logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 2.

Mathrizea’s POV
“MATHRIZEA!”
Napaahon ako sa kama nang biglang isigaw ng mayordoma namin ang aking pangalan. Kinapa ko sa lamesa ang salamin at mask ko upang isuot. Sa kasamaang palad ay nandirito na naman sila.
Humikab ako senyales na antok pa pero wala akong magagawa kun’di bumangon sa kama upang magtrabaho. Para rin ’to sa sarili ko. Bagsak ang mga balikat kong bumaba para tuntunin ang sala. Tinanggal ko ang suot kong mask dahil nandito lang naman ako sa mansion.
“Oh?” tugon ko sa sumigaw ng pangalan ko kanina.
“Anong oh ka riyan?!” sigaw niya. “Alam mong may mga trabahong nakalaan sa ’yo araw-araw, hindi ka gumising ng maaga! Kailangan mo pang sigawan!” Tumuro siya sa labas. “Kunin mo ang mga basura doon at itapon!”
Hindi na ako sumagot. Tumalikod na lang upang gawin ang inutos niya.
“Attitude ’tong batang ’to!”
Hindi ko na lang pinansin ang huli niyang sinabi at kinarga na ang garbage bag. Kahit masakit ang kamay ko ay nakaya kong magbuhat.
Lumabas ako ng gate upang itapon ang basura sa tambakan malapit sa mansion. Hindi ko na hihintayin ang mga nangongolekta nito dahil hindi ko alam kung kailan sila dumarating. Sila na lamang ang kukuha.
Papasok pa ako sa paaralan kaya mabilis akong bumalik ng mansion. Umalingawngaw agad ang malakas na sigaw ni Doña Malicia. Gusto kong umatras pabalik sa labas pero hindi ko na ginawa.
“Nasaan ang Mathrizea na ’yan?!”
“Nandito ako,” sagot ko agad upang manahimik siya kahahanap sa akin.
Matanda na si Doña Malicia pero kapag tiningnan mo ay hindi mo mahahalata dahil sa ganda at pananamit niya. Alagang-alaga niya ang kaniyang hitsura.
“You!” Nanlilisik ang mga mata niyang tinuro ako. “You ruined my dress! Bakit may mantsa ’to?!”
Nangunot ang noo ko at sumagot. “Natapunan niyo ’yan ng juice niyo kahapon.”
“Ako?!” she repeated. “Ako pa ang pinapalabas mong pabaya?! Aba, gaga ka pala e! You’re such a stupid!”
Namanhid ang pisngi ko nang lumapat ang sampal niya sa akin. Napahawak agad ako roon dahil sa gulat. Hindi ko inaasahan ang gagawin niyang ’yon. Nakuha kong humikbi ng mahina.
“Boba!” aniya at tumalikod na. Padabog siyang naglakad patungo sa kaniyang kwarto.
“Ikaw naman kasi Tria, e. Ano ba kasi ang ginawa mo sa damit ni Madame?”
Lumapit sa akin ang mayordoma namin. Checking if I’m okay.
“Wala naman akong ginawa, Nanay Lorna. Masama lang talaga ugali niya.”
Patungo akong kwarto, habang naglalakad sa pasilyo ay parang nanghihina ang mga tuhod ko at nagbablanko ang aking utak. Ilang hakbang na lang papasok sa aking silid, naramdaman ko ang sarili kong bumagsak dahil sa aking panglalata.
“FORTELIO, Fortelio!”
Dahil sa ingay ay naimulat ko ang aking mga mata. Kahit mabigat pa ang aking katawan ay pinilit kong bumangon. Umikot pa ang aking paningin sa pamimilit kong iyon.
“Hinay-hinay lang, Fortelio. Bakit ang dami mong pasa sa katawan? Nawalan ka ng malay sa daan kanina tapos may—”
Huh? Mas lalong sumakit ang ulo ko dahil sa kaniyang sinabi. Sa mansion ako nawalan ng bahay, bakit sa daan? Nababaliw na yata ang babaeng ’to.
“It’s none of your business. Kung tinulungan mo ako then thank you.”
Naiirita ako kapag panay salita. Hindi na nga maganda ang pakiramdam ko, may boomerang pa. Nakapa ko rin ang mukha kong walang takip.
Muli siyang nagtanong, hindi ako tinigilan. “Binugbog ka ba? Sila ba ang dahilan kung bakit may mga pasa ka?”
Hindi ko siya sinagot. Patuloy lang ako sa pagtayo.
“Nag-aalala ako sa kalagayan mo.”
Binigyan ko na ng atensyon ang babaeng ’to. Ngayon ko lang napagtanto na puti ang uniporme niya, nangangahulugang siya ang nurse sa aming paaralan. Hindi ko tuloy alam kung paano ako nakapunta rito.
“I see,” aniko.
“Fortelio, sanay na ako sa ganiyang ugali mo. Intindihin mo naman ang sarili mo!”
Kinuha ko ang aking salamin at mask. Palabas na sana ng pinto nang bigla akong mahilo dahilan para matigil ako sa paglabas. Hindi ko ininda ’yon, paglabas ko ng clinic ay nakita ko si kuya na may inaabangan. Nakahalukipkip siya at malalim ang iniisip. Bumalik lang siya sa ulirat nang makita ako.
“Matresa, are you oka. . .” Hindi natuloy ang kaniyang pagtatanong, bigla siyang nagdalawang isip. Napabuntong-hininga siya at ilang beses napapitik sa hangin.
“Mathrizea,” I corrected him.
Nilagpasan ko na ito dahil tila wala namang balak magsalita.
“What?” I heard his shout. “I’m Zades Eros Vuentero! You need to come back here and apologize to me!”
Nairita ako sa narinig kaya huminto ako sa paglalakad at dahan-dahan siyang muling balingan. Masama ang tingin ko sa kaniya. Sobrang taas naman pala ng tingin ng lalaking ito sa kaniyang sarili.
“Really?” tugon ko. “I don’t even know you.”
“What the?!” nanlilisik na ang mga mata nitong nakatingin sa akin. “You’re just my classmate! Who do you think you are?!”
I didn’t answer him. Ako na ang kusang lumayo dahil pinapanood ko na kami ng ibang estudiyante. Ayokong madamay sa kaniyang kabaliwan. Kitang-kita naman sa kaniya ang resulta.
“Matty, you okay? I’m glad you’re awake!” salubong sa akin ng isang babae. Hindi ko ito kilala kaya nakakapagtakang salubungin niya ako. “Uh. By the way, I’m Carry Omanya.”
Naglahad siya ng kamay na mas lalong magpataka sa akin. Tinitigan ko ang kamay niyang hinihintay na tanggapin ko. Ano ba ’tong babaeng ’to?
“I see,” naguguluhan kong tugon dahil na rin sa kaniyang mga kilos.
“You know what? Gulat na gulat kami. . .” Hindi ko naintindihan ang mga pinagsasabi niya dahil sunod-sunod ang kaniyang pagsasalita. Nakauurat pakinggan. “And you know who is Zades? Mabuti na lang nandoroon siya, may nagdala sa ’yo sa clinic.”
Oh? That boy? Si kuya na nasa clinic? Should I thank him? Tinulungan niya lang naman ako pero kung umasta kanina ay akala mo kung sino.
“We’re here, Matty,” aniya at hinila ang kamay ko papasok sa silid. Hindi na ako umangal at nagpadala na lang sa kaniya.
Sapilitan ako nitong pinaupo sa kaniyang tabi. Hindi ako nagreklamo baka bigla na naman akong hilahin nito. Gusto kong sabihin na nakaiirita ang ginagawa niya lalo na’t hindi maayos ang pakiramdam ko pero hindi ko tinuloy. Mukha naman kasing mabait at friendly ’tong katabi ko.
Tumuon na lang ako sa lecturer nang bigla na naman akong kalabitin ng Carry na ’to.
“Oh?” tugon ko.
“Can I see your face? Alam kong maganda ka.”
Natapos ang klase, nangangalabit pa rin itong si Carry. May mga tinopic na siyang iba pero hindi makalimutan ang gustong ipagawa sa akin. Wala naman akong pakialam sa kaniyang mga kinukwento pero bilang respeto ay pinapakinggan ko.
“Matty! Libre kita kwek-kwek. Tara!”
“Huwag mo ’kong hilahi—”
Nakabusangot ang mukha ko sa mapaparaang pagyaya niya. Kulang na lang ay sumama ang braso ko kahihila nito.
“Sampong kwek-kwek, kuya. Padamihan po ng pipino. Suka lang ang isa.” Tumingin siya sa akin. “Anong sawsawan mo?”
“I need to go. . .” seryoso kong sabi.
Hindi naman kami masyado malapit sa isa’t isa.
“Wait,” pigil niya.
Kinuha niya ang unang binili niya kay kuya at binigay sa akin. Siniguradong makakain ko ang alok niya.
“Salamat,” mabilis kong tugon. Tinanggap ang binigay niya.
Tumakbo na ako patungong mansion dahil malapit lang sa binilhan naming kwek-kwek. Sasabay sana ako kumain kay Carry kaso pumasok sa isip ko si Madame Malicia. May naghihintay sa aking dragon.
Kinain ko muna ang kwek-kwek. Nang matapos ay tinapon sa basurahan ang cup.
“Manong!” tawag ko sa guard ng gate.
“Oh, nariyan ka na pala, Math.”
“Opo.”
Binuksan niya ang gate na may ngiti sa labi. Maayos ang komunikasyon naming dalawa dahil parehas naman kaming naninilbihan dito.
“Salamat po.”
Pagkapasok ko, narinig ko agad ang halo-halong boses. Puro iyon masasaya. Sumilip ako sa sala. Nakita ko ang isang lalaki at si Madame Malicia. Sa kanila lang pala.
“Matanda na ako. Mabuti naman at naisipan mo akong bisitahin dito hindi iyong ako pa ang pumupunta sa inyo,” reklamo ni madame sa lalaki.
Maglola sila? Diones kaya ang apelyido ni Madame Malicia. Ito yata ang lalaking ’to ang pinagchichismisan ng mga katulong dito na gwapo raw ang apo ni madame.
“Nandito ka na pala, Mathrizea,” puna sa akin ni Manang Lorna dahilan para mapatingin sila madame sa akin.
“Mathrizea, anong oras ka na naman nakauwi! Parang gawain ang nakatambak!” reklamo agad ni madame.
Hindi ako natinag doon. Alam ko namang huli ako ng trenta minuto. Tiningnan ko si Zades na nakakunot ang noo habang titig na titig sa mukha ko. Nagtataka siya kung bakit nandirito ako sa mansion ng lola niya.
“Liit naman ng mundo mo, flat chested,” tukoy niya sa akin.
“Oh?” tugon ko.
“Do you know each other, apo?” striktong tanong ng lola niya.
“Of course not, ’la,” kaila niya sa akin. “I don’t like her appearance. Kilala mo po ako.”
Madame Malicia smiled at her grandson. “It's better to get to know each other, apo.”
Napataas ng kilay si Zades sa komento ng lola niya. Masama akong tiningnan nito. “Better?”
“You and Mathrizea have the same school. She always wakes up late and comes home. Wala na siyang nagagawang trabaho rito sa mansion. Tutal lagi naman siyang nasa school,” she stared at me. “You can make her a nanny at school. Isn’t that fun, apo?”
Agad akong nairita sa kaniyang pinagsasabi. Tiningnan ko ang lalaking salubong ang aking mga kilay. Magiging utusan ako nito? Sunod kong binalingan ay si Madame Malicia na wagas ang ngiti sa apo. Tuwang-tuwa siya pero amo ko ito, pinapasahod niya ako kahit laging kulang at delay iyon.
“That’s a good idea, lola,” sang-ayon ng lalaki at nakangising umupo. Nasa akin pa ang tingin.
Itutuloy...

Book Comment (276)

  • avatar
    Justine Rodrigo

    So nice

    19d

      0
  • avatar
    Kristine Aizel

    nice

    21d

      0
  • avatar
    DadorKatherine

    love this

    24d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters