logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Lethal Obsession

Lethal Obsession

cosmo


Chapter 1 I

Chapter One:
"Hala! Nagpagupit ka ng buhok!?" bungad na sambit sakin ni Danica pagkapasok at pagkapasok ko pa lamang ng classroom. I'm well aware na iba ang hitsura ko ngayon pero hindi ko naman inaasahan na ganun ang magiging reaksyon niya.
Lumapit ito sakin na nagpapakita ng ekspresyon na para bang nakapatay ako ng tao; nilakihan pa naman ako ng mga mata at ang mga kilay niya nakataas.
Huminga muna ako nang malalim, lumakad sa upuan ko at saka binaba ang aking bag sa lamesa bago tumingin sa aking mga praning na kaibigan. "Marami na ata akong split ends kaya nagpagupit na ako. Pangit ba?"
May halo naman na katotohanan ang sinabi ko. The fact that I couldn't control my hair's split ends just angers me to the core. Siguro dahil na rin hindi ako palaayos na tao. At kasi heartbroken ako. I'm not being too cliché, honest. A new hairstyle means a new beginning-a new person I wanted to be now. Pero kadalasan kasi sa mga babae ngayon ay nagpapaigsi ng buhok kapag nakipag break yung boyfriend at sobrang nasaktan-na gusto mag move-on. Ipapakita niya sa lalakeng nagwasak ng puso niya what he's going to miss on. Edi, diba, magpapakatanga ang ex ko kapag gumanda ako! Loss niya na 'yun at kawawa siya kasi pinakawalan niya yung tulad ko para sa isang babaeng malaki lang naman ang hinaharap pero walang laman ang utak.
Akala mo naman talaga may binatbat ako.
Sa ngayon, pinaiklian ko ang buhok ko and they're obviously making a big deal out of it! Bagay naman daw sakin ang sabi nung nag-gupit kaya confident ako sa sarili ko ngayon.
"Bes, para kang nakawalang manika!" hinawi-hawi pa ni Winona yung buhok ko sa kung ano-anong anggulong kaya nito. "Meron ka palang gandang tinatago, ha!"
Napangiti ako kahit papaano sa sinabi niya. Hindi ko naramdaman na maganda ako kasi walang pumapansin na mga lalake sa daanan, o nagsisitinginan na mga babae, kaya feel ko normal lang naman ang hitsura ko. Parang nandyan lang, nag-eexist lang sa tabi-tabi. At knowing na napakajudgmental ng mga kaibigan ko, it's nice to hear a positive remark from them.
Kung anong mga tanong ang hinampas sakin bago namin namalayan na dumating na rin si Irish at mukhang hindi siya masaya. Natanggal ang ngiti sa aking mukha at napalitan lang ng pagtataka ang nararamdaman ko. Tinaasan niya ako ng kilay at tiningnan ang hitsura ko mula ulo hanggang paa na para bang nanghuhusga siya sa isang beauty pageant. And it seemed na mababa ang score ko-no chance of making it to the top three!
"Hindi bagay, Lyra." aniya at umupo siya na walang ibang inimik.
Parang nahulog yung puso ko nang marinig ko mula sa kanya ito. I was really confused kasi hindi ganito si Irish, halos same nga lang ang personality naming dalawa at never ko siyang narinig o nakitang nakalungkot o galit ba, ewan ko. All I know is that Irish was not feeling herself today kaya bibigyan ko muna siya ng space. I know she needed it. Every time na may tampuhan kaming dalawa, lalayo muna ako sa kanya para makapagpakalma siya ng sarili at saka na rin ako gagawa ng aksyon. Eh sa klase, magkatabi kami kaya sinuyo ko na lang sina Winona na sila muna ang tumabi kay Irish at pupunta na lamang ako sa likod ng klase wherein may isang available seat katabi ni Jeremiah Chua.
Nag assemble na ang klase nang makarating ang terror teacher namin na si Ma'am Jimenez. Biglang nag-iba ang hangin sa loob, parang bumigat na lang bigla. Halatang-halata ang pressure ng mga kaklase ko kasi may quiz sa kanya. At knowing me, I didn't study shit. Ewan ko, bahala na si stock knowledge. Buti na lang at essay magpa-exam si ma'am kasi kung hindi, bokya na ako.
I was in the middle of writing my essay when my pen fell. Hindi ko nga alam kung paano nangyari yun pero nahulog talaga ballpen ko. Siguro sa sobrang lunod ko na sa pag-aalala kung ano ang mga pinagsasabi ni ma'am nun para may maisulat lang ako na sagot at hindi ko namalayan nabitawan ko lang siguro ang hawak dito. Kukunin ko sana ito nang mauna ang mahaba at putting kamay ng katabi na dumampot nito mula sa sahig at inabot sakin. Tiningnan ko si Jeremiah na naghihintay na kunin ko ito sa kanya. Nahiya naman ako at kinuha kaagad ballpen.
Wala siyang kaemosyon-emosyon sa mukha at siguro dahil dito, ang awkward na lang ng experience mo sa kanya once na may naganap kahit isang maliit na ugnayan sa inyong dalawa, ikaw palagi ang mahihiya.
"Salamat," ang pasalamat ko na rin.
Tumango lamang siya ng isang beses at nagpatuloy ng pagsusulat. I found myself just staring at him. Ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya. Not that he was before. Nung nagpakilala siya sa harap ng klase, ang lakas ng bulungan sa paligid and I really can't blame them. I couldn't, he has an appeal.
Pero parang ang cold ng pakikitungo niya. Palagi na lang kasi nakataas yung hoodie niya kaya hindi ko makita minsan ang hitsura niya. Tama talaga ang sabi ng iba na kapag nakita mo mismo ang mga mata niya, parang tumitingin ka na rin daw sa mga mata ng isang patay. Usually kasi somehow you see something in another person's eyes but his-I couldn't really explain it. I was like looking through dark empty ones. They were just void.
Bigla akong kinilabutan sa iniisip at bumalik na rin sa pagsusulat para hindi ko na maisip.
Nang sumipot na ang vacant periods namin, napagtanto ko na kausapin si Jeremiah. Kasi halos talong buwan na ng nakalipas pero ni isang beses ba nakapag-usap kami? At pag groupings naman, palagi na lang siya iniiwan ng iba and he's forced to the work all by himself. I know what it feels like to be alone and I want to be there for him. Kahit ano pa sabihin ng ibang tao. It wasn't at all pity; I was just simply interested in him. Not in a romantic way of course, pwede maging interesado sa tao simply because they catch your curiosity hindi dahil gusto mong humigit pa ang inyong relasyon sa iniisip mo.
Bumili muna ako ng pagkain ko and such, ngayon hinahanap ko kung saan pwede makita si Jeremiah sa cafeteria. Ang tagal kong nagmamasid sa paligid at sa wakas, I caught sight of him. Nasa bandang dulo siya na katabi ang basurahan. How convenient. Tumabi sa basurahan para hindi ka na mahihirapan maghanap ng tatapunan. And sad at the same time. He's all alone by himself tapos sa tabi pa ng basurahan!
It doesn't look like it's appetising to be where he was at, honestly.
Nahuli ko pang nakatingin sakin sina Winona and motioned me to come over to their table but I dismissed them and proceeded to sit in front of Jeremiah. Siguro hindi siya palasalita kasi hindi pa siya marunong mag tagalog? Posible naman. Exchange student kasi siya from China at hindi pa ata siya nakaka adjust masyado. Ilang buwan pa lang siya dito. Ang task ko ngayon is to make him feel welcomed.
"Hi!" masayang bati ko.
Tinaas niya ang ulo niya para tingnan ako. Naghintay pa ako ng bati pabalik pero nada, wala akong natanggap. No worries, makulit naman akong tao.
"Napansin ko lang na palagi kang mag-isa.. oh shit, nakakaintindi ka ba ng tagalog?"
Wala pa ring siyang imik. Tuloy lang ang pagtitig niya sakin. I felt uncomfortable.
"Is it okay if I eat lunch with you?"
Hindi nga siya nagsalita pero tinuloy lang ang kain niya ng sandwich. Ito pa yung isa ko pang napapansin sa kanya; bakit tinapay lang tubig yung kinakain niya palagi? Hindi ako matakaw o patay gutom pero nakakagutom kaya yung nasa school ka for like half of the day tapos hindi ka kakain ng kanin at ulam? Sa bagay, hindi naman kami parehas ng pinagkalakihan. Kumakain din naman sila ng kanin diba?
Pero I took his gesture as a 'yes'. Hindi naman niya ako pinaalis eh pero nararamdaman ko na ayaw niya ako rito. At dahil nga nasa lahi namin ang makukulit, sige lang, hindi ako aalis. Goal ko na lang yung maging kaibigan siya this year. I plan to expand my circle of friends. Yung iba kasi acquaintances ko lang, nakakasalamuha pero not close. I want someone out of the three friends I have now. Gusto ko iba na mapapagsabihan ko-na maasahan ko sa mga sikreto. At saka mukha naman hindi siya masamang to, tahimik lang talaga niya. Wala talaga siyang masasabihan, hindi ba? O kaya may pinagdadaanan pala siya tapos wala siyang karamay. The possibilities are endless.
"I'm Lyra by the way! Weird name, I know. Gusto raw kasi nila mama na unique name ko so ayun." pinangunahan ko na siya kung magtatanong man siya tungkol sa pangalan ko kasi kadalasan maraming kuryos kung bakit ganun so I have to explain every single time.
Aba, wala pa rin akong makuha kahit isang salita lang galing sa kanya! But I'm not giving up yet.
"I won't bite naman, Jeremiah." siniguro ko siya na my intentions were pure. "Gusto ko lang talaga makipag kaibigan."
Were my intentions really pure? Parang ang selfish nga ng reason ko kung bakit ako lumalapit sa kanya.
As he finishes the sandwich, he then threw the wrapper away and stood up, leaving me disappointed.
And at the same time, dumagdag lang ang pagiging interesado ko sa kanya. You think I'll give up easily on him? No way. I don't know how to give up.

Book Comment (31)

  • avatar
    Lao Basilio Shirley

    nice story

    9d

      0
  • avatar
    Nurfaisa Maulana

    💘💘💘

    29d

      0
  • avatar
    EdisanRodime t

    salamat po

    05/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters