logo
logo-text

Download this book within the app

7

"Naveah!" tawag sa akin ni Amona ang kaibigan na isa rin taga silbi sa palasyo.
"Ano i'yon?"
"Hindi mo ba alam? Magkakaroon ng isang sayawan dito sa palasyo sa darating na sabado, hindi na ako makapag hintay!" ngunit ang sabado ay ang huling araw ng septyembre.
"Maraming mahaharlika ang magsisi-dating upang makisaya." sabi nito habang hawak ang isang tapa o lalagyan ng tubig.
"Nakikinig ka ba sa akin, Naveah?"
"Pasensya na ngunit hindi ko narinig ang iyong sinabi." hindi na nito natuloy ang pagkwe-kwento nang tawagin ito upang mag handa ng pagkain para sa tanghalian ng Hari at Prinsipe.
Nakatayo ako at nakatitig sa kawalan nang may magsalita sa likuran ko. "Anak, bakit andito ka? Hindi ba't dapat katulong ka sa paghahain?" tanong ni Ina.
"Ina, malapit na ang huling araw ng septyembre." sabi ko na bakas ang pag aalala sa boses.
Ngumiti ito. "Alam ko na nag aalala ka para sa iyong Ama, ngunit bilang isang kawal at kinakailangan ng kaharian at kailangan n'ya iyong gawin." mahinahon na sabi ni Ina.
"Tawagin mo na lamang ang Prinsipe para kumain. Uuwi mamaya ang iyong Ama, 'wag kang mag alala." lumakad na ako papunta sa harden dahil naroon ang isip batang si Silas.
"Silas! Kailangan mo nang pumasok rito at tigilan ang paglalaro sa leon!" tawag ko rito.
Tumayo ito at pinagpagan ang sarili. Nauna itong maglakad papunta sa hapag at naroon na ang Haring Oscar nang kami'y dumating ro'n.
"Silas, malapit na ang iyong kaarawan at malapit na ang ika-dalawangpo't walong taon. Kinakailangan mo nang maghanap ng i'yong magiging asawa at uupo kasama mo bilang reyna." sabi ni Haring Oscar habang kumakain.
"May napupusuan na ako, Ama. Ngunit hindi ko alam kung paano ko makukuha ang kanyang loob." nasa tabihan kami ng Hari, kasama ang iba pang dama.
"Paano s'ya makakatanggi sa isang tulad mong prinsipe? Sino ba ang dalagang ito?" takang tanong ni Haring Oscar.
"Kakaiba s'ya, Ama. Ibang iba s'ya sa mga dalagang naririto sa ating palasyo, hindi s'ya mahilig sa sayawan o pagtitipon at palagi s'yang nakakubli." sabi nito bago tumingin sa akin.
"Masyadong ma-misteryo ang kanyang pagkatao, Silas. Tiyak ko na maganda s'yang dalaga, hindi ba?" tawang tanong ni Haring Oscar.
"Hindi lang s'ya maganda, Ama. Sobra ang kanyang ganda." nang matapos ang pagkain ng mag-ama ay sinamahan ko na si Silas pabalik sa kanyang silid.
Umupo ito sa upuan na katabi ng kanyang higaan at tumingin sa salamin. "Maaari ba kitang maimbitahan sa darating na sabado, Naveah? Bilang aking kapareha sa sayawan?"
Alam kong mas maigi na umiwas sa kanya para matigil ang pag iisip n'ya na may nararamdaman ako para sa kanya.
Mabait ka sa akin, Silas. Ngunit hindi ko kayang mahalin ang isang tulad mo.
"Hindi ako maaari, pasensya na, kamahalan." sabi ko bago umalis sa silid nito. wala na akong oras para makisaya o magsaya kailangan ko gumawa ng paraan para hindi masama si Ama sa mga kawal na ipadadala sa laban.
Umuwi agad ako upang maipaghanda si Ama ng pagkain ngunit pagdating ko sa aming bahay ay naroon na ang aking Ama at nagluluto.
"Naveah, halika ka at maupo." tinanggal ko ang aking balabal at naupo.
May nakahayin nang pagkain at inahaw na manok i'yon ang paborito namin ni Ama. "Bakit hindi mo pa kasabay ang i'yong Ina?" nagsisimula na akong mag lagay ng pagkain sa aking plato.
"Inaayos nila ang bulwagan, Ama. Masyadong enggrande ang darating na pagdiriwang kaya kailangan paghandaan." inilapag ni Ama ang isang plato na may lamang kanin.
"Gayon ba?" tumango ako, "Sige, kumain na tayo." sabay kaming kumain na Ama habang pinag uusapan ang mga bayan na nalakbay n'ya sa paghahatid ng mensahe.
May na-ikwento pa si Ama na meron isang daanan na walang nakakaalam kundi ang ilan sa mga kawal o pinagkakatiwalaan ng hari. "Walang nakadaraan don na hindi naliligaw o nawawala dahil sa mapanlinlang na ganda at kaakit-akit na mga dyamante.
Dumating si Ina na may bitbit na isang sulat na galing raw sa hari at pinabibigay kay Ama. Nagtataka si Ama dahil alam nito na pahinga s'ya ng ilang araw dahil sa sunod sunod na paglalakbay.
"Mahal ko, isang sulat mula sa ating hari." inabot ni Ina ang sulat kay Ama.
"Ngunit.... isang buwan na paglalakbay ang gusto n'ya!" nilapitan ni Ina si Ama upang pakalmahin.
"Isang buwan na paglalakbay? Saan ka pupunta, Ama?" tanong ko natuwa ako sa balita dahil alam ko sa paglalakbay ni Ama ay hindi s'ya masasama sa mga kawal na ipadadala sa labanan ngunit ang isang buwan na paglalakbay ay kalabisan.
"Kaharian ng Acesos, may mensahe na kailangan ipaabot sa Hari." maiiwan si Ama at magdadala ng mensahe.
Sa loob-loob ko ay masaya ako dahil hindi masasama si Ama. Masyadong mapanganib ang gyera at hindi ko gustong mapahamak ang aking pinakamamahal na Ama.
"Magpahinga ka na, Anak. Maaga pa kayo ng iyong Ina bukas, hindi ba?" tumungo na ako sa aking silid upang magpahinga ngunit hindi ako dalawin ng antok kaya naman pumuslit ako at dumaan sa bintana upang pumunta sa lawa ng kasalanan upang pag aralan mabuti ang karambit.
Wala akong suot bukod sa aking corset at isang pahabang pambaba na nakadikit sa aking balat upang makakilos ng maayos at makagalaw sa maluwang na lugar.
Nakatayo ako sa isang bato na nasa tabihan ng lawa kung saan tumatama ang liwanag ng buwan na nagsisilbi kung liwanag. Hinahawi ko sa hangin ang karambit at pinag aaralan ang pagsugod gamit i'yon.
"Babae ka ngunit gumagamit ka ng isang patalim?" hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan sapagkat alam ko na nahuli na ako at mapaparusahan ngunit nagulat ako ng may humawak sa aking bewang at binuhat ako pababa sa bato.
"Huwag kang mag-alala hindi ako kawal o narito upang dakipin ka, narito ako upang sabihin na may mga bagay na hindi mo pa natutuklasan." tinaasan ko ito ng kilay.

Book Comment (38)

  • avatar
    Gnilbakhurt

    are you okey

    18d

      0
  • avatar
    KuzEysi

    amazing

    21/08

      0
  • avatar
    Carillo Papa

    maganda

    23/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters