ay isang hila sa braso ang nagpatili sa akin.
... 
𝙺𝚒𝚗𝚍𝚕𝚢 𝚝𝚒𝚙 𝚝𝚑𝚎 𝚊𝚞𝚝𝚑𝚘𝚛 𝚙𝚕𝚎𝚊𝚜𝚎😘 𝚃𝚑𝚊𝚗𝚔 𝚢𝚘𝚞! 

Book Comment (630)

  • avatar
    Kyle Marinas JR

    Gamo pakaning

    10d

      0
  • avatar
    BacarisasJera lyn

    very nice

    18d

      0
  • avatar
    Dlarej Etnama

    good

    21d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters