logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 3.

Mathrizea’s POV
Gusto kong magreklamo dahil hindi ko naman gusto makasama araw-araw ang lalaking ’to. Sa tingin niya ba gusto ko ang desisyon ng lola niya? No way.
“Really?” mahinhin kong tanong habang inaayos ang mask sa aking mukha. Gusto ko siyang tirisin ngayon sa mismong harap ko sa hindi ko malamang dahilan.
Tinitigan ako ni Zades mula paa hanggang ulo. Tinaasan niya ako ng kilay. “Refuse or what, wala ka namang magagawa.”
Umasim ang mukha ko sa kaniyang naging sagot. Ginagamit niya ang pagiging katulong ko rito sa mansion. Kapag naman umalis ako sa trabaho, mawawala ang kaniyang kayabangan. Sa inis ko ay hindi ko siya sinagot, bastos ko siyang tinalikuran upang pumunta akong kusina.
“Aba, lola! Did you see that?! Ang bastos niya!” galit nitong sumbong.
Malamang ay yari na naman ako nito kay Madame Malicia. Pati ba naman maliit na bagay kailangan pang ipaalam sa kaniyang lola.
“Mathrizea!”
I told you.
Tamad akong bumalik sa sala at tiningnan siya sa mga mata. “Yes ho?“
“Respetuhin mo ang apo ko,” aniya.
Sino ba ito para respetuhin ko? Naiinis ako sa pag-uugali nito. Kung maayos ang trato niya sa akin ay ganoon din naman ako. Gusto ko tuloy magrant sa mismong harap ni madame pero hindi ko na tinangka. Bahala na.
“Sorry, madame. Marami pa po akong gawain. Kailangan ko na pong bumalik ng kusina.”
Nakumbinsi ko naman siya sa naging dahilan ko.
“Okay, say sorry to him.”
Kailangan pa palang huminga ng paumahin sa lalaking iyan?
Nakangisi ang lalaki sa akin. Hinihintay ang paumanhin ko. Natutuwa talaga siya kapag nakukuha niya akong paglaruan.
“Oh, sorry,” labag sa loob kong sabi.
Gusto kong sundan ng kung ano-ano pero hindi ko na ginawa.
“Good job, yaya,” aniya. Tatalikod na sana nang muli siyang magsalita. “Good luck.”
Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi, tinuloy ko ang paglalakad ko. Sa buhay kong ito, isa akong katulong. Tinatamad ako magkwento tungkol sa buhay ko, siguro ay sa susunod na lamang. Nagsasariling sikap ako sa pagtatrato para may pangbayad sa apartment at matustusan ang aking pag-aaral. Ako lang mag-isa sa sistema kong ’to, hindi ko naman kailangang makisalamuha pa sa maraming tao.
“Hoy, Thria!” tawag sa akin ni ate na katulong din naman pero kung umasta akala mo kung sino. Hindi ko pinapatulan ang ganoon nilang ugali. Kapag nalalaman ko ang ugali ng tao, iyon ang binabalik ko pero kadalasan nawawalan ako ng pakialam sa mga daing nila.
Humarap ako habang naghuhugas ng mga pinggan. Hindi pa ako nakakapagpalit ng damit.
“Ho?” magalang kong sagot.
“Aba’y bilisan mo riyan! Huwag makupad! Magluluto ka pa dahil nandiyan si Sir Zades!”
Ginagalang talaga nila ang bastos at papansing lalaking iyon.
Nagmadali ako sa aking ginagawa hanggang sa matapos. Tinanong pa ako ni manang kung bakit pa ako nakamask, nandirito lang naman ako sa bahay. Sinagot ko na lamang na abala ako kaya ni pati pagpalit ng uniporme ay hindi ko nagawa. Mamaya na mag-aasikaso sa sarili dahil nandiyan daw si Sir Zades na dapat pagsilbihan.
Kaklase ko lang naman iyan e.
Zades’ POV
“Good morning!” sigaw ko sa loob ng aking kwarto at bumaba sa kusina para kumain.
Nakita ko si mom na nauna nang kumain. Hinihintay lang akong bumaba.
“Good morning, anak,” pansin niya habang nasa cellphone ang paningin.
“Good morning po,” magalang kong tugon.
Uminom muna ako ng tubig bago nag-umpisang kumain. Habang kumakain ay hindi ko makalimutan ang nangyari kahapon. Hindi ko kasi maisip na magiging yaya ko si Mathrizea. Pag-uwi ko kagabi ay iyon ang nasa isip ko hanggang paggising ba naman. Bakit ba ako tuwang-tuwa? Pangit, flat-chested at small person naman ang babaeng iyon, idagdag mo pa ang pagkawirdo sa kaniya. Kapag nagkagusto ako roon, sigurado akong pagtatawanan ako ng mga nakakikilala sa akin. Hays, nakawawalang gana kapag naiisip ang babaeng iyon.
“Sino ang kasabay mo ngayon, Zades?”
“Wala po.”
Matapos kong mag-asikaso ng sarili ay lumabas na ako. Sumakay ako sa aking kotse na niregalo pa sa akin ng tatay ko, I have student’s license.
Pagkababa sa sasakyan dahil nakarating na sa paaralaan, si Pharixtel ang bumungad sa akin na may nakalolokong ngiti. Baliw na naman ang kaniyang utak.
“Dude!” tinapik niya ang balikat ko.
“Oh? Ano na naman, tanga?” patanong ko.
“Badtrip?”
“Mukha mo ba naman bubungad sa akin, e.” Napanguso siya sa tinuran ko. “Naalala mo iyong kaklase natin? S-Si Matresa? Yaya siya ng lola ko.”
"Si Madame Malicia? Tanga, Mathrizea iyon. Engot nito,” aniya. Ang daming alam basta may pangalan. “Pero tama ba narinig ko? Yaya niyo?” wala pa akong kinukwento pero natatawa na siya.
“Oo,” I glared at him. “Yaya siya ni lola. I didn’t expect.”
“Nasa murang edad pa lang siya tapos nagtatrabaho na? Nasaan kaya ang mga magulang niya? Gaano ba siya kahirap sa buhay? Paano siya nakapasok sa school na ito? Nakaaawa ang sitwasyon niya.”
“Anong kawawa roon?” bugnot kong tanong.
“Ang dami niyang responsibilidad. Kitid naman ng utak mo.”
“Walang kawawa roon,” kontra ko. “Ginusto niya ang ganoong buhay.”
“Makapanghusga ’to akala mo kilalang-kilala iyong tao. Saka ano bang pakialam mo kay Mathrizea? Wala ka namang pakialam sa kaklase nating ’yon. Bet mo na ba ang mukhang member ng assasination?”
“Ulol!” I raised my middle finger at him. Tawang-tawa naman ang loko.
Pharixtel and I entered the room. We both sat in the back, I even looked at the front where Matresa was sitting alone. Poor girl. No friends.
Our teacher arrived, I just listened but Matresa really got my attention. When we looked at each other, I immediately looked away. Nataranta pa ako at kabado kung paano iaalis ang tingin ngunit para sa kaniya ay wala lang ito. Parang normal lang na napaharap siya sa akin. Yes, hindi big deal sa kaniya at nainis ako roon!
Mayabang talaga kahit kailan.
Break time came. Pharixtel and I walked to the cafeteria in silence. While walking, I saw Matresa with a woman. Pulling her. I think her name is Carry. Ano namang kailangan niya sa yaya ko?
“Hoy, Matresa!” sigaw ko.
Humarap siya saka ako hinanap. Tiningnan lamang ako nito at inalis agad ang paningin sa akin! Kingina talaga! Argh!
“Hoy!” sigaw ko pa.
“Bakit mo ba kinukulit? Ayaw ka nga pansinin,” komento ni Pharixtel sa gilid ko.
Inis ko siyang hinarap. “She’s my maid, dude!”
He just shook his head. Obviously don’t want to argue with me. We sat down in the chair when we got to the cafe. Pharixtel was about to stand up when I grabbed his hand. Nagtaka pa ito ngunit umupo rin naman muli.
“Hindi mo na kailangang makipagsabayan sa mga estudiyante,” ngisi ko sa kaniya. “Hoy, Matresa! Come here!”
Sa pagkakataong ito, lumapit siya. Mabuti naman. Napatingin pa ako kay Carry na nakatingin din sa akin. Kumakain pala sila.
“Ho?” magalang niyang tanong.
“Order mo kami ng food. Mamaya ka na kumain, kanina pa kami gutom.”
She just nodded so Pharixtel said the food she would order. Matresa nodded again and left. Does she have no voice? Mouth? Or anything na makakapagsalita sa kaniya?
Thank you and she came back with our food. I eat with a smile. Nakatutuwa naman palang utusan ang babaeng mayabang.
“Kumain ka na?” I asked her.
Baka magsumbong pa ito kay lola na kinakawawa ko siya kahit ngayon ko lang naman siya inutusan.
Tila naubusan siya ng pasensya sa akin. “Isn’t obvious? Kumakain ako nang tawagin mo ’ko.”
Humigpit ang hawak ko sa mga kubyertos dahil sa naging sagot niya. Kalma, Zades. Nasa cafeteria kayo.
“Alis na,” madiin kong sabi.
She went behind me. She passed because her and Carry’s table was there. Pharixtel and I just ate but my friend was laughing.
Nang makita kong oorder muli si Mathrizea ng pagkain, I blocked my right foot. I thought she would complain or make excuses pero hinakbangan niya lang ito.
Hindi niya ako pinansin! Hindi niya ako napansin! Bwisit! Bwisit!
“Oh, anong mukha ’yan?” sunod-sunod ang halakhak ni Pharixtel dahil nakita niya ang aking ginawa.
Walang tulong ito, tinawanan pa ako.
“Argh, bwisit, Matresa!” sabi ko pa.
“Sa ginagawa mo, ikaw lang ang naiinis, Zades. Para kang baliw diyan. Kengkoy ka ba? Tumigil ka nga,” natatawa pa siya.
We’re done eating. Pharixtel and I walked back to the room. Mahaba pa ang oras so we walked slowly.
While walking in the hallway, there were girls looking at me. I didn’t pay attention to that but suddenly someone pushed a girl who was wearing make-up. I can also feel her breast touching my arm. What kind of woman is this?
Tinulak ko siya nang hindi kalakasan. “Ano ba?!”
Nairita ako sa pamamaraan ng pagdikit nito. Papabayaan ko na sana ngunit nakita ko si Matresa na papalit sa pwesto namin.
Ano kaya kung mangbubuyo ako sa harap niya? Pipigilan niya kaya ako? Magagalit ba siya?Tutulungan niya ba ang babae kasi alam niyang mali ang ginagawa ng amo niya? May pakialam kaya siya sa akin?
“S-Sorry, hindi ko sinasadya. . .” paumanhin nitong babae na bulok ang dahilan.
I glared at her. “Babae ka ba talaga?” Tinulak ko siya dahilan para bumangga siya sa pader. “Kapag hindi na kayo pinapansin, you should stop! May dignidad pa ba kayo sa katawan?!”
“Zades, tama na. Babae iyan. Hindi ka pumapatol sa babae,” awat sa akin ni Pharixtel.
Pinakiramdaman ko si Matresa dahil tumapat na siya sa puwesto namin.
She stopped walking.
Anong gagawin niya?
Mangingialam ba siya?
Ngunit yumukod ito para pinunasan ang kaniyang black shoes na natapakan ng isang estudiyante ngayon-ngayon lang. Walang lingon itong nagpatuloy sa paglalakad na parang walang nakitang pangyayari.
Napasuntok ako sa pader kung saan nakasandal ang babae.
“Bwisit!” I shouted.
“Zades! Dude, ano bang nangyayari sa ’yo?! Babae ’yan!” Pharixtel’s shout.
Napaisip ako.
Ano nga bang nangyayari sa akin?! Bakit ko pinatulan ang babaeng ito?! Para mapansin ako ni Matresa?! Iyong flat-chested na babae? Bakit ko ba ginagawa ’to? Anong klaseng katangahan ’to, Zades Eros? Fuck!
Itutuloy...

Book Comment (276)

  • avatar
    Justine Rodrigo

    So nice

    19d

      0
  • avatar
    Kristine Aizel

    nice

    21d

      0
  • avatar
    DadorKatherine

    love this

    24d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters