logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

CHAPTER 03

Five months later.....
DIANARA
"Ate Daya! Kain ka muna, hinahanap ka rin po ni Francis sa baba, Ate. Na-miss nya na raw po ang magandang tita nya." Mahinahong ani Felicia nang madatnan nya ako sa bakuran ng bahay na nagwawalis.
Bumuntong hininga ako at tumigil sa pagwawalis bago sya hinarap. "Busog pa ako, Felicia. Mauna na kayong kumain, papasok din ako mamaya."
Pero hindi gaya nang dati na imbes na umalis s'ya ay inis nya akong tiningnan,  "Atenaman, tingin mo ba magugustuhan ni Tatay kung sakali mang nakikita ka n'ya ngayon na nagkakaganyan? Dalawang araw ka nang walang ganang kumain, ilang araw ka nang tulala, limang buwan na ang nakalipas,magpahinga ka naman, o'."
Halos nagmamakaawa ang boses nito at agad na ipinilig ang ulo n'ya, pasimpleng pinunasan ang luha'ng bumalatay sa pisngi n'ya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap. Ang hirap pag nakikitang umiiyak si Feli nang dahil sa 'kin.
Limang buwan na...at sa limang buwan na 'yon ay nalubog kami sa utang. Inatake sa puso si Tatay dahil nalaman n'yang nakulong si Nanay, nakapatay ito matapos makainom.
Umalis ako sa Zephaniah's Garden nang walang paalam kay Ma'am Zianna at isa pa 'yon sa pinoproblema ko. Maaari nila akong kasuhan dahil pumirma ako ng kontrata na dalawang taon akong magtatrabaho sa shop maliban na lang kung sila mismo ang magpapaalis sakin.
Pwede ko naman silang bayaran sa araw na hindi ako pumasok pero...paano ko magagawa iyon kung wala akong perang pinagkukuhaan kundi ang naiwang maliit lang na tindahan ng gulay na itinayo ni Felicia para kay Nanay na unti-unti na'ng napabayaan?
Lahat na lang mahirap!
"Kakain na 'ko, tara na sa loob ng bahay." Wika ko at tumango naman si Felicia matapos humiwalay sa pagkakayakap sakin at nauna nang pumasok sa bahay.
Tiningnan ko pa ang kabuuan ng labas ng bahay namin na dati ay kubo lang...ngayon ay semento na at may pintura tsaka babasaging mga bintana, napapalibutan ito ng mga bulaklak.
Second floor ang bahay namin at may dalawang malaking kwarto sa itaas. Pero hanggang ngayon ay hindi ko parin magawang pumunta doon, napaka raming ala-ala na naiwan ni Tatay doon kasama kaming magkakapatid.
Sa limang buwan ko rito sa probinsya galing Maynila simula noong namatay si Tatay ay sa sala ako parati natutulog kaya doon na rin natutulog ang mga kapatid ko.
Kahapon ang ikalimang buwan ng araw na pagkamatay ni Tatay kaya hindi ako naka-kain ng maayos dahil lahat ng ala-ala ay muling nagbalik sa isipan ko.
"Ate Daya! Si Tatay nasa hospital." Natatarantang ani Felicia nang makapasok s'ya sa opisina ko rito sa flower shop.
Napatayo ako sa kinauupuan ko. "A-ano? Bakit anong nangyari? Si Nanay nasaan—"
"Inatake sa puso ang Tatay,Ate!" Umiiyak na ani Felicia dahilan para mapasinghap ako.
"Nasaan sila ngayon? Nadala na ba s'ya sa hospital?" Pati ako ay nataranta na at agad na kinuha ang sling bag ko at nagmamadaling lumabas ng opisina ko kasama si Felicia.
Takang napatingin sakin si Alexa na s'yang assistant ko pero sinenyasan ko lang s'yang magpatuloy sa ginagawa n'ya at sabay na kaming lumabas ni Felicia ng flower shop.
Pumara ako ng taxi na agad namang huminto sa tapat namin kaya agad kaming sumakay ni Felicia.
Sinabi ko ang terminal ng mga bus sa driver.
"Kakatawag lang sakin ni Sarah. Ang sabi nya ay kritikal ang lagay ni Tatay-"
"Bakit ba sya inatake? Anong dahilan, biglaan lang?" Hindi mapakaling tanong ko.
"Dahil kay Nanay." Tumungo s'ya lalo nang marinig n'ya ang pagsinghap ko.
"Ano? Paano? Nag-away ba sila?" Halos sumigaw na ako sa pagtatanong na parang kami lang ng kapatid ko ang nasa taxi.
"May nakaaway kasi si Nanay, Ate!" Sumulyap muna si Felicia sa driver na halata namang naririnig kami. Bumaling s'ya muli sa 'kin at humilig. "Na-nakapatay si Nanay, Ate Daya."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at kung hindi lang siguro ako nakaupo ay kanina pa ako bumagsak sa pagkagulat dahil ramdam ko ang panlalambot ng tuhod ko sa narinig.
Para akong nabingi na hindi ko alam....halu-halo ang nararamdaman ko, hindi ko man lang namalayan na nakarating na pala kami sa terminal ng bus.
Dali-dali kaming lumabas ni Felicia sa taxi matapos makapagbayad at agad na dumiretso sa bilihan ng ticket.
Hindi mahaba ang pila kaya agad kami nakabili. At dahil wala pa ang bus na maghahatid samin sa Antipolo, Rizal ay naupo muna kami sa isa sa mga upuan doon.
"Lasing si Nanay at hindi n'ya sinasadyang-" panimula muli ni Felicia nang makaupo kami.
"Hindi sinasadya?" Sarkastikong ani ko. "Sa bagay, lagi naman s'yang ganyan. Hindi ito ang unang nangyari na nakapanakit s'ya ng kainuman nya o ng kahit na sino, pero iba ngayon e'. Nakapatay s'ya Felicia! Papaanong hindi sinasadya?" Madiing bulong ko sa binibigkas ko lalo na at may mga kasama rin kami rito.
"Lasing s'ya-"
"Sabihin na natin na lasing sya, Felicia, pero hindi sapat na dahilan yun para pumatay. Anong sasabihin n'ya sa mga pulis? Na-hindi nya nanaman sinasadya? Trip-trip lang, gano'n ba?!"
Umawang ang labi ni Felicia at akmang sasagot na nang dumating ang bus na may nakalagay na Antipolo, Rizal sa harap kaya agad kaming tumayo at sumakay doon.
Sa gitnang bahagi kami naupo lalo na at iyon lang ang bakante.
Napahilot ako sa sentido ko at tumingin sa labas ng bintana. Wala kaming dala ni Felicia ngayon...tanging sling bag lang kung nasaan ang wallet at cellphone namin.
"Tinext mo ba si Martha?" Tanong ko.
Tumango sya."Nakisuyo narin ako sa kanya na kuhanin ang mga gamit mo doon sa apartment na nirerentahan mo at ang sabi niya ay s'ya na raw ang bahala." Aniya.
Sasagot na sana ako nang biglang marinig ko ang tunog na mula sa cellphone ko. Nang tingnan ko iyon ay nakita ko na may text si Alexa sa 'kin.
Alexa:
Ayos ka lang ba? Nandito si Ma'am Zianna, hinahanap ka. Anong sasabihin ko, Diana?
Dianara:
Pakisabi kay Ma'am, may emergency lang na nangyari sa probinsya. Babalik din ako, pasensya na rin.
Matapos kong mag-reply ay agad kong in-off ang cellphone ko saka huminga nang malalim.
Pagdating sa hospital kung nasaan si Tatay ay nakita ko kaagad si Sarah at Trisha na nakaupo sa tapat ng ICU
Dumako ang tingin nila samin at agad na tumayo. "Ate!"
"K-kamusta si Tatay?" Halos hindi ko kayang maitanong iyon sa kanila dahil natatakot ako sa magiging sagot. Natatakot akong malaman ang totoo.
"Kritikal pa rin ang lagay, Ate Daya."  Umiiyak na sagot ni Trisha at tinuro ang salamin na nakapagitan sa ICU
Ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko nang lumapit ako doon at nang makita ko ang tubo'ng nakakabit kay Tatay ay hindi ko na napigilan ang mga luha kong kanina ko pang pinipigilan.
"P-pwede ba kaming pumasok, doc?" Rinig kong tanong ni Felicia sa doktor na hindi ko man lang namalayan na naroon pala.
"Isa lang ang pwedeng pumasok sa loob but you need to wear the proper clothing before you go inside." 'Yon lang ang hinintay kong sasabihin n'ya at agad na pumasok sa unang pinto ng ICU kung nasaan ang mga kasuotan na susuotin, matapos makapagsuot no'n ay binuksan ko naman iyong huling pintuan na naghihiwalay kung nasaan si Tatay.
Umupo ako sa isang upuan na naroon at marahang hinawakan ang kamay nya. Kahit na namumutla si Tatay ay hindi naman maitago sa itsura nya na kalahating pinoy at kalahating italyano ang lahi nya.
Pero ni-isa sa mukha nya ay wala akong namana at kung meron nga siguro ay iyong matingkad ko'ng kutis. Pero ang mga mata ko ang naiiba sa mga kapatid ko. Dahil ang mga mata nila ay may halong asul samantalang sa 'kin ay abo naman ang kulay.
Nanlaki ang mga mata ko nang makitang unti-unting imulat ni Tatay ang mga mata nya at agad iyong dumako sa akin. Kahit na may tubo na nakaharang sa bibig nya ay ngumiti parin sya at humigpit ang kapit sa kamay ko.
"T-tay!" Iyon lang ang nasabi ko sa pagka-gulat.
May sinasabi sya ngunit sa sobrang hina nun ay hindi ko na maintindihan kaya humilig ako at nag-iingat na hindi masagi ang kahit na ano na nakakabit sa katawan nya.
"I-ingat-an mo a-ang...mga kapatid mo, Dianara." Nanghihinang sabi n'ya. "Hi-hingi na...a-ako ng..tawad..s-sa 'yo...kung sa-saka..li mang...malaman mo..k-kung..sino ang t-totoong pamilya—" hindi n'ya na naituloy ang sinasabi n'ya nang unti-unti n'yang ipinikit ang kanyang mga mata kasabay nang pagtunog ng makina.
At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kong hawak ni Tatay ang tubo na naka-kabit sa bibig niya.
Tinanggal niya ito.
"H-hindi...Tay! Hindi." 'Yun lang ang paulit-ulit kong sinasabi kasabay nang pagpatak ng mga luha ko.
Napaatras ako nang mag datingan ang mga doktor at nurse na nagtulong-tulong sa pagre-revive kay Tatay pero nang marinig ko ang sinabi ng Doktor matapos tingnan ang relo n'ya ay tuluyan na akong nanghina at napaluhod sa sahig.
"Time of de*th, 6:14pm."
Mabilis kong pinahid ang mga luha ko nang magsimula nanaman itong maghulugan sa pisngi ko matapos maalala ang nangyari no'ng araw na iyon.
At hindi ko rin mapigilang mag-isip sa sinabi ni Tatay bago sya namatay nung araw na yun.
Naguguluhan ako pero may ideya na akong nabubuo sa isipan ko.  Hindi naman siguro nila magagawa 'yon.
Palagi kong kinukumbinsi ang sarili ko pero lagi akong binabangungot at nagigising sa pagkakatulog dahil naririnig ko ang boses ni Tatay at paulit-ulit na sinasabi iyon sakin hanggang sa panaginip ko.
Gustong-gusto kong magtanong kay Nanay pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin s'ya kayang harapin...nang dahil sa kanya namatay si Tatay...hindi aatakihin sa puso si Tatay kung hindi dahil sa ginawa n'ya.
Masisisi n'ya ba ako kung s'ya ang sinisisi ko sa nangyari? Alam ko sa sarili ko na masama ang naninisi pero hindi ko mapigilan lalo na tuwing naaalala ko kung paano sigaw-sigawan ni Nanay si Tatay noon tuwing wala itong maibigay na pera sa kanya.
Dating mayaman si Tatay pero hindi matanggap ng pamilya n'ya na isang tulad ni Nanay ang asawa nya kaya itinakwil s'ya nito at napilitan sila ni Nanay na bumalik sa Pilipinas para dito mamuhay.
Naging congressman si Tatay at lahat ng tao ay gustong-gusto s'ya at ang pera'ng naipon ko noon sa trabaho ko at ang pera'ng binibigay ni Tatay sa 'min ay ipinatayo ko ng bahay. Hindi alam ni Nanay na kalahati lang ng pera ni Tatay ang hawak n'ya dahil ang totoo ay sa 'kin ibinibigay ni Tatay ang pera at ako ang pinapahawak n'ya doon para magpatayo ng bahay dito sa Antipolo.
Malakas na ihip ng hangin ang sumalubong saakin pagkalabas ko ng bahay matapos kumain ng almusal kasama sila Felicia.
"Ate,alis na kami!" Paalam nila Ben ng makalabas ng bahay suot ang kanilang uniporme nila Sarah at Trisha at ang kanilang sariling bag.
Ngumiti ako at kumaway habang palabas sila ng gate ng bahay hanggang sa makasakay sila ng tricycle.
Labing-isang buwan na simula nang iwanan kami ni Tatay. Sinubukan kong ayusin ang sarili ko at nagsimula muli kaming magkakapatid sa una. Hindi man gaya noon na buo kami, may saya pa rin naman dahil kasama ko ang mga kapatid ko.
Napatingin ako sa puno ng mangga sa tapat ng bahay namin at ang nagkalat na mga dahon nito sa tapat. Kumuha ako ng walis at dustpan pero bago mag simulang sa pagwawalis ay itinali ko muna ang buhok ko at 'saka nagsimulang mag-walis.
Hindi pa naman masyadong matirik ang araw at itong barangay namin dito ay wala gaanong dumadaan na mga sasakyan dahil nasa dulo'ng parte na kami ng Antipolo.
Pagkatapos magwalis ay agad akong pumasok sa gate at tinapon sa basurahan iyong mga dahon gamit ang dustpan. Akmang papasok na ako sa loob nang bahay ng makarinig ako ng busina ng isang sasakyan. Pagkaharap ko ay sakto ring nagmamadaling lumabas mula roon ang isang lalaking nakasumbrero at agad na humarap sakin.
Kumunot ang noo ko nang bumaba din mula sa van ang isang babaeng may edad na at nakaalalay naman sa kanya iyong lalaking may edad narin na mukhang asawa nya.
Nang dumapo ang tingin sa 'kin ng dalawa ay agad na may gumuhit na ngiti sa kanilang mga labi dahilan para magsalubong ang kilay ko dahil hindi ko naman sila kilala para ngitian pabalik.
"Rafaela!" Biglang sabi nung lalaking unang bumaba kanina at tinanggal ang sumbrero n'ya dahilan para tuluyan kong makita ang kabuuan ng mukha n'ya, hindi ko maiwasang mapa-amang lalo na nang makita ko ang mga mata nya.
"Anong kailangan n'yo sa Ate ko?" Boses iyon ni Felicia na kanina pa siguro nakikinig at hinila ako papunta sa likuran nya na para bang takot sya sa pwedeng gawin sakin ng mga taong nasa harapan namin.
"Ganyan ba ang sinabi ng Tatay mo na kapag nakita kami ay ipagkakait mo ang Ate Rafaela mo sa 'min?" Mahinahong tanong nung babae at sumulyap sa 'kin bago ibinalik ang tingin kay Felicia.
"Hindi n'yo pwedeng ilayo si Ate-"
"Alam mo na hindi namin gagawin 'yon, Felicia, at kung gagawin nga namin-"
"Sino ba kayo? At paano n'yo kami nakilala? Kung kaibigan man kayo ni Tatay, hindi ko rin kayo masasamahan sa sementeryo dahil kailangan ko pang maglako ng paninda kaya kung maaari lang ay umalis na kayo." Mahinahon ngunit mariin kong sabi roon sa lalaki kanina.
Sasagot pa sana iyong lalaki sa 'kin ngunit pinigilan s'ya nung tatay n'ya siguro sa pamamagitan ng pagharang ng braso nito sa kanya.
"Rafael, uunti-untiin natin ang pagpapasama sa kanya at hindi yung pinipilit-"
"Hindi ako sasama sa mga katulad nyo na hindi ko kilala, kung sino man kayo huwag na kayong bumalik dito." Matapang na sabi ko ngunit sa kaloob-looban ko ay gusto ko silang papasukin at tanungin kung bakit nga ba nila kami kilala pero dahil sa panginginig ng kapatid ko na halatang takot sa presensya nila ay hindi ko iyon magawa.
"Sana ay dumating ang araw na bigyan mo kami ng oras para magpaliwanag, Rafaela." Ani nung matandang lalaki bago sila tumalikod ng asawa n'ya pero hindi man lang gumalaw iyong binata at nanatiling dismayadong nakatingin sakin.
"Bukas ang tahanan namin para sa pagbabalik mo, Ate." Huling sambit nito matapos ibigay sa 'kin ang isang calling card at may address na sa gilid ng isang sikat na kompanya ngayon.
Ate?
Kunot noo ko'ng tinanaw ang sasakyan nila na papalayo na habang tinitingnan ko ang calling card ay bigla na lamang iyong hinablot ni Felicia at pinunit sabay pasok sa loob ng bahay na parang nainis pa lalo sa sinabi nung lalaki.
Sa gulat ko ay napaluhod ako at napatangang kinukuha ang mga piraso ng calling card na dalawang beses lamang na pinunit ni Felicia, kaya hindi ako nahirapang buohin.
Kinuha ko ang lahat ng piraso at agad akong nagtungo sa k'warto na ngayon ko lang ulit pinasok.
Malinis pa rin at walang alikabok dahil si Ben ang naglilinis nito linggo-linggo, s'ya lamang ang nakakapunta rito makalipas ang ilang buwan na'ming pag-iwas sa bahagi ng bahay na 'to.
Masyadong masakit, pero hindi ako makakausad kung patuloy akong magkukulong sa nakaraan.
Kinuha ko ang cellphone ko na simula noong nakapag-reply ako kay Alexa ay hindi ko na nabuksan.
Pagkabukas ko ay s'ya ri'ng pag-iingay nito at sunod-sunod na mensahe galing kay Martha pero ang mas nangungunang mensahe ay kay Alexa na puro sinasabi ay hinahanap ako ni Ma'am Zianna.
Kada buwan sya nagpapadala ng mensahe sa akin. Pero kumunot ang noo ko nang mabasa ko ang pinaka bago nya'ng mensahe.
Alexa:
Dianara, pinapasabi ni Ma'am na bumalik kana bago mag April 03 at pag-uusapan n'yo ang tungkol sa kontratang pinirmahan mo. Huwag ka daw mag-alala dahil hindi ka na n'ya pagbabayarin para maisawalang bisa ang kontrata at hindi ka rin nya kakasuhan basta, pumunta ka sa ibinigay kong petsa sa 'yo dahil may iba s'yang paraan para makabawi ka.
P.S: miss ka na naming lahat, balik ka na ha<3
Napangiti ako sa huling sinabi niya sa mensahe pero agad ding napawi iyon nang mapaisip ako kung paano ako makakapunta sa Maynila.
May sapat akong ipon mula sa pagbebenta ngunit hindi ko naman p'wedeng iwan sila Felicia rito.
Magtatapos pa lang sa ikatlong taon sa kolehiyo si Ben at Sarah habang si Trisha naman ay magtatapos pa lang sa unang taon sa kolehiyo.
Sinulyapan ko ang calling card na inilapag ko sa tabi ko at sandaling nag-isip kung tatawagan ko ba iyong lalaki kanina at magtatanong kung kaano-ano ko sila o itapon na lang ba 'yon
Hindi ito ang oras para maging duwag ako na malaman ang kasagutan sa mga tanong sa isipan ko, at kailangan kong alamin kung kaano-ano ko iyong nagpunta rito kanina na may kaparehong kulay ng mga mata ko.

Book Comment (11)

  • avatar
    Eliza Cabailo Cabildo Herrera

    good story

    29d

      0
  • avatar
    Mark Jhun Gonzaga

    p kkkkkk

    12/08

      0
  • avatar
    Babyjane Sambayon Keliste

    botjbinibivucycycycubkvjcyfyvjvufugufufugjjvjvjvjgjvjvigivjvkbkbkbkbkbkhkbjguvugjgjgigigjvivjvjgkhkhkhkhkbigigigihihkbkbkbkbkboboboblbkbjvkvurugjfnjvkgjgkfjfyddyfjcjcucjcjfjfjfucitrcdrrerereufufufucufufugivhchchcufuguguvjvjvhkbkbohigiguryeteutiyogjcjcnvkhlhouogicjgohiguf gyftsestfuguvhhcgcgycvvuvucgcgcvujbjbibjvivivuvugugucufucucucucufufufufucucugyfyguguvuguvucycycycycufhchgugugufufugjfififufufufufufufigifiigigufufufufugififjfifigigigogifififjfifigigigjgjfjviviciviivivoiîufufufydyfugigififigigig

    17/05

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters