logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

KABANATA 6

SHANE
Nag-aayos na ako ngayon ng gamit dahil maaga kaming bibiyahe ni 'Inay' bukas. Inay? Bihira ko nalamang siyang tawaging inay o nanay, nakalimutan ko nang may nanay ako eh. Ngayon nanaman siya ulit aalis at ngayon heto sasama ako sakaniya na mamuhay sa bahay ng kaniyang pinagsisilbihan.
Masaya ako kasi makakasama ko na ang aking Ina palagi. Pero naawa ako sa bunso kong kapatid na lalaki.
Mawawala na ang ate niya na tumayong nanay-nanayan niya ng mga panahong abala ang sarili naming Ina na magsilbi sa ibang pamilya. Ayoko sanang umalis dito sa probinsya namin kasi maiiwan ko ang kapatid ko at si Tatay.
Ngunit kailangan ko silang iwan para saakin at saaming kinabukasan. Kailangan kong mag-aral sa pangarap Kong paaralan. Pangarap kong makapag aral sa Lavesca University noon pa man at ngayon matutupad ko na ang pangarap Kong makapag-aral sa isa sa mga pinakapribadong paaralan saaming bayan. Mga mayayaman lamang ang nakakapag-aral sa paaralan na ito. Buti nalamang at may laman ang utak ko kaya nakapasa ako ng Scholarship sa paaralan na iyon.
Lumabas ako saaking kwarto at pumunta sa Sala para kausapin ang kapatid ko.
"Cyril!" Tawag ko sakaniya.
"Ano yun, ate Zai?"
"Bukas aalis na ako pansamantala sa bahay na ito. Kayo nalamang ni papa ang magkasama, sasama ako kay Inay kasi malapit lang sa bahay na pinagsisilbihan niya ang paaralan kaya doon nalang daw ako mamalagi sa bahay na pinagsisilbihan ng nanay natin."
"Ate kailan ka babalik?" Malungkot na sabi saakin ng kapatid ko.
"Hindi pa nga ako nakakaalis, pagbabalik ko na agad ang tinatanong mo. Ikaw talaga." Masayang Sabi ko sa kapatid ko at ginulo ang buhok nito.
"Syempre naman ate... mamimiss kita agad nu. Kayo ni Nanay, mamimiss ko kayo." Umiiyak na siya ng sabihin ang katagang yun.
"Uuwi naman ako kapag holidays at kapag hindi ako abala sa pag-aaral o may oras ako. Pupuntahan ko kayo agad dito." Pinunasan ko agad ang luhang tumulo saaking mga mata.
"Pareho kayo ate ni Nanay. Sasabihin niyong uuwi kapag holidays pero taon na bago umuwi ulit!" Umiiyak na aniya.
Lumapit ako sa kapatid ko at niyakap niya habang haplos haplos ang kaniyang buhok.
"Wag mo kong igaya si Ate kay Nanay. Magkaiba kami, Cyril. Uuwi si ate kapag  hindi ako busy, pangako yan."
"Opo ate."
"Alagaan mo si Papa ah. Sabihan mong magpahinga naman sa pagcoconstruction worker, lahat ng subra nakakasama." Paalala ko sa kapatid ko.
"Tsaka kaya na ba ng bunso kong kapatid na hindi kasama ang ate?" Pumiyok pa na sabi ko. Wag kang iiyak Zai...wag kang iiyak... Usal ko saaking sarili.
"Hindi ko kaya ate. Pero kailangan kong kayanin." Napangiti ako sa sinabi niya.
Hinigpitan ko ang aking pagkakayapos sa kapatid ko. At bumitaw para bigyan siya ng halik sa noo.
"Sanayin mo na ang sarili na wala ako sa tabi mo ah? Kasi hindi sa lahat ng oras may masasandalan ka. Wag puro bulakbol, bukas wala nang mag tuturo sayo ng mga assignment mo. Magpakabait kay Itay ah, wag mong bibigyan ng sakit sa ulo si Tatay."
"Opo, ate."
"Shane, Shawn. Halina kayo kakain na tayo ng hapunan" tawag saamin ni Nanay.
"Pasensya na mga anak kung ginisang kangkong lang ang ulam natin sa ngayon ah." Paumanhin saamin ni tatay.
"Hindi pa kasi ako sumisweldo eh" dagdag niya.
Subrang hirap maging mahirap.
Ang nanay ko ay isang katulong sa pamilyang Dela Fuentes. Hindi naman sapat ang perang sinusweldo ni Inay sa pamilyang yun para maging pantustos namin araw-araw. Si Tatay naman ay isang Construction Worker, hindi rin sapat ang perang sinusweldo ng aking ama sakaniyang trabaho kaya kulang parin ang perang naipantutustos nila saamin.
May mga araw na ang agahan, tanghalian, hapunan nalamang namin ay Asin at Kanin.
Ganiyan kahirap, maging mahirap.
Minsan naisip kong sa mura kong edad ay magtrabaho na rin ako. Pero ayaw ni Nanay akong pagpatrabahohin kasi kailangan daw makapagtapos kami ng pag-aaral ni Cyril para hindi kami maging kagaya nila.
Kapag hindi ka kasi nakapagtapos ng pag-aaral sa panahon ngayon...mahirap nang maghanap ng trabaho lalo na kapag Wala kang diploma na maipapakita.
Nang umuwi si Nanay, yung perang sinweldo niya ay ipinangbayad namin ng mga utang sa tindahan. Ipinangbayad ng Bayaran sa kuryente kasi malapit na kaming maputulan. Ipinangbayad sa tubig. Ipinangbayad sa bayaran sa paaralan ni Cyril. At ipinang grocery pero yung grocery na yun, ubos na namin. So heto kami ngayon ang ulam ay ginisang kangkong. Kangkong na nilagyan ng tuyo, suka, sibulyas, bawang, at paminta. Ayos na mayroon kanang Ginisang kangkong.
Ayos nang hindi masarap ang ulam namin. Basta masaya lagi ang pamilya namin. Solved na kami dun.
Kinuha ko na ang Plato ko at inilagay sa lababo. Tapos na akong kumain. Nag-paalam ako kina Inay at Itay na mauuna na ako dahil inaayos ko pa yung gamit ko para sa pag-alis namin bukas ni Inay.
______
"Nak gising na... Aalis na tayo, para maaga tayong makarating doon." Namulat ang aking mata. Tumingin ako sa labas ng bintana namin. Madilim pa ah pero ang ingay na ng mga alagang manok sa kapitbahay.
"Anong oras na po ba?" Tanong ko saaking Ina.
"Alas kwatro na ng umaga nak. Nakaluto na ng agahan ang itay mo. Mag-ayos kana at pumunta sa kusina para kumain ng agahan."
"Opo nay." Pumunta na akong banyo upang mag-ayos ng sarili.
Tumingin ako sa kapatid kong prentemg natutulog sa banig. Humihilik pa ito. Napangiti nalamang ako ng mapait.
Nilapitan ko si Cyril at hinalikan sa kaniyang noo.
"Mamimiss ka ni ate. Magpakabait ka kay Tatay ah." Pinunasan ko ang luha saaking mga mata. Nang tumingin ako sa pinto nandoon si nanay at pinanonood ako saaking ginagawa.
"Patawad anak kung hindi ko nagampanan ng maayos ang pagiging Ina ninyo." Aniya ni Inay ng makalapit saamin ng natutulog kong kapatid.
"Wala kang kasalanan, Nay. Alam ko naman na ginagawa mo iyon para saating pamilya." Malungkot na sabi ko.
"Salamat anak dahil naiintindihan mo ang kalagayan natin ngayon. Salamat kasi ikaw ang nagsilbing nanay-nanayan ng kapatid mo habang ako'y kasama ang ibang pamilya at naninilbihan sakanila." Ngiti nalamang ang tanging nagawa ko sakabila ng sinabi ng aking Ina.
Maswerte ang mga mayayaman kasi sila yung mga taong walang masyadong pinoproblema pagdating sa pamumuhay araw-araw.
Nakita ko nalamang na hinalikan ni Inay sa pisngi at noo si Cyril. Gumalaw bigla ang kapatid ko. Pero agad namang humilik ulit. Tulog Mantika talaga ang isang to.
____
"Mag ingat kayo, Mahal at Anak." Aniya ng aking ama.
Lumapit ako kay Tatay at niyakap siya.
"Ikaw din Tay. Ingat palagi. Kayong dalawa ni Cyril, wag papabayaan ang sarili ah." Napangiti Naman si Tatay at ginulo ang buhok ko.
"Mahal mauuna na kami ni Shane. Andyan na yung tricycle na inarkila namin eh" paalam ni Nanay Kay tatay.
Umiwas nalamang ako ng tingin ng biglang halikan sa labi ng aking ama ang aking Ina.
Naks naman itay, naka puntos ah.
"Halika na anak" Aya saakin ni Nanay habang numumula.
Cute ni Nanay at Tatay.
Napangiti nalamang ako. Hindi man laging kumpleto ang aming pamilya dahil busy si inay at Itay sa kanilang trabaho ngunit kapag nagkakasama-sama naman kami ay ramdam na ramdam namin ang pagmamahal ng bawat isa saaming pamilya.
_____
Magkatabi kami ngayon ni Nanay sa loob ng bus. Natutulog si Nanay sa buong biyahe habang ako naman ay nakatingin sa bintana at aliw na aliw sa bawat building na aming na dadaanan.
Nakakita naman na ako nito pero hindi ko maiwasang maaliw sa paligid dahil bihira lamang akong makakita ng mga nagtataasang building, iba't ibang klaseng sasakyan, magagandang bahay, at magagandang tanawin.
Pero hindi ko ipapatalo ang pamumuhay na nakamulatan ko.
Ang magising sa Umaga dahil sa ingay ng tiktulaok ng mga manok. Ang makita ang paglabas ng haring araw sa Umaga at paglubog nito sa hapon. Ang mga huni ng mga ibon sa bawat Puno. Lalo na ang sariwang hangin sa probinsya, madami ring magagandang tanawin at napakarami pang iba.
Dito kasi sa siyudad, puro usok ng pabrika, usok ng sasakyan ang iyong masasaksihan, usok ng sigarilyo, usok ng mga sinunog na basura at iba pa. Maingay na kapaligiran galing sa mga sasakyan, tao, radyo o ano pa man. Ito ngayon ang nasasaksihan ko sa siyudad.
Kailangan kong matutung kamulatan ang ganitong klaseng kapaligiran dahil ito na sa ngayon ang bago kong tahanan...
______
"Manong heto, bayad" Sabi ni Nanay sa taxi driver.
Bumaba na ako ng Taxi at napatingin nalamang ako sa napakalaking bahay na kaharap ko ngayon.
Angganda naman ng mansion na ito.
"Halika na nak pasok na Tayo"
Dala-dala ko ang aming mga nagbibigatang bagahe at naglakad papalapit sa bahay.
Lumapit si Nanay sa guard ng bahay at agad naman kaming pinagbuksan ng gate nito.
Pagpasok namin mas lalo akong namangha. Angganda talaga ng bahay na ito. May fountain doon na maliit na napapalibutan ng mga halaman.
Maraming iba't ibang klase ng bulaklak ganun din ang mga puno.
Tinulongan kami nung Isa sa mga katulong sa pag-aalsa ng aming mga gamit.
Nang tuloyan na akong makapasok sa loob ng bahay mas lalo akong napanganga. Ilan kayang katao ang nakatira sa bahay na ito?
Ang laki naman. Woah!
Inilibot ko ng inilibot ang aking paningin. Nag-paalam naman si Nanay na ilalagay lang daw sa guest room yung mga gamit ko.
So sa guest room ako matutulog? Naks ginawa na akong Bisita pero mukha naman akong katulong. Ayos na sana ako sa maids room kaso sa Guest room daw nalang ako sa ni Nanay kasi puno na sa maids room at iba pang kwarto.
Ganiyan na ba kadami ang katulong dito?
Bakit parang Wala naman silang amo?
Walang sumalubong na may ari ng bahay na ito saamin ni Nanay eh.
Naalala ko hindi naman pala kami mga panauhin para salubungin pa ng isang mayayamang katulad nila na nakatira sa bahay na ito. Isa lang namang katulong dito si Nanay na matagal nang naninilbihan.
Nagugulat nalamang ako sa tingin saakin ng mga katulong dito sa mansion. Parang kakainin naman nila ako sa tingin amp. Wag niyo po kong masyadong titigan, baka matunaw na ako niyan.

Book Comment (29)

  • avatar
    Osh Gum

    good

    15/08

      0
  • avatar
    Rio Y. Maynantay

    please

    23/06

      0
  • avatar
    Francisco Dominguez

    kaylangan ko nang pera

    15/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters