logo
logo-text

Download this book within the app

SIX

MAHIGIT isang buwan na simula nang umuwi si Yunice mula sa Hong Kong. Napapadalas nadin ang gabing uwi ng asawa niya.
Balewala naman iyon sa kanya, knowing Sir Yuan, ayaw talaga nitong may mali sa mga trabahong dapat gawin.
Minsan ay bumibisita siya sa Mansyon para makapagkuwentuhan kay Yunice. Mabait naman ang buong pamilya nito kaya parang Close nadin sila. Sinasamahan niya ito sa mga lakad nito, kahit di sanay sa pagsakay sa Pick-up ay wala nadin siyang nagawa. Ayaw naraw nitong sumakay ulit sa Taxi.
Matapos ihanda ang mga gamit ng asawa'y nagbihis nadin siya. May out-of-town ito kasama si Sir Yuan kung kaya't dadalhan nalang niya ito ng mga Damit nito. Isa pa'y excited nadin siyang sabihin dito na buntis siya. Tiyak niyang matutuwa ito dahil matagal na nitong gusto ng anak. Dalawang buwan na pala siyang buntis at ngayon niya lang nalaman.
Pumara siya nang Taxi at saktong isang Taxi ang dumaan. Nagpahatid siya sa Mansyon. Binati niya ang Guwardiya at mga katulong na nadaanan niya. Bumili pa siya nang Cake para mas masurprise talaga ang Asawa. Nakita naman iyon ng mga Katulong at biniro siya.
Dumaan si Maam Yna at sinabing nasa may Pool sina Enrico't Yunice tiyak na nagkukuwentuhan. Saglit na may pumintig sa ulo niya pero di nalang niya pinansin.
Nagpaalam siyang pupunta sa Pool at agad naman itong pumayag. Nakita niya ang asawang nakaupo sa Semento habang ang mga paa'y nakababad sa tubig. Ganun din si Yunice na katabi nito.
Dahan dahan siyang lumapit sa mga ito at aktong gugulatin ng matigilan siya. Seryuso ang usapan ng dalawa kung kaya't umatras siya nang kaunti.
"Mahal kita, Enrico. Ayaw ko namang maging kabit mo." Tila may bumara sa lalamunan niya dahil sa narinig na sinabi ni Yunice.
"Mahal din naman kita, Yunice, pero andiyan si Amanda."
"Iwanan mo siya, Rico. Magpakalayo layo tayo. Gumawa tayo ng Pamilya-"
"Mga Walang hiya!" Di niya napigilang mapahiyaw ng maghalikan ang dalawa sa harap niya. Agad namang napalingon ang dalawa sa kanya.
Napaiyak na siya sa sakit na nararamdaman niya. Nakita niya ang pagsisisi sa mga mata ng asawa habang lumalapit sa kanya. Hinawakan siya nito pero agad siyang pumiksi saka buong lakas na sinampal ito.
"B-bakit mo nagawa sa akin 'to, Enrico?!"
"Amanda-"
"Ano bang problema mo, Mandy?" Si Yunice na lumapit din sa kanya.
"P-problema? Ikaw ang problema, Yunice! Nakikipaghalikan ka sa taong may asawa!"
"How dare you para sigawan ako? Ngayon, wala ka nang utang sakin. We're Quits."
"W-walang hiya ka!" Napahawak siya sa Stool ng bigla siyang makaramdam ng panghihina. "K-kaya pala sa loob ng isang buwan ay dimo man lang binanggit sa akin ang tungkol doon!"
"Oo, Mandy. Now, akin na si Rico. Akin lang siya at magsasama na kami-"
"Yunice, tama na." Si Enrico. Dahan dahan siyang napaatras saka sapo ang tiyan. Nabitawan niya ang Cake saka pilit na tumakbo.
"Amanda-"
"Huwag mona siyang sundan pa, Rico. Buntis ako." Kahit sa malayo layo na'y narinig pa niya ang sabi ni Yunice na tiyak na nagpatigil sa Asawang sundan siya.
Luha't sipon na ang nasa mukha niya. Patuloy siya sa pagtakbo at di pinansin ang sino mang nadaraan niya. Nanlalabo ang paningin niya. Patuloy siya sa pagtakbo hanggang isang matigas na bagay ang tumama ng buong lakas sa kanya.
Tiyak niya, tiyak niyang nabunggo siya ng isang sasakyan. Iyon lang ay nagdilim na ang lahat sa kanya.
NAGISING si Amanda sa Hospital. Sigaw siya ng sigaw ng malamang wala na ang sanggol na ipinagbubuntis niya. Dahil sa pagkakasagasa'y ang napuruhan ang tiyan niya.
Walang nagawa ang Doctor kung kaya't inindeksiyonan ulit siya ng pampatulog. Muli siyang nagising bandang alas nuwebe na ng Araw.
Ang sabi ng Doctor ay bayad na lahat ng Bills niya sa Hospital. Itinanong niya kung sino ang nakabangga sa kanya pero ang sabi ng Doctor ay ayaw sabihin ng taong iyon.
Kahit masakit padin sa loob ni Amanda ang nawalang sanggol sa sinapupunan niya'y wala na siyang nagawa kundi ang umuwi.
Nadatnan niya ang Asawang nakaupo sa Sofa habang hinihintay siya.
"Amanda-" Pinadapo niya ang malakas na sampal na dapat lang na ibigay niya dito.
"Anong ginagawa mo dito?" Matigas ang boses na pumasok siya sa Kuwarto nila. Sumunod din agad ito.
"Hinanap kita kagabi, saan ka galing. Pinag-alala mo ako-"
"Pinag-alala?! Gago kaba hah, Enrico?! Walang hiya ka? Ambait naman ng Konsensiya mo't pinauwi kapa!"
"A-amanda, S-so-rry."
"Hindi mawawala ng sorry mo lahat ng sakit na nararamdaman ko, Enrico! Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa ginawa mo. Gusto kitang patayin dahil sa sakit!"
"M-mahal-"
"Kailan niyo pa ako niloloko? Kailan pa?!"
"Amanda-"
"Kailan pa, Enrico? Masaya bang lokohin ang asawa?! Hah?"
"No-ong pagdating ni Yunice-"
Isang sampal ulit ang ibinigay niya dito. "Isang buwan na mula nun, Erico! Isang buwan mona pala akong niloloko! Walang hiya ka!"
"Amanda, sorry- binanggit sakin ni Yunice ang utang mo sa kanya, Sinabi niyang dika niya sisingilin sakaling ako ang kapalit-"
"At pumayag ka naman? Putang ina naman, enrico! Sana dika nalang nakialam!"
"Ayaw kolang mag-alala ka, masaktan-"
"Ngayon, sa tingin mo di ako nasasaktan? Grabe ang sakit, Enrico! Grabe! Hindi mo alam ang nararamdaman ko dahil wala kang kuwenta!"
Napatakip siya sa mukha dahil sa di na niya alam ang gagawin. Patuloy lang siya sa pag-iyak habang sumisigok.
Ilang sandali pa'y tumayo siya't tinitigan ito sa mga mata. "Maghiwalay na tayo, Enrico-"
"Amanda-"
"Ayukong walang tatay na lumaki ang anak niyo ni Yunice. Ayukong matulad siya sakin." Matigas na aniya. Pilit tinatakpan ang sakit sa tinig. Nakita niya ang pagdaan ulit ng sakit at pagsisisi sa mga mata nito.
"Ihanda mo ang pipirmahan ko, gusto kong sa madaling panahon ay makapagpirma na ako."
"Manda-"
"Buo na ang desisyon ko, Enrico." Aniya saka lumabas nang silid. Kinuha niya ang bag niya sa tabi, nandoon ang Cellphone at pitaka niya.
"Sa-saan ka pupunta?"
"Wala kana doon. Huwag na huwag mokong susundan, Enrico. Ihanda mona ang mga papeles." Aniya saka tuwid na naglakad palabas. Agad siyang pumara ng isang Taxi.
"Puwede ka naman hong umiyak, maam." Anito nang makita ang mugtong mga mata niya. Dahil sa Sinabi nito'y tuluyan na ngang bumuhos ang mga luha sa mata niya.
Ang sakit na nararamdaman ng puso niya'y bumalot na sa buong pagkatao niya. Nagpababa siya sa isang tabi. Agad ding umalis ang Taxi at iniwan siya doon.
Umupo siya sa damuhan saka umiyak. Ilang ulit na siyang umiyak pero di padin nawawala ang luhang nagsiagos sa mga mata niya. Sinabayan pa iyon ng pagkulog ng kidlat at malakas na ulan na para bang sinasamahan siya sa sakit at lungkot na nararamdaman niya.
"Mandy?"
Dahan dahan siyang napalingon. Dalawang tao lang ang tumatawag sa kanya ng ganun. Si Yunice at si...
Di puwede. Tiyak na imposible ang iniisip niya.

Book Comment (43)

  • avatar
    Princess Aydao Lagoy Amaro

    ❤️❤️❤️

    20/08

      0
  • avatar
    DelacruzJhun

    goods

    19/07

      0
  • avatar
    Shantal Franco

    ganda oy

    07/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters