logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2: Taby

“I’m Tabitha. I’m Serene Tabitha Valencia.”
Natulala si Wind sa kamay na nakalahad sa harap niya. Hindi niya iyong inasahan. Bakit na nakikipagkilala ang isang tao? Pakikipagkaibigan ang isang dahilan.
Sumenyas si Wind, “Leave me alone.”
Kumunot ang noo ni Tabitha at nabigla na lang siya nang sumigaw ito. Bakas ang galit sa mukha nito. “I didn’t understand you!”
Gigil siyang sumenyas sa dalaga. ”You’re weird!”
Kunot pa rin ang noo nito at napatayo siya sa upuan niya nang kapain nito ang slacks niya. Wala na siyang maatrasan at napasandal sa pader. Pinigilan niya ang hininga at mariing pumikit nang makalapit ito. Matangkad at hanggang leeg niya ang dalaga at isang tingala lang nito, magtatama na ang mga mukha nila. Patuloy pa rin ito sa pagkapa sa bulsa niya. Ilang sandali pa ay may kinuha ang dalaga mula sa kaniya.
“Open your eyes.” Nahimigan niya ang kasiyahan sa tinig nito.
Nang dumilat siya, nagsalubong ang mga kilay niya. Kanina lang ay galit na galit ito pero nang mga sandaling iyon ay malawak na ang ngiti.
“Write your name here.” Itinaas nito ang small notebook niya sa mukha niya.
Agad siyang umiling. Kumunot na naman ang noo ni Tabitha at parang bulkang sasabog kaya agad niyang tinanggap ang small notebook at nagsulat. Nang iabot niya sa dalaga, gumuhit na naman ang ngiti sa mga labi nito. Nakatatakot magalit si Tabitha. Halatang kayang manakit pero bakit parang hinaplos ang puso niya sa isang ngiti pa lang nito?
How did she manage to change her expression in just one click?
“Wind…”
Para siyang hinele sa rahan ng pagkasabi ni Tabitha. Parang musika iyon sa pandinig niya. Tumingala sa kaniya ang dalaga ng may ngiti sa mga labi.
“Nice to meet you, Wind Anthony Villafuerte.”
Ilang sandali pa ay ibinalik ni Tabitha ang notebook sa kaniya at umayos ng upo na parang walang nangyari. Umawang ang bibig niya at pinakawalan ang pinigilang hininga kanina. Nakasandal pa rin si Wind sa pader.
Hindi niya maintindihan kung anong gusto ni Tabitha. Iyon ang unang beses na may isang taong nagkaroon ng interes sa kaniya nang walang sapat na dahilan. Kung may magkaroon man ng interes sa kaniya, iyon ay dahil tampulan siya ng tukso o hindi kaya ay naawa lang sa kaniya.
Mabuti na lang ay dumating na ang teacher nila. Naging matiwasay naman ang mga klase niya dahil hindi siya inabala ng dalaga. Nang dumating ang last subject, walang teacher kaya lumabas ang iba. Hindi na siya lumabas dahil wala naman siyang gustong puntahan. Hindi rin naman siya gutom.
Abala si Wind sa pagtingin ng pictures ni Samara sa cellphone niya. Hindi niya maiwasang mapangiti pero nawala ang atensiyon niya sa ginagawa nang makarinig nang mahinang tawa. Lumingon siya kay Tabitha na nakapangalumbabang nakatingin sa kaniya.
May nakapaskil na ngiti sa mga labi ni Tabitha. “Penny for your thoughts? You’re mute, right? Paano ka makipagdaldalan?”
Hindi niya alam kung bakit umalis siya sa gallery at pumunta siya sa notes para mag-type. Inabot niya ang cellphone kay Tabitha at hinintay ang magiging sagot nito.
Mahina itong tumawa. “Para namang love letter. I feel special.”
Mataman niyang tiningnan si Tabitha. Hindi peke ang tawa nito. Parang sa simpleng bagay ay masaya na ito.
Sumimangot ang mukha nito at binasa ang naka-type sa cellphone niya. ”You don’t know me so stop asking me as if we are close. I’m a loser on this campus. Please, leave me alone. I’m abnormal. I don’t deserve your attention.”
He sighed. That was the truth. He will just drag her in his miserable high school life.
Ipinatong nito ang cellphone sa lamesa niya. “Don’t be harsh to yourself, Wind. The world is full of destructive words and judgements. The best thing you can do is respect and embrace who you are. Don’t mind people around you because they don’t know the essence of respect. Just give… respect to yourself because you deserve that. I don’t care if you’re a loser or not. Open your eyes for the change now that I belong to that change.”
Wind just stared at her. Every word filled his heart. He didn’t expect that Tabitha was a deep person. That was their first meeting but instead of being just casual, he felt intimate with her.
“Is Miss Valencia here?” Ilang sandali pa ay may pumasok na guro sa silid.
“Yes, Miss?” tanong ni Tabitha at tumayo mula sa upuan.
“Follow me to my faculty. I need to talk to you,” pormal na sabi ni Miss.
Nang makaalis si Tabitha, bumagsak ang mga balikat ni Wind. Pinagmasdan niya ang pintuan kung saan lumabas ang dalaga. Kakaiba ang babaeng iyon.
‘Can I trust her? I think she’s good… but she’s weird.’
******
The woman named Serene Tabitha crossed in Wind’s mind as he went to the parking lot. His deep thoughts about her suddenly stopped when he saw two bicycles. He gasped. He was the only one who used a bicycle because most of the students used cars.
Kanino naman ’tong bisikletang ’to?
Sumakay si Wind sa bisikleta niya pero hindi niya na naituloy ang pag-andar nang makitang palapit si Tabitha sa direksiyon niya. Lumapit ito sa bisikleta nito, tinatanggal ang lock bago sumakay.
“Gulat na gulat ang mukha mo? Ngayon ka lang ba nakakita ng babaeng may bisikleta?” natatawang tanong nito at nilagpasan siya.
Pumikit si Wind at huminga nang malalim. Hindi niya maintindihan ang dibdib niya. Ano ba ang nararamdaman niyang iyon. Kaba? Takot? Hindi niya alam.
Napailing na lang siya at pinaandar ang bisikleta para makauwi nang maaga. Pagkarating sa bahay, bumungad agad sa kaniya ang kaniyang ina. Pinupog pa siya ng halik sa mukha kaya muntik nang mahulog ang eye glasses niya.
“Baby, I made a walnut cake for you. Hope you like it.” Hinila siya nito papuntang dining table at pinaupo.
Sumenyas siya sa ginang. “Mommy I’m not a baby anymore. Please, stop calling me baby. I’m a teen."
Kinurot ng mommy ni Wind ang tagiliran niya. “I know that you’re a teen but you’re still my son. Kapag anak ko, baby ko.”
“Kuya!”
Speaking of the baby, Sun approached him and hugged him tightly. He pinched her cheeks because of her cuteness. His family was lucky to have a baby that’s smart and sweet at the age of four.
“Kuya, can you teach me how to dance baby shark? I have a presentation next week with my schoolmates,” nahihiyang sabi ng bata.
Tumawa si Wind at sumenyas sa kapatid. “Of course, Sunshine. I can teach you dance.”
Ngiting-ngiting niyakap siya nito. “Thank you, Kuya. You are the best kuya in the whole world.”
Pagkatapos kumain, nagpaalam na siya para magpahinga sa kuwarto niya. Inside his room, there’s a mini basketball court. On the north side of his room, there’s a big blue queen-sized bed that’s why there’s a ladder. He also had a walk-in closet and mini library. Everything in his room was blue because that’s her favorite.
Mabilis naghubad si Wind at pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo at gawin ang mga dapat gawin, umupo siya sa harap ng study table para gawin ang mga take home outputs.
Hindi siya makapagsalita at malaking kabawasan iyon sa recitation grade niya pero binawi niya iyon sa written outputs at tests. Kung hindi siya nagsikap, hindi sana siya napabilang sa top one hundred of most outstanding students in highs school department. Kahit fiftieth siya sa ranking, masaya na siya roon.
Nang matapos ang take home activities, umakyat si Wind ng hagdan at palundag na humiga sa kama niya. Kinuha niya ang MacBook niya at nagsulat ng kahit anong bagay na lumabas sa isip niya. Hindi niya namalayang naisulat niya na pala ang pangalan ng dalagang iyon.
Serene Tabitha
A genuine smile escaped from his lips. He looks like a lovesick fool. He didn’t know why there’s a smile on his face as he looked at the name he wrote on the MacBook. He tried to erase that girl from his mind but he couldn’t.
Ilang sandali pa ay nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Naalala niyang weird si Tabitha at mabilis magalit. Hindi ito katulad ni Samara na mahaba ang pasensiya. Maling isipin niya ang dalaga dahil walang maidudulot na mabuti ito.
Gayunpaman, kahit anong diktang gawin ni Wind sa sarili, nagsumiksik pa rin si Tabitha sa isip niya. Nilarawan ng isip niya ang hitsura ng babae kapag nakalugay ito. Bagay ang mahaba at tuwid na buhok rito. Gumuhit na naman ang ngiti sa kaniyang mga labi.
Siguradong maganda...
Natauhan lang si Wind sa kaniyang pantasiya nang pumasok si Yaya Pising at ipinatong sa study table niya ang isang bato ng gatas. “Inumin mo ang gatas mo, Wind.”
Tumango siya at kumaway sa Yaya Pising niya bago ito lumabas ng kuwarto. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at pumikit. Baka mabaliw pa siya sa kaiisip kay Tabitha.
‘Tumulog ka na, Wind.’
******
PATULOY sa pag-iyak ang isang batang babae sa playground kung saan namamasyal ang batang lalaking si Wind nang mag-isa. Tinakbuhan niya kasi ang mga nagbabantay sa kaniya. Nang makita niya ang batang babae, agad niya itong nilapitan.
“Kid, are you okay?” tanong ni Wind dito.
Tinulak-tulak siya ng batang babae. “I didn’t know you. Don’t call me kid because you’re a kid too. My name is Taby and not Kid!”
“Ako si Wind!”
“Hangin?” garalgal pa rin ang boses na tanong ng batang babae.
Tumango na lamang si Wind sa tawag nito. Baka mas lalo lang umiyak ang bata. Pinahid niya ang mga luha nito at niyakap. Iyon ang ginagawa sa kaniya ng mommy niya kapag umiiyak.
“Don’t cry, Taby. This hug will make you feel good.”
Umiling si Taby. “My mommy is gone. Nasa heaven na raw siya sabi ni Daddy at hindi ko na siya makikita.”
“Don’t cry. Crying too much will make you ugly duckling, Taby.”
Tinulak na naman siya ng batang babae. “I’m not ugly duckling. I am pretty Taby.” Napatawa naman ang batang lalaki.
Hinawakan ni Wind ang kamay nito at kumuha ng pera sa bulsa niya. “I have my money. I will buy you ice cream. Don’t cry, okay?”
Tumango si Taby. Bumili siya sa vendor ng dalawang ice cream na nasa cone. Umupo sila sa dulo ng seesaw at naglaro habang kumakain ng ice cream.
Akala niya ay iyon na ang pinakamasayang alaala niya noong bata pero agad naputol iyon nang sunduin si Taby ng daddy nito.
Kumaway sa kaniya si Taby at nag-flying kiss. “Let’s get married when I am a big girl, Hangin!”
Ngumiti si Wind at kumaway. “Okay! I will buy the best flowers and white gown for you!”
“Go to your parents, little boy,” utos sa kaniya ng daddy ni Taby at unti-unting nawala ang mga ito sa paningin niya.
NABALIK sa reyalidad ang diwa ni Wind nang biglang tumunog ang alarm niyang may ringtone na Sign by Mary Joyce. Hindi niya alam kung bakit gustong-gusto niya laging marinig ang kanta na iyon simula noong bata pa siya. Masigla ang melody ng kantang iyon pero relaxation ang dulot ng wait na iyon sa kaniya.
Paulit-ulit lang ang panaginip na iyon at ang mga pangyayaring iyon sa loob ng eleven years. He knew in himself that he could speak when he was young. He didn’t remember anything when he was still speaking but that dream reminds him that he used to be able to speak.
Hindi naman palakuwento ang mga magulang ni Wind tungkol sa pagkabata niya kaya hindi niya na inusisa pa. Baka masakit para sa kaniya ang nakaraan niya kaya hindi niya maalala. Palaisipan pa rin sa kaniya kung sino ang batang babaeng palagi niyang napanaginipan. Malakas ang pakiramdam niyang may koneksiyon ito kung bakit nawala ang kakayahan niya sa pagsasalita.
‘Who are you, Taby?’

Book Comment (7)

  • avatar
    Daishel Sadiwa

    😙🥰🥰😭😭

    06/05

      0
  • avatar
    runrun

    beautiful days a story

    06/04

      0
  • avatar
    PositarMary chastine

    try kotong basahin hehe:)

    18/04/2022

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters