logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

SHE CAUGHT MY ATTENTION

SHE CAUGHT MY ATTENTION

ItsyourgirlZiryang


Prologue and Chapter 1.

Dapat ay hindi na ako nangingialam. Dapat ay hindi na ako namamansin kung alam kong mas mababa sa akin.
Fuck, Zades! Kahit kailan kung sino-sino na lang ang napapansin mo.
Pero iba itong ngayon, isa lamang siyang tahimik na tao sa aming silid-aralan, lonely and friendless.
Nakakairita kapag wala siyang pakialam sa akin.
I'm handsome, bro. Walang duda sa akin iyon. Hindi naman masama sa paningin ang aking hitsura pero bakit siya ay hindi man lang ako nakukuhang tingnan kung lalapit siya sa akin?
Ang nakaiinis pa. Kapag may lalapit sa kaniya, siya na ang unang lalayo. What kind of that girl?
Not to brag, marami talagang babarng kumukuha ng atensyon ko kahit saan. Nakuha lang talaga ng babaeng 'to ang kuryosidad ko dahil tila iibang babae siya sa paningin ko. Bukod sa tahimik at wirdo, palagi pa siyang nakasuot ng black mask. Hindi niya man aminin, alam kong ayaw niyang ipakita ang kaniyang mukha.
Pangit ba siya? May problema ba ito sa mukha? Criminal? May tinataguang maniningil? Maybe may sakit siya at nakahahawa iyon? Baliw, 'di ba?
Sa tagal naming magkaklase, ngayon niya lang nakuha ang atensyon ko sa hindi ko malamang dahilan. Siya kasi ang unang pangit na babaeng pinansin ko. Psh.
Itutuloy...
Chapter 1.
Zades’ POV
“Fuck, dude!”
Nagulat ako sa biglaang sapak ng aking kaibigan kaya tiningan ko ’to. Nandirito ako ngayon sa labas ng paaralan. Papasok ako sa loob.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Ano?”
May bahid na inis sa pananalita ko. Kahit kaibigan ko siya, nainis ako sa kaniyang ginawa. Binatukan niya ako kaya sunod niyon ay sama ng mga tingin ko.
“Sabi mo susunod ka kasi maraming babae! Anong oras na, hindi ka pa dumadating? Kailan ka pa naging late?”
“Antok na ako niyan,” inis kong tugon at inayos ang buhok ko dahil nagulo niya. “And I don’t like your girls.”
Hindi siya makapaniwa sa sinabi ko kaya muli niya akong binatukan. “Gago!”
“Hindi sila ’gaya ni Allithea na—her dib—”
I stopped when I realized what I’m going to say.
“Ano? Ano? Nahawakan mo?” hamon niya pa.
Kinunotan ko siya ng noo. Tumingin ako sa paligid, bawat mga estudiyanteng pumapasok sa gate ay may kani-kaniyang grupo habang nag-uusap. Ang mga punong nagsasayawan dahil sa malakas na hangin. Ang araw na pausbong para maging maganda ang tanawin. Muli kong hinarap ang lalaki kong katabi.
“Ikaw pala ’tong gago, e,” aniko. “Anong akala mo sa akin bastos? Diyan ka na nga.”
Nauna na akong maglakad. Hindi maganda ang gising ko dahil kulang ako sa tulog. Anong oras na kasi kami umuwi kaya pagdating sa bahay antok agad ako pero maaga ring nagising dahil kailangang pumasok.
“Corny mo, dude,” aniya. “Hintayin mo ako. Ako na naman sesermonan ni ma’am ’gaya noong nakaraang week. Kairita!”
Naalala ko ang sinabi niya kaya natawa ako. “Maganda rin si ma’am. P’wede naman magtago sa DepED, ‘di ba?” biro ko pa.
“Hangin lang laman ng utak mo, tanga!”
Pakyu.
Naglakad na kaming dalawa ni Pharixtel papasok sa paaralan. Kahit hindi ko lingunin ang daming tumatawag sa akin. Hindi ko na nga pinapansin pero papansin talaga itong kaibigan ko.
“Grabe, Mr. Vuentero! Lakas ng ahas mo, ah!”
Hinawakan niya pa ako sa batok. Muntik na akong sumubsob niyon. Parang tanga. Ang gwapo-gwapo ko tapos ginaganito lang ako ng kaibigan ko.
“Manahimik ka na nga lang diyan. Potek, ’yong buhok ko e.”
Tumawa na lamang siya.
Tuwing patahak ng paaralan, hindi namin maiwasan tingnan ang ibang mga estudiyante na nambubuyo at nabubuyo. Ewan ko kung anong klaseng paaralan itong pinasok ko dahil tila walang pakialam ang mga nasa taas. Nakarating na kami sa building, habang naglalakad sa pasilyo daan para matunton ang silid-aralan. May isang guro na tinawag ang babae.
“Mathrizea Aztria Fortelio!”
Buong pangalan ang sinabi niya. Ang mga kilay niyang salubong ay senyales na ubos na ang kaniyang pasensya.
We stopped in the middle of the hallway. Sinundan namin ang tingin ng guro. Tumingin kami sa aming likuran dahil nandoroon ang babaeng nakatayo habang nakatalikod mula sa amin. Ni wala siyang naging kilos.
“Fortelio!” tawag muli sa kaniya.
Mahaba ang buhok ng babae kaya noong dahan-dahan siyang humarap sa guro, nakisabay ang buhok niyang umagos sa hangin. Nakamask siyang kulay itim, hindi masyado maaninag ang mga mata dahil natatakpan ito ng bangs niya.
“Ma’am?” mahinang tanong niya na halatang namamaos pa. Rinig na rinig namin lahat iyon.
Nasa kaniya ang atensyon ng lahat. Marahil ay nagtataka kung bakit kailangan pang isigaw ang kaniyang pangalan.
“Go back to our class! How many times do I have to repeat it?”
Tinitigan pa nito ang guro bago bumuntong-hininga. Wala siyang pagpipilian kun’di ang maglakad habang bagsak ang mga balikat. Pinanood ko siya maglakad, nasa baba lang ang kaniyang paningin kaya nang tumapat siya sa amin. Napaigtad ako nang makuha ko ang kaniyang tingin, tumingin talaga siya sa mga mata ko pero napakasandali n’on. Parang hindi niya sinasadya.
“Huy!” nawala ang atensyon ko sa babae nang tapikin ako ni Pharixtel sa balikat. “Kanina pa ako tawag nang tawag, natulala ka riyan.”
Mabilis akong sumagot sa kaniya. “Hindi naman yata magagalit si ma’am kung late ta—”
“Pinagsasabi mo? Sinigawan na nga isang kaklase natin,” tukoy niya sa babae.
“Is she our classmate?” tanong ko agad. Ngayon ko lang siya nakita.
“Iyan, puro magaganda kasi ang tinitingnan. Siya iyong babaeng nakaupo sa harapan,” simpleng tugon niya.
May punto siya.
Naglakad na kami patungong silid. Pagkapasok ko ay agad kong hinanap ang babae kanina. Kunot ang noo dahil hindi ko siya makita. Maliit siya kaya tumingin ako sa harapan pero wala. Pero ganoon na lang akong mapaatras nang makita ko siyang nakaupo sa katabing upuan sa mismonh kinatatayuan ko.
Nasa whiteboard lamang ang kaniyang tingin at may sinusulat. Nilingon ko ang kaniyng likuran, may bakanteng upuan.
“Dude, diyan ka?” tanong agad ni Pharixtel nang umiba ako ng upo.
I just nodded at him. Maayos siyang nakiusap sa babaeng katabi ko na lumipat ng upuan. Wala namang reklamo ang babae at bukas sa puso ang lumipat.
“Bakit ayaw mo sa likuran? Sawa ka na ba?” tanong niya agad pagkaupo.
“Trip ko,” walang kwenta kong rason.
Hindi na kami nag-usap dahil nag-umpisa nang magturo ang guro. Nakikinig lamang ako pero hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa likod ng babaeng ’to. Mahaba at itim na itim ang kaniyang buhok. Akala mo ay rebonded dahil tuwid na tuwid.
Nagpasulat si ma’am kaya kinuha ko ang notebook at sign pen. Hindi ko sadyang mahulog ang panulat sa ilalim ng upuang nasa harapan. Wala akong pagpipilian kun’di ang yumukod. Kukunin ko sana nang may maunang kamay dito. Napahinto siya at sinuri pa ang gamit ko.
Napatingin ako sa kaniyang mga mata at natatakpan ng bangs. Walang emosyon at blankong nakatingin sa akin.
“Y-Yours?” utal niyang tanong.
I nodded. Nilahad ko ang kamay ko, mabilis niyang nilagay iyon sa palad ko na hindi dumidikit ang kaniyang balat. Tila ako nagkaroon ng virus sa kaniya.
Umayos na ako ng upo. “Salamat.”
Wala siyang tinugon kaya nainis ako. Binigyan niya na nga ako ng virus ilang segundo lang ang nakalilipas, sinawalang-bahala pa ako.
“Miss Fortelio, can you release your mask in your face?” tigil ng turo sa pagtuturo.
“Why, ma’am?” mahinahon niyang tanong.
“I want to see your face? Main reason is naiilang talaga ako lalo na’t nasa unahan ka, hija.”
Yumuko siya. “I’m sorry po.”
“It’s okay, hija. Hindi lang ako sanay.”
“I see po.”
Suminghal ako ng mahina.
“Mr. Vuentero, are you listening?”
Mabilis na nagbago ang reaksyon ko nang mapunta sa akin ang tanong.
“Of course, ma’am. What’s the problem po?”
“Sit beside on Miss Fortelio,” maowtoridad niyang utos. “Hindi ko alam kung gusto mo rin ng kasinghabang buhok katulad ng kay Miss Fortelio dahil kanina mo pa tinitingnan. Nababakla ka na ba?”
Nagtawanan ang mga kaklase ko lalo na si Pharixtel. Hindi ko alam na napapansin pala ng guro iyon.
“Ma’am, wh—”
“HAHAHAHAHAHAHA, bilisan mo na, dude. Daming arte!” Si Pharixtel mismo nagbuhat ng bag ko upang ilagay sa upuang katabi ng babae.
Nakakuha agad siya ng sama ng tingin sa akin.
“Kingina mo,” mahina kong mura.
“Oh, ma’am, oh!” sumbong niya agad. Nakaturo pa ang hintuturo sa akin. “Narinig niyo po? Minura po ako. Tinulungan ko lang buhatin ’yong bag!”
Nang tumayo ako ay pasimple kong tinaas ang gitna kong daliri dahil sa trippigs niya.
“Oh, ma’am! Tumataas isang daliri! Tsk! Tsk! Ugali mo, Mr. Vuentero, huh! Kung ako tatay mo, ibabalik kitang grade 2!”
Hindi ko na siya pinansin dahil nakakainis kapag nag-uumpisa na naman siya sa asaran. Nang makaupo ako, siya namang layo ng babaeng ito sa akin. Magpapatuloy na sana si ma’am ngunit nagtaas siya ng kamay.
“What is it, Miss Fortelio?”
“Pwede ho bang sa likod na lang ako umupo?”
Nanlaki ang aking mga mata. Lumalabas tuloy sa buong klase na ayaw niya akong katabi dahil umupo lang ako sa tabi niya.
“Hoy, miss!” I shouted at her. “Anong klaseng ugali ’yan? Napilitan lang din akong umupo rito. Kung nag-iinarte ka sa katabi mo, igitna mo iyang isang upuan mo roon sa hallway!”
Nagtawanan ang aming mga kaklase sa tinuran ko.
Hindi niya pinansin ang paratang ko. Hindi man lang ako sinulyapan. Nasa guro lang talaga ang atensyon niya.
“May I, ma’am?” tanong niya ulit.
“Boring sa likod, hija.”
“I don’t wa—”
“Masyado kang mapagmataas!” Hinawi ko ang braso niyang nakapatong sa kaniyang arm rest dahil sa inis.
Rinig ko ang mahina niyang daing pero wala lang iyon sa akin. “Okay, ma’am. Dito na lang po ako.”
“Are you sure?” paninigurado ng guro.
Tumango agad siya. Mabuti naman nakukuha ’to sa paganoon ko. Napakaarte. Akala mo kung sino.
Nagpatuloy si ma’am sa pagtuturo. Nandoroon na ang atensyon ko hanggang may maramdaman akong kumakalabit sa akin.
Ito na namang babae.
“What?” I asked.
"K-Kuya, buhok ko."
“Ano?!” pigil kong sigaw. Nagtitimpi na huwag siyang taasan ng boses. Hindi ako makapaniwala. “Kuya? Really? You called me kuya?!”
Seriously? Kuyaaaaaaaaaaaaa?!!!!!!!
“Zades, quiet,” suyaw ni Pharixtel na tutok na tutok sa pakikinig.
“We’re in the same age. Don’t call me kuya. Alam mo naman siguro ang pangalan ko,” aniko.
Sinuri niya ang mukha ko at maya-maya lang ay umiling siya. Sinasabi niyang hindi niya ako kilala. Ubos pasensya akong umurong para matanggal ang pagkakaipit ko sa kaniyang buhok.
This girl is akala mo maganda. Akala mo matangkad. She’s small person! She’s flat-chested! Anong mapapakinabangan ko sa kaniya? Wala!
“S-Stop staring at me,” natatakot niyang puna sa akin.
Doon ko lang napansin na nakatitig pala ako sa kaniya.
“Don’t worry. I don’t like you.”
Ngayon nga lang kita nakilala.
Patapos na ang unang asignatura nang maramdaman kong natutulog ang aking katabi. Sinuro ko ang kabuoan niya. Nangunot ang aking noo dahil may nakita akong pasa sa kaniyang mga braso. Pinabayaan ko ’yon at tumingin sa kaniyang kuwaderno.
‘Mathrizea Aztria Fortelio’
NANG magbreak time, tinungo na naming dalawa ni Pharixtel ang cafeteria. Nasalubong pa namin si Allithea.
“Good morning,” bati ko sa kaniya.
Tumango at ngumiti lang siya sa amin. Dire-diretso lang ang lakad niya.
“Nagmamadali?” tukoy ni Pharixtel sa babae.
“Mukha nga.”
Pagbukas ng pinto ng cafeteria, mga mata agad ng mga babae ang nakita ko. Dire-diretso kami sa bakanteng lamesa. Si Pharixtel ang umorder ng pagkain dahil mapili ito. Kapag ako ang gumawa ay pulos siya reklamo.
Kumakain na lang kaming dalawa, panay pa rin siya daldal. Dapat nga ay masanay na ako pero may mga araw talagang naririndi ako sa boses niya.
“Sarap dakmain!” tukoy niya sa mga babaeng kasama niya kagabi.
“Siraulo,” komento ko.
“Legit! Engot ka kasi e! Alaws kwenta kung ako lang nandoroon.”
“Dami mong rason.”
“Ano nam—”
Napatigil siya sa pagsasalita. May tinitingnan siya kaya tiningnan ko rin. Nakita ko si Matresa na kumakain. Pinanood ko ang kaniyang mga kilos. Paubos na ang pagkain niya sa plato. Nangunot ang aking noo dahil tumatabingi ang kaniyang ulo habang nakatitig sa pagkain. Pinag-iisipan at nagdadalawang isip kung isusubo pa ba iyom o hindi na.
Dahan-dahan niyang hinawakan ang kutsara, sumandok at sinubo. Habang ngumunguya, napapangiwi na nandidiri kaya sa huli, niluwal niya ulit ang nasa bibig niya.
Dugyot!
Uminom na siya ng tubig at sinuot ang m-mask.
Mask?!
The heck!
You’re stupid, Zades! Pagkakataon na iyon para tingnan mo ang mukha niya. Argh!
“Nakita mo na ba buong mukha niyan ni Matresa?!” praning kong harap sa kaibigan ko. “Iyong hindi pa siya nakamask!”
Kunot-noo naman itong sumagot. “Hindi pa. Why? Nakita ko na siyang hindi nakamask pero natatakpan ng kaniyang bangs,” aniya. “Mathrizea hindi Matresa.”
“Kainis!” singhal ko.
Nagtataka tuloy ang tingin ni Pharix. Alam kong gusto niyang mang-asar pero hindi natuloy.
Bwisit na babae!
Itutuloy...

Book Comment (276)

  • avatar
    Justine Rodrigo

    So nice

    19d

      0
  • avatar
    Kristine Aizel

    nice

    21d

      0
  • avatar
    DadorKatherine

    love this

    24d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters