logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

KABANATA 3

BRYLE
Napatingin ako sa cellphone ni manang na kanina pa tunog ng tunog. Pumunta ako sa kusina upang ibigay kay manang ang kaniyang cellphone.
"Manang, yung cellphone mo po kanina pa may tumatawag." Agad itong lumapit saakin at kinuha ang cellphone niya para sagutin ang tawag.
"Salamat, nak."aniya
Nalanghap ko ang masarap na amoy ng kaldereta na niluluto nila dito sa kusina. Lumapit ako sa cook namin at nanood ng pagluto niya.
"Hello nak?" Rinig kong sabi ni manang. Nang sagutin yung tawag.
"Nakapasa po ako ng scholarship sa Lavesca University. Natupad ko na po yung pangarap ko na makapag-aral doon." NakaLoud speaker ang call nina manang kaya rinig na rinig ang usapan nila. Pamilyar saakin ang boses. Parang narinig ko na ito na ewan.
Siguro anak niya yang kausap niya. Pero nabigla ako ng marinig ang pangalan ng paaralan na pinapasokan ko.
"Magandang balita yan anak. Kung dito ka mag-aaral sa Lavesca. Edi si Shawn ang maiiwan dyan Sinampaloc National High School?"
Mas naenganyo akong nakinig sa usapan nila ni manang kasi naman, yung boses ng kausap niya pamilyar saakin, gustong-gusto kong matandaan kung kaninong boses ko yun narinig.
"Ah opo. Dito nalamang daw siya po, para may kasama si Tatay. Pumunta po ako dyan sa Lavesca nung nakaraang linggo para mag-paenroll. Tas ngayon ko lang nalaman na nakapasa pala ako sa entrance exam at scholarship na inapplyan ko. Dadaan po sana ako dyan sa mansion na pinagsisilbihan niyo dito sa siyudad ngunit di ko alam kung saan ang lugar mo po, Kaya wag nalamang kasi baka mawala pa ako." Rinig kong masayang usal ng nasa kabilang linya.
Tinignan ko ang nanay-nanayan ko na kausap ang kaniyang anak. Masaya ito ngunit may lungkot sakaniyang mga mata.
"Masaya ako saaking nalaman nak. Salamat kasi napatawag ka."
"Miss na miss kana po ni Shawn. Kailan ka ho ba uuwi dito sa probinsya?"
Siguro siya yung tinutukoy ni manang na Zaireal Shane.
"Nako anak uuwi na ako dyan bukas, nakaimpake na ako dito. Bukas bibiyahe na ako pauwi dyan" Masiglang sabi niya.
"Ingat po bukas sa biyahe"
"Ah Sir Bryle, gusto mo po bang matikman ang kaldereta?" Natauhan ako pakikinig ng usapan ni manang at nung babae sa telepono. Tumango ako sa cook namin. Agad naman itong kumuha ng maliit na platito at nilagay doon ang kaldereta para matikaman ko.
Tinikman ko ito. Woah masarap amp. Parang mapaparami ang kain ko mamaya ah.
"Anak kapag nag-aaral kana dito, may nakuha kana bang condominium na maaring matuloyan?"
"Wala pa po eh."
"Bryle, anak?" Humarap saakin si manang at tinatawag ako.
"Ano po iyon?"
"Maari bang dito makitira ang anak ko? Dito kasi siya mag-aaral ng Senior High sa Lavesca University. Doon karin nag-aaral diba? Malapit lamang ang paaralan na yun dito saatin. So pwedeng dito nalamang ang anak ko makitira?"
"O-oo Naman po." Sabi ko.
"Salamat talaga anak." Aniya.
"Maliit na bagay, manang."
"Oh anak narinig mo yun? Dito kana lamang sa pinagsisilbihan ko, titira. Hindi mo na kailangang maghanap ng Condo na matutuloyan."
"Ah oho. Salamat nga po pala sa kung sino mang Poncio Pilato na boss mo" ibang klaseng babaeng to. Imbis na magpasalamat ng maayos, tinawag pa akong Puntio Pilato.
"S-subrang s-saya ko nak. Kasi makakasama na kita dito lagi. Kapag dito kana makikitira sa mansion."Nabigla ako ng makitang umiiyak na si manang
"Masaya rin po ako. O siya paalam na ho, yung sinasaing ko baka masubrahan na sa pagkalaluto yun"
Naglakad na ako paalis sa kusina ngunit tinawag pa ako nung cook namin.
"Sir? Masarap po ba yung Kaldereta?" Aniya
"Ah Oo. Punta muna ako. Punta lang ako saaking kwarto, pakitawag nalamang ako kapag kakain na." Usal ko.
____
Umuwi na muna si manang sa probinsya so ako nanaman dito mag-isa sa bahay. May kasama naman ako, yung mga katulong namin.
Kasama ko sila ngunit hindi ko ramdam ang kanilang prisensya kasi laging nakatatak na sa isip kong kailangan ko nang masanay na mag-isa.
Nang mga araw na kasama ko pa si Nicole. Laging masaya ang araw ko. Masigla ako noon kaysa sa siglang meron ako ngayon.
Siya nalamang ang tanging sandalan ko at tanging mahal na mahal ko na meron ako.
Si mommy naman pinagpalit kami ni Daddy sa kabet niya, subrang mahal ko si mommy kahit wala siyang masyadong oras saakin o saaming pamilya.
Sa kabila ng pagmamahal na binigay ko ay iniwan parin nila ako.
Si Daddy na tanging siya na lamang ang meron ako na kadugo ko, nagpakamatay dahil sa pang-iiwan ng nanay ko. Nang mawala si Daddy nang dahil sa ginawa ni mommy, nawalan na ako ng tatay hanggang sa dumating ang araw na namatayan na akong ng magulang, si mommy ay namatay dahil sa kaniyang sakit na Cancer sa buto.
Yung nanay ko nagpaakit sa isang negosyante at iniwan kami ni Daddy, yung tanging babae na pinakamamahal ko, ginamit lang pala ako. Lintik talaga!
Si manang na lamang ang tanging nirerespeto ko sa kabila ng lahat.
Hindi narin ako naniniwala sa salitang pag-ibig. Nang dahil sa mga taong nanloko saakin.
Hindi ako takot na magmahal takot lang akong madurog at masaktan.
Mas gugustohin ko pang tumandang binata kaysa magmahal ng maling tao.
_____
May mamataan akong mga babae Doon sa may gymnasium.
Lumapit ako sa dalawang babae doon sa gilid at kinindatan ang mga ito.
"Hello Bryle" sabay nilang usal saakin.
Napatingin saakin yung ibang estudyanteng naroroon.
"Luh si Bryle yun diba? Nakikipaglandian nanaman sa mga babae. Jusme kinareer niya na talaga ang pagiging Casanova ah." Rinig kong bulong-bulongan pero wala akong pakialam sa opiniyon nila.
Hindi nila hawak ang buhay ko. Wag silang mangialam!
"Anong ngalan niyo magagandang binibini?" Malabing na aniya ko.
"I'm Klea" Usal nung isa.
"I'm Chesca" sabi naman nung isa pa.
"Maari ko ba kayong maging girlfriend?" Sabi ko.
"OMG! Of course!" Sabay nilang sabi.
Naks Great!
"Let's have a date. Darling " aniya ko.
At sabay silang niyaya papunta sa Canteen.
Nakaupo kami sa bench habang ang dalawang babae na kasama ko ay nasa magkabilang gilid ko.
Yung isa nakayakap saakin, yung isa Naman kahawak kamay ko.
"Grabe si Bryle pinagsabay Sina Klea at Chesca." Bulong ng mga estudyanteng naka paligid saamin.
"Mamaya uuwi yang dalawang babae na yan na luhaan tulad ko noong nakaraang araw"
"Hindi na siya yung Bryle na kilala ko"
"Oo, ibang iba na nga siya. Sana bumalik na sa dati si Bryle kaysa sa itsura niya ngayon"
Wala akong pakialam sa mga opiniyon ninyong lahat! Pukingina.
Rinig sa kaliwang tenga, labas sa kabila. Parang wala lang nangyari. Basta ako nag e-enjoy ako sa ginagawa ko.
"Bryle mahal mo ko diba? Hindi mo ko iiwan diba?" Malanding Sabi nitong isa babae na katabi ko.
"Ako rin Bryle, mahal mo rin ako diba?" Malanding Sabi rin nung isa pa
Humarap ako doon sa unang nagtanong saakin. Hindi ko na matandaan ang pangalan ng dalawang ito na katabi at kalandian ko.
Jinowa ko pero di ko alam ang pangalan kahit anong katauhan nila. Wala naman na akong pakialam kung sino man itong dalawang ito na nasa tabi ko. Basta shota ko sila.
Si ano ata itong nasa kaliwa ko si... Si Cristina? Christnelle? Chelsea? Chea?
Anggulo Cheka? Cristine ata siya eh. Oo siya si Cristine.
"Oo naman, Cristine. Mahal Kita nu." Sabi ko doon sa babaeng nasa kaliwa ko.
"Hakdog ka! Hindi ako si Cristine! Sino yun? Kabet mo? May iba kapang jowa bukod sakin at kay Klea?!" Galit na aniya.
"Ah? Eh? Sino ka nga ulit mahal?" Malambing na sabi ko.
"Ako si Chesca! Wag mong kakaligtaan ulit ang pangalan ko ah, kung ayaw mong makatikim saakin." Malanding sabi niya.
"Eh ako Bryle, mahal mo rin ba ako?" Sabi naman nung nasa kanan ko.
Kakasabi lang kanina ni Chelsea ng pangalan nitong babaeng katabi ko. Sino nga ulit to? Si Kea? Kiza? Kriza?
Kri----? Haysss si...si... Baka si Kerra. Oo si Kerra nga.
"Oo naman. Wag kanang magselos kay Chelsea. Mahal din kita Kerra." Sabi ko.
Nabigla ako nang sabay nila akong sinampal.
"Sa dinami-rami ng naging jowa mo, Bryle. Hindi mo na alam kung sino-sino kami! Sheteng kalabaw ka!" Galit na Sabi saakin nung isa.
Tumayo ako at humarap sakanila.
"Ayoko na nga sainyo. Pangit niyo kabonding!" Sigaw ko doon sa dalawa.
"Ayoko na rin sayo!" Sabay pa talagang sabi nilang dalawa sa harapan ko.
Ayaw niyo? Edi don't! Di kayo kawalan.
"Edi lumayas na kayong dalawa sa harapan ko kasi baka masapak ko pa kayong dalawa!" Galit na sabi ko.
Padabog naman silang umalis. Habang umiiyak yung isa. Tsk!
Sa bawat araw na nagdaan. Sa loob ng isang linggo, pito hanggang sampo o mahigit ang nagiging shota ko. Ang galing ko diba.
Yung iba tumatagal kami ng Dalawang araw o tatatlong araw kapag type ko pero kalaunan brinibreak ko naman agad. Yung iba naman ilang oras lang na naging kami.
So, dapat kapag naging boyfriend mo ako habang kasama mo ko nag-cecelebrate kana dapat agad ng Secondsary, Minutesary, Hoursary, at Daysary.
Hindi na uso saakin ang Weeksary, Monthsary at Anniversary eh.

Book Comment (29)

  • avatar
    Osh Gum

    good

    15/08

      0
  • avatar
    Rio Y. Maynantay

    please

    23/06

      0
  • avatar
    Francisco Dominguez

    kaylangan ko nang pera

    15/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters