logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 7

"Oh Sofia, bakit ang aga mo naman umuwi?" Nakita ako ni Auntie na pa umpo umpong lumalakad papuntang silid ko.
"Ano kase Aunti Rose eh, ah, sumama bigla yung pakiramdam ko kaya nauna akong umuwi." Padahilan ko naman habang kunware inaayos ang buhok. Hindi talaga ako magaling mag sinungaling, pagpasensiyahan niyu na.
"Oh sge na. Kung ganon, magpahinga kana muna sa taas ako na bahala dito mag luto." Si Aunti Rose ang isa sa mga pinaka mabuting tao na nakilala ko.
She is older than my mom, and she's my mom's Aunt. Kaya tinatawag ko na rin siya na Auntie Rose. Medjo matanda na siya, pero hindi niya kami pinabayaan ni mom. Napaka blessed ko dahil may Auntie Rose ako.
"Bihis lang muna ako Auntie, si mama pala kamusta?" Iniba ko ang topic para naman hindi madagdagan ang emosyon ko.
"Natutulog siya, nilalaganat siya kanina. Pero tumahan naman ang init niya." Di naman si mama nilalagnat. Minsan lang, pero iba na ang buhay kapag matanda ka.
"Hala? Ay sge pagkatapos kong mag bihis bababa nalang agad ako para ma check ko siya." Agad akong tumakbo pataas kase nag mamadali ako.
Ang daming naganap na pangyayari ngayong araw, si Carlos at Mia pa. Tapos si papa at ang kabit niya, tapos dadagdag pa ako sa problema. Ayokong matulad ang pamilya ko kay papa. Masama man ang loob ko sa kaniya, wala akong magawa kase si papa masaya na siya sa iba.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong mararamdaman para sa araw na ito. Parang sinasalo ko ang buong mundo.
I went inside my room para mag bihis, nasa bahay lang naman ako kaya no need na mag bihis ng bongga. Nag-t-shirt lang ako tsaka nag below the knee na shorts. After nag suklay ako at nag hilamos, mukha pa naman akong nanay ng limang anak.
I went downstairs to see Mama. Si Auntie Rose naman nagluluto. Marunong naman ako mag luto pero hindi ako pinapayagan ni Auntie Rose. Hindi ko alam kung bakit, baka ayaw lang nila ang timpla ko.
"Mom, kamusta ka naman?" Nilagay ko ang kamay ko sa noo niya para malaman kung mainit pa siya o hindi.
"Mom, gising ka muna kain na tayo." Hindi si mama sumasagot.
Kinabahan na ako, hindi naman mainit si mama, hindi rin siya malamig. Sakto lang, pero bakit hindi siya nagsasalita. Nakakapanibago lang.
"Ma, ma. Mama! Ma?" Paulit ulit kong tinawag ang pangalan niya to make sure na marinig ko ang boses niya. "Auntie Rose si mama!" Nakita ko si Auntie Rose tumatakbo papuntang silid ni mama kung saan naroroon ako.
"Anon nangyayari? Kanina lang okay pa naman ang mama mo." I saw mom's tear drop and umiiyak na ako tapos hindi pa rin si mama nagrerespond.
"Auntie, check her pulse." Dali daling hinawakan ni Auntie Rose ang pulso ni mama walang nafefeel na pitik si Aunti Rose sa pulso ni mama. Tumawag ako ng emergency para madala siya namin sa hospital.
"Auntie, diba sabi mo okay naman si mama kanina. Bakit nangyayari 'to?" Tumatangis ang luha ko sa dalawa kong mata. Pati si Auntie, wala kaming magawa, but to seek help at hintayin ang ambulansiya.
"Tawagan mo si Carlos dali!" Agad ko namang tinawagan si Carlos kase siya lang naman ang lalaki sa pamilya namin na maaasahan namin.
"Tawagan mo na din ang daddy mo, let him know sa mga nangyayari." Hindi ko alam kong ano ano na ang pumapasok sa isipan ko, I don't know kung nasa laman ko pa ba ang spirit ko pero parang hindi ko na siya nafefeel.
Sa lima kong paulit ulit na tawag kay Carlos, sa wakas sumagot na rin siya.
"Carlos umuwi kana muna. May nangyari kay mama Carlos!" Hagulhol akong tumatawag kay Carlos, I was like, Wala akong magawa. Napaka useless ko.
"Ha? Anong nangyari kay tita? Sge sge pauwi na ako, hintayin niyu ako diyan." Pinatay niya agad ang call.
Nagdadalawang isip ako kung tatawagan ko ba si Daddy o hindi. Lots of thoughts are coming into my mind. Unti unti kong nararamdaman na napaka useless kong anak.
I left mom alone. Iniwan kami ni papa at tumira sa ibang babae. I feel like my life is a mess. I want to let my family reunite again.
I don't need to let him know. I know panganay niya ako na anak, at hanggang sa huling sandali ng aking paghinga he will be my father and I will be his daughter. Mahal niya ba talaga kami ni mama? Kung si mama hindi importante sa kanya, how about me? Does he care for me? Anak rin naman niya ako ah.
"Sofia, nandito na ang ambulansiya." Nakita ko ngang dumating na ang ambulansiya, agad namin silang inalayan para maipasok si mama ng maayos sa loob. Ang mga paramedic nagpapanic sila to check my mom's condition. Suddenly, I heard one of the paramedics ask Auntie Rose.
Hello, good afternoon. Kayo po ba ang kamag anak ng pasyente?" Sumagot ako.
"Yes po, ako po. Ano po ang kalagayan ng ina ko?"
"Based on the papel, you are Miss Sofia Lorenzo, the daughter of Celia Lorenzo, the patient. I'm sorry, Miss Sofia, but wala na ang mommy mo. Sumama ka nalang muna sa amin sa hospital para iayos ang mga papelis ninyu." At that time, on the spot, tumigil ang mundo ko. Si mama lang sana ang dadalhin nila sa hospital, pero pati ako nadala. Nawalan ako ng malay, hindi ko alam kung ano ang mga naganap after kong marinig ang sinabi ng isa sa mga nurse ata 'yun.
I woke up, na puro puti ang nakikita ko. Napaisip tuloy ako at napatanong kay Lord kung nasa langit na ba ako. But then I saw Carlos' face.
"Sofia, kamusta kana? Wala kana bang naramdaman? Nawalan ka ng malay kanina." Nakita ko ang pag aalala sa mukha niya pero bawal akong umasa. May Mia na si Carlos, and wala na ako sa puso niya. I don't know if magiging maayos pa ang buhay ko.
"Anak, okay kana ba?" Uminit ang ulo ko when I saw my dad's face and he was approaching.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko for my father. Poot, galit, inis, puno ng sama ng loob ang puso ko. Gusto kong umiyak pero hindi pwede; gusto kong magwala pero hindi pwede. Gusto kong manakit pero hindi pwede. Lahat ng gusto kong gawin, hindi ko dapat gagawin. Kailangan kong magpakatatag for myself, kase wala na si mama. Ang minsang tinuri kong mundo nawala na, paano na ako? Paano na ang buhay ko? Nawalan na ako ng mundo, nawalan na ako ng ilaw sa tuwing dadaan ako sa dilim. From now on, wala nang gagabay sa akin kapag naliligaw ako ng landas.
Nawala na lahat sa akin. Parang sinasadya ng panahon, parang sinasadya ng mundo na parusahan ako. May nagawa ba akong mali? Gano'n ba kalaki ang nagawa kong mali para pagdaanan ko 'to?
I asked myself the same questions every day, but walang sagot.
"Sofia, okay lang na umiyak ka." Tinapik ni Carlos ang balikat ko at hinimas ang likod ko. Nakita kong umiiyak si Papa.
"Anak.." Papalapit na sana si papa pero pinigilan ko.
"Anak? Ngayon na wala si mama ngayon mo ako nakikita bilang anak mo? Pa, nasaan ka? Nasaan ka nong nagdudusa kami ni mama? Diba nadoon ka sa babae mo? Diba nandoon ka pa nagpapakasaya kasama nila pero kami? Hindi mo man lang kami naalalalala ni mama!" Si Auntie Rose, si Carlos, si Papa, and si Marie ang anak niya.
"Patawarin mo si papa anak. Hindi ko sinasadyang gawin 'yon." Lumapit ulit si papa, pero hindi ko talaga kayang harapin siya. Para wala na akong masabi na masasakit na salita para sa kaniya, tumayo ako at tumakbo palabas ng pinto at lumabas ng ospital.
Alam ko namang hindi nila pababayaan ang bangkay ni mama, hindi na nila ako sinundan ni papa at Carlos. Lumabas ako sa building ng ospital, at sumasabay talaga ang panahon sa akin. Umulan bigla.
Wala akong payong at gusto kong umiyak, mas mabuti nang umiyak habang nagpapabasa sa ulan. Mas lalo kong nafefeel at nailabas ang lahat ng nararamdaman ko. Tumakbo ako at basang basa ako sa ulan. Tatawid sana ako, but then.
Suddenly, a car stopped in front of me. Someone opened an umbrella at Pinayungan Ako.
Hindi ko alam kung sino man ang taong 'to pero. .  .  Pero gustong gusto ko na umiyak, bahala na kung sino ka man pagpasensiyahan mo ako. Niyakap ko siya at umiyak ako nang umiyak. He tapped my back.
"Sge, ilabas mo lang 'yan. Huwag kang mag alinlangan na ilabas lahat ng sama ng loob na mayroon ka at galit at poot na laman ng puso mo. Iyak mo lang yan." I know this voice. It's Philip.

Book Comment (27)

  • avatar
    Sejirou02

    wow great plot im so excited to read this completely

    19/04/2022

      0
  • avatar
    CJ Andales

    im so very happy

    14/08

      0
  • avatar
    Jillian Lanz Bunag

    beautiful

    30/01

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters