logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER SIX

||•Xandre's POV•||
Nang dumating sa condo ko, agad kong tinawagan ang secretary ko. Ilang ring lang ay sinagot na niya ito.
"Yes boss?" bungad na tanong niya. Tila'y kakagising niya lang dahil sa tono ng pagsasalita niya.
"I need you to find me a wife," direktang wika ko.
"Wife?" inilayo ko ang telepono sa tenga ko dahil sa sigaw na ginawa niya. "Paano naman ako maghahanap ng mapapangasawa niyo boss?"
"You're my secretary, ikaw dapat ang sumagot at gumawa ng paraan," wika ko.
Narinig ko ang mahinang pagbuntong-hininga niya.
"Walang problema boss," sambit niya. "Bukas na bukas din ay maghahanap na ako."
Agad ko nang pinutol ang tawag at naghanda na para matulog.
"Kung sana'y pagtagpuin tayo ng tadhana," huling wika ng isip ko at ako'y agad nang nakatulog.
•••
||•Yana's POV•||
Tatawagan ko ba o hindi?
Tatawagan ko ba o hindi?
Tatawagan ko ba o hindi?
Paulit-ulit na sambit ng isip ko habang palibot-libot sa loob ng bahay. Kinuha ko ang cellphone ko sa kama at inilapag ulit.
Hayss!
Naguguluhan na ako kung tatawagan ko ba si Tito Anthony o hindi. Ayaw kong sabihin sa kanila ang nangyari dahil alam kong mag-aalala lang sila.
Sa huli, napagdesisyunan kong bisitahin na lang sila kaya nag-ayos na ako ng mga gamit.
•••
||•Divine's POV•||
"Antonio, bilisan mo naman diyan," rinig kong sigaw ni Tita Olivia. "Pagpasensyahan mo na Divine, sobra pa sa babae kung magbihis ang batang iyon," wika niya.
"Naku po tita, okay lang po 'yon. Hindi pa po kayo nasasanay," nakangiting saad ko.
"Oo nga, hindi pa ako nasanay," sambit niya at tamang-tama naman ang pagdating ni Antonio. "Oh! Akala ko'y hindi ka na lalabas ng kwarto mo at balak ko na sanang pauwiin si Divine," pagbibiro pa ni tita.
Ngumiti lang ako at napakamot sa ulo si Antonio.
Third anniversary namin ngayon ni Antonio kaya't mamamasyal kami. Pareho kaming nagday-off muna sa trabaho para sa araw na ito.
"Pangatlong anibersaryo na natin ito pero wala pa ring Yana," wika ko.
"Wag kang mag-alala, baka sa pang-apat bumisita na siya," tugon nito.
Napanguso ako.
"Sinabi mo rin yan 'nung second anniversary natin," saad ko.
Ginulo-gulo lang nito ang buhok ko mabilis na hinalikan ang aking noo. Simula high school ay kilala ko na ang lalaking ito pero ngayon ko lang nalaman na ganito pala siya kasarap magmahal. Ganito pala ang feeling na maging girlfriend niya. Sa tingin ko, isa ako sa pinakaswerteng babae sa universe. Napangiti ako sa naisip.
Alas sais ng gabi nang makauwi kami, balak kasi naming sa bahay nila Antonio kami maghapunan. Nang makapasok sa loob ng bahay, dumiretso ako sa may kusina at isang pigura ang nakita kong pamilyar sa akin na ikinahinto ko. Ilang taon na rin pero wala itong ipinagbago. Nakatalikod ito habang naghihiwa ng mga gulay. Ilang segundo lang ay lumingon ito sa kinaroroonan ko na ikinalaki ng mga mata ko. Hindi nga ako nagkakamali.
"WAHHHHHHH!" sigaw ko at patakbong pumunta sa kinaroroonan niya. "YANAAAAAA!" sigaw ko habang patalon-talong niyayakap siya.
Ang ikinagulat ko lang ay ang palayong pagtulak niya sa akin. Nalungkot ako bigla sa nangyari.
"Yana?" nalulungkot na wika ko. "Hindi mo na ba ako kilala? Ako 'to, si Divine. Divine Francisco, ang best friend mo," pagpapaliwanag ko sa kaniya.
"Di...Vine?" nangungunot-noong tanong niya. "Sorry pero, wala akong kilala at maalalang Divine," dugtong pa niya. Mas nalungkot ako sa sinabi niya.
Tatalikod na sana ako nang biglang may yumakap mula sa likod ko.
"Akala ko ba hindi mo ako kilala?" nalulungkot na saad ko nang malamang si Yana ang nakayakap sa akin.
"Pano naman kita makakalimutan?" tanong niya.
"Talaga ba? Naaalala mo pa ako?" tanong ko.
"Ba't naman hindi kita maaalala?" wika niya na ikinangiti ko.
"Eh bakit mo ako tinulak nang niyakap kita?"
Kinuha niya ang isang bagay sa lamesa at ipinakita sa akin.
"May hawak akong kutsilyo kaya kita inilayo," pagpapaliwanag niya. "Ayaw kitang masaktan kaya ko ginawa 'yon."
Sa mga puntong iyon ay inilapag niya uli ang patalim na hawak at niyakap ako.
"Na-miss kita," wika niya.
"Na-miss din kita," tugon ko at mas humigpit ang yakap namin sa isa't-isa.
•••
||•Yana's POV•||
"INSAANNNNNN!" napabalikwas kami nang marinig ang boses ni Antonio.
"Required ba'ng sumigaw ang mga tao dito?" pagbibiro ko at naramdaman ko ang pagyakap nito.
"Akala ko naman hindi ka na babalik pa dito," wika niya.
"Pwede ba 'yon?" sambit ko. "Hoy! Kayong dalawa, nag date kayo?" isa-isa ko silang itinuro. Nagtinginan naman sila sa isa't-isa at namula si Divine habang si Antonio naman ay napakamot sa kaniyang ulo.
"Tatlong taon na kaming magkasintahan insan," sagot ni Antonio. "Third anniversary namin ngayon."
Kunot-noo ko silang tiningnan.
"Congrats!" nakangiting wika ko at ibinalik ko na ang atensyon sa paghihiwa ng mga gulay.
"Nakalimutan kong may ginagawa pala ako, kaya magsi-upo muna kayo dahil kakain na tayo maya-maya," wika ko. "Ako muna ang magluluto sa inyo," dugtong ko.
Ilang minuto lang ay natapos na kami sa pagluluto dahil katulong ko naman si Tita Olivia kaya mas mabilis ang pagluluto.
"Kakain na," mahinang sigaw ko.
Isa-isa na silang nagsi-upo at ako ang huli. Nagdasal muna kami at nagsimula nang kumain. Matapos kumain ay ako na rin ang nagligpit at naghugas ng pinagkainan. Syempre katulong ko si Divine, ayaw kasing magpaawat, gustong tumulong.
Pagkatapos ay nagsi-upo kami sa may sala at nagkamustahan.
"Ilang araw ka lang mananatili rito?" tanong ni Tito Anthony.
"Dalawang araw po, Tito," sagot ko.
"Mabilis lang ang dalawang araw, ate," wika ni Yula.
"Oo nga insan. Wala bang extend diyan?" saad ni Antonio.
Mapait na ngumiti ako. Gusto ko mang manatili pa ng matagal ay hindi pwede. Kailangan ko pang maghanap ng bagong trabaho dahil may binabayaran akong upa ng bahay. Hindi ko rin kayang sabihin sa kanila na natanggal ako sa trabaho.
"Dalawang araw lang ang pagliban ko sa trabaho kaya dalawang araw lang ako mananatili rito," pagsisinungaling ko.
"May trabaho pa ang ate Yana mo, Yula," paliwanag ni Tita Olivia. Ngumuso naman si Yana.
"Basta sa kwarto kita matutulog para tabi tayo," nakangiting wika nito.
"Oo naman," tugon ko.
"Paano naman ako?" nakangusong wika ni Divine.
"Edi tatlo tayo," suhestiyon ko.
"Pero di na tayo kasya sa kama," sambit ni Yula.
"Sa lapag...sa lapag tayong tatlo matutulog," wika ko.
"Oo nga...sa lapag kasya tayo," nakangising sabi ni Divine.
Nagkwentuhan, nag-aasaran at masaya kaming nag-uusap sa sala. Na-miss ko ang ganito. Sana laging ganito pero babalik din agad ako sa tinitirahan ko kaya susulitin ko ang dalawang araw na pananatili ko sa bahay na ito.
Alas onse ng gabi na rin kaming natapos at nagsipuntahan sa kani-kanilang kwarto. Inayos ko na ang hihigaan naming tatlo at nagsipwesto na. Ako ang nasa gitna ng dalawang babaeng ito pero masaya naman ako kaya walang problema. Ngumiti lang ako at ilang minuto'y nakatulog na rin. Kinabukasan ay binisita ko ang bahay na dating tirahan namin ni lola. Marami rin kaming alaala sa bahay na ito. May masaya at hindi mawawala ang malungkot.
Dalawang araw na ang nakalilipas at inaayos ko na ang mga gamit ko. Ang mga tao dito'y parang ayaw akong paalisin. Ang mga mukha'y nakanguso lalo na si Divine at Yula.
"Ano ba yan! Ayusin niyo nga mga mukha niyo," saad ko. "Para kayong mga bibe," pagbibiro ko.
"Insan, mag-ingat ka ha?" malungkot na wika ni Antonio na ikinatungo ko.
"Dalasan mo ang pagbisita sa amin," si Tita Olivia naman ngayon at ngumiti lang ako.
"Wag mo kaming kalilimutan sa kasal mo. Puntahan no kami dito at bigyan ng invitation card," pagbibiro ni Tito Anthony. Nilingon naman siya ng lahat.
Alam kong biro lang pero biglang bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ano'ng nangyayari sa puso ko ba't bigla-biglang tumitibok ng mabilis. May sira na ata.
Sumakay na ako ng taxi at nagpahatid sa terminal. Nang makarating ay agad akong bumili ng ticket at sumakay sa bus. Buti na lang walang masyadong pasahero kaya mabilis akong nakabili ng ticket.
Pumwesto na ako sa likurang bahagi ng bus. Umurong ako nang may tumabi sa aking medyo may katandaan nang babae at may dalang bulaklak.
"Daisy," mahinang wika ko.
"Gusto mo ng isa ineng?" tanong ng matanda. Narinig niya ata ang sinabi ko. Ngumiti lang ako at binigyan niya ako ng isa.
"Salamat po."
"Walang problema," tugon niya.
Umandar na ang bus at mahigpit na hinawakan ko ang bulaklak na bigay sa akin. Tila ba'y ayaw ko na itong bitawan pa.

Book Comment (188)

  • avatar
    AMOREb

    Daming secrets dami ring regrets. Interesting Yung plot.

    14/07/2022

      0
  • avatar
    ZyidricJvarzov

    i highly recommend this story! keep writing author. (◍•ᴗ•◍)

    18/05/2022

      0
  • avatar
    Kêven Buag

    very good

    24/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters