logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

EPISODE 5: SURNAME

Pagka-alis nila Sanya ay pumasok muli kami ni Sabina sa Mall. Sinamahan ko siyang mag-shopping ng mga damit at kung anu-ano pang mga pambabaeng gamit hanggang sa inabot na kami ng gabi.
Kinabukasan ay naging busy na si Sanya sa pag-aayos sa kanilang banda, kaya hindi na namin siya nakasama. Natuloy ang offer ng Star Studio sa kanila kaya masayang-masaya ito. Gano'n din kami para sa kanya at sa kanilang banda.
Natapos ko na ang pagbabasa ng manga. Tama ang sinabi ng lalaki no'ng nakaraan na mamamatay ang male lead. Iniligtas niya ang babae kapalit ng buhay niya. Nakakainis lang dahil nabawasan ang excitement ko. Pero kahit na na-spoil na ako ay itinuloy ko pa rin ang pagbabasa. Iyon na lang ang inatupag ko mula umaga. Hindi na ako pinakialaman pa ni Sabina dahil wala rin naman kaming mapupuntahan sa ganitong panahon. Malakas pa rin ang patak ng ulan at tingin ko hanggang bukas ay gano'n pa rin.
Pagsapit ng hapon ay napag-usapan naming manood ng movie. 'Yung movie na ni-suggest ko noong nakaraan. It's an action movie. Maganda pantanggal ng antok. Nag-stay lang kami sa kwarto ni Sabina, mas piniling magkulong at manood kaysa lumabas pa. Maulan at malamig, aniya'y nakakatamad umalis.
Nasa kalagitnaan kami ng panonood ng movie nang magtanong si Sabina. "What do you think about Santino?" aniya habang nakatingin sa screen ng laptop, ako naman ay nabaling ang atensyon sa kanya dahil sa sinabi.
Santino. Matangkad. Weird. Ewan.
"Wala, okay lang." Iyon na lang ang sinabi ko kahit ang totoo ay napakarami ng gusto kong sabihin tungkol dito. "Ikaw?"
Saglit na napaisip si Sabina. "He's handsome. . . but he looks cold," aniya habang sumusubo ng titsirya. "Such a mysterious guy." Nakatulala lang siya nang sabihin iyon.
"Dati pa ba sila magkakilala ni Sanya?" Napaisip ako dahil sa tagal na namin magkakilala ni Sanya at sa tagal ko na ding naririnig ang pangalan ng lalaki ay kahapon ko lang nakita iyon. Samantalang noon pa man ay nakita ko na ang iba pang kabanda ni Sanya, except him.
"I don't know, ang alam ko lang bago si Santino sa grupo. Tsaka sabi ni Ate bihira lang naman daw 'yon magpakita sa banda, nakatira daw kasi talaga sa ibang bansa," napaisip siya, ang atensyon ay nawala na sa pinapanood dahil sa aming pinaguusapan. "Kahapon ko lang din nakita 'yon, hindi naman ako nanonood 'pag may gig sila, eh," ani Sabina saka sumubo ng chips.
Bakit ba nakaka-curious ang lalaking iyon? Kung hindi niya ko tiningan ng gano'n kahapon ay hindi ko siguro siya maiisip ng ganito.
"Anyways, ano nga pala magandang ibigay kay Bryle?" Pag-iiba niya ng usapan. "Bukod sa kotse, ah," seryosong sambit nito.
Natawa ako ng bahagya. "Wala akong idea, eh," sagot ko. "Ano bang hilig niya?"
"Ewan ko du'n. Marvel figures? I'm not sure," aniya, nakakunot-noo dahil napaisip. "I want something memorable. Something na wala pa siya."
Kumuha rin ako ng chips niya bago sumagot.
Something he doesn't have...
"A girlfriend?"
Natigilan si Sabina sa pagsubo ng titsirya dahil sa isinagot ko. "What the freak? Ayusin mo nga," irap niya.
Iyon na lang ang alam kong wala pa kay Bryle. Lahat naman ay mayroon na siya.
"Wala akong maisip," pag-amin ko. "Tanungin mo na lang siya," Natawa ako sa sariling sagot.
"That wouldn't be a surprise anymore if I'd ask him!" she hissed. "Urgh! Ang hirap naman mag-isip."
I am completely clueless. I wonder what giving a gift to a guy feels like. Never pa akong nakapagbigay ng regalo sa isang lalaki. Bryle and I weren't really close. Just casual. Sabina and Sanya were all I have. Masaya na ako do'n.
Pagsapit ng gabi ay inihatid na ako ni Sabina sa bahay. Ayaw pa sana ako pauwiin ni Tita Cris dahil namiss niya daw talaga ako. Kailangan ko din kasing magreview dahil malapit na ang mid-terms. Sa bahay ko balak gawin ang aking reviewer.
May kaunting pag-ulan pa rin pagsapit ng gabi kaya nang dumating ang umaga, Lunes, ay hindi pa rin gano'n kaganda ang panahon. Nagkaroon pa rin ng klase pero maaga na akong umuwi. Nagtagal ang hindi magandang panahon hanggang dumating ang gabi.
Martes ng umaga, wala nang pag-ulan. Maganda na ang panahon, sa palagay ko. Dahil may kaunting sikat na ng pang-umagang araw pagsapit ng alas-siete.
Maaga akong pumasok dahil kailangan kong mag-review at mag-advance reading. Tulad ng madalas na gawi ay dumiretso agad ako sa library para magbasa.
I prefer reading the traditional books than those we have online. Mas reliable pa rin at saklaw nito ang bawat impormasyon.
"Emerald!"
Abala ako sa pagbabasa ng Physics book nang may tumawag sa aking pangalan. Pag-angat ko ng tingin ay nadatnan ko si Shantal na ngiting-ngiti habang palapit sa kinauupuan ko.
Nakasuot ito ng dress na cream ang kulay, above knee-length. Puting doll shoes. Her long wavy hair was styled into a half-pony tail. She looks good with her light make up. Nabibigyan ng highlight ang natural niyang pagka-maputi. She's really beautiful. Friendly. And nice.
But we can't be friends. We can't be that close. Sabina would probably get mad. And I don't like her getting mad. Or upset.
"Um," bati ko, ang mata ay nakatuon muli sa libro. Nagbabakasakali na aalis din siya agad kapag naisip na 'busy' ako sa pag-aaral. Tahimik kong inilipat ang pahina ng aking binabasa.
"Hi, can we talk? Org stuff, please," ani Shantal nang tuluyang makalapit sa akin.
Here comes the org.
Hindi na ako sumagot, hinahayaan siyang ipagpatuloy ang sasabihin.
"I know you're busy," kahit na nasa binabasa ang paningin ay pinapakinggan ko pa rin ang kanyang sinasabi. "I really don't want to interrupt you but, I badly need your help," aniya, kaya napatingin ako.
"Anong maitutulong ko?" tipid na tanong ko, tama lang ang timpla ng aking tono para sa isang kaswal na usapan.
"The event will be on Friday. Gosh, today's Tuesday. I was doing my best to invite as many guests as I could para ma-meet ang target fund. Unfortunately, it seems like no one is interested about our event. No one submitted any artwork yet," she complained. Parang hindi naman sinagot ang tanong ko. Umupo na ito sa katabi kong upuan, baka nangalay na sa pagtayo.
"What can I do to help?" tanong ko muli, in-english ko na dahil baka hindi niya ako naintindihan kanina.
"Planning? Ideas? Everything!" she answered.
This one badly needs help. Malapit na iyon pero mukhang wala pa ring nagagawa.
"I have so much loads! I'll go crazy, really. Hindi ko kayang panindigan ang pagiging coordinator," she admitted, massaging her temple. Probably stressed. I don't know.
"How about your friends? Aren't they doing something to help you? They're part of the org," I asked while turning another page from the book. I can't focus reading.
"They are helping me, of course. But you know, there's no artistic among us," she said, scratching her head. "We tried to announce it all over the campus yet no one's interested," She let out a sigh.
Ang gaganaping event ay para sa mga aspiring artist ng unibersidad. Para maipakita nila ang kanilang mga artworks at maipagbili ang mga ito. Ang mga nasabing guest ay inaasahang susuportahan ang gawa ng mga student artists sa pamamagitan ng pagbili ng mga artworks ng mga ito. Ang kikitaing halaga ay magiging pondo, na ido-donate sa mga charity na tinutustusuan ng unibersidad.
Pero sa pagmamakaawa pa lang ni Shantal sa harap ko, alam ko nang hindi epektibo ang ideyang iyon. Talagang walang kakagat sa gan'ong klaseng event.
Una, mahirap makatagpo ng mga estudyanteng magsa-submit ng kanilang mga artworks sa ganitong panahon. Ang event na ito ay biglaan. 'Basta in-announce lang, tapos. Ipasa sa isang estudyante ang responsibilidad. Ikaw na ang coordinator. Congrats. Sa next Friday gaganapin. Kayo na bahala. Kaya n'yo 'yan. Good luck.' Malapit na ang exams, uunahin pa ba nilang dumalo at makisali kesa mag-review?
Ikalawa, hindi ito unibersidad para sa mga talentadong mag-aaral sa larangan ng arts. Bihira lang ang gano'n dito. Ang iba pa ay busy at hindi interesado.
Ikatlo at base sa opinyon ko, hindi patok. Basta. Hindi. Lang. Patok.
"Please, lend us your hands," pakiusap niyang muli.
"I'm not sure if I can help," nasabi ko na lang. Iniwas ang tingin sa babaeng kausap saka muling nilipat ang pahina ng librong kunwaring binabasa.
Hindi sa ayaw ko ng sakit ng ulo. I mean, talagang masakit iyon sa ulo pero bukod pa do'n, ayokong makasama sila Chelsea at Audrey. Magagalit si Sabina. Baka maging away pa.
"What? I... I mean, think about it first. You're part of the org as well. Do something to help, for the sake of this org please, Emerald," she pleased, with her hands formed like she was praying, wanting me to grant her wish or something.
"If you are worrying 'bout my girls, I assure you, they won't interfere or even... talk to you," she said as if she was really sure of her words. "I swear, they'll behave."
"I'm not sure," pag-uulit ko. Nagdadalawang isip. Naaawa na ewan. Hindi ko alam. Gusto ko lang magbasa. Iyon lang. Pero, kailangan ko ring tumulong sa org.
"Please. Uwu. Pretty please?" Shantal made a puppy eyes. "Kahit ideas na lang, dry na ang mga braincells namin, wala pa kaming narereview para sa exams."
I bit my lower lip. Naaawa para sa kanya.
"Kayo muna ni Derino ang mag-plan, please, matalino din 'yon gaya mo. Support kami," aniya.
Hindi ko alam na tungkol pala ito sa pagiging matalino. Ewan.
At kung sino man si Derino sa balat ng lupa ay hindi ko alam.
"Shantal,"
Naudlot ang nagaganap na paki-usapan sa pagitan namin ni Shantal nang may tumawag sa kanyang pangalan.
Agad naming nilingon ang pinanggalingan ng boses na iyon at doon ay nakita ang isang lalaking naglalakad palapit sa amin. Tall. Wearing black leather jacket.
Mula sa nagpapaawang mukha ay biglang nagliwanag ang itsura ni Shantal. Tila nakakuha ng solusyon sa mukha ng lalaki.
Nang mas lumapit ay saka ko namukhaan ang lalaking paparating.
Great.
He was the 'weird spoiler' last time.
"Derino, buti dumating ka," ani Shantal sa lalaki. "Tagal mo ah, akala ko hindi ka na aabot sa heart-to-heart talk namin ni Emerald," Kunot-noo kong pinagmasdan ang dalawa.
"Kararating ko lang. Late ko na nabasa chat mo," ani lalaki kay Shantal. Napabuntong-hininga bago ibinaling ang tingin sa akin. At kay Shantal ulit. "Late na ba ko sa mini meeting?"
Parang hindi na ito nagtaka o nang-kuwestyon pa sa presensya ko. Tila alam na niya na ako ang kausap ni Shantal.
"Just in time," sagot ni Shantal saka pinaghila ng upuan ang lalaki. "Take a seat. Baka ma-stiff neck ako kakatingala sayo," biro ni Shantal. Natawa ang lalaki bago umupo sa upuang kaharap namin. Kaharap ko.
Nahuli ko ang tingin nito sa librong binabasa ko. Nagtaka na naman ako kung bakit niya iyon tinitingnan, na tila ba sinusuring mabuti ang Physics book na iyon.
"He's Derino, if you don't know him yet. Also part of our org," That explains why he's here. "And, this is Emerald... you know her already," anito sa lalaki. Napakunot ang noo ko.
He knew me already? I don't know.
The guy just nodded and slightly smirked.
Naistorbo na rin naman ang pag-aaral ko ay pinanindigan ko na ang 'meeting'. Mukhang wala naman na akong ibang choice. Pumayag man ako o hindi. Iniligpit ko na ang mga gamit ko. Ang libro ay nasa ibabaw pa rin ng lamesa pero nakasara na.
"What time is your first class, Emerald?" tanong ni Shantal habang nakatingin sa wall clock ng library.
"9:30."
"Okay, good," aniya saka tumayo. Nagtaka naman ako.
"I gotta go. Iwan ko na muna kayo," aniya, na parang kanina lang hindi nagmamakaawa. "Mag-e-8:00 na, may klase kasi ako ngayon. Kayo na muna bahala sa plan. We'll meet again later. Thanks, guys!" mabilis na aniya saka kumaripas na palabas ng library. Hindi pa nga ako pumapayag ay iniwan na ako nito. Kasama ang hindi ko kilalang lalaki.
Gusto kong mapairap. Kung kaya lang ng mga mata ko.
"Kararating ko lang, umalis agad?" dinig kong bulong nito sa sarili.
Ang mga kapwa estudyante ay nakatingin sa aming direksyon, marahil ay naistorbo dahil sa ingay ni Shantal at ng lalaking dumating.
"P'wede sa labas? I don't like it here, weird ang paligid," aniya, napanganga na lang ako nang tulad ni Shantal ay tumayo rin ito saka umalis.
Mas mabuti pa nga. Dahil baka mapagalitan na kami ng librarian.
Mabilisan kong ibinalik ang libro sa shelf saka dinampot ang bag at lumabas. Ngunit paglabas ko naman ng library ay hindi ko siya nakita. Hindi naman niya binanggit kung saan ang 'labas' na tinutukoy niya. Napabuntong hininga na lang ako.
'Iniwan niya ako. Edi salamat. Payapa ang aking utak.' Iyon ang nasa isip ko habang nagpapalinga-linga sa paligid. Hinahanap ang lalaki na ang pangalan pala ay 'Derino'.
I'll be giving him 7 seconds. Kapag hindi ko na siya nakita ay aalis na ako. Siguro ay hahanapin na lang si Sabina. Sa isip ay nagbibilang na ako. Pito. Anim. Lima... Okay, have to go. Hello cafeteria.
"Hey, hindi d'yan," pagpigil niya sa akin nang akto na akong liliko papuntang cafeteria. Hinawakan niya ang aking braso para pigilan kaya nang tiningnan ko ang pagkakahawak niya dito ay agad niya ding inalis. Nailang. Naisip na isa 'yong awkward move. "Uhm ano...madaming tao d'yan. Maingay.'
Hindi ako sumagot. Nag-iisip kung saang lupalop pa ba ng campus na ito hindi uso ang ingay. Malamang ay wala. Ewan.
"Doon tayo, tahimik do'n," turo niya sa may soccer field nang makabawi.
Hindi pa tirik ang araw sa parteng iyon. Payapa pa dahil iilang estudyante pa lang ang nasa paligid ng soccer field. Bihira lang akong mapunta doon, tuwing may P.E. kung minsan. May kalayuan kasi sa mga building. Mag-aaksaya pa ako ng oras makapunta lang sa malawak na field ng campus.
"Kasali ka pala sa org na 'to," ani 'Derino' habang naglalakad. Medyo binagalan na niya ang paglalakad para magkasabay kami. Pero nanatili pa rin akong nasa likuran niya. "Bakit ngayon lang kita nakita?" kapagkuwan ay tanong niya.
"Hindi ako active," iyon lang ang isinagot ko. Gusto ko na talagang mapairap dahil tinatamad humakbang ang mga paa ko at ayaw nitong maglakad pa sa malayo.
"Ako rin naman," aniya. Hindi na ako sumagot kundi ay nagpatuloy lang sa paglalakad.
Nang mapagod na ang aking mga paa ay tsaka ko naitanong ang sarili. 'Bakit nga ba ako sumasama sa lalaking ito? Bakit ako nakipagusap kay Shantal? Naghahanap ba ako ng sakit ng ulo? Gusto ko lang namang mag-aral sa library, tapos dumating si Shantal. At ang lalaking ito. 'Derino'. Ewan.
"I thought you're a normie," he whispered but I still heard it. My brows furrowed. A normie, what? "I didn't know you're a weeb."

Book Comment (11)

  • avatar
    Noraidah Gandamra

    nice

    24/04/2025

      0
  • avatar
    PagkanatanBaizehan

    nice

    27/07/2024

      0
  • avatar
    Kristel May Bayona

    fam. nice story sana Mas Marami kapang ma e post

    10/02/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters