logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2 II

Chapter Two:
At dahil parte ako ng swimming athletes, kinailangan ko mag manatili sa school para sa training namin; malapit na naman kasi yung competition laban sa ibang school para sa seasonal ulit. Mabuti na lang at tapos ko na ang mga exams bago ko naman ibigay ang dedication ko rito. Ako na nagsasabi sainyo na mahirap pagsabayin ang pagiging student athlete o varsity mo sa school tapos yung pang-aaral kasi lagi na lang nagkakabanggaan ang dalawa pero time management lang talaga siguro ang kailangan- I mean time harmony raw tulad lagi ng sinasabi ng teacher ko. Saka, narinig-rinig ko sa paligid na mahirap-hirap ang magiging kalaban ko at sinadya nitong tumapat sakin. Sino hindi mapepressure diba?
Ako kasi yung mukhang kulelat kaya parang easy win lang sa kanila.
I needed some sort of motivation right now. Kahit anong bagay o kahit sino na willing pumunta sa mismong event para mag cheer sakin. Believe it or not, when you know someone is there to cheer you up kahit alam mo sa sarili mon a parang wala kang chance na manalo, the motivation they give, the determination I'll have ends up being a miracle. At least, in my experience. Kinukuha ko ang lakas sa mga naniniwala saakin. Sila mama at papa kasi hindi pa sigurado kung makakapunta. It makes me sad.
Alam ko naman na nandyan ang mga kaibigan ko pero ramdam ko na hindi naman sila mag-eeffort na pumunta sa ganitong klase na bagay kasi may ibang mga priorities sila pareho-pareho. At sa tingin mo ba pupunta si Irish? Hindi na nga ako pinapansin nun. Whatever convincing I do, hindi pa rin sila papayag. Bakit nga ba sila mag-uubos ng oras panoorin ako?
Even if they treat me like I'm just some sort of pet to them, nag hahangad pa rin ako na may care sila kahit kaunti sakin- to the point na pupunta sila sa tournament ko.
Papunta na sana ako ng locker room nang bigla akong nakaramdam ng pangamba sa gut instinct ko. Binaba ko yung duffel bag sa lapag at binuksan ito nang mabilisan. Tiningnan ko sa loob kung naidala ang wallet at cellphone kasi feeling ko talaga naiwan ko sila or na misplaced ko man lang. Ako kasi yung tipo ng tao na madaling makalimot sa mga bagay-bagay at kahit saan na lang nailalapag.
Pero eventually, nakikita ko rin naman sila kasi malakas ang sense of finding ko. Oo, may nalalaman pa akong sense of finding. Pero sa totoo talaga ang clumsy ko lang. Naghahanap lang ako ng excuse.
Napagtanto ko na wala sa bag ko, kahit anong bukas pa ng zipper at sarado, pagkalikot sa loob, wala talaga at inaalala ko kaagad kung saan ko a pwedeng mabitawan ang mga ito. Siguro naiwanan ko sa classroom kasi natandaan ko na pinahawak ko muna kay Danica kung tama ang sinasabi ng aking memorya. Pero sa pagkakakilala ko sa kanya, hindi rin siya maingat sa gamit, ano pa kaya kung gamit pa ng ibang tao?
Huminga ako nang malalim at sinarado muli ang zipper ng bag at iniligay ito sa likod ko. I need to calm down first bago ako mag panic nang sobra.
Mukhang babalik pa ako sa kabilang building, malelate muna ako sa training. Maiintindihan naman nla, diba? Kaso nga lang nakakatakot si coach kapag nagalit at nakakahiya sa iba na ikaw yung representative ng school tapos hindi nakikitaan ng initiative at promptness. Yung tipong nakakahiya kapag inisip nila na sinasayang nila ang pagpapaaral sakin.
'Wag na 'wag sana ako tutularan. Hindi ako magandang ehemplo sa kabataan ngayon. Ang consequence ko naman, ngayon pa lang inilalatag ko na para sa sarili ko, ay mag stay back kahit na nakauwi na yung iba which is fine naman sakin tutal wala na akong hinahabol na mga deadline of submissions. At maiintindihan naman ni mama kung bakit malelate ako ng uwi since she knew my passion for sports, swimming specifically.
Hinabol ko ang aking hininga bago ako pumasok sa classroom. Dumeretso na ako sa upuan at ni gun-guni ng mga gamit ko wala akong nakita. Chineck ko na rin ang laman ng table-nabubuksan kasi yung mga lamesa baka sa kaling may ilalagay kang gamit sa loob para hindi na kakailanganin ng locker, diba? May sariling lock din naman ito ngunit nakita ko lamang dito ang mga notebook at lapis ko pero wala pa rin ang wallet at cellphone.
Paano na ako makakauwi niyan? I'm really not too worried about my phone kasi sira na talaga 'yun at wala naman mahahalagang laman. Kahit ako nahihirapan nang buksan tapos imaginin mo na lang kung sisiraan mo man ako, puro pangit na selfies lang makikita mo? Nag-iipon na rin kasi ako para makabili ng panibago. Pero yung wallet ko kasi may laman pa yung credit card. Lagot ako kay mama pag-uwi ko ng bahay.
Tumigil ako nang napansin ko na hindi pala ako nag-iisa sa classroom. Lumapit ang tingin at atensyon ko kay Jeremiah na nakaupo sa likod habang nagbabasa ng libro. Hindi man lang siya nagsabi na nandito siya! Para siyang kabute na kung saan-saan na lang nakikita; kahit saan lang sumisipot. But I'm very thankful at least that he was here at a convenient hour.
"What are you doing here?" tanong ko sa kanya. Hindi ko pa rin kasi alam kung nakakaintindi siya ng tagalog kaya iningles ko na lang siya.
He looked up from his book to settle his eyes on me pero again, wala kang maririning ni imik mula sa kanya. Akala mo nakikipag-usap ka sa isang robot eh. Or worse, multo pala siya at ako lang ang nakakakita sa kanya! Nakita ko ang hitsura niya at doon ko lang naramdaman ang pagbagal ng tibok ng puso ko. Hindi talaga siya mukhang pala away na tao. But I was still on my guard.
Minsan kung sino pa yung mukhang inosente, sila yung may tinatago kababalaghan.
"The library is still open, you know. You can read there if you want." sabi ko sa kanya habang papalabit kung nasaaan siya.
Ang weird din kasi, anong oras na at nandito lang siya-nagbabasa. Pwede naman sa bahay na lang nila. Pero naisip ko na rin yun eh, paano kung may problema pala siya sa bhay at kahit papaano mas gugustuhin niya nandito siya kesa duun? Eh paano ko nga malalaman kung hindi niya kakausapin?
"You can talk to me." sabi ko ulit. "I won't judge you, I promise."
Ewan ko ba at parang bata yung kinakausap ko ngayon. Sobrang cautious ko sa pinagsasabi. But I can't get enough information about him. Gusto ko talaga siyang makilala. Feel ko we have lot things in common. May mga kaibigan ka nga pero pili naman ang mga sasabihin mo sa kanila kasi takot kang i-judge nila or worst case scenario, wala silang pake. Were they even my friends to begin with? I just want someone to understand me the way I understand them. And I have a hunch that he's going to complete that missing piece of mine. Not romantically, ha! Iba yung gusto mo ng kaibigan sa gusto mo ng boyfriend.
And yes, I do admit it, gwapo talaga siya pero hindi naman yun yung habol ko. Meron pa rin mga babae na hindi gwapo ang hanap sa isang lalake! And as if I have a chance. Sungit sungit nga netong lalake na 'to sakin, paano kaya magkakagusto?
"Will you go to the ano-" hala, sa sobrang kabado kong makipag-usap sa kanya nawalan ako ng English. "-punta ka sa tournment? Ang sad kasi kapag walang nagchi-cheer sa'yo."
Hindi man niya ito maiintindihan pero sinabi ko pa rin, in hopes na baka nga pumunta siya. Malay mo naman marunong pala siya mag Tagalog tapos nag mamagaling pa ako mag English dito. Parang tanga lang. Pero inuulit ko lang: paano ko nga malalaman kung hindi siya magsasalita!?
"Alam ko na hindi mo ako maintindihan pero ang hirap kasi ng nagkikimkim." napatingin ako sa bintana. "Sorry na sa'yo ako naglabas ng sama ng loob. Alam ko na alam mo ang nararamdamn ko at nararamdaman ko rin nararamdaman mo. Kaya siguro sa'yo ako lumalapit."
Hindi naman niya ako naiintidihan diba?
Bumalik ang tingin ko sa kanya at nahuli ko siyang pinikit ang mga mata niya at sinarado ang kanyang libro. He looks so done with me. "Kapag pumunta ba ko sa tournament mo, pwede ba tigilan mo na rin ang pangungulit mo?"
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko siya magsalita. Narinig ko na parang ang fluent niya na mag tagalog but I was more than satisfied kahit ang harsh ng sinabi niya sakin. Like I said before, weirdo ako. And I'm a sucker for making friends especially ones I'm really curious with.
"I can't promise anything!" sambit ko. Halos tumalon na ako sa kinauupuan.
Tiningnan niya ako nang masama at may kasama pang paghinga nang malalim. "At hindi ko alam ang nararamdaman mo. Gusto ko mapag-isa at hindi ko kailangan ng kaibigan."
Napasimangot ako sa sinabi niya. "Hindi ka ba lonely?" tanong ko sa kanya.
Ngumiwi lang siya at tumayo. Inayos niya ang mga gamit niya. "Bakit naman? Hindi lahat ng nag-iisa, lonely. Remember that."
Palabas na sana siya ng classroom nang bumalik siya at hindi pa rin nawala ang masama niyang tingin sakin. "Kailan ba tournmanet mo?"
Despite everything he said, that alone made me smile like a fool.

Book Comment (31)

  • avatar
    Lao Basilio Shirley

    nice story

    9d

      0
  • avatar
    Nurfaisa Maulana

    💘💘💘

    29d

      0
  • avatar
    EdisanRodime t

    salamat po

    05/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters