logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 7

CHAPTER SEVEN
NICKZA’S POV
HINDI ako sanay sa katahimikan na ito. Kanina pa ako panakaw-nakaw ng tingin sa kanila pero hanggang ngayon ay wala pa ring nagsasalita kahit ni isa. Ni magpakilala ay hindi nila ginawa. Siguro ay ganun lang talaga ang respeto nila sa pagkain.
        Natapos na ako’t lahat ay wala pa ring umimik. Napapansin kong lahat sila ay may pare-parehong bracelets, puwera nalang kay kuyang gwapo. Friendship bracelets? Hm, I think so?
        Natapos na rin sila at nagulat ako dahil sabay-sabay nila akong tiningnan except nalang ni Kuyang gwapo.
        “Ysabel,” tawag ng isang babae habang hindi pa rin inaalis ang paningin niya sa ‘kin.
        Nakita ko si Ysabel na papalapit at nakayuko lang.
        “Tumingin ka sa ‘kin, Ysabel.” Agad naman itong sumunod sa kanya. Nagtitigan sila na hindi ko alam kung bakit. Kumunot ang noo ko nang walang nagsalita sa kanila. Ni kahit pagpilikmata ay hindi nila ginawa. Para bang nag-uusap sila gamit lang ang mga mata. Nagulat ako dahil bigla nalang yumukod si Ysabel at umalis.
       What happenned?
        “So, you are?” panimula niya nang bumalik ang tingin niya sa ‘kin.
        “I’m Nickza, Nickza Maureen Marquez,” sagot ko.
        “Hmm. . . nice name,” saad niya saka tatango-tangong tumingin sa mga kasama.
        “I wonder, bakit ka pala nandito? Anong kailangan mo sa angkan ng mga Kumwai? Baka naman ay isa ka ring kaa—”
        “Xiara! Stop that crap!” nagulat ako nang tumaas ang boses ni kuyang gwapo. Napapalunok akong tumungo.
        “Pasensya na, nais ko lang namang makasiguro na hindi siya—”
        “I said stop!” Napaiktad ako nang bigla niya nalang hinampas ang mesa dahilan upang lahat kami ay nagulat. Hindi niya na pinatapos sa pagsasalita pa ang nagngangalang Xiara.
        Bigla na lamang siyang tumayo at iniwan kaming lahat. Sunod-sunod din silang umalis at tanging ako nalang ang naiwan sa mesa.
        May mga katulong na pumasok at nagsimula nang linisin ang hapag.
        “Ate, puwede bang magtanong,” saad ko sa isa sa mga katulong. Tumingin naman ito sa ‘kin.
        “Malayo ba ang bahay na 'to sa bayan?” tanong ko.
       Umiling lamang siya at saka nagpatuloy sa ginagawa. Weird.
       “Hindi niya po kayo masasagot, Ma’am, hindi po siya nakakapagsalita. Simula nang mamasukan iyan dito ay ganyan na 'yan,” saad naman ng isang may kaedarang katulong. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon.
        “Hindi po malayo ang mansyon na ‘to. Sa katunayan ay narito po kayo sa bayan ng Danzak pero hindi po kayo dapat umalis dahil tanging ang bahay na ito lamang ang maituturing kong ligtas upang iyong matuluyan. Maraming panganib ang nagbabadya sa labas kaya mag-iingat po kayo," mahabang lintanya niya.
        “Nag-aalala na kasi ako sa mga kaibigan ko. Ilang araw ko nang hindi sila nakikita simula nang liparin ng hangin ang sinasakyan namin ay hindi ko na alam kung nasaan na sila,” malungkot kong ani.
        Gusto ko na silang makita. Kung okay lang ba sila? Kung nakauwi na ba sila? Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Ayokong mag-isip ng masama dahil naaapektuhan ako kapag naiisip ko ‘yon.
        “Malalaman mo lamang na ligtas sila kung makikita mo silang buhay,” saad niya na nagpakaba sa ‘kin.
        Iniwan ko muna sila roon. Nakilala ko rin ang ilan sa kanila, hindi naman sila nakakailang kausap. Siguro ay sanay lang talaga akong makipag-usap sa mga katulong dahil iyon din ang gawain ko sa bahay. Halos hindi na nga makapag-concentrate sa trabaho ang mga katulong namin dahil lagi ko silang dinadaldalan.
        Naglakad-lakad ako at hinayaan ang mga paa ko kung saan man ako neto dadalhin. Lumilipad ang utak ko sa isipin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko.
        Napadpad ako sa garden ng mansyon. Kay raming mga magagandang bulaklak ang narito at tila inaalagaan talaga ito ng may-ari.
        May nakita akong duyan sa pagitan ng dalawang puno kaya naisipan kong doon umupo.
        “Ang ganda palang manirahan sa ganitong klaseng lugar. Mukha akong nasa paraiso,” nakapikit kong ani at dinama ang preskong simoy ng hangin.
        Naramdaman kong gumalaw ang duyan na inuupuan ko. Kinakabahan ako dahil bigla nalang itong dumuyan ng malakas.
        “Oh my gosh!” naiusal ko. Kumapit ako nang mahigpit sa dulo ng duyan upang hindi ako malaglag. Hindi ako sanay sa ganito dahil para akong nahihilo. Lalo pang lumalakas ang pagduyan sa ‘kin na mas lalong nagpakabog ng puso ko. “P-Please, I’m begging you. Stop it,” tila nanghihina ko nang pakiusap.
       Naramdaman kong dahan-dahan nang humihinto ang pagdaloy nito. Hindi ko pa rin maidilat ang mga mata dahil natatakot pa rin ako.
        “Look at my eyes.” Binuksan ko ang mga mata ko at ang kaninang babae ang aking nakita. Parang may something sa mga mata niya na para akong hinihipnotismo.
        “Xiara, kanina ka pa hinahanap ni— anong ginagawa mo?” may narinig akong boses ng lalaki kaya natauhan ako.
        “Wala akong ginawa. Nais ko lang siyang kausapin.” Iniwan niya agad kami matapos sabihin iyon.
        “Tsk, tsk, tsk.” Umiiling ang lalaking tumingin sa ‘kin, “Hindi ako naniniwalang nais ka lang niyang kausapin, namumutla ka Nickza.” Tinapik niya ang kanang balikat ko at saka ako iniwan.
        Ano bang nangyayari?!
        Umalis na ako roon sa garden at bumalik papasok ng bahay.
        “Ma'am.” Napabaling ako sa aking likuran nang may tumawag sa ‘kin. It’s Manang Rosa, siya ‘yong kanina sa dining.
        “Bakit po?” nakangiti kong sagot.
        “Maaari bang kayo nalang muna ang magdala nitong alak sa kwarto ni Nicolas? Inutusan kasi ako ni Madam Xiara na samahan siya sa kabilang bayan.”
        “Oo naman po, akin na at ako na ang maghahatid.” Iniabot naman niya ito sa ‘kin at kinuha ko naman.
        “Maraming salamat, hija. Hindi ko kasi mahanap si Ysabel, nasa third floor po ang kwarto ni Nicolas. Mahahanap mo agad iyon sapagkat nag-iisa lamang ang kwarto roon.”
        Agad naman akong nagtungo sa itinurong hahatiran ko ng alak na dala ko. Umalis na rin si Manang Rosa kasama si Xiara.
        Who’s Nicolas anyway?
        Sa halip na magtaka kung sino man iyon ay agad na akong nagmadali.
        Pagkarating ko sa third floor ay wala akong ibang nakitang pinto kun'di ay ‘yong nasa pagitan ng dalawang rebolto ng lobo.
        Namangha ako sa nakita. Lumapit ako roon at hindi ko mapigilan ang hawakan ito. Totoo ba ang nakita ko? Gawa sa ginto ang rebolto. Napaumang ang baba ko. Sa halip na pagpantasyahan ang bagay ay kinatok ko na ang pinto.
       Wala akong narinig na nagsalita kaya kumatok ako ulit pero gaya kanina, no one responded.
        Wala akong ibang nagawa kun’di ang subukang alamin kung nakasara ba ang pinto. Thankful naman ako dahil hindi naka-lock. Inikot ko nang dahan-dahan ang siradura hanggang sa mabuksan ko na ito nang tuluyan.
        Tumambad sa akin ang napakalaking silid.
       “Wow,” naiusal ko matapos makita ang buong silid.
        Napansin kong wala rito ang hinahanap ko. Inilapag ko muna sa sidetable ang alak na dala ko.
        Wala namang tao. Napangiti akong tumitingin sa mga litratong naka-frame.
        Nanlaki ang mata ko nang makita ang litrato ni Kuyang gwapo.
        “Ibig sabihin, siya si Nicolas?” wala sa sariling usal ko.
        “Looking for me?”
        “AY GWAPO!” bigla ko nalang nasambit dahil sa gulat.
        Agad akong humarap sa kanya nang marinig ko ang pamilyar niyang boses. Na sana hindi ko nalang ginawa. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
        Oh please! Can somebody help me?
        Pa’no ba naman kasi! Sino bang babae ang hindi magugulat kung kitang-kita mo ang malapandesal na abs ng isang lalaki. O.M.G! Mas lalo yatang nanlaki ang mata ko nang aksidenteng napadpad ang mga mata ko sa umbok niya, down there. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. Mahimatay na yata ako rito. Hindi ko man lang maiwas ang mga mata ko. Hindi yata nakikisama. Oh fudge!
        Bakit ba naka-boxer lang ang lalaking ‘to? Hindi ba siya aware na may babae rito?!
        “Enjoying the view, huh?” nakangisi niyang usal.
        Doon lang ako nahismasmasan. Sinamaan ko siya ng tingin para hindi niya mahalatang kinakabahan ako.
        “Excuse me?” mataray kong saad.
       Tumawa lang siya at tiningnan ang—teka napapansin kong titig na titig siya sa labi ko! OMG!
       “Bastos!” inis kong sabi, “ Kaya siguro ganyan lang suot mo kasi plano mo ‘kong halayin!”
        Nginisihan niya lang ako saka siya humakbang papalapit sa ‘kin.
        “A-Anong ginagawa mo?” kinakabahan kong tanong. “  ‘Wag k-kang l-lalapit!”
       Hindi niya ako pinakinggan at mas lalo pa siyang lumapit sa ‘kin. Napapaatras na ako dahil sa kaba na baka ay kung ano ang gawin niya, hanggang sa wala na akong maatrasan pa. Tiningnan niya ako sa mata kaya dahil sa hiya ay napatungo ako at tumama ang paningin ko sa dibdib niya. Napapalunok akong napapikit.
        “Look at me, Maureen,” saad niya na hindi ko alam kung bakit agad ko itong sinunod. Bakit parang ang sexy ng pangalan ko kapag siya ang magsabi. Oh gosh! Hindi ko na alam kung gaano na kapula ang mukha ko sa kagagawan ng lalaking ito.
        “Your lips looks like an apple I want to bite.” Agad ko siyang tinulak nang sabihin niya iyon kaya naman napaatras siya.
        “You! Pervert!” bulyaw ko.
        Tumakbo ako sa pinto. Bubuksan ko na sana ito pero naka-lock ito. Oh gross!
        Pinilit kong buksan ito pero hindi ko talaga mabuksan.
        “You can’t open it. It’s under of my control. Everything in this house, either outside is mine and you. . .” Humarap ako sa kinaroroonan niya pero hindi ko inaasahang nasa likod ko na pala siya. Inangat niya ang dalawang kamay at inilagay ito sa pagitan ng aking ulo.
        “You are mine.”

Book Comment (193)

  • avatar
    Nosal Niljay

    500

    2d

      0
  • avatar
    Michael Magallon

    yes gusto kong mag laro para manalo at mag kapera para matolong ang aking pamilya

    11d

      0
  • avatar
    Aaron Mondigo Lopez

    Kasama ko Ngayon dito SI kuya sa labas ng ataing Bahay gayagya Siya na lumabs. kaya sinabi nag aking naji. ksjshsbbaa nsjhdbsbsbshhsbsbsbsbsbhs.bshshshshwuhsbsbbsbsbdbdhdhhdhdhdhdhdhhdhdhdhdhdhhdhdhshshhshshshshshhshshshshhshshshhshhdufxyfxyffutfyxfxfyyfxyfuxfydy😁🥱☹️🥱😁☹️fujfifftfuffhgcugufgucuffucyfyxfyfxxtddyyfxyfxfyxfyfyxfxyyxrrxyryxryxryxrcyfcytyffyxrycrycfycyrccryfycfyccfyfcycftfycycfdctfcycyrfcyytctcyyfcfcfyctfcfyctcffcyfycfctfftdxftxdttcdtcdfxfctftctcfctfyctcyrtccfyyfcyfyfftcrxxrdtcrxx

    22d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters