logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Deceiving Tale

Deceiving Tale

Leaf_Inks


KABANATA 1

BRYLE
"Bryle, I'm sorry" nakayokong aniya.
"Huh? Bakit ka naman mag sosorry, babe? Angyare?." Usal ko. Nabigla ako ng bigla nalamang siyang humagolhol sa pag-iyak.
"I'm sorry...I'm sorry" umiiyak na aniya.
Lumapit ako sakaniya at hinawakan ang magkabila niyang braso, at tuluyan na siyang niyakap. Humarap ulit ako sakaniya upang punasan ang mga luha sa kaniyang mga mata.
"Why? Babe, kinakabahan na ako sayo. Angyare ba?"
"Bryle..."
"What is it babe?"
"L-lets b-break u-up" Ang tatlong masakit na salita. Masakit na salitang narinig ko. Sa lahat ng tatlong salita ito pa talaga. Nagkulang ba ako sa pagmamahal na binigay ko? Nagkulang ba ako sa pagmamahal ko? Bakit kami humantong ngayon sa ganito.
"Hindi! Hindi ako papayag! Walang magaganap na hiwalayan." Umiiyak na sabi ko. NO! I CAN'T LEAVE WITHOUT HER! Siya nalang ang meron ako. Ulila na ako sa magulang.
"Buo na ang desisyon ko Bryle! Ayoko na! Ayawan na!" Sigaw niya saakin.
"Bakit ba ayaw mo na ah? Saan ba ako nag kulang? May nagawa ba akong mali? Kung may nagawa man akong mali, sabihin mo! Hindi ko na uulitin, ipapangako ko! Ano bang pagkakamali ang nagawa ko ah? Bat biglang nagkaganito ka!?" Tuloy-tuloy na ang luhang rumaragasa saaking mga mata. Ayoko ng ganito. Sana panaginip nalamang ang lahat. Sana nananaginip lamang ako.
"A-ako ang nagkamali. Ako ang may mali! Ako ang may nagawang mali! I'm sorry Bryle!" Umiyak nalamang siya ng umiyak sa harapan ko. Mas lalo akong nasasaktan kasi nakikita kong umiiyak at nasasaktan din ang taong mahal ko.
"Anong nagawa mong mali babe? Mapapatawad naman kita agad kung ano man yan. Wag mo lang akong iiwan! Please don't break up with me".
"I don't love you anymore Bryle! And I cheat on you"
"How did you do this all to me?" Umiiyak na usal ko.
"I just use you. I'm so sorry!" Aniya. Tangina! Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso ko sa bawat salitang binibitawan ng babaeng pinakamamahal ko. Ang sakit.
"Hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi mo! Please Nicole! Bawiin mo ang mga sinabi mo please!"
"Paano ko babawiin ang lahat ng sinabi ko? Kung lahat naman yun ay totoo. Hindi na kita mahal Bryle! Ayoko na!"
"I love you, Nicole. Please don't do this all to me. Don't leave me, babe" Lumuhod ako sa harapan niya at nagmakaawang wag niya akong iwan.
"Tumayo ka dyan! Hindi ko kailangan ang opiniyon mo kung ayaw mo pang makipaghiwalay saakin. Basta ako, ayoko na...sayo." Usal niya at tuluyan na akong iniwan.
"Nicole!" Hindi na siya muling lumingon pa.
____
"Magandang Umaga, Hijo" Bati saakin ni manang, pagkarating ko sa kusina upang kumain ng agahan.
"Wala maganda sa umaga Manang." Usal ko.
"Maganda kaya ako. Jusmiyo kang bata ka." Biro ni manang saakin pero hindi ko magawang matawa.
"Oo naman manang maganda ka. Pero buti nalamang hindi mo niloko yung asawa mo kasi maganda ka. Kadalasan kasi kapag magagandang dilag...mga manloloko." Nabigla si manang sa sinabi ko ngayong araw. Tsk nakakawalang ganang igalang ang mga babae.
"Aba't ikaw bata ka, bakit ka nagkakaganiyan?. Parang hindi na kita kilala. Hindi ganiyan ang Bryle na inalagaan ko simula nung bata ka pa."
"Siguro nga manang, hindi na ako yung Bryle na inalagaan mo. Kaya kalimutan mo na yung dating Bryle na nakilala mo."
"Bryle...may problema ba? Bakit ka biglang nagkakaganiyan? Hijo nandito ako para damayan ka."
"Hindi ba halata manang? Oo may problema ako! Pero wala kana dun! Akin na lamang ang problemang yun." Ayoko pa sa ngayon mag bukas ng problema sa ibang tao. Hindi pa ako handang ilabas lahat ng hinanakit ko sa harap ng ibang tao.
Si manang Evelyn o "Belen", bata palamang ako siya na ang nag-aalaga saakin si mommy at daddy kasi laging abala sa kanilang trabaho kaya si manang Belen ang laging nariyan para saakin. Kilalang-kilala ako ni manang kasi siya ang nagpalaki saakin pero sa ngayon ayoko munang makipag usap sa mga kagaya niyang babae. Naiinis ako sa mga babae. Pero naiisip ko iba naman si manang Belen kasi siya Isa narin siya sa mga taong mahahalaga saakin ngunit hindi ko alam sa sarili ko kung bakit pati siya ay kinasusuklaman ko narin kahit hindi naman siya yung nangloko saakin. Basta galit sa mga babae.
"Bryle, anak ano bang problema? Pero kung ayaw mo pang ibukas sa ibang tao ang kinikimkim mong sakit sa dibdib. Maari mong mayakap ako para gumaan ang pakiramdam mo anak." Nagsusumamong usal ni manang.
Nasa 40+ na ang edad ni manang ngunit angganda parin nito. Siguro magaganda at gwapo din ang anak niya. Psh.
Minsan naiisip ko kung ano kaya ang nangyayari sa pamilya niya o sa mga anak niya kung umuuwi lang siya sa pamilya niya kapag Holidays. Sa mga nagdaang mga araw, linggo, buwan at taon ako ang lagi niyang kasama. Ako at ang pamilya ko, pero ngayon mag Isa nalamang ako sa buhay. Si manang nalamang ang meron ako. Kapag pati si manang nawala pa saakin, paano na ako?
Lumapit ako kay manang at yumakap sakaniya ng mahigpit. Umiiyak ako sakaniyang mga braso. Siya na ang parang Ina ko simula Bata palamang ako. Kasi Yung nanay ko puro trabaho ang pinag uukulan ng pansin. Hindi na nila ni Daddy naisip na may anak sila. Pero wala akong magagawa eh, ginagawa lang naman nila Yun para sa pamilya namin, para magkaroon kami ng magandang buhay.
Maganda nga ang pamumuhay namin eh, magulo naman ang pamilya. Sa ngayon wala na si Mommy at Daddy.
Yung business namin yung Tito ko na ang nag papatakbo ng mga yun. At kapag nakapagtapos naraw ako ng pag-aaral, ako ang magiging President ng kumpanya. Pero sa ngayon yung Tito ko muna ang pansamantalang nag-ha-handle nun.
"Manang wag mo kong iiwan ah?" Umiiyak na sabi ko. Hindi ko mapigilan ang sariling umiyak. Wasak na talaga ako. Wasak na ang puso ko.
"O-oo naman, Bryle. Hindi ka iiwan ng manang Belen mo. Tahan na."
"Sabi mo yan manang ah?"
"Oo naman. Ikaw talagang bata ka. O siya kumain kana ng agahan, susmesantisima wag sabing papalipas gutom eh."
"Heto na nga po kakain na. Patawad nga po pala manang, kanina sa inasal ko." bumitaw na ako sa pagkakayakap kay manang at nagsimula nang kumain.
Napatingin ako ulit kay manang, nakita ko itong masayang nakatingin saakin.
Ngumiti ako rito at niyaya siyang sabayan akong kumain ngunit mauna na raw ako. Kapag tapos na daw akong kumain sila na ang sunod na kakain kasama ang iba pang katulong dito sa bahay.
"Manang ba't ka naman ganiyan makatitig oi? Nakicreepyhan ako."
"May na alala lang ako sayo, anak."
"Sino naman po?" Tanong ko. Ngumiti ito saakin ng mapait.
"Naalala ko yung mga anak ko doon sa probinsya. Kumusta na kaya sila, malaki na siguro yung mga yun kagaya mo. Siguro dalaga narin yung anak kong si Zaireal Shane. At malaki narin siguro ang anak kong si Cyril Shawn. Tatlong taon na akong hindi nakakauwi saamin eh. Naalala ko lang sayo Bryle, si Shane kasi parang magkaedad kayo nun." Aniya.
"Ah ganun po ba. Pero manang maari ka po munang umuwi sa probinsya para bisitahin ang mga anak mo at asawa mo. Alam ko naman na miss ko na ang pamilya mo. Umuwi kana muna manang sa susunod na linggo bumalik ka nalamang matapos ang isang buwan"
"Talaga, Bryle?" Masayang usal ni manang. Tumango naman ako bilang sagot.
"Salamat anak." Lumapit saakin si manang at yumakap. Ang sarap sa pakiramdam na mapasaya mo ang taong mahahalaga para sayo. Masaya ako kasi napasaya ko sa kahit Simpleng bagay ang nanay-nanayan ko.
Ngunit sakabila ng lahat ng yun. Sa ngayon si manang Belen nalamang ang nirerespeto kong babae sa buhay ko. Wala nang iba.
_____
Pagkarating ko sa paaralan agad kong nabungaran yung ex kong si Nicole.
Naglalakad na may kahawak na lalaki. So yun pala ang ipinamalit niya saakin. Halata namang mas gwapo ako dun pero yun yung pinili niya. Kakarating ko palamang sa school ganito agad ang makikita ko.
Akala ni Nicole siya lang ang dapat maging masaya na parang wala lamang ang paghihiwalay namin?
Syempre dapat maging masaya din ako. Magpapakasaya rin ako. Paglalaruan ko ang mga puso ng mga kagaya niyang babae.
Saktong may babaeng maganda na dumaan sa gilid ko. Agad ko iyong hinapit at hinalikan ng walang pasintabi o paalam.
Nabigla ito sa ginawa ko pero wala akong pakialam.
Nakita kong nakatingin saamin si Nicole pero bigla din itong nag iwas tingin at dumirestso na sila nung kasama niya papuntang canteen.
Nang tignan ko yung babaeng kahalikan ko. Inosente itong nakatingin saakin. Nginitian ko ito ng pagkatamis-tamis na parang nang aakit. Ngunit nabigla ako ng...
'pak' nabigla ako ng sapakin niya ako.
Gagong babaeng to.
"Kingina mo. Wala na yung first kiss ko dahil sayo. First time ko pa nga lang pumunta sa school na to para mag paenroll, tapos may makakahalikan na agad ako."
"Naks, edi ayos. Ako ang first kiss mo" kinindatan ko siya.
"Kingina ka! Kingina! Malasin ka sana buong taon!" Galit na sabi niya at umalis na sa harapan ko.
Woah nag sisimula pa nga lang akong manghunting pero nasapak na agad ako. Ibang klaseng babae yun. Halatang transferee, hindi kilala na si Bryle Dela Fuentes ang nakahalikan niya. Dami kayang naghahangad na mahalikan ako o maging jowa ko. Pati nga bakla naakit saakin tapos isang gagong babae lang ang mumurain ako tapos sasapakin pa ako ng ganun kasi hinalikan ko siya. Swerte na nga siya eh!
Pero sa kabila ng ginawa saakin nang babaeng yun...
I find her...
Interesting.
I hope I'll meet her again.
Pero sa ngayon paglalaroon ko muna ang puso ng mga babae tulad ng ginawa nila saakin.
Pinaglaruan at winasak.
You made me like this, Nicole!
Kahit sinaktan mo ako ng subra...
Kahit hindi mo ko mahal, mahal na mahal pa rin kita.
Kahit wag mo na akong mahalin pabalik, wag kalang mawawala saakin. Mahal Kita eh pero pinili mo siya kaysa saakin. Galit na Galit ako sayo Nicole. Galit na Galit ako sainyong mga babae. Galit din ako sa nanay ko kasi pinili niya yung kabit niya kaysa saamin ni Daddy! Mga babae talaga, tangina!

Book Comment (29)

  • avatar
    Osh Gum

    good

    15/08

      0
  • avatar
    Rio Y. Maynantay

    please

    23/06

      0
  • avatar
    Francisco Dominguez

    kaylangan ko nang pera

    15/06

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters