logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 5.

Mathrizea’s POV
Naiwan ang tingin ko sa papel. Nagsasayang lang sila kung ibabato lang naman nila sa akin. Napabuntong-hininga ako at magtutuloy na sana sa paglalakad nang hawakan ako ni Carry.
“Matty, anong gagawin natin nito?” natataranta niyang tanong na hinarap pa mismo sa mukha ko.
“Ano bang ginagawa sa basura?”
Natigilan siya sa lumabas sa aking bibig. Sumagot din naman. “I-Itapon.”
I raised my right eyebrow. Tinatanong kung bakit hindi niya pa tinatapon at hanggang ngayon ay hawak pa rin.
Maglalakad na sana muli kaso pinigilan na naman ako nito. Ano bang problema ng babaeng ’to?
I closed my eyes to calm down. “Ano na naman?”
“Nag-aalala ako sa ’yo. Hindi ka ba natatakot? Baka baliw na ang nagbibigay nito, Math!”
I looked into her eyes. I watched her face. I bit my lip before speaking. “Papel lang naman ’yan, walang nakatatakot. Huwag kang magpadala sa ganiyan-ganiyan. Itapon mo na ’yan.”
Dagdag iisipin ang babaeng ’to. Noong hindi pa siya sumusulpot sa buhay ko, walang nangingialam ng mga desisyon ko sa buhay ko.
It’s not that I don’t want to make friends, I just don’t need friends. I don’t need a friend because I can be myself. I know what I’m doing. Because of them, I treat other people differently now.
As I walk, the students’ eyes follow me. They even looked at my face. Fortunately I was wearing a mask. Napayuko na lang ako dahil hindi ko sila kayang tingnan lahat. Even though nothing comes out of their mouths, I know judgment is in their mind.
“Hoy!” tawag ng isang babae sa akin.
Hinarang ako nito sa daan kaya napahinto ako sa paglalakad. Nasa baba lamang ang tingin ko dahil alam ko agad na maraming nanunuod sa amin.
“Tapos ngayon hindi ka makatingin ng diretso sa mga mata ko? Matapos mong ipahiya si Zades! Ang kapal naman ng mukha mo!” dagdag niya. Dumuro pa mismo sa aking mukha. “Kung nakalilimutan mo, sampid ka lang. Huwag feeling brainy, girl. Pasikat ka, e.”
Hindi ko siya sinagot. Hindi ko man lang inangat ang aking ulo para tingnan ang kaniyang mukha. May mga estudiyante na ring mga pumapalibot sa amin, nakikichismis sa pangyayari.
“My gosh, Fortelio. Umiwas ka kasi sa pogi! Babae ka rin, alam mo ang feeling ng ganito!” sigaw ng isa sa akin.
“Kung pangit ka, huwag kang mamahiya ng gwapo!” sigaw ulit ng kung sino. Kung makasigaw ’to, akala mo ubod ng ganda.
Napatawa ako nang mahina pero alam kong hindi nila napansin. Bigla lang kasing pumasok sa isip ko na iyong ginawa ko kay Zades ay wala lang sa lalaking ’yon pero dito sa mga katatawang mga babaeng nasa harapan ko ay big deal na big deal sa kanila na akala mo kailangan talaga ng hustisya.
Nagugustuhan nila ang lalaking ’yon? Kinukuha nila ang atensyon? Araw-araw akong nakakukuha ng atensyon sa baliw na lalaking ’yon kahit hindi ko hinggin sa kaniya.
Gusto ko sanang magyabang sa mga ’to pero para sa akin, wala lang naman si Zades. Kapag sinabi ko ay baka mas lalo silang magalit at mainggit ang iba. Dumami pa ang mga bashers ko. Saka ko na gagamitin ang baraha ko kapag nakapupuno na silang lahat.
“Malandi ka rin ba? Nagiging madaldal ka lang kapag nandiyan si Zades! Sumagot ka! Bakit ba ayaw mong magsalita?!”
Tiningnan ko ang babaeng putak nang putak. Sa pagkakaalala ko mabenta ang ganda niya pero hindi ko alam kung anong pangalan niya. Hindi ko siya kilala. Muli akong yumuko. Gusto ko na lang tumakbo at magtago dahil ayoko ng ganitong eksena. Hindi ko gusto ang atensyon ng maraming tao sa paligid ko!
“Hoy! Bingi!”
Tama na. Hindi ko gusto ng away.
“Akala mo makaaalis ka rito? Kaya kong hilahin ang buhok mo pabalik sa mismong puwesto mo kung may balak kang tumakas!
“Wala akong pakialam!” malakas kong sigaw.
Nagulat sila sa naging tugon ko pero mas nagulat ang aking sarili. Paano ko naibuka ang aking bibig? Hindi na naman ako nag-iisip. Kusang lumabas sa aking bibig dahil rinding-rindi na ako.
“Wala kang karapatang sigawan ako!”
Bigla ako nitong sinabunutan na sinundan ng ibang mga babae. Nakailang kalmot ’tong Herizyn sa akin, kababasa ko lang ng pangalan sa identification niya.
Matapos nila akong dumugin, pumalibot na naman sila. Napaigtad ako nang may magbuhos sa akin ng malamig na tubig. Kung ano-anong panglalait at husga ang mga binabato nila.
Naalala ko ang bilin sa akin. . .
‘Kilala natin ang sarili mo kaya once na makipag-away ka, babalik ka rito.’
Kahit sa kagustuhan kong pumatol at isa-isa silang gantihan pero hindi ko magawa dahil gusto kong mamuhay na ako lang mag-isa. Gusto kong mamuhay na walang sumasakal sa akin! Huwag niyo nang hadlangan ang nais ko sa buhay!
“Remove her mask, Herizyn! Hurry up!”
Hahawakan sana nila akong lahat para wala akong palag nang may sumigaw sa dulo ng pasilyo.
“Hoy! Ano ’yan?!” maayos na sigaw ng kung sino.
Naramdaman kong pinasok niya ang sarili niya sa kumpulan. Tiningnan ko ang mukha. Kahit natatakpan ng mga bangs ko ang aking mga mata, kitang-kita ko pa rin ang mukha niya. Walang iba kun’di ang kaibigan ni Zades na si Pharixtel.
“Aba! Yaya ko ’yan, ah!” Mula sa likod, tinabig ni Zades ang mga babaeng nakaharang kanina. “Bakit niyo inaaway ang yaya ko?!”
Walang hiyang lalaki. Kung magreaksyon, akala mo ay baliw. Dapat matuwa siyang ganito ang hitsura ko.
“Matresa, bakit pumangit ka lalo?! Anong nangyari sa ’yo?” magkunwari siyang umiiyak. Seryoso siyang humarap sa lahat. “Sino ang may gawa nito? Alam niyo bang yaya ko siya? Bawal saktan ang yaya ko dahil kapag may nangyaring masama sa kaniya, wala na akong uutusan kaya sino?!”
Napakawalang kwenta mo talaga, Zades.
“Si Herizyn ang may kasalanan!” mabilis na sumbong ng isa hanggang sinundan ng iba.
Wow, kanina lamang ay pinagtulungan nila akong lahat tapos pagtatakpan nila ang kani-kanilang sarili at isisisi lahat sa isa? Wow.
Tumayo si Zades. “Hoy, Tipaklong!” nagtawanan ang lahat sa binanggit niya.
“Why, Zades? What’s wrong?” maarteng tanong ng babae.
Matamis na ngumiti si Zades nang makita ang kabuoang hitsura nito. “Parang mas lalo kang gumaganda, ah.”
Pinabayaan niya na si Herizyn. Pinapatawad niya pala agad kapag maganda ang babae.
Nilahad ni Zades ang isang kamay niya sa mismong harapan ko, sinasabing kunin ko para itayo niya ako.
Hindi ko tinanggap ang tulong niya. Tumayo akong mag-isa.
“Kaya kong tumayo. Kinawawa lang ako, hindi ako pinutulan ng paa,” madiin kong sabi.
Pagkatapos niyon ay dire-diretso akong naglakad paalis sa pangyayari.
Wala na akong nakikitang mga estudiyante sa pasilyo. Mukhang pumasok na sa kani-kanilang silid. Sa mabilis kong paglakad, may humawak sa isa kong braso.
“Iniwan mo ako roon? Gaano ba kakapal ang mukha mo, Matresa? Wala ka bang ibang gawin para ipahiya ako? Tinulungan ka namin! Wala kang utang na loob!” ramdam ko ang galit ng lalaking ’to.
Nanuod lang si Pharixtel sa aming dalawa.
“Ipahiya?” kunot-noo kong tanong. “Ikaw ang gumagawa ng ikakapahiya mo dahil kahit kailan, hindi ko intensyon ipahiya ka sa maraming tao,” pikon kong sabi. Naiinis na rin ako sa kaniya.
Natulala si Zades sa mukha ko hanggang maramdaman ko na lang ang daliri niyang nasa pisngi ko. Pinunasan ang dugong tumulo roon. Kalmot galing kay Herizyn.
Mabilis kong tinabig ang kamay niya. “Kung sa feeling mo, pinapahiya kita. Nagkakamali ka. Masyado ka kasing umeeksena sa buhay ko na kaya ko namang pag-eksenahan. Nagsasayang ka lang ng oras dahil hindi ko naman kailangan ang presensya mo sa lahat ng mga nangyayari sa akin,” hindi siya sumagot kaya nagpatuloy ako. “I’m your yaya. Call me yaya I’ll call you sir if that’s what you want. Don’t consider me a classmate even if we’re in school. I want you to not care about me, sir.”
Yumukom ang kaniyang mga kamao. “Sino ka ba sa tingin mo para pagsalitaan ako ng ganiyan?!” sigaw niya. “Oo, inaamin kong nagpapapansin ako sa ’yo dahil kinuha mo talaga ang atensyon ko. Pero hindi ibig sabihin n’on ay gusto kita at namamalimus ako ng atensyon galing sa ’yo!” hingal siyang huminto. “Simula nang makilala kita hindi ko na alam kung paano mawalan ng pakialam when it comes to you! Ano bang armas ng albularyo ang dala mo?!”
“So akong hindi nagpapapansin, napapansin?” sarkastiko kong tanong.
Naestatwa siya sa tanong ko. Naintindihan niya agad ang aking tinutukoy.
Huminga siya nang malalim. Hinawakan ang kamay ko at hinatak. “Let’s go. Gagamutin natin ’yang sugat m—”
“Bitawan mo ako.”
“Tara n—”
“Makulit ka ba talaga?!” pumiglas ako sa kaniya.  “I don’t need your help, okay? Huwag ka ngang pabida sa buhay ko. May sarili akong mundo kaya sana ay gano’n ka rin. Hindi ko gusto ang pangingialam mo.”
Matapos ang mahabang lintayang ’yon, iniwan ko silang dalawa.
“Mathrizea!” he shouted. “Mathrizea, ano ba?! Huminto ka!”
“Pabayaan mo na, uy,” rinig kong sabi ni Pharixtel.
“Matigas ba talaga ang ulo mo?! Boss mo ako!”
Tsk.
“Argh! I’ll make you cry someday, Mathrizea!”
Itutuloy...

Book Comment (276)

  • avatar
    Justine Rodrigo

    So nice

    19d

      0
  • avatar
    Kristine Aizel

    nice

    21d

      0
  • avatar
    DadorKatherine

    love this

    24d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters