logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3 III

Chapter Three:
Madalang ako pumunta ng mall para bumili ng damit. Pero madalas naman akong pumunta dahil kailangan ko pa ng bagong mga librong babasahin. Today, I decided na bumili ng bagong damit dahil malapit na yung acquaintance party ng mga galing Literary Art Club at ayoko naman paulit-ulit yung mga sinusuot ko kahit wala akong pakialam kung ano man sasabihin ng ibang tao.
Maliban na lang kung mga kaibigan ko kayo, or worse mga magulang ko. Ako kasi yung taong walang kaayos-ayos ang sarili; hindi nagpupulbo o lipstick, minsan nga pumapasok pa ako ng school na gusot-gusot yung uniform ko kasi nakalimutan ko mag plantsa nung gabi, minsan nga hindi ako naliligo! Malapit na ako maging legal tapos dugyot pa rin ako. Wala pa rin akong pagbabago sa sarili. Of course, I pick up weird stares here and there pero they never really bothered me.
That was until now. Nung sinabi ni Irisih na hindi raw bagay sakin yung gupit ko, halos di na ko makatulog tuwing gabi sa kakaisip. Anxious akong tao and I tend to overthink everyting kahit maliliit na bagay lang na diapat hindi ko naman winoworry. Pero dahil nga sa kaibigan ko siya, I took her words to heart. She's the closest to me. Kaya ngayon sinubukan kong itaas ang buhok kahit hindi kinaya ng ipit dahil sa ikli ng buhok ko. I'm exaggerating but you get my point.
Kinuha ko sa mula sa bag ang cellphone ni mama para tumingin sa oras.
Hindi ko na rin pala nakita yung wallet at cellphone ko. Hindi ko naman sinisisi sina Winona pero sana naman hinanap nila nang mabuti para sakin. Kahit pabalik-balik pa ako sa office para sa mga lost and found na gamit, na baka nakita ng mga janitor, hindi pa rin nagpapakita ang mga gamit ko. Siguro nga may nakakuha na at wala na rin siguro silang balak na ibalik. Pero okay lang! hindi naman galit si mama at kung tutuusin pa, binigay niya sakin yung cellphone niya bilang kapalit sa nawala. Ang consequence ko nga lang ay pagbawas sa allowance ko kada month.
But regarding the credits card I had, ipapablock na lang ni mama para walang kwenta na lang ang credit card kasi kapag nag attempt sila, ni sentimo wala silang makukuha sakin. Madali naman namin nagawan ng paraan at tumawag kaagad sa card issuer.
Mabuti na lang kamo at binigyan ako ng pera ni mama pambili ng damit. 'di ko rin maintindihan kung bakit ang luwag niya sakin ngayon.
Dumeretso na ako sa area ng mga pambabae na suot and I began my search for the right outfit. Problemado nga ako pagdating sa ganitong mga bagay kasi wala talaga akong alam sa fashion. At kahit na maganda pa bilhin ko, nakakasigurado ba ako na bagay kapag sinuot ko na? wala akong pake, but that's a lie.
That's a lie which women tell themselves to feel good. Which sometimes it's a good thing but being that ignorant is not. Good kasi the words come out positive minsan. It's nice to feel good about yourself pero kailangan mo pa rin naman mag effort, hindi ba? Hindi para sa mga tao sa paligid mo, kung hindi para sa sarili mo at sa sarili mo lamang.
Siguro nga kasi simula nang masasamang tingin na lang ang nakukuha ko mula kay Irish, sinabi ko sa sarili ko na magbabago na ako. Baka maging okay na ulit kami. Am I the only one who avoids confrontation no matter what the cost is? Kasi hindi ko alam kung ano sasabihin nila sakin, masama ba ito o hindi, o kung ano yung saasbihin ko sa kanila kasi hindi ako rehearsed. Kahit na naghanda na ako the day before ng mga pwedeng mangyari, hindi pa rin ako nakakasigurado kaya mas ninenerbyos lamang ako. Mas okay talaga sakin kung tumawag na lang sila over the phone, that way if I get too emotional hindi nila makikita ang pag-iyak ko sa kabilang linya. Mas madaling magpanggap kapag hindi ka nakikita.
Coward in other words. Napaka dugwag kong tao. At this pont, hindi ko nga rin alam kung maggrow ako as a person talaga sa lahat ng pagigatekeep ko sa sarili ko. It's true. Yourself is your own worst enemy.
"Bumili na lang kaya ako muna ng libro? Tutal maaga pa naman." mahinang sabi ko sa sarili habang tinitingnan yung damit na random ko lang kinuha.
Maganda ito na dress na hanggang binti ko pero ayoko kasing nakikita yung mga hita ko at di rin ako mahilig sa walang pambabang suot. Binalik ko ang damit kung saan ko ito kinuha and I went straight to the elevator. Hinabol ko pa yung mga pintuan kasi pasara na ito at sayang naman sa oras kung maghihintay pa ako sa susunod.
"Sandali lang po!"
Nagmadali akong pumasok na parang nasa LRT ako. Hingal ang pakiramdam ko. You get it by now na dapat hindi ako madaling napapagod dahil sa nagsiswimming ako but that's not in my case. Nasa ground floor ang elevator at ang bookstore nasa pang lima ata o pang-anim. I swear this mall is massive. Kahit ang tagal-tagal ko nang pumupunta dito, wala pa ata sa kalahati ang nalilibot ko.
Kawawa naman ang katawan ko kapag tumungtong akong bente anyos. Lalo na kapag nagkatrabaho na ako, mawawalan talaga ako ng oras sa pag ehersisyo. Sabi ng teacher ko sa physical education, hanggat bata ka pa at mabilis ang metabolism mo, mag tanggal ka na ng taba sa katawan kasi mahihirapan ka raw kapag tumanda ka na.
Napatingin ako sa kasama ko sa loob ng elevator. At kung biruin mo naman, si Jeremiah yun. May hawak-hawak siyang libro. I found myself smiling again. Tiningnan ko ang floor na bababaan niya at ngayon ko lang npansin na pareho kami ng bababaan. Bibili siguro siya ng libro kasi mukhang matatapos niya na yung hawak-hawak niya. Buti pa siya.
"Hi, Jeremiah." bati ko sa kanya. Ayoko naman magmukhang sobrang saya na nakita ko siya kaya pinapakalma ko ang sarili. Kahit deep down, hindi naalis ang tuwa mula sakin. "Small world, huh?"
Huminga lamang siya ulit nang malalim at nagpatuloy lang ng pagbabasa. Alam ko naman yung feeling na maingay kapag nagbabasa kaya tumahimik na lang ako. Kahit na may tumutugtog na elevator music, Jeremiah couldn't be bothered. Umiwas ako sa pagka awkward ng sitwasyon at kinuha ang cellphone mula sa bag. Wala naman akong katext o kachat man lang sa messenger so why did I even bother? O right, hindi kasi namamansin 'tong kasama ko ngayon.
Kahit anong usap ko, wala talaga akong makukuha mula sa kanya. Maliban na lang yung time na tinanong niya kung kailangan yung tournament ko para hindi ko na siya kulitin. Ang sabi naman niya pagtapos ay susubukan niyang makapunta. Pero nang magsasalita na sana ako, nakaalis na agad siya.
Napahawak ako sa gilid ng elevator nang bigla na lang itong huminto and now we're suspended in mid-air. I could feel it dangling a little. Agad-agad kong pinindot yung open button pero hindi ito umilaw. Tinry ko naman yung bell para manotify yung mga personnel na may mga taong namamalagi sa loob. Narinig lamang ang pag buzz nito and before I knew it, namatay yung ilaw.
Nanlaki ang mga mata ko.
This has got to be a nightmare! Takot ako sa dilim! Takot ako sa maliit na space! Kinapa-kapa ko yung mga gilid hanggat sa nahawakan ko na si Jeremiah. Nakaligtaan ko sa panic na may kasama a pala ako sa loob ng elevator. Halos makalimutan ko na nga nandun siya.
"M-may ilaw ka? P-please pabukas naman... ayoko sa dilim..." I was stumbling over my words. Nakakahiya sa kanya na masasaksihan niya ang yung pag break down ko.
Ilang minuto ang lumipas, may bumukas na ilaw-ilaw mula sa cellphone ni Jeremiah. Nagpasalamat ako sa kanya kasi kahit papaano, nakikita ko na ang paligid namin. Ngayon at yung pagiging claustraphobic ko na lang yung problema. Sana hindi na lang ako nag elevator pa! Bakit pa kung may escalator naman, diba?
Naramdaman ko na ang paglamig ng katawan ko. My legs felt jelly but I had to stand on my feet. But before I knew it, I was already on the floor, hugging my knees close to my chest. Sinusubukan kong hindi umiyak kasi mas lalo lang lalala ang sitwasyon.
Steady breathing. Inhale. Exhale. Repeat until you're calm.
I find myself staring at the void at nabalik na lang ako sa realidad nang nakaramdam ako ng mainit na bagay na pumapalibot sa aking mga kamay. Hindi na naman ito mabuksan at mukhang na paralysado na ang aking buong katawan. Tumingin ako kay Jeremiah habang minamasahe niya ang mga daliri ko at sinusubukan buksan ang mga ito.
"Inhale, exhale. 'Wag mo mamadaliin, take your time." ang sabi niya sakin. Napakaamo ng tono ng kanyang boses at nakita ko na lang ang sarili ko na nagrerelax sa hawak niya.
Tinanggal ko sa isip ko ang lahat ng mga negatibong bagay na pwede pang makadagdaag ng paglala sa kondisyon ko. Hindi ako pwedeng magpa control sa anxiety ko. Lalo na ngayon. Sa harap pa niya. Hindi maaari.
"S-sorry na nakikita mo ako na ganito." sambit ko sa kanya.
May kinuha siya sa bag niya, isang portable fan at binukas ito. Wala na naman akong natanggap na response mula sa kanya pero mas okay na ito kaysa sa magsalita pa siya. Baka sermunan pa ako na napakareckless kong tao.
Binigay niya sakin yung fan para sumandali at may kinuha pang isang bagay mula sa bag. Tubig. Nang makita ko ang bote ng tubig, napalunok ako. Ngayon ko lang na realise na parang desierto na yung lalamunan ko. Tinanggal niya yung cap at inabot sakin ito. Kukunin ko sana sa isa kong kamay pero siya na mismo ang nag umalalay sakin, ang kamay niya nasa bandang likod ng leeg ko, para inumin yung tubig.
"Titingnan ko kung makakakuha ako ng signal. Stay put ka lang." sabi niya sakin at kinuha niya ang cellphone mula sa gilid.
I stared at his face. Kahit na walang emosyon ito, nararamdaman ko naman yung concern niya sakin. Kumunot ang noo niya nang tiningnan niya ang screen ng kanyang phone.
"Walang signal." ang sabi niya pagkatapos ng ilang sandali bago umupo sa harap ko. "Magiging okay ka lang ba?"
"O-okay lang naman... hindi na masyaong malala, 'di tulad nung kanina."
"Okay. Stay that way."

Book Comment (31)

  • avatar
    Lao Basilio Shirley

    nice story

    9d

      0
  • avatar
    Nurfaisa Maulana

    💘💘💘

    29d

      0
  • avatar
    EdisanRodime t

    salamat po

    05/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters