logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 4.

Mathrizea’s POV
Habang naglalakad patungo sa school ay rinig na ang mga sigawan at hiyawan na nagmumula sa loob ng paaralan.
May event ba ngayon sa school? Wala namang inannounce kahapon. Diretso uwian ’yon. Mukhang ako lang yata ang hindi inform.
“Good morning,” bungad ni manong.
Kalbo ito at hindi mapawi ang ngiti.
Tumango lang ako bilang pagtugon. Nakagugulat lang ang pagbati niya dahil hindi niya naman ako kinakausap. Minsan talaga nagiging wirdo ang mga tao sa akin o ang katagang wirdo ay sa akin talaga nasasakto?
When I entered the school, I saw students focused on a newspaper. Hindi na ako makikichismis because I don’t have freaking care.
“Matty!” Lumapit agad si Carry sa akin nang makapasok ako sa silid. “Alam mo na ba iyong balita ngayon sa newspaper ng school?”
Umagang-umaga, chismis agad ang dala niya.
“Hindi,” kaswal kong sagot.
“Nabalita na may lecturer daw na nambastos daw ng kapwa lecturer. Grabe. Minsan lang kaya mangyari ang gano’n,” she shook his head. “Oh, bakit wala kang reaksyon? Chismis kaya iyon!”
Hindi ako interesado sa mga sinasabi niya. Noong ako lang mag-isa ay wala nga akong nalalaman na kahit anong chismis sa buong paaralan na ’to. Ang mahalaga ay nakakapag-aral at walang sumasakal sa buhay ko.
“I see,” reaksyon ko para matigil ang pangungulit niya.
“Yaya!”
Parang nagpantig ang aking tainga nang marinig ko ang boses ni Zades. Panira naman ng araw ang mga nakapalibot sa akin. Simula nang mapansin ako ng Zades na ’to, nagkaroon na ako ng babaeng nangungulit araw-araw.
“Ano na naman?” inis kong baling.
“Give me some water.”
Tinatamad akong bumili sa cafe kaya kinuha ko na lang ang baon kong tubig. Nakangiti at nakatingin siya sa akin nang uminom ng tubig. Inubos niya lahat ’yon, hindi talaga ako tinirhan. Napakakapal talaga ng mukha.
“Good morning, class,” bati ng guro nang makapasok sa silid.
“Good morning, sir!”
Napatingin lahat kay Carry dahil siya lang ang tumayo para bumati. Pinagtawanan siya ng ibang kaklase namin. Nasa whiteboard lang ang tingin ko dahil wala namang nakatatawa sa naging kilos ni Carry. Mababaw ang kaligayahan nila.
Sinulat ko na ang sinusulat ni sir sa whiteboard. Hindi ako tamad magsulat at kailangan ko ito para sa reviewer. Nakikinig ako nang may kumalabit sa akin.
“Hoy!”
Ilang beses akong kinalabit nitong si Zades pero hindi ko pinapansin. Katabi ko lang siya at masasabi kong nakawawalang gana ang mukha niya.
“Ano ba?”
“May pasa ka na naman. Siguro araw-araw kang nakikipagwrestling.”
Pakialamero. Siyempre ano pa ba? Hindi pa ba kayo nasanay? Hindi ko siya sinagot kaya panay ang kulit nito sa akin.
“Mr. Vuentero.”
Tinawag ang apelyido niya kaya humarap ako sa guro. Nakatingin si sir sa papel na alam kong listahan ng mga pangalan namin.
“A-Ah. Sir?!” mabilis pa siya kay Flash kung magtaas ng kamay.
“Ano ang paksa natin ngayon?” Tumaas ang ulo ng guro at inaayos ang salamin niyang suot.
Tumingin si Zades sa white board pero kita ko ang pagdismaya ng mukha niya nang wala na siyang makitang nakasulat.
“I-I’m sorry, sir. Hindi na po mauuli—”
“Mitolohiya,” I answered.
Napatingin lahat ng kaklase namin sa akin. Pansin ko rin kanina na ako lang ang nagsusulat at lahat ay abala sa kani-kanila nilang hinaing sa buhay. Ramdam ko ang mabigat na paglapat ng mata sa akin ni Zades. Nairita siya sa naging pagsagot ko.
“Kahulugan?” Sir Gomez raised his right eyebrow.
Ramdam kong pipigain niya ang pangkat namin dahil kitang-kita naman kanina na walang nagsusulat at puro daldalan. Hindi niya kami sinuyaw para mamahiya matapos niyang magturo.
Hindi agad ako nakasagot. Nagbulungan ang aking mga kaklase.
“Bida-bida kasi.”
“Gosh, Fortelio. Huwag ka na lang sumagot.”
“Hindi mo naman pala alam.”
“Go, Matty!” Carry shouted.
Nilibot ko ang tingin sa buong klase. Ni wala nga kayong alam sa paksa ngayon. Kung kayo ang tanongin ng guro, may maisasagot kaya ang mga ’to? Sayang naman ang asikaso ng mga magulang niyo sa inyo araw-araw sa pagpasok sa paaralan kung hindi kayo nag-aaral ng mabuti.
“What’s your name, hija?” Sir Gomez asked me again.
Hindi agad ako nakasagot dahil hindi ako sanay sa public speaking. Hindi ko naman alam na magtatanong muli ang guro.
“Ang. . .” I took a deep breathe. “Ang mitolohiya ay isang halos magkakabit-kabit na kumpol ng mga tradisyonal na kuwento o mito. Mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala,” I answered. “Karaniwang tinatalakay ng mga kuwentong mito ang mga diyos at nagbibigay ng mga paliwanag hinggil sa mga likas na kaganapan. Halimbawa na ang kung paano nagkaroon ng hangin o mga karagatan. May kaugnayan ang mga mitolohiya sa alamat at kuwentong bayan.”
“That’s good,” Sir Gomez smiled at me.
Pumalakpak at natuwa ang iba kong kaklase pero sa mga babae ay nakakuha ako ng taray. Iba na talaga ang mga tao ngayon, ayaw malamangan.
I looked at Zades, ang mukha niya ay napahiya. Sayang naman ang mukha, Mr. Vuentero.
“You may sit, Mr. Vuentero,” iling-iling na sabi ni Sir Gomez. “You, Ms...”
“Miss Fortelio po.”
“Ms. Fortelio, nagustuhan ko ang sagot mo dahil sobrang pareho ito ng sinulat ko sa board. Talagang binasa mo ang sinulat ko at nakinig ka habang ako ay nagtuturo.” Humarap siya sa buong klase. “Wala pa ring pagbabago sa inyo. Bastos pa rin talaga kayo. Nagtuturo ako tapos kung saan-saan ang atensyon niyo? Kapag may nagsasalita sa harap, shut up and listen.”
Sakto ang pangaral ni sir dahil tumunog ang bell. Tapos na ang klase niya.
Pagkuwan ay bigla akong dinumog ng mga kaklase ko. Ang iba ay maganda ang sinasabi including Carry. Parang pumapalakpak ang tainga ko sa daming good comments nila. Hindi naman lumaki ang aking ulo at pinakita kong hindi ako apektado kaya habang nakikinig sa kanila ay nagliligpit ako ng mga gamit. Hindi tumutugon para lumayo na sila sa akin.
I hate this.
“Hoy! You! Bakit mo sinagot ang dapat na tanong kay Zades? Alam naman namin na masasagot niya ’yon! Huwag kang bida-bida!” Boses ng babae. “Pangit ka naman!”
Nilingon ko ang nagsabi niyon. Maganda siya at nanlilisik ang mata sa akin.
“Sino ka?” tanong ko. Hindi naman kami magkakilala tapos kung magtanong sa akin ay wagas.
Nagtawanan ang lahat.
“HAHAHAHAHAHAHAHA, oh, panis! Hindi ka pala kilala, Santiago e!”
“HAHAHAHAHAHAHA, matatapos na third grading, hindi ka pa rin kilala!”
“Sino ka raw? HAHAHAHAHAHA! Introduce yourself!”
“Palibhasa mahina ang utak sa pagkakabisado,” mataray na sagot ng babaeng ’to.
“HAHAHAHAHAHAHAHA! Hindi ka kasi kapansin-pansin kaya hindi ka niya kilala!”
“Ayos lang ’yan, Santiago,” halakhak ni Pharixtel. “Si Zades ngang sikat, hindi rin kilala ni Fortelio no’ng una. May kadamay ka! HAHAHAHAHAHAHAHAHAH—aray! Gago!”
Binatukan siya ni Zades.
“HOY, Mathrizea!”
Naglalakad ako papuntang cafe para kumain. Tahimik sana ang utak ko ngayon at masayang lumalanghap ng sariwang hangin kung hindi ako sinusundan ng lalaking nasa likuran ko.
“Hoy! Napapansin kong ang tipid mo magbigay ng atensyon, huh! Gold ba ’yan?” sunod pa rin siya nang sunod. “Bakit mo nasagot ’yon? Katabi kita! Nagsusulat ka habang nagtuturo si sir! Nasa pagsulat ang atensyon mo wala sa sinasabi niya! Tumingin ka sa sulat mo, ano?”
“Kapag ba ginamit ang kanang kamay, hindi na magfufunction ang mga tainga ko?” pilosopo kong sagot. Napailing-iling pa sa pangtanga niyang tanong.
Umupo ako sa bakanteng upuan. Agad ding umupo itong si Zades, nangungulit pa rin sa akin!
“Pero paano nga?!
Nakauubos na ng pasensya ’to.
“Madali lang ’yon,” sagot ko. “Mag-aral ka ng mabuti.”
“Iyan na ’yon? Ang boring naman!”
“Matagal nang tinuro ang mitolohiya, elementarya ay tinuturo na ’yan. Isa sa paborito kong subject ang Filipino kaya tandang-tanda ko ang kahulugan. Kung talagang nakikinig ka at nagbabasa. Iniintindi ang paksa. Madali kang makasasagot sa bawat tanong.”
Hindi agad siya nakasagot dahil nagbulungan ang mga lamesang malapit sa amin.
“Friends na sila ng wirdong babae?”
“Sino ’yang babaeng ’yan? Parang ngayon ko lang siya nakita. Ka-level lang natin dahil same color ng lace.”
Tiningnan ng masama ni Zades ang mga ito kaya agad na nagsibalik sa mga pagkain.
“Iyan lang?” padabog siyang tumayo.
Naiinis siyang tumayo at umalis na walang sabi-sabi. Baliw talaga ’yon minsan. Hindi ko na mabasa ang isip niya dahil kung ano-anong pinaggagawa.
Sa pag-alis niya ay may lumapit na namang babae sa akin. Ilang babae ba ang nagkakagusto sa lalaking ’yon? Wala naman sa kaniya ang ideal boyfriend. Siguro ay nagustuhan nila iyon dahil sa mukha.
“Share mo naman kung anong pinakain mo kay Zades para puntahan at lapitan ka?”
Inaasar niya ako. Tiningnan ko lang sila at hindi umimik. Ayokong magkaroon ng gulo rito. Ayokong patulan ang mga ganitong tao.
“Pipi ka ba? O baka wala kang bibig kaya ka nakasuot ng mask?”
“Ay, sa tingin ko tama ka,” sagot ko.
Kasasabi ko lang na ayokong magkagulo. Minsan talaga lumalabas ang palasagot ko kahit hindi naman dapat sagutin.
Humalakhak sila.
“Boba yata ’to, e,” turo niya sa akin at humarap sa mga kaibigan niyang nasa likuran. Nagtawanan sila. “Lahat sa ’yo ay pangit. Wala ka ring brain. Ano? All in one? HAHAHAHA!”
“I see,” sang-ayon ko.
Kinuha ko na ang bag ko at umalis doon. Hindi na tuloy ako nakakain.
PAGDATING ko sa paaralan, kahit nasa daan lang ang tingin ko ay nararamdaman ko pa rin ang tingin ng lahat sa akin. Hindi ko alam kung anong mayroon hanggang lumapit sa akin si Carry.
“This is crazy, Mathrizea!” she said. Umiiyak siyang humarap sa akin.
“What?” I asked.
Hinatak niya ako papasok sa loob. Habang tumatakbo ay pinagtatawanan ako. Doon ko lang napagtantong ang daming papel na nakadikit sa pader, nandoroon ang mukha ko. Kung ano-anong lait ang nakasulat. Kung ano-anong pinaggagawa nila sa litrato ko. Hindi nila mababoy ang aking mukha dahil nakasuot ako ng mask.
May title pa ngang “Mathrizea, the Monster” and “Mathrizea, All in One.” Nangyari ito dahil kahapon? Dahil kasama ko si Zades? Dahil lang doon sa lalaki ay nangbubuyo sila ng kaeskwela? Masyado silang nakakaawa.
Wala akong ginawa. Hindi ko tinanggal. Hindi ko na tiningnan. Hindi ako umimik. Naglakad ako dire-diretso papuntang silid kahit nakikita ko pa rin ang mukha ko sa pader.
“Matty!” bakas ang pag-aalala sa boses ni Carry. “Hindi ka ba iiyak? Wala ka bang gagawin? My god, Mathrizea! Grabe ang bully nila sa ’yo! Ako ang naiiyak sa sitwasyon mo, e!”
I didn’t answer her again. Napadaing na lang ako nang biglang may bumato sa akin. Napahilod ako sa sintido dahil ang sakit ng tama niyon sa ulo ko.
Nagulat si Carry. “Oh, my god! Sino ’yon?!” galit niyang harap sa mga kaeskuwela naming nasa pasilyo. Nagdeliryo agad ang kaniyang reaksyon. “Hey, Matty, are you okay?”
“M-Manahimik ka muna. . .” sagot ko.
“Why?! Sinasaktan ka nila!”
Tumingin ako sa likuran para alamin kung sino ang bumato pero lahat sila ay nakatingin sa akin. Fuck it!
Nakatingin si Carry sa papel, iyon ang binato sa akin. Nagtaka siya dahil papel ang binato sa akin pero nasaktan ako kaya kinuha niya ito. Binuklat niya ang papel, may batong laman at may nakasulat.
First time mo bang makasalamuha ng baliw katulad ko? When I want to kill someone, nakukuha ko agad ang gusto. Paano na? I want to kill you. Will I get what I want right away?
Tuluyan nang humagulgol si Carry sa nabasa. Halatang natakot siya sa nabasang ’yon. Nagtaka ako kung sino ang gagawa nito sa akin dahil wala naman akong atraso sa kahit sino.
Someone wants to kill me, huh?
Itutuloy...

Book Comment (276)

  • avatar
    Justine Rodrigo

    So nice

    19d

      0
  • avatar
    Kristine Aizel

    nice

    21d

      0
  • avatar
    DadorKatherine

    love this

    24d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters