logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

The Red Mask Gina A. Chapter 2

HINDI HINAYAAN NI AMINA, na humiwalay sa kanya si baby Shola, yakap-yakap niya ito pinikit ang mata hinihintay ang kanilang pagbagsak sa lupa, alam niyang hindi na rin sila mabubuhay pa sa pagbagsak palang nila bali-bali na ang kanyang buto o basag ang kanyang ulo. Kung hindi man wala rin silang kawala sa mga mababangis na hayop sa kagubatan.
"Bossing, buhay pa kaya sila?"
"Kung buhay man sila, sigurado rin ako wala silang ligtas sa mga mababangis na hayop sa pinagbagsakan nila, alam ko ang lugar na ito, kung hayop ang tawag sa akin ni Leiden, mas hayop na hayop ang mga hayop sa gubat sa ibaba, tara na gusto ko ng magpahinga napagod ako sa lintik na katulong, eh!"
Marami nang tumangkang pasukin ang pinakasulok ng bundok, lalo na ang mga mangangaso. Dahil ang bundok na ito ay maraming mga ibat-ibang uri ng hayop na naninirahan dito. Pero ni isa man sa mga mangangaso hindi na nakalabas ng buhay.
May usap-usapan ang mga tao sa Monticello, na meron isang tribo na naninirahan sa ilalim bundok na ito. Pero walang nakakaalam, sa isipan nila ay katyang isip lamang ito lalo pa at walang nagpapatunay sa kuwentong ito.
"Ama, may nangyayari?"
"Oo, Anak."
"Asawa ko tila may bumagsak mula sa itaas?" segunda naman ng babae.
"Bukas na natin titignan ito, madilim di rin natin makita kung ano ito?"
"Pero, Ama. Baka nangangailangan ng tulong kung ano ang bumagsak sa banda roon."
"Baka mga hayop lamang ito Anak, bago magbubukang-liwayway pupuntahan na natin ito."
"Tama ang Ama mo, Anig. Bukas na lang madilim kung pupuntahan natin ito baka makasalubong pa tayo ng isang mabangis na hayop na hindi tayo kilala."
"Kayo po ang masusunod Ama, Ina, sige po babalik na ako sa akin higaan."
"Mabuti pa nga Anak, kami rin ng Inang mo matutulog na ulit."
Bumalik na nga si Anig sa kanyang higaan pero ang isip hindi mapakali nasa narinig nilang nahulog mula sa itaas ang sumisiksik sa kaisipan kung kayat balak niyang puntahan ito maya-maya. Hinintay niyang makatulog ng maigi ang ama at ina. Nang naramdaman ni Anig na tahimik na at naghihilik na ang magulang dahan-dahan siyang bumangon at lumabas sa kubo nila.
Si Anig ang pinakamatapang sa kanilang tribo, kaya niyang kalabanin ang mababangis na hayop na naliligaw sa kanilang tribo. Kaya naman wala siyang takot na sinuog ang kadiliman sa gubat.
Hindi maigalaw ni Amina ang katawan matindi ang pag kabagsak niya mabuti na lang may mga sanga-sangang tila ba sumasalo sa kanya habang siya pabagsak na kung wala ang mga sanga tiyak wala siyang malay ngayon. Kinapa ang masakit na braso kung saan may tama ng bala. Si baby Shola, tumilapon ng medyo malayo sa kanya.
Hinahagilap ni Amina si baby Shola, tanging kamay lang niya ang kanyang maigalaw alam niyang hindi rin siya magtatagal ano man sandali may hahatak o lalapa sa kanya na hayop. Kung wala man hindi na niya kaya."Hmmm, hmmm," gusto niyang magsalita pero walang lumabas sa bibig niya."Panginoon ko ikaw na po ang bahala kay baby Shola, please naman po huwag mo muna siyang kunin," dasal ng isip niya siya ay napapikit. At dumaloy ang luha sa kanyang pisngi nawalan na siya ng malay.
Lakad takbo naman ang ginagawa ni Anig upang makarating agad siya sa lugar kung saan sila nakarinig ng ingay. Pinatalas ni Anig ang pakiramdam dinama ang bawat paghampas ng hangin sa kanya. Si Anig may taglay na kakayahan madama, maramdaman, kung ano ang nasa kanyang paligid."Malapit lang sila, ang isa ay sanggol," kanyang nararamdaman na dalawang tao lamang ang nasa paligid.
Tinuntong niya kung saan nararamdaman niyang may tao."Ang sanggol?"
Hindi maaring gumawa si Anig ng ilaw dahil alam niyang meron ibang nilalang sa bundok. Nang nasa paanan na niya ang sanggol lumuhod siya kinuha na niya ito."Ang isa pa," aniya.
Muli niyang Pinakiramdaman ang isa pa."Nasa malapit lang siya."
Nang matuntun niya ito kaagad na inilagay sa balikat ang walang malay na si Amina, mabilis na tinahak ang daan pabalik sa tribo.
Nangising naman ang diwa ng ina ni Anig kahit ito ang isipan ay nasa narinig kanina. Bumangon ito pinuntahan ang higaan ng anak ng walang makita ito mabilis na ginising ang kabiyak."Asawa ko, wala si Anig, sa kanyang higaan."
"Ang batang iyon talaga, hindi nagpaawat kung ano ninanais ay siyang kanyang gawin."
"Sundan natin siya asawa ko."
"Huwag na, magliliwanag na pauwi na iyon."
Tama nga ito mayat-maya."Ama, Ina," sigaw na ni Anig.
Dali-daling lumabas sa kubo ang magulang. Pati na rin ang ibang ka tribo nila nag sipag-labasan dahil malakas ang pagkasigaw ni Anig.
"Anig, anak, bakit?"
"Ina, Ama, tignan ninyo, oh."
"Asawa ko, tulugang mo ang iyon Anak."
Kinuha naman ng ina ni Anig ang sanggol na walang malay.
"Ama, anong nangyari sa kanila?"
"Ipahiga natin sila sa papag."
Tinignan ng ama ni Anig ang dalaga. Ito kasi ang nang gagamot sa kanilang tribo.
"Ama, ano?"
Umiling ito."Asawa ko itong sanggol tignan mo rin, nakakaawa siya."
Nang makita ang sanggol umiling din ito.
"Ama?"
"Asawa ko?"
"Wala na."
Napatitig si Anig sa dalaga, bigla na lang lumukso ng mabilis ang kanyang puso."Ama, wala ka na bang magagawa para sa kanila?"
"Wala na, Anak."
"Ama, meron."
"Anig. Hindi maaari!" tanggi nito sa nais ng anak.
"Pero Ama, nakakaawa sila. Sa tingin ko biktima sila ng karahasan." ito agad ang nasa isip ni Anig, sino bang tao ang gustong mahulog sa bangin na may nakabalot na kakabalaghan.
Napatingin ang ginoo sa sanggol nagawi ang mata sa lampin na may burda.
"SHOLA PADILLA MONTICELLO." basa nito.
"Ama, isa siyang Monticello?"
"Bakit nila ginawa ang ganito sa kanila, mabait naman ang mga Monticello, alam ko ito."
"Ama, buhayin natin sila, mainit pa ang kanilang katawan."
"Anak, masyadong delikado ito."
"Ako ang gagawa, Ama. Kung ayaw mo."
"Anak, bakit mo gagawin ito, ha?"
Napatingin muli si Anig sa dalaga. Naintindihan naman ito ng ama.
"Pero, Anak."
"Ama, sige na!"
"Pag ginawa natin ito dapat buong tribo."
"Pakikiusapan ko sila, Ama."
"Anak, ayaw nila, minsan na natin itong ginawa di ba. Anong nangyari kapahamakan ang dulot nito sa atin."
"Ina, itataya ko ang buhay ko para rito."
"Ang tigas ng ulo mo, Anak!"
"Kung ayaw ninyo ako ang gagawa," determinado talaga si Anig na sagipin ang buhay ni Amina at ang sanggol.
Nagkatingin ang magulang nito hindi nila mapipigilan ang kanilang anak sa nais nito. At sa nakikita nila sa mata nito na sa unang pagkakataon umiibig ito.
MONTICELLO.
Nagtulong-tulong ang mga tao upang maisa-ayos ang mga bangkay ng pamilya Monticello. Hindi nila nakita ang sanggol haka-haka nila ay buhay ito. Pero naisip din nila na baka patay na rin ito hindi lang nila alam kung saan dinala ng taong may kagagawan sa kasamaan ginawa sa pamilyang Monticello.
Nababalot ng bighati ang bayan nang Monticello sa pagkawala ng mga ito. Hindi magawa ng mga pulis na imbistigahan pa ang masaker na nangyari sa mag-anak, dahil may hinala na sila kung sino ang gumawa nito. Takot silang banggain ito baka sila pa ang susunod sa mag-anak na Monticello.
"Tagumpay tayo, wala nang hahadlang pa sa akin. Akin na ang bayan ito, mabuhay ang Morale," sigaw ni Fernan.
"Mabuhay!" sigaw ng mga tauhan nito.
"Ako na ang masusunod sa bayan ito. At siyempre papalitan ko ang pangalan ng bayan ito. Monticello to Morale." Humalakhak ito.
Ito na nga ang umpisa ng kasamaan sa bayan ng Monticello sa pamumuno ni Fernan Morale.

Book Comment (66)

  • avatar
    Nathaniel Rivera

    willa

    13h

      0
  • avatar
    Bj Prado

    magangda

    6d

      0
  • avatar
    Cecil Alburo

    nice

    19d

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters