logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 4

CHAPTER FOUR
NICKZA’S POV
“SLEEP tight, my queen,” ‘yan ang huling mga katagang narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
        Isang malakas na pag-ungol ang pinakawala ko nang magising ako. Ramdam ko ang pagsakit ng buo kong katawan. Bigla na lamang akong napabangon nang mapansin ko kung nasaan ako. Napahawak ako sa may bandang kanan ng ulo ko nang maramdamang kumirot iyon. Anong klaseng lugar ‘to? Tumindig ang mga balahibo ko nang maramdaman ko ang kakaibang ihip ng hangin. Inilibot ko ang paningin at nasa isang malaking kwarto ako. Hindi ko alam kung nasaan ako basta ang huli ko lang na naalala ay may nakita akong isang lalaki. Baka siya ang nagdala sa akin dito. Kailangan ko siyang makita dahil siya lang ang alam kong makakatulong sa ‘kin. Tatayo na sana ako nang bigla nalang akong nakaramdam ng kirot. Nakita kong may benda ako sa may kaliwang braso at sa bandang paanan.
        “O.M.G, nasaan na ang mga kaibigan ko?” wika ko sa sarili nang maalala ang mga nangyari.
        Gustuhin ko mang tumayo at maglakad ay hindi ko magawa dahil masyado pang bago at presko ang natamo kong mga sugat. Sumandal muna ako sa may headboard at inilinga-linga ang paningin. Ngayon ko pa lamang nakita ang lugar na ‘to. Sino kaya ang tumulong sa akin? At tsaka nasaan na siya? Gusto ko nang makaalis sa lugar na ito. Baka hinahanap na ako ng mga kaibigan ko.
        Muli akong humiga nang makarinig ako ng mga yapag patungo rito sa kwarto kung saan ako nagpapahinga. Itinago ko ang sarili ko gamit ang kumot at nagpanggap na tulog. Narinig ko ang pagpihit nito sa doorknob.
        “Ma'am, heto na po ang pagkain ninyo,” wika ng isang may boses babae kaya dali-dali akong bumangon.
        “A, Miss, nasaan ako? Anong lugar po ito?” magalang na tanong ko rito.
        “Nasa Danzak ka po, Ma'am. Sige po alis na po ako,” tugon nito.
        Magtatanong pa sana ako nang bigla na itong lumabas ng kwarto. Danzak? Anong klaseng lugar 'to. I've never heard this place before.                    
              
BENEDICT’S POV
HINDI pa rin kami tumitigil sa paghahanap kina Bea at Nickza. Kahit pagod at may mga sugat kami ay hindi na namin iyon alintana dahil ang tanging gusto naming mangyari sa ngayon ay ang mahanap na ang mga kaibigan namin. We need to find them as soon as possible and as soon as we can. Hindi pa namin kabisado ang lugar at ni hindi nga namin alam kung nasaang lupalop kami ng bansa.
        “Can we take a rest for a while? Masakit na ang katawan at mga paa ko,” reklamo ni Fiona kaya saglit muna kaming nagpahinga nang sa ganon makabawi kami ng lakas.
        Umupo muna kami sa may bato. Isang  malalim na pagbuntonghininga ang pinakawala ko.
        “Sa tingin niyo nakaligtas kaya sina Bea at Nickza?” pagbasag ni Chanly sa naging katahimikan naming tatlo.
       “Ano ba ‘yang iniisip mo? Siyempre, sila pa. Alam mo naman ‘yong dalawang ‘yon. Malalakas at palaban kaya for sure nakaligtas sila. Sa tingin ko, kailangan din nila ng tulong natin,” sagot ko.  May pag-aalinlangan man ako sa sarili ko ay sumagot pa rin ako nang mahinahon para palakasin ang mga loob nila. Hindi ito ang tamang oras para mawalan kami ng pag-asa. Bea and Nickza need us. They need our help.
        “Where are we? What kind of place is this? At tsaka, hindi ba kayo nagtataka sa nangyari roon sa Piloto? Wasak ang buong katawan niya. Wala ang mga lamang-loob nito. Sinong may gawa nun sa kanya?” bulalas ni Chanly.
        Maging ako man ay nagtataka rin kung paano at bakit iyon nangyari. Wala pa akong kaide-ideya sa mga nangyayari. Gulong-gulo pa ang isip ko. An'dami pa naming problema. Una na riyan ang paghahanap namin kina Bea at Nickza at lalo na ang hanapin ang daan palabas sa kung ano mang lugar ito.
        “Okay na ba kayo?” panimulang tanong ko sa dalawa. “Malapit nang dumilim kaya kailangan nating magmadali sa paghahanap sa dalawa. Hindi natin kabisado ang pasikot-sikot sa lugar na ‘to at hindi rin natin alam kung anong klase ng mga hayop ang maaari nating makasalubong. Kaya niyo na ba? Tayo na,” dagdag ko na kaagad naman nilang sinunod.
        “Bea, Nickza. Nasaan kayo?” paulit-ulit na tawag namin sa mga pangalan nila at nagbabaka-sakaling may makarinig man lang.
        Hindi ko alam kung ano ang sasabihin at ipapaliwanag ko kina Tito at Tita, sa mga magulang nila. Sinisisi ko ang sarili ko dahil wala man lang akong nagawa para mailigtas sila. Kung may nagawa pa sana ako edi sana magkakasama pa kami ngayong lahat. I’m so weak.
                           
CHICO’S POV
KASALUKUYAN kami ngayong nandirito sa presinto. Kailangan na namin ng tulong mula sa mga pulis dahil hanggang ngayon wala pa rin kaming naging balita sa nangyari kay Bea at maging sa mga kaibigan namin.
       “Nasaan na kaya ang anak natin? Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanya, sa kanilang lahat,” mangiyak-ngiyak na wika ng mama ni Bea.
        “Sana pala hindi ko nalang sila pinayagang makaalis pa. Edi sana nandito sila ngayon sa piling natin. Ako ang may kasalanan kung ba’t sila nawawala ngayon. It was all of my fault. Hinayaan ko silang umalis kahit pa hindi maganda ang lagay ng panahon.” Halos hindi rin mapakali ang mommy ni Nickza sa kaniyang kinatatayuan at patuloy lang ito sa paglalakad nang pabalik-balik.
        “Don’t blame yourself. Hindi naman natin alam na mangyayari ito. Ipanalangin nalang natin na walang nangyari kay Nickza at sa mga kaibigan niya. Mahahanap din natin sila,” pagpapakalma ni Tito kay Tita. Nakikita ko sa mga mata niya ang pangamba pero mas pinili niyang maging matatag para sa kay Tita.
        Gabi na at kasalukuyan pa rin kami ngayong nandito sa presinto at patuloy na nag-aantay ng update patungkol kina Bea.
        “Chief, ano na pong update? Alam niyo na po ba kung nasaan ang mga anak namin?” tanong ni Tita, mommy ni Nickza sa police nang makapasok ito.
        "Sa ngayon Ma’am, ginagawa po namin ang lahat nang aming makakaya para mahanap kaagad ang mga anak ninyo. Masyadong masama ang panahon. Mas lalo kaming mahihirapan sa paghahanap sa kanilang lahat, but don’t you worry, everything is under control. My men are doing their best to find your daughter and even her friends as soon as possible,” paliwanag nito.
        “Gawin niyo po ang lahat Chief nang mahanap sila kaagad,” singit naman ng mama ni Bea na wala pa ring tigil sa pag-iyak. Alam ko ang nararamdaman niya at ang pinagmumulan ng pangamba niya. Maging ako man ay natatakot at nangangamba sa kanilang lahat. Kung hindi ko lang sana sila pinauna, sana natulungan ko man lang sila ngayon. Sana hindi na ito nangyayari pa.
        NEWS FLASH
        “Isang ‘di pa nakikilalang helicopter ang natagpuan sa may timog ng Kanlaon. Hindi na ito makilanlan pa dahil wasak ang lahat ng bahagi nito. Hindi pa rin matukoy kung ano ang naging dahilan ng pagkawasak nito. Matatandaang noong isang taon din ay may namataang aksidente sa nasabing lugar at isa pang bangkay ang natagpuan dito. Hinihinalang ito ang piloto ng nasabing sasakyan at hindi mo aakalain ang sinapit nito. Wasak ang buong katawan nito. Maging ang mga lamang loob nito ay nawala. Ano kaya ang nangyari rito? Sino ang may gawa nang karumal-dumal na pangyayaring ito? Ito po si Yna Castro nagbabalita.”
        Halos mawalan kami ng buong lakas nang marinig namin ang balitang iyon. Mas lalo pang umiyak ang mga magulang nila. Naaawa na ako sa mga kalagayan nila. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kinakabahan ako. Paano kung may nangyari nga sa kanilang lahat? Paano kung kasama silang sumabog doon sa sinasakyan nilang helicopter? Pa'no na? Hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanila lalo na kay Bea. Marami pa kaming dapat ayusin. Marami pa akong dapat ipagtapat kay Bea. Hindi pa sila patay. Hindi ito maaari.
        Hahanapin ko kayong lahat. Just wait for me, Bea. I’ll find you wherever you are.

Book Comment (193)

  • avatar
    Nosal Niljay

    500

    2d

      0
  • avatar
    Michael Magallon

    yes gusto kong mag laro para manalo at mag kapera para matolong ang aking pamilya

    11d

      0
  • avatar
    Aaron Mondigo Lopez

    Kasama ko Ngayon dito SI kuya sa labas ng ataing Bahay gayagya Siya na lumabs. kaya sinabi nag aking naji. ksjshsbbaa nsjhdbsbsbshhsbsbsbsbsbhs.bshshshshwuhsbsbbsbsbdbdhdhhdhdhdhdhdhhdhdhdhdhdhhdhdhshshhshshshshshhshshshshhshshshhshhdufxyfxyffutfyxfxfyyfxyfuxfydy😁🥱☹️🥱😁☹️fujfifftfuffhgcugufgucuffucyfyxfyfxxtddyyfxyfxfyxfyfyxfxyyxrrxyryxryxryxrcyfcytyffyxrycrycfycyrccryfycfyccfyfcycftfycycfdctfcycyrfcyytctcyyfcfcfyctfcfyctcffcyfycfctfftdxftxdttcdtcdfxfctftctcfctfyctcyrtccfyyfcyfyfftcrxxrdtcrxx

    22d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters