logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6

Nakakapagtaka dahil alam niya ang full name ko, hindi rin kasi ako sure kung siya nga si Caleb. Because according to him, iba ang itsura niya in person. Naalala ko nga yung sinabi niya na baka hindi ko raw siya makilala agad kapag nagkita kami. "Do you really know me? Do I know you too?" I asked and then suddenly he laughed. What's with him? He's laughing out of nowhere. Did I say something funny? What's funny about that? I'm asking seriously and then suddenly he laughed. Like what the hell!

"Alam kong ikaw yan. Halata sa pagsasalita mo iyang kaartehan mo eh." Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. "Kaartehan? Stop talking nonsense Mister!" Magwa-walk out na sana ako ng may mabanggit siya na dahilan para hindi matuloy ang pagwa-walk out ko.

"Pre, ganoon ba ako kagwapo para makalimutan mo na ako? It's Caleb!" Ginaya niya kung paano ako magsalita sa pagpapakilala niya sa sarili niya. "Seriously? Is that really you?" Lumapit ako ng kaunti sa kaniya at tinitigan siya. "Ano bang sinabi ko kanina? Caleb nga pre. Caleb 'to! Gwapo ko no! Anong ginagawa mo dito?" Ngumisi pa ito at tinignan ang paligid. "Hindi pa dapat sayo ko tinatanong yan? What are you doing here? Nasa Pampanga ka, hello? I told you, once na pumunta ka dito. Kahit saan ka pa sa Pampanga, magpapakita at magpapakita pa rin ako sayo." He then laughed.

I didn't expect this to happen. Akala ko kasi matagal pa kami magkikita in person. Akala ko after a year or maybe hindi na nga kami magkita in person eh. But I was wrong. Ngayon, finally I saw one of my internet friends. Ganoon pa rin naman siya. Ang pinagkaibahan ng alang eh yung part na hindi na kami pinapag-gitnaan ng screen sa tuwing naguusap kami. He's not that too handsome talaga. Pero he's attractive naman at the same time. He's just a typical guy from Bulacan. He's just a simple guy.

"Anong tingin iyan? Hinuhusgaan mo na siguro ako sa isip-isip mo no? Sinabi ko naman kasi sayo na hindi ako ganoon kagwapo. Ni hindi nga rin naman ako masyado maputi. Kung tutuosin, mas maputi ka pa sa akin." "Seriously? Kung akala mo ganoon akong tao, nagkakamali ka. Gosh! I thought you already know me na hindi pa pala. Tsaka pre, is not about the looks. Ang importante nakahanap ako ng kaibigan na katulad mo. Ewww! Parang ang dramatic pakinggan!"

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko. I just can't imagine na ganito pala ang mangyayari sa first meet namin. Sabi ko pa man din sa sarili ko once na may meet up na magaganap, bongga dapat ako. Kaya lang hindi naman nangyari.

Natigil kami sa paguusap at nagiiwasan lang ng tingin. Ang awkward naman nito! Yes, I'm talkative pero bakit parang nanibago ako at nahihiya na ngayon? Maybe because this is the first time I saw him in person.

"So, where are you going ba? Why are you here all of a sudden?" Pambabasag ko sa katahimikan. "Something came up. Kailangan muna naming tumira dito pansamantala. Basta masyadong private yung dahilan eh." Napatango na lang ako sa sagot niya. Hindi ko na rin siya pinilit na sabihin ang dahilan niya kung bakit siya nandito. Because in the first place kahit na alam niya na lahat ng tungkol sa akin, hindi pa rin mawawala ang part na stranger pa rin kami sa isa't isa. Iba pa rin kasi yung nakilala mo ng personal kaysa sa nakilala mo lang through internet.

"I'll go home na. It's nice to see you here!" pagpaalam ko. Mukhang may lakad pa siya kaya mas mabuti ng umalis na ako, isa pa hahanapin na rin niyan ako nila Dad. "Sheena, may 7/11 doon banda sa kabilang kanto. Baka gusto mo muna akong samahan." Napatigil ako sa alok niya. Tatanggi pa sana ako kaya lang hindi ko magawa dahil may parte sa akin na gusto siyang makausap kahit sandali man lang. Napatingin ako sa suot ko, I'm still wearing my uniform. Mas okay sana kung hindi ganito ang pagkikita namin. Gusto ko pa sanang magpalit muna ng damit bago tumuloy sa 7/11, kaya lang wag na. Baka masayang ko pa ang oras niya.

"Bago ka lang dito pero kabisado mo na yata ang iilan sa mga nadaanan mo. Ayokong gabihin ah. Ano bang gagawin mo doon?" Sabay kaming naglakad papunta sa 7/11. Hindi naman iyon masyadong malayo, kayang-kaya pa namang lakarin. "Anong gusto mong kainin?" tanong nito sa akin habang pumipili siya ng kakainin niya. "Ahhh. Kakain ba? Good thing I have my wallet here." Tumingin ako ng makakain ko. Hindi naman ako gutom na gutom kaya yung chips na lang muna ang pinili ko.

"Anong ginagawa mo? Bakit yan lang? Ako naman magbabayad eh, kumuha ka ng marami." I was so shocked with what he said. I had no idea na siya pala ang magbabayad. Because in the first place he didn't inform me. "No, I can manage. I have my money." pagtatanggi ko. "Eh ito sana yung way ng pasasalamat ko dahil doon sa ginawa mong essay."

"Ahhh. Ganoon ba? I already told you that I won't accept anything from you. I mean, hindi naman ako nagpapabayad. Isipin mo na lang na tulong ko iyon sayo with all of my heart. Walang bayad-bayad." At first, hindi pa siya pumayag na hindi siya manlilibre. But because I was born and raised here in Pampanga, ako ang masusunod. Ako ang reyna!

"May alam akong pupuntahan natin. Hindi naman siya ganoon kaganda pero kitang kita mo ang buong subdivision sa pwestong iyon. Wanna go there?" Mabilis niyang kinuha ang donut at iba pang kinakain niya. I'm not judging him pero feeling ko he's kinda matakaw. Ang dami niyang binili eh.

"Safe ba yung pupuntahan natin?" He asked. Naglakad kami papunta sa isang bahay. Wala ng nakatira dito, hindi naman masyado sirang-sira ang bahay na ito. Maayos pa naman siya kaya lang may ibang part na nasira pero hindi naman ganoon kadelikado na pasukin ang isang 'to.

"This is my place. Oh I mean, this is my safe place. This is where I'm watching everyone. When I feel like I needed to watch everyone, I just go here and watch them peacefully. By watching them, doon ko nalalaman kung anong kwento ng buhay nila." He nodded. "Strict ang parents mo diba? Hindi ka ba napapagalitan kapag pumupunta ka dito?" tanong niya at tila ba nagaalala pa sa akin. As if!

"Yeah. They are strict. Pero hindi naman ako mapapagalitan kung hindi nila malalaman. That's why shut your mouth kung ayaw mong isunod kita sa kanila." pagbabanta ko. Tinago ko ang tawa ko nang makita ang takot sa mukha niya. "Isunod sa kanila? Sino sila? Anong ibig mong sabihin?" I smirked when I noticed that he's kinda scared yet trying to relax. "I can kill people just by writing. Perks of being a writer." Tumawa ako ng makitang unti-unting nawala ang takot sa mukha niya.

"Pero bakit mo naman pinapanood ang mga tao dito? Para saan pa? May sara-sarili tayong buhay. Gustuhin mo mang subaybayan ang buhay ng ibang tao, hindi mo magagawa. Siguro minsan makakaya mo yun gawin pero tandaan mo na may sarili ka rin namang buhay na dapat yun ang subaybayan. Chismosa ka lang talaga!" Sinamaan ko siya ng tingin, siya naman itong tawa ng tawa.

"I know na hindi ko masusubaybayan habang buhay ang buhay ng ibang tao but the thing is, sa kanila ako kumukuha ng inspiration. Sa kanila ko kinukuha ang mga nilalagay ko sa story na sinusulat ko. Inoobserbahan ko sila, yung mga ginagawa nila. At dahil doon natutulungan nila akong makabuo ng isang story o makatapos ng isang story ng hindi nila nalalaman na may naitulong sila sa akin." Napaiwas ako ng tingin ng matagal niya akong tinitigan.

"Grabe ka no! Kakaiba ka talaga, promise."

"Huh? Anong kakaiba?"

"Wala!"

Bumalik ulit ang tingin ko sa mga taong tinitignan namin kanina. Napakunot ang noo ko ng may mapansin akong babae na papunta sa gawi namin. Kaya mabilis kong hinila si Caleb para makapagtago sa likod ng pintuan. "Bakit? May problema ba?" He asked. Mabilis kong tinakpan ang bibig niya gamit ng kamay ko. "Shhh. Just shut up your mouth. Baka hindi tayo makauwi ng buhay." bulong ko. Baka kasi ano gawin sa amin nung babae. Nagiingat lang ako. Kapag kasi nahuli ako ng mga kapitbahay dito, baka isumbong nila ako kay Dad o kay Mama. Lagot ako kapag ganoon.

Nagkatinginan kami ni Caleb nang may marinig kaming umiiyak. Nagkakatulukan pa kaming dalawa dahil sa takot at gulat na naramdaman namin. Sumilip muna ako bago ko tuluyang tinanggal ang pagkakatakip sa bibig ni Caleb at lumabas mula sa pinagtataguan. Si Caleb naman nanatili lang sa pwesto niya kanina. Dito ko nakita kung sino ang umiiyak. Ito yung babae na nakita ko kanina. Siya rin ang dahilan kung bakit kami nagtago. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kaniya pero ang sakit ng iyak niya.

"Oh? Napano ka? Bakit umiiyak ka rin?" tanong sa akin ni Caleb ng makita na medyo naluluha ako.

"I already told you about this. Nakalimutan mo na ba? Ulyanin ka talaga! Kapag may umiiyak, nahahawa rin ako. Mababaw lang kaya luha ko!" Pinunasan ko na ang luha ko, nahawa lang talaga ako sa babaeng umiiyak. "Chill! Huwag mo kong inaaway. Sino ba siya?" He's pertaining to the girl who's crying.

"I don't know her name. Pero lagi ko kasi siyang nakikita dito maybe kapitbahay namin siya or dito siya nakatira. Hey girl, I don't know your name kaya is it okay if I call you girl for a while? Or much better if sasabihin mo ang name mo sa amin. Let's go! I'll treat you." Hinila ako ni Caleb papalayo sa babaeng umiiyak at pinanlakihan ng mata. "Seryoso ka ba? Hindi mo kilala tapos lilibre mo?"

"Wow! Eh parang ikaw lang din naman yan no. Remember we're strangers!" Tinaasan ko siya ng kilay at tinabig ang kamay niya na nakahawak sa braso ko. "Strangers? Alam ko kaya secret mo! Gusto mo ba ipagkalat ko?" Sinamaan ko siya ng tingin at sinenyasan na tumahimik na muna dahil naagawan niya ng eksena itong babaeng umiiyak.

Bumalik ulit kami sa 7/11 kasama ang babaeng umiiyak kanina. Medyo tumahan na ito dahil sa mga kalokohang sinasabi ni Caleb. Puro siya patawa eh. "Strangers pala ah. Eh why are you talking to her if she's a stranger?" tanong ko kay Caleb. "Bakit bawal ba?" tanong niya naman.

"Sabi mo nga bawal manlibre sa mga strangers eh. Hindi mo naman sinabi na ang pakikipagusap pala sa kanila ang pwede." Bago pa kami magbardagulan ay pumasok na ako sa loob ng 7/11 at namili ng makakain ng babaeng kasama namin.

"Hi kuya! We're back! And look, may bago kaming kasama." Kumaway ako sa isang lalaking staff, he just smiled at me. Matapos kumain yung babaeng kasama namin, nalaman ko rin ang pangalan niya sa wakas. Her name is Coreen. Nagkatinginan kami ni Caleb nang makita naming umiyak na naman siya. Napaiwas ng tingin dito si Caleb at napakamot sa batok niya.

"Pumunta ako dito para iwas stress, eh mukhang stress ang dala ng babaeng ito. Bakit ba kasi inaya mo pa yan na sumama sa atin?" Sinenyasan ko siya na hinaan lang ang boses niya. Ang deep kasi ng voice niya, and even na bumulong pa siya maririnig at maririnig pa rin siya. "Oh tignan mo nga naman. Masama ka talaga no. I'm just helping her no." saad ko.

"Okay. Kaya ka inaabuso kasi mahilig kang tumulong kahit na hindi naman kailangan na lahat ng tao tulungan mo."

"Just shut up and listen to Coreen. May sinasabi siya eh." Nakinig naman sa akin si Caleb, kaya natahimik siya.

"I ain't white, I ain't had pointed nose, ain't that tall, ain't had thin lips and a clear skin, my body is full of imperfection." sabi ni Coreen. I was so shocked when I heard what she said. Kaya pala she's crying so hard like as if there's no tomorrow. I patted her shoulders, for her to stop crying na. Napatingin naman ako kay Caleb na kanina pa ako kinakalabit. "What?" Inis kong tanong. "English pre." He then smiled awkwardly. Napailing na lang ako sa kaniya at muling binalingan si Coreen.

"You know what Coreen? I know we're just strangers but let me tell you something." I stopped for a second. "Embracing yourself as who you are, makes you who you wanna be. Listening to the shits will only roast your insecurities more. Lastly, loving yourself is not a joyful journey to go through, but all you have to do is to believe that you are worth it and beautiful. No matter what race, gender, and class you belong." saad ko. Napatingin naman ako kay Caleb na mahinang pumalakpak.

"What are you doing?" Nagtatakang tanong ko. "Pinapalakpakan ka? Pre alam mo namang kapag englishan na labas na ako diyan. Kaya bilang mabuting kaibigan mo, papalakpakan na lang kita. Support kita!" Napailing ako sa sinabi ni Caleb. Kaya naman pala pumalakpak siya dahil yun lang ay maiaambag niya.

"Thank you, uh what's your name?" tanong nito. "Sheena and this is Caleb. No worries, Coreen. Basta always remember that you're beautiful in your own way." Tumango ito at pinunasan na ang luha niya.

"Sige mauna na ako sa inyo. Thank you dito, nagabala ka pa na bilhan ako." Kumaway lang ako dito at tuluyan na siyang umalis. "Nice lods. Galing mo naman mag-advice. Kapag ako kaya, bibigyan mo ba ako ng advice?" Tanong ni Caleb at siya na ang pumalit sa kinauupuan ni Coreen kanina. "Kaya mo na sarili mo. Malaki ka na. Tara na! Oras na." Hinila ko na siya palabas ng 7/11 para makauwi na din ako.

"Ang gara nito! Kapag ako manghihingi ng advice, ayaw mo? Parang hindi tayo magkaibigan ah."

"Ay? Magkaibigan tayo?"

"Tsk. Edi wow! Dito niyan kayo nakatira?" Habang sabay kaming naglalakad, hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. "Pre, wag kang magsasalita. Wag mong bubuksan bibig mo. Maglakad ka lang ng hindi nagsasalita." Nagtataka man siya sinunod niya pa rin ang utos ko. Madali lang palang ma-uto ang isang 'to. "Alam mo, wag ka na lang magsalita habang buhay. Mas bagay mo yung ganiyan." Habang tinatawanan ko siya, unti-unti naman niya akong sinamaan ng tingin.

"Masama ka talaga no!" Pinambilisan niya ang paglalakad, kaya binilisan ko ring maglakad para maabutan siya. "Mana sayo lods!" sigaw ko. Napahinto kami pareho sa tapat ng bahay namin. Matagal naman na napatitig sa bahay namin si Caleb at binalingin ako matapos iyon titigan.

"Mayaman pala kayo no?" tanong nito. "Hindi naman." Natawa siya sa sagot ko. "Alam mo bang mahal ang ganitong klaseng bahay?"

"Pinairal mo na naman pagiging engineer mo. So paano? May pupuntahan ka pa ba? Malapit ng magdilim oh." Mukha naman itong namangha sa sinabi ko. "Wow lods! Napakatagalog non ah!" Napailing ako sa kaniya at natawa.

"Bakit? Ano sa tingin mo? Hindi ako marunong magtagalog sa personal?"

"Hindi naman sa ganoon. Kaya lang kapag magkausal tayo sa chat, puro english." Ilag na ilag talaga siya sa english. Kung ako ayaw na ayaw ko ang math subject, siya naman ayaw na ayaw niya ang english. "Dito na din kami nakatira pre. Tsaka ko na lang papakita bahay namin sayo. Ang mahalaga nakita ko na bahay mo." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Huh? Bakit naman mahalaga sayo na makita ang bahay namin?"

"Para alam ko kung saan kita susugurin kapag hindi na ako nakapagtimpi sa kasamaang taglay mo."

"Sige na. Dami mong kalokohang alam! Papasok na ko sa loob. Anyway. Nice meeting you Engineer Alonte!"

"Naks! Ang lakas ng dating ng pangalan ko ah. Nice meeting you too, Attorney Alameda!"

Book Comment (8)

  • avatar
    MillanoPatrick

    that's good

    18/07

      0
  • avatar
    Carl Justin Penaso

    Good story

    27/05

      0
  • avatar
    LimbagoLyster

    nice stories thank you for the author of this stories

    23/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters