logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter Six - Alstroemeria

Nakakuyom ang mga kamay kong nakapatong sa aking hita habang habol ang aking paghinga. Naninikip ang dibdib ko at ramdam ko ang pamumuo ng pawis sa aking noo. Parang may martilyong pumupokpok din sa ulo ko kaya mariin akong napapikit upang itaboy mula sa isipan ko ang paghaba ng mga masasamang alaala ng nakaraan. Ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko mapigilan ang pagdaloy nito sa utak ko. Those horrible memories kept on replaying like a movie right before my eyes as I found myself inside our university's cafeteria.
"Can I go first?"
Hearing Stella's voice sent shivers down my spine. She may be smiling at me, but the look in her eyes were telling me different. She was not amused to see me.
I was scared of her presence. Halos lahat naman kinatatakutan siya. No one wanted to get on her bad side.
I moved a step back letting her cut in the line at the long query of students. She gave me a light tap on my back before smiling again and I'm not comfortable with it.
I looked around to search for my friends, but they were still not here. Maaga kami ng sampung minuto dahil pinalabas na kami ng aming professor. Danika and I were taking the same course but apparently, magkaiba kami ng section. Nasa ibang department din sina Jules at Brix.
"Tabi nga!"
May malakas na tumulak sa akin paalis ng pila dahilan upang mawalan ako ng balanse at paupong bumagsak sa sahig. Narinig kong nagtawan ang mga kaklase ko, ni wala man lang tumulong sa akin.
Tumayo ako at pinagpagan ang navy blue kong palda na parang walang nangyari. Bumalik ako sa pila ko kung saan naman talaga ako nakapwesto pero ayaw na nila akong pasingitin. Para akong isang kawawang bata na pinagkakaisahan ng mga kaklase ko at wala akong magawa.
Nagtungo na lang ako sa dulo ng pila, pilit na nagpapakatatag. Pilit na sinusubukan na maging matapang sa harap nila kahit ang totoo, gusto ko na lang maghalo.
Matapos kong maka-order ng pagkain ko, doon ako umupo sa pinakasulok. Alone, with my head hung low. Ngunit nakayuko man ay ramdam na ramdam ko pa rin ang mga mapanuyang tingin na binibigay sa akin ng mga kaklase ko.
"Tatahi-tahimik pero nasa loob pala talaga ang kulo."
"Magkaibigan pa talaga ang nilandi niya."
"Good riddance. At least nalaman na agad ni Gabriel ang totoong kulay niya."
Nangingibabaw ang malakas at samut-saring bulungan ng mga estudyate sa paligid na tila ba sinasadyang iparinig sa akin ang mga pinag-uusapan nila. Isabay mo pa ang mga mapanuyang tawanan nila na para akong isang nakakatuwang palabas sa kanila. Tanging pag-iyak lang ang nagawa ko habang tinatanggap ang bawat masasakit na salita at panghuhusga nila sa akin.
Ayoko na. Make them stop. Please.
"Kelly, breath. Come on!"
May banayad na boses akong naririnig sa nanlalabo kong pandinig. Ngunit kahit gusto kong patigilin na ang mga alaalang ayaw ko nang balikan ay hindi ito huminto. Para itong ilog na nagpatuloy sa malakas na pag-agos.
The scene suddenly changed and I found myself once again inside our classroom while staring at the big white board in front of me. 'MALANDI AKO. POKPOK AKO' was written in bold capital letters with my pictures also posted.
Nanghihina akong lumapit sa harapan ng white board. Kinuha ko ang eraser para burahin ang mga nakasulat sa white board at tinanggal ang mga pictures kong nakadikit doon.
Walang tigil sa pagtulo ang luha ko habang ginagawa 'yon habang panay ang pagkuha nila sa akin ng video. Nakakagat ko na lang ang ibabang bahagi ng labi ko upang pigilan ang pagkawala ng mga hikbi ko. I looked so pathetic.
"Kelly!"
Someone called my name again. It was a familiar and gentle voice. When I opened my eyes, I met Brix's eyes. Inilibot ko ang mata sa paligid, tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib nang masilayan ko ang mukha nila Tito at Tita.
"Kelly, ayos ka lang ba? Namumutla ka na. Hindi mo rin naubos ang pagkain mo. May masakit ba sa'yo?"
I turned to Tita Claire and smiled faintly still catching my breath. "A-ayos lang po."
"Nakapag-bill out na ko. Mabuti pa, ihatid ka na namin pauwi," Tito Harold stated, his voice lace with concern.
Nakaalalay lamang sa akin si Brix habang pababa na kami at panay naman ang paglinga-linga ko. Natatakot na baka muling makita ko si Stella. Hindi ko akalain na ang muling pagtatagpo ng landas namin ay magdudulot na naman ng takot sa buong sistema ko, na muli ko na namang maaalala ang masamang bangungot na dinanas ko mula sa kanya.
"I'm here. Huwag kang matakot," Brix whispered holding my hand tighter. Maybe he felt my uneasiness.
Pasalamat na lang talaga ako na dumating siya agad kanina kundi baka nagmukha na naman akong kawawa sa harapan ni Stella.
Nang makarating kami sa parking lot, pinagbuksan ako ni Brix ng pinto ng kotse. Umupo na ako sa backseat kasunod si Tita Claire.
"Son, sumakay ka na," utos ni Tito Harold mula sa driver's seat. Nasa labas pa rin kasi si Brix at nakatanaw sa malayo kapagkuwa'y lumingon ito sa akin na may malapad na ngiti sa labi niya. Napakurap-kurap pa ako nang muli niyang buksan ang pinto ng kotse sa backseat at hinila ako papalabas.
"Brix! Saan mo dadalhin si Kelly?" naguguluhang tanong ni Tita Claire.
Brix just let out a soft chuckle. "Don't worry, Mommy. May pupuntahan lang kami saglit. Ako na ang bahala kay Kelly. Mauna na kayo ni Dad."
Napailing na lang si Tita. "O, sige. Mauna na kami. Huwag na lang kayong masyadong magpagabi at ingatan mo si Kelly," bilin pa ni tita Claire. Nag-thumbs-up naman si Brix sa kanya.
Ilang sandali pa ay pinaandar na ni Tito Harold ang kotse niya. Pinagmasdan ni Brix ang papalayong kotse ng parents niya samantalang ako, nakakunot-noong nakatingala sa kanya.
"Saan tayo pupunta?" usisa ko.
"Basta. Trust me, makakalimutan mo ang lahat ng masamang alaala mo pagdating natin doon."
***
Do you feel like a man
When you push her around?
Do you feel better now, as she falls to the ground?
Isang maaliwalas na ngiti ang kumawala sa labi ko habang pinapanuod si Brix sa tabi ko. May pagtalon-talon pa kasi ito habang nanunuod sa bandang tumutugtog. Sinasamahan niya pa ito ng paghe-head at malakas na kakanta upang sabayan ang bokalista ng banda.
Dinala ako ni Brix sa river park hindi kalayuan sa fine-dining restaurant na pinanggalingan namin. Gaya ng sinabi niya, bahagyang nakalimutan ko ang mga naganap kanina dahil nawili kami sa paglilibot dito sa napakalawak na parke.
Ngayon lang ako nakapunta sa lugar na ito dahil hindi naman ako lumalabas ng Sunny Ville. Halos malula nga ako sa kalakihan nitong parke. Maraming tao sa paligid dahil siguro weekend ngayon. May mahabang footbridge na nagkokonekta dito sa river park patungo sa isang mall sa kabilang side.
Meron ding mahabang stall ng mga street foods dito at maraming magandang pwesto dito kung saan mae-enjoy mo ang pagfo-foodtrip. Iyong iba nga ay tila nagpipicnic na habang prente silang nakaupo sa may gitnang bahagi ng river park na nilatagan lang nila ng picnic mat. May nagpaparenta rin ng bisekleta kaya naman mae-enjoy mo lalo ang paglilibot lalo na kung marunong ka mag-bike. Tapos may maliit na peryahan din kaya aliw na aliw ang mga kabataan.
Nang mapagod kami ni Brix sa paglilibot kanina ay hinili niya naman ako papunta sa malaking gazebo na napapalibutan ng makukulay na fairy lights. Sakto namang may live band na tumutugtog dito kaya nanuod muna kami.
Naalala ko tuloy si Aiyah. Siguro kung saan-saan na naman sila tumutugtog ngayon.
"Ayos ka lang?" tanong ni Brix at inabot ang kamay ko.
"Thank you for bringing me here," hayag ko.
"You know that I will always be here for you, Kelly. Protector mo ako, 'di ba? At hindi ko na hahayaang may manakit pa sa'yong muli," he said and I could feel the sincerity dripping from his voice.
"Give me your hand," sambit ko. May ibibigay nga pala ako sa kanya.
"Bakit?" tanong niya.
"Basta."
Inilahad niya ang kaliwang kamay niya sa harapan ko at may dinukot naman ako sa bulsa ng sling bag ko. Isang woven bracelet na may alstroemeria flower bead sa gitna. Ako pa mismo ang nag-customize nito.
"What's that? A friendship bracelet? Aren't we too old for this kind of stuff?" natatawang tanong ni Brix habang sinusuot ko sa kanya 'yong bracelet.
"Hoy, pinaghirapan ko 'yan. Meron din ako." Inangat ko ang kanang kamay ko kung saan nakasuot sa akin 'yong bracelet.
"Okay. Thanks. I will treasure this," he mumbled.
Umiling ako. "Ako dapat ang magpasalamat sa'yo. Sobrang dami mo kayang naitulong sa akin. And I'm glad that I have someone like you in my life. You've been a good friend to me, Brix. Mula noon, hanggang ngayon. Sa susunod na buhay ko, sana makakilala ulit ako ng isang tulad mo."
"Ikaw, masyado kang madrama." Pabirong pinisil ni Brix ang tungki ng ilong ko at pinanggigilan 'yon saka bumalik sa panunuod sa live band.
But I really meant what I said.
Isa sa mga blessing sa buhay ko ay ang pagkakaroon ng mabuting kaibigan na gaya ni Brix. Sana balang araw, masuklian ko rin ang lahat ng mabuting pinakita niya sa akin.
***
"And I'm glad that I have you in my life. You've been a good friend to me, Brix. Mula noon, hanggang ngayon."
"Kaibigan," wala sa loob na sambit ni Brix nang maalala ang sinabi ni Kelly kanina. Lumipas na ang maraming taon pero hanggang ngayon ay kaibigan pa rin ang tingin sa kanya ng dalagang matagal na niyang minamahal ng palihim.
"Si Gabriel pa rin ba?" mapakla siyang napangiti habang nakatingala sa madilim na kalangitan.
Noon palang, alam naman niyang walang ibang lalaking minahal at mamahalin si Kelly kundi si Gabriel lang. Kahit kailan hindi ito mapapalitan sa puso ng dalaga. Tanggap na niya 'yon at hindi na niya ipipilit pa ang sarili niya. Ang tanging gusto na lamang niya ay makitang sumaya ulit si Kelly kahit hindi siya ang maging dahilan ng kasiyahan nito.
Ngunit iba na ang sitwasyon ngayon. Hindi na siya magpaparaya.
"Anong ginagawa mo rito?" matabang na tanong ni Gab nang lumabas at madatnan si Brix na nakasandal sa gate ng bahay nila.
Wala sana siyang balak na labasin ito ngunit napilitan siya dahil hindi ito tumitigil sa pagtawag sa pangalan niya. Nakakaistorbo na rin sa mga kapitbahay nila ang ingay na ginagawa nito kanina.
"Nangungumusta lang. Masama ba?" nakangising sagot ni Brix.
Nang maihatid niya si Kelly ay agad siyang dumiretso sa bahay nila Gabriel. May mga bagay siyang gustong-gustong klaruhin mula dito.
"Mahal mo ba si Stella?" walang patumpik-tumpik na tanong ni Brix sa dating kaibigan. Nakasuksok ang kamay niya sa dalawang bulsa ng pantalon niya habang diretsong nakatitig sa mata nito. "Ang daming babaeng pwede mong ipalit kay Kelly, si Stella pa talaga?"
"It's none of your business. Umuwi ka na." Gab replied coldly. Papasok na sana ang binata sa loob ng bahay nila nang muling magsalita si Brix.
"I'm sorry."
Natigilan si Gabriel sa hindi inaasahang paghingi nito ng tawad. Muli niyang nilingon ang dating kaibigan. He could see the sadness in his eyes.
"I'm sorry, Gabriel. Alam kong hindi mo ako mapapatawad. Alam kong hindi mabubura sa isip mo na niloko ka namin ni Kelly, pero sa maniwala ka o hindi, ginawa ko lang ang tingin kong mas makakabuti para sa kanya."
Marahas na napabuntong-hininga si Gabriel. Binigyan niya si Brix ng isang napakatalim na tingin. "And you think I care?"
"Wala ka na nga ba talagang pakialam sa kanya?" balik na tanong ni Brix.
Tila napipi si Gabriel. Umawang ang mga labi niya ngunit mabilis niya itong itinikom. Umiwas siya ng tingin sa dating kaibigan at pagak na natawa na lang.
"Wala na akong pakialam sa kanya. Matagal ko na siyang kinalimutan at binura sa buhay ko. Masaya na ako ngayon kay Stella at mahal ko ang girlfriend ko," mariing sambit ni Gab.
"Mahalin mo pa kaya 'yang girlfriend mo kapag nalaman mo ang mga ginawa niya noon?"
Muling lumingon si Gabriel kay Brix. Bumalatay sa mukha niya ang labis na pagkalito. "Pinagsasabi mo?"
"Sana kapag nalaman mo ang totoo, mapanindigan mo ang sinabi mo. Pero kung dumating man ang araw na mamulat ka sa katotohanan, kahit ikaw pa rin ang mahal ni Kelly, hinding-hindi ko na siya ibabalik sa'yo. I love her and I will fight for her this time. I just want you to know that," determinadong sambit ni Brix bago talikuran ang dating kaibigan at naglakad palayo.

Book Comment (10)

  • avatar
    Reynaldo Bacas

    Nice story

    21/07

      0
  • avatar
    Christian Tumarlas Ambat

    thank you

    15/05

      0
  • avatar
    YriarteLocilyn

    it was good

    05/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters