logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7 BETTER

Cypher’s POV
I'm at the cafeteria while enjoying my favorite ham and cheese pizza, when someone called my name. Nakita ko ang tumatakbong si Denise, Farris, at Sumi papunta sa table ko habang may malawak na ngiti sa kanilang mga labi. I raised my brow. Kailan pa sila nagsimulang mapalapit sa isa’t isa? As for Denise, well Sumi is her roommate, but Farris? I shrugged my shoulders. Maybe she’s really that friendly.
“Good morning, Cypher!” sabay-sabay nilang bati sa akin bago naupo sa tatlong upuan sa aking table.
“Who said you can sit there?” tanong ko sa kanila na ikinanguso ni Denise.
"Ang KJ mo talaga." Natawa sina Farris at Sumi dahil do’n.
"Just kidding," I said as a grin formed on my lips.
"Really? Nagbibiro ka sa lagay na 'yan, Ate Cypher? Hindi halata, promise," si Sumi. Tinatawag niya kaming tatlo na ate dahil siya ang pinakabata sa amin.
She's just 15 years old at noong friday lang namin nalaman na Junior high school pa lang siya. She's too young, pero pumupunta siya rito sa College building para makasama kami sa pagkain. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
"Can we join you?" Napahalukipkip ako nang bumungad sa akin ang mukha ng tatlong lalaki na paniguradong panira ng aking araw.
“Yes!”
“No.” Napatingin silang lahat sa akin nang sinabi ko 'yon. Nakarinig naman ako ng tawa mula sa lalaking kasama ni Zero.
"Basag si Trace kay Cypher."
"Shut up." Napaangat ako at nabaling ang tingin sa lalaking nagngangalang Trace.
Nang napansin nitong nakatingin ako ay mabilis itong nag-iwas ng tingin. I raised my brow. He seemed a shy person. Nagawi ang tingin ko sa katabi niyang si Zero at napakagat na lamang sa aking pizza nang napansin ang paninitig nito sa akin. Whatever might their reasons, I don't have a plan to involve myself with them. They've seen already what I can do, and so am I to them.
"Sure. Puwede kayong umupo." Halos mabilaukan ako sa aking kinakain dahil sa sinabi ni Farris. I gave her a death glare, but she only gave me a peace sign. Tsk.
Naramdaman kong umupo sa tigkabila ko si Zero at Trace na kasunod lamang ni Xaver. Napalingon ako sa tigkabila kong gilid. Napatikhin sa akin Trace nang napadako ang tingin ko sa kaniya. Nang dumako naman ang tingin ko kay Zero ay seryoso itong nakaharap sa kawalan habang nakahalukipkip. Hindi nakalampas sa paningin ko ang mga matang nakatitig sa table namin, pati na rin ang mga samu't saring mga bulungan sa paligid.
Why are they even here anyway?
“Cypher, ba't suot mo pa rin 'yong eyeglasses mo? Akala ko pa naman hindi ka na nagsusuot niyan.” Napatingin ako kay Xaver na ngayon ay may malawak na ngiti sa kaniyang mukha.
“I bought a knew one,” saad ko na lang, kahit na hindi naman 'yon ang sagot sa tanong niya.
“Huh? Nakita niyo na siyang walang eyeglasses? Patingin!” Napaurong ako nang kaunti nang tangkain ni Farris na alisin ang eyeglasses ko.
“Tumigil ka nga.” Tinapik ko ang kaniyang kamay, ngunit hindi pa rin siya tumitigil at patuloy niya pa rin akong inaabot. What the hell!
“Sige na kasi, patingin! Please! It’s so unfair! Paano nakita nila pagkatapos ako hindi? Magkasama tayo sa iisang dorm!” Muli niya akong inabot kaya muli rin akong umatras.
“No—” Balak ko pa lang tapikin ang kamay ni Farris mang may kamay na ang mabilis na humablot sa aking eyeglasses dahilan para matagkal ito at matamaan ang kaliwa kong mata.
Damn it.
“You'll just need remove it. What's wrong with that?” Nangiwi ako at napahawak sa kabila kong mata na medyo sumakit dahil natamaan niya ng kamay. Napayuko ako.
“What did you do?” rinig kong tanong ni Trace na nasa may bandang likuran ko. Ramdam ko ang bahagyang paghawak niya sa aking buhok na nakatabing sa aking mukha.
“Tsk.”
“Ate Cypher, okay ka lang?” Nakaramdam ako ng inis kaya napaangat ako ng ulo at winahi ang buhok ko na tumatabing sa aking mukha gamit ang aking kamay at matalim na tiningnan si Zero. How dare him to remove my eyeglasses! Did I give him the permission to remove it!?
Napadako ang mata ko sa lamesang katabi namin nang muntik nang mahulog 'yong lalaki sa bangkong kinauupuan nito habang nakatingin sa aking nagawi. Bumalik ang tingin ko kay Zero at matalim itong tiningnan, na ngayon ay nakamaang ang bibig habang nakatingin sa akin. Tsk. Para namang ngayon niya lang ako nakita na walang eyeglasses? Heck.
I don’t even understand why he’s here and his friends. Last time I've checked pinagbantaan niya ako na kapag sinaktan ko pa si Keira ay siya na ang kakalaban sa akin. In short he should me my enemy, so what the hell is he doing here?
"You jerk. Did I give you the permission to remove my eyeglasses? Huh?" Hindi ko naiwasang banggain ang kaniyang tuhod gamit ang sa akin habang sinasabi 'yon sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pagdating sa lalaki na ito ay mabilis mag-init ang aking dugo.
“What? I didn't do anything.” Naningkit ang mata ko sa kaniya, lalo na nang unti-unting kumurba ang ngisi sa kaniyang labi.
“You even hit my eyes!” Napabilog ang bibig niya dahil sa sinabi ko, na tila nang-aasar.
“Really? Then let me check it.” Nanlaki ang mata ko nang dahan-dahan siyang lumapit sa akin dahilan para kaagad akong umatras. Pinupuno talaga ako ng lalaking 'to.
“No need. Just give it back.” Gusto ko nang matapos 'to dahil kapag nakuha ko na ang eyeglasses ko ay lalabas na ako ng cafeteria.
“You mean this?” Itinaas niya ang kaniyang kamay kung saan hawak niya ang aking eyeglasses.
“Just give it back to me,” mariin kong saad.
“Zero, ibalik na raw,” si Xaver na bakas naman sa boses ang pang-aasar.
“Oh.” Inilahad ni Zero ang aking eyeglasses. Balak ko na sana iyong kuhanin, ngunit kaagad naman niyang itinaas ang kaniyang kamay. Pinilit kong tumingkayad para abutin ang eyeglasses ko, but the hell! Bakit ang tangkad niya!?
“Darn! Just give it back, Zero!” What does he want from me? Bakit hindi 'yong girlfriend niya ang bwisetin niya, hindi 'yong ako?!
“Again, again?” Sumama ang timpla ng aking hitsura nang bahagya siyang tumagilid para marinig niya kung ano ang sinasabi ko.
“Fuck, Zero! Bingi ka ba?”
“Why do you keep on wearing this? You look better without this.” Mas lalo akong nainis nang biglang naghiyawan ang mga estudyante sa loob ng cafeteria.
Nangunguna ang boses ni Farris kaya mas lalong nag-init ang ulo ko. Napapikit na lang ako nang mariin. I wonder where is Keira? Malamang kung nandito 'yon, kanina pa ako n’yon sinabunutan.
Pagod akong napatingin kay Zero. “Look, I don't know what games do you want to play with me, but I’m not playing it. And if you don't want to give it back...then fine. I don't wanna waste my time with your nonsense game, Zero.”
Hindi ko na inagaw pa ang eyeglasses ko sa kaniya dahil tumalikod na ako, at nagsimulang maglakad papunta sa pintuan ng cafeteria, ngunit napahinto ako nang bigla akong nakaramdam ng pagkahilo. Muntik na akong ma-out of balance, ngunit bigla kong naramdaman ang mga brasong pumulupot sa aking baywang.
“What's wrong?” rinig kong tanong ni Zero.
“Oh my god! Ano’ng nangyayari kay Cypher?”
“Bakit parang namumutla siya!? Dalhin niyo na sa clinic!”
“Shit man! Buhatin mo na siya.” My visions starting to get blur until everything went black.

Book Comment (11)

  • avatar
    SakirAlwahid

    good

    11/07

      0
  • avatar
    RamosJiskay

    this story is very nice and good to the other people and give them a experience about to the story that they read

    09/07

      0
  • avatar
    Jesrelle Arches Montecalvo

    Highly Reccomended

    11/02

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters