logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 3

Hindi maipaliwanag ni Seb ang tuwang naramdaman ng bumisita si Ms.Alex sa kanilang lugar para personal na magpasalamat.
Bagamat alam niyang ang tulad nito ay hindi sanay sa mga ganitong klase ng lugar.
"Doc Seb, if you don't mind me asking, bakit ka nagtitiis sa ganitong klaseng lugar? I mean you can stay in your own well ventilated clinic if you want...but why here?" tanong ni Alex habang kumakain sila sa isang restaurant malapit sa Recto. Buti nga pumayag ang binata sa threat niya.
"Actually, maraming nagtatanong sa akin about it Ms.Alex, but you know this is where I find fulfilment. And I'm happy being with them." sagot ng binatang doctor.
"How about your family, I mean your wife...Hindi ka ba nila tinatanong?" she asked, but deep inside, gusto lang niyang malaman kung may asawa na ba ito or what.
"I'm not yet married. And I don't even have a girlfriend" sagot naman ni Seb.
Nagliwanag ang mukha ni Alex sa narinig. Napangiti siya sa sagot ng binata.
"Namamalikmata ba ako?" tanong ng binata sa sarili. Did she smile because I'm not married?
Bigla namang nagbawi ng ngiti si Alex. Napansin kasi niyang nakatingin sa kanya ang binata na tila may pagtataka.
"Oh, I understand now. So, kaya pala masyado kang nakafocus sa mga pasyente mo dahil wala ka namang commitment" aniya at sumubo ng pagkain.
"Parang ganoon na nga" anang binata.
Ipinagpatuloy naman nila ang pagkain. Wala na siyang ibang maisip na topic. Sa totoo lang hindi niya rin maunawaan ang sarili kung bakit tila nagpapakita ito ng interest sa isang tulad nito.
Seb is a doctor. At wala sa hinagap niya ang magkaroon ng relationship sa isang doctor. Kung busy siya sa opisina, mas busy ang tulad nito. And mukhang hindi sila magki-click nito. Hindi niya maimagine.
After that threat ay sinamahan niya si Seb na bumalik sa clinic nito.
"Are you sure you want to stay? Baka mabored ka lang Ms.Alex" ani Seb sa dalaga.
"No, I'm fine. Hayaan mo nalang muna ako, next week pa ang balik ko sa work so I can still come here...ano bang pwede kong maitulong?" sagot nito.
"Are you sure?" paniniguro ng binata.
"Yes I'm sure" sagot nito at naghanap ng pwedeng gawin sa loob ng clinic nito.
Nagkatinginan naman ang mga volunteers at BHW na kasama ng doctor.
"Ms.Alex...uhm okay lang na kami na riyan" agaw ni Ynez ng makitang kinuha nito ang mga basyo ng syringe na nakalagay sa isang tray.
"What can I do to help?" tanong ni Alex bagamat naiinis siya sa nurse na kasama ng binata. Mukhang may gusto kasi ito sa doctor.
Hindi sumagot si Ynez. Nagkatingin ang mga kasama nilang BHW dahil nakasimangot ito.
Hindi naman pinansin ni Seb ang mga ito. But he's silently observing them. Para kasing any moment may magsasabunutan. Ngayon niya lang nakita na nainis si Ynez sa bisita.
Nagstay si Alex hanggang hapon. Hindi siya pinatulong ng mga naroong volunteers at BHW dahil alam nilang hindi ito sanay. Dagdagan pa na buong hapon din nakasimangot si Ynez.
"Doc Seb mauna na kami" pagpapaalam ng mga BHW at mga volunteers.
"Sige po" ani Seb.
Natatawa siya sa hitsura ni Alex na ngayon ay mukhang kinakagat ng lamok. Panay na kasi ang hampas nito sa binti.
Sino ba naman kasing hindi lalamukin kung nakaskirt ka.
"Pasensya na malamok dito kapag hapon" aniya.
"Okay lang...dapat pala nagjeans ako" anito.
Tumango lang siya. Hindi naman niya inaasahang magstay ito hanggang hapon. Kaninang umaga sa Ilaya ito dumiretso. Buti nalang hindi pinagtripan ng mga tambay.
"Want to stay for a while?" alok ni Seb.
"Huh?" tila nabingi si Alex sa tanong ng binata. Ewan pero parang naexcite siya sa isiping makakasama niya pa ito ng matagal.
"But if you're tired, pwede namang next time"
"Ah no, it's okay. Is it okay with you, na magstay pa ako?"
"Yes"
Nagpapakiramdaman silang dalawa habang pauwi sa apartment ni Seb. Tahimik lang ito sa pagmamaneho. She doesn't have her car dahil nasa casa pa ito. Pinapaayos dahil sa aksidente and grounded siya sa parents niya. Sa totoo lang, hindi pa siya pinapayagan ng dad niya na magbiyahe. Pero dahil malakas din siya sa mom niya ayun dinahilan niya ang pagpunta sa lugar na ito. Tutal ito naman ang may suggestion na magpasalamat siya ng personal.
Inilibot niya ang mata sa maliit na apartment ni Seb.
"Pasensya na, make yourself comfortable" anang binata ng mapansing nilibot ng tingin ng dalaga ang kanyang bahay.
"It's okay...sinong kasama mo rito?" pagkuway tanong niya.
"Ako lang" sagot nito at inilapag ang mga gamit.
Binuksan ang maliit niyang refrigerator at inilabas ang gulay na lulutuin niya.
"Kumakain ka ba ng sinabawang kalabasa, sitaw at talong?" pagkuway tanong niya sa dalagang nakaupo na sa sofa.
"Huh? Oo naman" sagot niya pero ang totoo lang hindi niya naunawaan ang sinabi nito dahil tinatanong niya ang sarili kung anong ginagawa niya sa bahay nito hanggang ngayon.
Hindi siya ang tipo ng taong sumasama sa kung sino-sino lalo na at hindi pa niya lubos na kilala. Buti nalang doctor si Seb, kung hindi baka kanina pa siya umuwi. Malaki ang utang na loob niya rito. Iniligtas siya nito sa tiyak na kapahamakan.
Binuksan ng binata ang TV habang nagluluto para kahit paano ay malibang ang dalaga.
"Gusto mo ba ng juice?" tanong ng binata.
"No, water will do" sagot ng dalaga.
Ngumiti naman ang binata t kumuha ng bottled water sa ref.
"I prefer bottled water for safety purposes"
"Ah, ilang taon ka na sa lugar na ito Doc Seb?"
"5 years...intern palang ako nakita ko na ang need ng lugar...hanggang sa makita ko nalang ang sarili ko na naglilingkod sa mga mahihirap na kababayan natin..."
Humanga siya sa narinig sa binata. Ang tagal na pala nito sa serbisyong tulad ng ginagawa nito kanina. Kaya pala kilalang kilala na ito ng mga tao.
Habang naghahanda ang binata ng mesa ay bigla namang bumuhos ang ulan.
"Oh no!" naibulas niya.
"Mukhang wrong timing ang pagyaya ko sa iyo. Umulan pa" anang binata.
"Its okay, may taxi naman siguro rito di ba?"
"Meron, but I think mas mapapanatag ako kung ako na maghahatid sa iyo sa inyo..."
"Naku hindi na Doc Seb, magta-taxi nalang ako. Masyadong malayo ang condo ko"
"Okay, pero once na lumakas ang ulan, I suggest na magstay ka nalang. Walang taxi ang basta-bastang makakabiyahe lalo na kapag bumaha"
Tumango-tango lang siya. Pero sa kabilang bahagi ng utak niya, parang nagdiriwang sa isiping mas makakasama niya ng matagal ang estrangherong nagligtas sa kanya. Ngumiti siya, hindi na nga pala ito estranghero. Unti-unti na niyang nakikilala ang binata.
Hindi pamilyar sa kanya ang ulam na nakahain ngunit tamang tama lang ang lasa nito. Bagay sa malamig na panahon ang mainit na sabaw at pritong isda.
Naparami siya ng kain. Lihim namang natutuwa ang binata sa nakikita. He never expect Alex would enjoy the dish. Salamat nalang at naturuan siya ni Aling Helen na magluto kung hindi, corned beef ang ipapaulam niya rito o kaya ay itlog.
"Ang sarap, ang dami kong nakain" anang dalaga na hinimas himas pa ang tiyan at maya pay nagburp.
"Excuse me"
Ngumiti naman ang binata. He's enjoying her company. Usually kapag ganitong oras tumatawag na siya sa mom niya at nangangamusta. But now, he's enjoying Alex' presence.
Hindi pa rin tumigil ang pagbuhos ng malakas na ulan.
"I think you're going to stay here tonight" anang binata na nakasilip sa bintana.
"Why?" tanong niya at nakisilip din sa bintana.
Baha sa labas at may ilang sasakyan ang nakatirik na sa kalsada.
"Oh no, this is bad" wala sa loob na nasabi niya.
"Sorry, hindi ko inaasahang uulan ngayon. Maganda ang panahon kanina"
"It's okay Doc Seb, it's just that hindi ko rin iniexpect na uulan ng ganito at babaha ng ganyan"
Natawa naman si Seb. Karaniwang senaryo na sa Recto ang baha. Buti nga ngayon walang basurang palutang-lutang.
"I have some shirts na pwede mong magamit." pagkuway alok ni Seb.
Parang hindi naman agad rumehistro sa isip ng dalaga ang sinabi nito. Tinitigan niya lang ang binata.
"Ms.Alex?" untag nito sa kanya.
"Huh?!" aniya.
"I said I have shirts na pwede mong magamit, baka kasi hindi ka na comfortable. Buong araw mo ng suot iyan..."
"It's okay no worries" sagot niya.
Tumango naman ang binata at saka nagpaalam na aakyat muna sa kwarto. Ngiti lang ang naging sagot niya.
Nang muling bumaba ang binata ay may dala na itong white shirt at boxers.
"I didn't use these. You can have it para maging komportable ka. Early in the morning tomorrow I'll drive you to your condo" anito at inilapag ang mga ito.
Bantulot na kinuha naman ng dalaga ang mga ito at nagtungo sa CR na kanunog ng kusina.
Napailing ang binata. Si Ynez nga lantarang gusto ritong magstay pero pinapauwi niya, bakit si Alex parang gusto niyang rito lang sa tabi niya? This is something new to him. And kung anoman ito, he needs to stop it bago pa siya ipagkanulo ng sariling kílos.
Nakabihis na ang dalaga ng lumabas ng CR. May towel ito sa ulo.
"Sorry I use your towel and I washed my clothes" anito habang pinapatuyo ang buhok.
Napalunok ang binata. She's wearing his shirt and boxers. Hindi ito hubad ngunit tila ba sinisilaban siya. Hindi rin naman ito ang unang pagkakataon na nakakita siya ng legs ng babae. He even saw more of it lalo na kapag nasa hospital siya at nakaduty.
Napailing tuloy siya.
"Doc Seb?" untag ng dalaga sa kanya.
"Ah it's okay...uhm you stay upstairs. Dito na ako matutulog." anito at inayos ang kumot at unang kinuha sa itaas habang nasa banyo ang dalaga.
"No, ikaw na doon. Sobra-sobra na ang pang-aabala ko".
"I insist Ms.Alex, isa pa ako naman ang nag-offer...sige na. I'll be fine here"
Tumango nalang ang dalaga at pagkuway sumunod sa binata paakyat ng kwarto nito.
"My room is small but it's comfortable I'm sure" aniya sa dalaga.
"Thanks" maikling tugon nito.
Iniwan naman siya ng binata.
Hindi makatulog si Alex. Kinakastigo niya ang sarili sa kalokohan niya. She never sleep in anyone's house lalo na at hindi niya close. Hindi siya gumagamit ng mga bagay na hindi sa kanya ng basta-basta. But now, ginawa niya ang mga bagay na kakaiba at bago sa kanya. So, anong nangyayari Alexandria?
Hindi naman mapakali si Seb sa pagkakahiga. Is she sleeping or still awake? Seb, ano ba kasing pumasok sa kukute mo at pinagstay mo pa siya? Pwede pa namang daanan kahit paano ang daan kanina kung gugustuhin pero hindi niya ginawa. He really wanted her to stay. And now, he's questioning himself why he did these things. It's not him.
Biglang nagbrown out.
Dali-dali siyang umakyat sa kwarto ng marinig ang sigaw ng dalaga. Nakahalukipkip ito. Takot.

Book Comment (66)

  • avatar
    MochimJung

    Read this story. Highly recommended 😍

    15/04/2022

      1
  • avatar
    Inday Divinagracia

    good story,,,,

    12/03

      0
  • avatar
    Catermavijay

    love it

    28/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters