logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7 Seven

Para akong binuhusan ng malamig na tubig... tama nga naman, hindi niya ako girlfriend at kahit kailan best friend lang ang tingin n'ya sa akin.
Nanatili akong nakatingin kay Chester. Para akong natuod sa sinabi niya, habang kitang-kita ko ang pagtigas ng kanyang bagang kahit patuloy na naka-focus sa pagmamaneho sa kahabaan ng EDSA.
Gusto ko umiyak pero hindi puwede kaya itinuon ko ang atensyon ko sa mga nagdaraang mga sasakyan sa kanang bahagi ko. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Alam kong nabigla lamang si Chester sa sinabi niya, pero totoo naman iyon. Bakit ko nga ba naisip na nagseselos siya? Kahit naman sobrang maasikaso sa akin ni Chester, alam ko na nakababatang kapatid at bestfriend lamang ang tingin niya sa akin. At kahit kailan alam kong hindi na iyon magbabago dahil kung nakatakda man mangyari iyon, eh di sana noon pa.
Second year college ako nang mapansin kong iba na ang nararamdaman ko para kay Chester. Alam kong mahal ko siya higit pa sa isang kaibigan. Yes, I fell in love with my bestfriend, who was deeply in love with his girlfriend.
At dahil ako ang may nararamdaman, ako lagi ang nasasaktan. Kahit na alam ko na hindi sinasadya ni Chester ang mga pagkakataon na nasasaktan niya ako. Siguro kung hindi ko ito nararamdaman, hindi rin naman ako masasaktan. Dapat ko na bang ihinto ang nararamdaman ko para sa kanya?
Naramdaman ko ang kamay ni Chester sa ibabaw ng kamay ko, pinisil niya ito ng bahagya kaya napilitan akong lumingon sa kanya.
"I'm sorry," seryoso nitong sabi.
Tumango na lamang ako. At saka ko muling ibinalik ang aking paningin sa labas. Binitawan ni Chester ang kamay ko para mag change gear, pero hindi na rin niya ibinalik itong muli sa kamay ko.
Napansin ko na lang na papasok na kami sa subdivision kung saan kami nakatira. Nang makapagpark si Chester sa harap ng bahay namin, hindi ko na hinintay na buksan niya ang pinto ko. Dali-dali akong bumaba at dumiretso sa pinto ng aming bahay para buksan ito at agad na umakyat sa hagdan.
Pagsara ko ng pinto ng aking kwarto, hindi ko napigilang mapasandal doon sabay ng pagtulo ng mga luha sa pisngi ko. Hinawakan ko ang dibdib ko nang maramdaman kong naninikip ito. Ang sakit, napakasakit mo mahalin Chester.
Inilapag ko ang dala kong bag sa vanity table, binuksan ko ang bag ko at ininom ang tubig sa baon kong tumbler. Tinanggal ko ang make-up sa aking mukha at saka pumasok sa banyo para maligo. Baka sakali pag iniligo ko ito ay mawala lahat ng sama ng loob ko.
Tinimpla ko tubig sa shower, mas gusto ko ang may konting init para ma-relax ang katawan at isip ko. Pagdampi ng tubig sa aking balat, hindi ko napigilang umiyak. Ilang ulit ko na ba naranasan ito kay Chester? Nakakapagod masaktan, nakakapagod umiyak. I need to help myself to stop this feeling for him... unlove him and move forward. But how??? Lalo akong naiyak. Anong gagawin ko para mawala ang nararamdaman ko for him?
Hinayaan kong dumaloy ang warm water sa ulo ko, mas nakapag-iisip ako kapag naliligo ako. Dinampot ko ang mild soap at sinimulang sabunan ang katawan ko, pagkatapos ay kinuha ko ang loofa at sinimulang kuskusin ang bawat parte ng katawan ko. Kinuha ko ang facial wash at ang mukha ko naman ang sinabon ko at saka ako nag-shampoo. Habang binabalnawan ko ang buhok at katawan ko, isang solusyon ang naisip ko... isusulat ko ang lahat ng rason para kalimutan ang nararamdaman ko para kay Chester.
Paglabas ko ng banyo ay agad akong nagbihis, binuksan ko ang drawer sa study table ko at kinuha ang isang journal na matagal ko nang nabili ngunit hindi pa nagagamit. Isinulat ko ang mga salitang: Twenty Reasons to Unlove You.
Napaisip ako, saan ako magsisimula? Sa pangit nya bang mga katangian? Ang ideal man ko talaga ay matangkad tulad ni Daddy, pero si Chester ay 5'6" lang.
Isinulat ko: 1. Height
Pitong taon ako ng makilala ko si Chester, na noon ay eleven years old. At dahil nga naging magkaibigan ang mga pamilya namin, nasanay na kami na lagi kaming magkasama kahit sa school samantalang hindi naman kami pareho ng Grade level. Grade one ako, grade five sya. Sabay kami pumapasok at umuuwi at madalas napagkakamalan kaming magkaedad lamang dahil magkasing height lang kami.
Sabi ni Mama Bles sakitin si Chester noong bago sila lumipat sa katabing townhouse namin. Kaya dati hindi nakikipaglaro si Chester sa mga kaedad niya, nag-iisa itong anak at madalas libro at laptop lamang ang kaharap niya. Pagkagaling namin sa school ay manonood na kami ng cartoons na madalas ay sa bahay namin.
Sa isang Filipino- Chinese School kami nag-aaral ni Chester pero dahil wala naman akong dugong Chinese, lagi akong pinagti-tripan ng ibang estudyante.
"Singkit ka nga pero hindi ka naman Chinese, paano ka nakapasok sa eskwelahang ito?" tanong ng isang grade two na babae sa akin.
Hindi ko siya pinansin at patuloy na naglakad pabalik sa classroom. Nagulat ako nang biglang may humatak sa buhok ko mula sa likod.
"Ouch," daing ko.
"Kinakausap kita, ba't ang bastos mo!" galit na sabi ng babae.
"Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo. Ask my parents," inis kong sagot. Kinantyawan ng mga estudyante ang babae.
Kinahapunan, habang naghihintay kami ni Chester ng sundo namin, nilapitan ako ng isang batang lalaki at katabi nito ang grade two na humila sa buhok ko noong umaga.
"Hoy bata! Bakit mo binastos ang kapatid ko kanina?" Galit na sabi ng lalaki, matangkad ito kaya tiningnan ko ang ID niya at base dito ay grade six na siya.
Pero bago pa ako makasagot ay nakatayo na sa harap ko si Chester.
"Baka dapat alamin mo muna kung ano talaga ang nangyari. Hindi bastos si Elle," pagtatanggol ni Chester sa akin.
"Umalis ka diyan o sasaktan kita?" galit na sabi ulit ng grade six pupil. Sa tangkad nito ay hanggang dibdib lamang niya si Chester.
Pero hindi umalis si Chester, nanatili itong nakatayo sa harap ko para proteksyunan ako.
Akmang susuntukin ng grade six si Chester nang dumating si Papa Charlie para sunduin kami. Agad niya itong ipinarating sa principal's office kaya agad ding ipinatawag ang magulang ng magkapatid.
Sinubukan pang magsinungaling muli ng grade two pupil pero ipinakita ng principal ang kopya ng CCTV sa hallway at nakitang hinila pa nito ang buhok ko.
Humingi ng tawad ang magkapatid sa akin at kay Chester at ganun din ang ginawa ng mga magulang nila.
Naramdaman ko ang pagkalam ng aking sikmura kaya nagpalit ako ng pambahay at lumabas ng kwarto.
"Kakain ako, noh?! Swerte mo naman kung magpapagutom ako para sa iyo!" Bulong ko sa sarili ko habang pababa ng hagdan.
Pagdating ko sa kusina, naroon si Chester at nagluluto. Suot pa nito ang maong niya kanina at hinubad lamang niya ang suot na polo. Ang sexy niya tingnan suot ang apron ng walang pantaas. Kita ang mga muscles niya sa likod at ang V shape nitong pangangatawan.
Elle! Tumigil ka nga!
Naramdaman ni Chester ang presensya ko kaya lumingon siya sa kinatatayuan ko. Matamis ang ngiti niya sa akin, dahilan para mawala ang bigat na nararamdaman ko sa aking dibdib.
"Gutom ka na ba? Malapit na maluto itong ulam at kanin."
"A-anong niluluto mo?" Nauutal kong sagot.
"Favorite mo!" Nakangiti niyang saad.
Lumapit ako para tingnan ang kanyang niluluto, malalaki ang aking hakbang habang nakatingin sa kanya. May kung anong nakaharang sa daan dahilan para matisod ako, akala ko ay babagsak ako sa sahig pero maagap akong nasalo ni Chester. May tila kung anong kuryente akong naramdaman sa pagdikit ng mga balat namin kaya mabilis akong bumitaw sa kanya.
"Sorry, nakalimutan ko itabi itong Styrofoam box."
"O-okay lang," naiilang kong sabi at saka ako naupo sa isang stool.
"Hindi mo na sisilipin ang niluluto ko?"
"Naamoy ko na," seryoso kong sagot, "Adobong pusit."
Ngumiti siya sa akin ng matamis.
"Maglagay ka na ng plato sa mesa, isusunod ko na itong ulam at kanin."
Tumango ako at saka kumuha ng dalawang plato at dalawang pares ng kutsara't tinidor. Lumabas ako ng kusina at iniayos ang plato sa mesa. Inilagay ko ang isang plato sa kabisera habang ang isa ay sa bandang kanan.
"Kain na tayo!" masayang sabi ni Chester at saka inilapag ang ulam at kanin sa mesa. Napansin ko na suot na ulit niya ang kanyang puting polo.
Nagsalin ako ng kanin sa plato n'ya at naglagay din ako sa plato ko. Habang nilagyan niya naman ng pusit ang plato ko bago niya nilagyan ang plato niya.
Pagsubo ko, agad kong nalasahan ang malinamnam na luto ni Chester. Medyo may tamis at lasang- lasa ang pusit.
"Masarap ba?"
Tumango ako.
"Galit ka pa ba?" malambing nitong tanong.
"H-hindi." Napayuko ako, hindi ko kaya tingnan si Chester, "Tama ka naman."
Magsasalita pa sana si Chester nang biglang mag ring ang cellphone niya na nakalapag sa pagitan naming dalawa. Tumatawag si Tanya. Kinuha niya ang phone at inilayo sa amin.
"Kain na tayo!" seryoso niyang sabi.
Tahimik kaming kumain. Pagkatapos ay nagpaalam si Chester na maliligo muna sa kanilang bahay habang naghugas naman ako ng pinagkainan namin at mga nagamit na kaldero. Inilagay ko sa microwave safe container ang natirang ulam at itinago sa ref. Matapos kong masiguro na malinis na ang kusina ay umakyat na ako sa aking kwarto para ipagpatuloy ang pagsusulat.

Book Comment (26)

  • avatar
    AsanionMaria

    sobrang ganda

    10d

      0
  • avatar
    スミス シニックス

    gghhhhh

    25/07

      0
  • avatar
    Nica Ramos

    ❤️❤️

    22/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters