logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

FIVE

UMUUNGOL na itinakip ni Johnny sa ulo ang unan nang masilaw ng sinag ng araw na tumagos sa pabiglang hinawing mga kurtina sa silid niya. He spent the night drinking at his highschool buddy Trey’s house dahil inimbitahan siyang maging ninong ng bunsong anak nito. Kaya pakiramdam niya ay tinatambol ng drummer ang ulo niya sa sakit.
And based on the faint lemony scent that caught his nostrils, maaga siyang binisita ng stalker niya. Akala pa naman niya ay medyo ligtas na siya sa mula umaga hanggang gabi nitong paggambala sa kanya dahil nakauwi na sina Aunt Shebbah at Uncle Ravin mula sa States noong isang araw pa. Bumalik na sa sarili nitong bahay si Riri and for the whole day yesterday ay hindi niya nakita ito.
Ngunit bumabawi naman yata ito ngayon kaya’t ang aga-aga pa ay nandito na naman sa kanila at iniistorbo siya.
“Close those curtains and get out, Riri!” ungol niya.
“Get up, Johnny! It’s past nine and you promised you’ll take me to Katereena’s today to pick out my gown!”
Sinundan ng biglang paglundo ng kama niya dahil sa pagtalon nito roon ang masiglang tinig nito.
“Baka ma-traffic tayo! Baka maunahan pa tayo ni Tita Teree doon and you know she hates waiting! C’mon!” walang respeto sa hang-over niyang yugyog pa nito sa balikat niya.
“I can’t! Masakit ang ulo ko. Sina Mom at Aunt Shebbah na lang ang isama mo.”
He tried to bury his pounding head between the pillows but she wouldn’t let him. For such a small girl, she had a surprisingly strong grip when she turned himn over. He wasn’t expecting it so the blanket covering his naked body slipped, almost baring him to her impish gaze.
“Damn! Close your eyes!” gigil na utos niya while tugging the sheet to cover his lower body.
But of course, Riri being Riri, sa halip na sumunod ay puno ng kaaliwan at kapilyahang tumitig pa ito sa part ng anatomy niyang naka-attention.
“Bakit may talong ka diyan? Don’t you know masamang kumain sa kama, lalanggamin ka!” kunway ignoranteng hagikhik nitong nakanguso sa tinutukoy.
“Shut up, brat! Labas!” angil niyang hinagip ang unan at namumulang itinakip iyon sa kandungan.
“Ayoko nga! Tell me first what you’re hiding there,” maldita ang ngising hinawakan nito ang dulo ng unan, half-heartedly pulling it.
“Hindi puwede. Para lang ‘to sa mga R-18.”
“I’ll be eighteen next month,” paalala nito.
“Bloody hell! Will you just get out?!”
“Not before you show me what’s in there!”
Magsasalubong na ang kilay niya sa inis nang may maisip na paraan.
“Ganun!? Eh, ‘di sige!” akmang tatanggalin pa lang niya ang kalong na unan ay nakalundag na ito pababa ng kama at tumitiling tumakbo patungong pinto. Siya naman ang napahalakahak.
“Hoy! Bumalik ka dito! Ipapakita ko na nga sa iyo eh.”
“Ayoko! Ninang Dita!!! Si Johnny ‘o!” pasigaw na sumbong nitong malakas na ibinalibag pasara ang pinto pagkalabas ng kwarto.
“Hay, sa wakas!” muli siyang dumapa sa kama at pumikit. Pero hindi pa lumilipas ang ilang minuto ay muli na namang bumukas ang pinto. Nuknukan talaga sa kulit ang babae na ito.
“Ang kulit mo ha!” hinatak niya paalis ang kumot, believing it was Riri again. Tingnan lang niya kung hindi pa ito masindak pag nakita ang tinatawag nitong ‘talong’.
“John David Winter! Ano’ng ginagawa mo?!”
Mulagat na napadilat siya at natatarantang nagtakip ng kumot pagkarinig sa boses ng ina na nakapameywang at nakatayo sa tabi ng kama niya. Pinandidilatan siya nito and for a few seconds, natakot siya na iyon na ang magiging katapusan ng future generation niya.
“Get up and shower! You smell like a brewery! Nangako kang sasamahan mo si Riri sa pagkuha ng gown niya for her debut, hindi ba? Hindi kami pupuwede ni Shebbah dahil makikipag-usap kami sa mga caterers na mag-aasikaso sa handa. Apparently, kulang sila sa staff dahil nag-resign sabay-sabay ang staff nila. Probably because maldita ang amo nila!” sabi ng mom niya na may kasama pang pag-ismid pagkasabi sa huling pangungusap nito.
“Si Aunt Kathleen ang caterer na kinuha ninyo, hindi ba?” komento niya tukoy ang pinsan ng ina. Only child ang kanyang ina pero lumaki ito under the same roof with Aunt Kathleen’s family. Kaya parang magkapatid na rin ang dalawa. At tulad ng normal na magkakapatid, parang aso’t pusa ang dalawa. Minsan bati, minsan magka-away. Ibang-iba sa pagiging magkaibigan ng ina niya at ni Aunt Shebbah. Siguro dahil mas malapit ang mga ugali ng ina niya at ni Aunt Shebbah.
“Oo. Kaya alam kong dahil iyon sa kamalditahan niya kaya siya nilayasan ng mga staff niya! Anyway, titingnan namin ni Shebbah if magagawan nina Kathleen ng paraan before the debut or if we need to find another caterer,” sagot ng Mom niya.
Mula sa likod nito ay nakita niya ang alanganing pagsilip ni Riri. Nang makitang wala naman itong matutuklasang kahindik-hindik ay saka lang ito ngumisi na tila nakaisa na naman. At nang pandilatan niya ng mga mata ay binelatan lang siya.
“John David! Babangon ka ba diyan o hindi?!” pandidilat din sa kanya ng ina. “Kung nandito lang si Ravin ngayon, alam mong hindi makikisuyo sa iyo sina Shebbah! You don’t even have to drive, may driver sila, sasamahan mo lang siya para---”
“How can I get up if you two are still here, Mom?” putol niya sa paglilitanya pa ng ina.
“Alright! Bilisan mo!”
Ang dalawa ay lumabas na ng kwarto niya.
Napakamot sa ulo na napilitang tumayo siya. Oo nga pala, nasa Esther Farms si Uncle Ravin at inaasikaso ang mga nasirang tanim sa farm nito dahil sa nagdaang bagyo.

“YOU know what?!” tulad ng inaasahan ni Johnny, hindi na napigilan ni Riri na basagin ang katahimikang namamayani sa backseat habang pauwi na sila galing sa shop ng Tita Teree nito.
Sa halip na sumagot ay ihinilig lang niya ang ulo sa sandalan at pumikit. Nababakas sa tinig nito ang pagkairita dahil mula pa kanina sa shop ng sikat na designer ay puros monosyllables ang itinugon niya sa bawat tanong nito. He didn’t even show a flicker of interest when she asked his opinions about her gown.
Dama niya ang init ng matalim nitong titig at alam niyang kanina pa rin pasulyap-sulyap sa kanila ang family driver nitong si Kuya Bonoy. Pero inignora lang niya ang mga ito.
“You’re so unfair! Sino bang nagsabing mag-inom ka ng sobra-sobra last night para may hang-over ka ngayon?! You promised na sasamahan mo ako today and you have never before reneged on a promise! ‘Di ka dapat naglasing masyado para ‘di masama ang pakiramdam mo ngayon!” salubong ang mga kilay na inilapit pa nito ang bibig sa tapat ng tainga niya.
“Sinamahan na nga kita, ‘di ba?! Ano pa ang gusto mo?!”
“Pero obvious namang ayaw mo. Saka kung ‘di ka pa tinakot ni Ninang Dita, ‘di mo talaga ako sasamahan! Tapos parang wala ka rin dahil ni hindi mo tinignan kung maganda ba o pangit ‘yung design ng gown ko!”
“Ikaw naman ang magsusuot niyon. Bakit kailangan ko pang makialam? Knowing you, kung ano naman ang gusto’t napili mo, yun din ang masusunod and to heck with my preferences!”
“Pero nung si Karla ang nagpasama sa ‘yong mamili ng damit niya last Saturday, ‘di ka na niya pinilit! You even helped her choose the ones she bought!” puno ng pagtatampong anito, ‘di na bastang pagkapikon lang sa iniakto niya kanina.
Guilty na nag-iwas siya ng tingin. In the first place, kaya naman siya napilitang mangako ritong samahan ito ngayon ay dahil sa nalimutan niyang ihatid dito ang ipinagawa nitong project na naiwan niya sa opisina niya.
Nag-seventy-five tuloy ang grade nito sa project na iyon. At kaya niya nalimutang dalhin dito ang project nito ay dahil dumaan sa opisina niya’t bumisita si Karla nang araw na iyon. Nang magparinig itong naghahanap ng makakasamang magpunta sa mall ay dali-dali siyang nagprisinta. Tyempo namang nakita sila ni Syn na natural lang ay ikinuwento iyon kay Riri.
And since alam na alam ni Riri ang labis na pagka-ayaw niyang sumamang mag-shopping sa kahit sinong babae, mapanobya man niya, mommy niya o mismong ito, nagalit ito sa kanya. Bukod pa sa kasalanan niya kung bakit bagsak ang grade nito sa project na siya pa man din ang nagpilit ditong ipagawa na lang sa kanya. To soothe her anger, pumayag siyang samahan itong mamili ng gowns nito.
Ibinalik niya ang tingin rito. Akmang magpapaliwanag at muling ipaiintindi ritong napilitan lang talaga siyang samahan si Karla last Saturday when he saw the challenging look in her eyes. It was clear she was daring him to make his explanation a damn good one or else. At ikinairita niya iyon. He hated his instinctive reaction na idepensa ang sarili na para bang boyfriend nga siya nito’t nahuli siya nitong nagtataksil dito.
“Malamang kasi mas gusto ko siyang makasama,” aniyang kibit-balikat na muling iniiwas rito ang tingin.
It had always been like that. Her, acting as if she owns him heart, body and soul habang siya naman ay parang tutang sunod-sunuran din sa mga kapritso nito. At iyon ay sa kabila ng panay ang deny niya na sineseryoso niya ang ilusyon nito na magnobyo sila. No wonder, karamihan sa mga ex-girlfriends niya’t flings ay pinagseselosan ito. It wasn’t just because of her beauty na talaga namang pansinin; it was probably because of his actions too. Ipinapakita kasi niya na malaki nga ang impluwensya ni Riri sa kanya kaya’t may rason talaga para pagselosan ito ng mga naging girlfriend niya.
Well, that is about to change dahil wala siyang balak kainin ang sariling mga salita nang isumpa niya noon sa harap ng matalik na kaibigang si Leon na hindi siya mapapabilang sa mga taong kayang-kayang paikutin ni Riri.
“You! You---you--- you’re a great big fat liar!” asik nitong gigil na ikinuyom ang kamao. Napapadyak pa ito sa galit.
Briefly he wondered what her reaction would be sakaling malaman nitong kasama din niya sa binyagan si Karla kagabi dahil malayong pinsan pala ito ng asawa ni Trey at isa din sa mga ninang. Malamang itulak siya pababa ng umaandar na kotse.
“Well, if you don’t like being with me eh ‘di maglakad ka pauwi!” anito bago inutusan si Mang Bonoy na ihinto ang sasakyan. “Get out! Get out of my car!” pagtataboy nitong binuksan na mismo ang pinto sa side niya’t itinutulak siya pababa.
“Are you bloody insane?! Riri, stop pushing me! Walang sakayan dito!” protesta niya, hindi niya inaasahang magiging prophetic pa pala siya sa naisip na gagawin nito.
“Wala akong pakialam! Mag-Grab ka! Or better yet, gumapang ka pauwi! O kaya tawagan mo ang mahal mong si Karla! Baka sunduin ka niya!” anito bago siya literal na sinipa pababa ng kotse.
Nakita niyang nais makialam at tumutol ni Mang Bonoy pero tulad niya ay kabisado na nito ang topak ni Riri. Galit na sinipa niya ang maliliit na batong nasa gilid ng daan as Riri’s car sped away with her sticking out her tounge at him and waving bye-bye. He couldn’t believe what she just did. Inilabas niya ang cellphone mula sa buls ang pantalon at tinawagan ito. Pero hindi pa natatapos ang unang ring ay dineny na nito ang tawag niya.
“Bloody hell!” pikon na pikon na mura niya. He is just twenty-two but he swore, every minute he spends with Riri makes him grow old faster.

Book Comment (6)

  • avatar
    Yanni J'vs

    iLike the story

    05/05/2023

      0
  • avatar
    CoronelGrace

    The story was very interesting, yung tipong di muna mapigilang Di mag basa para malaman mo ang next na mangyayare😍❤️❤️

    03/04/2022

      0
  • avatar
    Gibanjoshua

    nice

    03/04/2022

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters