logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

EPISODE 4: STARE

"Come on, Eme! Go! Go! Go!" I awkwardly smiled at Sanya as she keeps on cheering me up. She was really loud. Nakukuha no'n ang atensyon ng ibang tao. Si Sabina ay naiirita na sa ingay niya.
"Will you shut up your mouth? You're just distracting her," reklamo ni Sabina sa kapatid.
"Whatever you say. I'm cheering her," Sanya just ignored her. "Go sissy! You can do it!" she cheered.
Itinuon ko ang tingin sa mga target. I wasn't so sure kung kaya ko. I doubted myself. I don't know. Bahala na.
Mahigpit ang hawak ko sa mabigat na bola. I should strike it all. That would be my last. After this ay uuwi na kami. Nang maramdaman ko na ang tamang timing ay saka ko ito binitawan. Mabilis ang gulong ng bola saka tinamaan ang ilan sa mga target.
It wasn't smooth. I failed. Again. For the nth time.
Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang mga pins na bumagsak. There was still three na nakatayo. I've been aiming for a strike.
Bowling ain't for me though.
"It's okay! You did great. Kaunting push na lang ma-istrike mo din 'yon," Sabina smiled, trying to lighten up my mood. Nginitian ko siya pabalik.
"I think we need to celebrate this!" Sanya with her idea. "Eme for her improvement!" She playfully raised her fist. Hindi ko alam kung maganda ba iyon o hindi. Kaunti na lang ay sarkastiko na ang tunog no'n sa pandinig ko.
"There's nothing to celebrate, San. Pang-ilang beses na pero hindi ko pa rin nahi-hit lahat," dahilan ko, malungkot.
Kung mayroon mang dapat ipagdiwang, iyon ay dahil sunod-sunod na strikes ng dalawa. They were close to being the experts when it comes to this sport.
"At least you did your best, ano ka ba?" Sanya gave a pat on my head. "Still, that is something to celebrate, whether you hit 'em all or not."
Sa huli, ang ideya pa rin ni Sanya ang nagwagi. Of course, agree si Sabina tungkol dito.
"Anywhere you want, ikaw ang bahala. My treat," Sanya stated, giving me the chance to choose where restaurant to eat. "Basta wag lang do'n sa—"
"Saisaki!" I exclaimed, cutting her off.
"Sabi ko na nga ba, eh," Napanguso si Sanya. "Pangarap mo nga pala 'yan," aniya. Napangiti ako.
"Don't worry, I'll pay you back some time!" agad na sabi ko.
I was thinking of having a part-time job. Naisip ko 'yon para makatulong na rin sa gastusin sa bahay kahit papaano. It was not planned yet. Titingnan ko pa kung maluwag ang schedule sa susunod na semester.
"Nah. You don't have to. Treat niya 'yan. C'mon, let's go. I'm hungry," ani Sabina.
"Just order whatever you want, ako na ang bahala," Sanya assured.
"Thank you!" I exclaimed. Wala pa nga ay sobrang nagpapasalamat na ako sa dalawa. I was really excited na makakain sa isang prominenteng Japanese restaurant kasama ang magkapatid.
Nagtungo na kami sa ground floor ng malaking mall na ito. Nandoon nakapwesto ang iba't ibang magaganda at kilalang restaurants sa bansa. Maliliit na branch ang naroroon subalit hindi iyon makababawas sa excitement na nararamdaman ko. Pagkapasok sa Saisaki ay tiningala ko ang ulo upang pagmasdan ang bawat sulok nito. Kapagkuwan ay may naalala ako dahil sa ganitong klase ng paligid.
I could still vividly remember the first time I've ever eaten in Japanese Restaurant.
Iyon kasi iyong unang beses na nagkasama kami sa hapagkainan nina Mama, Papa at Ryssi. I was 5 years old back then. Ryssi was 4. That was the first time we met our father. We were really happy. Buntis daw kasi noon si Mama noong iniwan kami nito. Ako naman ay isang taon lang nang mga panahong iyon. Kahit isang litrato ay wala si Papa kaya wala kaming ideya kung ano ang itsura niya. Iyon ang dahilan kung bakit ganoon na lamang ang saya namin nang nakita at nakasama namin ng personal ang aming tatay. Bata pa lang ako noon kaya hindi ko na masyadong matandaan ang mukha nito. . . pero 'yong pakiramdam, tila alam ko pa.
Pagkatapos ng araw na iyon ay wala na. Hindi na nasundan pa. Dahil si Papa ay lumipad na raw tungo sa ibang bansa at doon na raw tumira, ika nila Lola. Wala silang binanggit na specific na lugar. Hindi rin naman daw nila alam.
Isang taon pagkatapos ng masayang araw na iyon para sa amin ni Ryssi ay sila naman ni Mama ang umalis. She left on my 6th birthday. She left with Ryssi. Walang nagawa ang mura kong edad para pigilan silang umalis. Iniwan nila ako kay Lola. Ang sabi ni Mama ay babalik din sila. It has been 12 years since the day they've left me but no one came back.
At hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako at umaasa na balang araw ay babalik pa sila.
"I'll have Makizushi, Chirashizushi and uhm... Potato salad. Dorayaki and Monaka for desserts." dikta ko sa waiter habang nakatingin sa menu. Small orders lang ang pinili ko, para naman iba-ibang klase ang matikman. Hindi kasi gano'n kamahal ang mga iyon.
Pakiramdam ko tuloy isa akong character sa anime habang binabanggit ang mga pangalan ng pagkain. Pangarap ko talaga iyon.
Hinintay ng waiter ang order ng dalawa. Kung makatingin sila sa menu ay para bang isa iyong weird na bagay. Kunot pa ang kanilang mga noo.
"'Yung tulad na lang nung sa kanya," ani Sanya sa waiter habang nakaturo sa akin.
"Same," bored na sabi ni Sabina.
Nang makaalis ang waiter ay saka ako napaulanan ng reklamo ng dalawa. Hindi sila familiar sa ganitong klase ng pagkain. Kadalasan kasi ay sa Italian Resto sila kumakain. Ako naman ay ngayon na lang nakatagpo ng tulad nito. Gusto ko lang naman masubukan muli. Napapatawa na lang ako dahil sa ekspresyon nila.
"Oh come on, dude! I'm not free today," sambit ni Sanya sa kausap sa telepono. "Kailan na ba 'yan?"
"Sino?" Siniko ako ni Sabina para tanungin kung sino ang kausap ng kapatid. Nakikiusisa. Napakibit-balikat na lang ako. I don't know.
"As in ngayon agad?" Napataas ang tono ng boses ni Sanya sa kausap. "Teka, kakain muna ako!" reklamo niya sa kabilang linya. "Kahit kailan ka talaga!"
Hindi namin alam kung ano ang pinaguusapan nila nung kausap niya kaya hindi na lang namin pinansin. Ang nasa isip ko na lang ay iyong pagkain.
Dumating na ang aming order kaya ibinaba na rin ni Sanya ang tawag. Talagang namangha ako sa appearance ng pagkain. Japanese foods were amazing! Habang ineeksamin ko ang mga ito ay pakiramdam ko ay talagang nasa anime world ako. Ang mga putaheng ito ay iyong mga madalas ko makita sa mga anime. Napapangiti ako sa isiping iyon. Habang si Sabina naman na katabi ko ay isa-isang kinuhanan ng litrato ang mga pagkain.
"Ig story," aniya ng nakangiti habang tinitingnan ang mga kinuhang litrato ng mga pagkain sa kanyang telepono. "Japanese cuisine. Japanese sweets," aniya, iyon marahil ang ilalagay na caption sa kanyang story.
"Let's eat!" excited na sabi ni Sanya.
"Itadakimasu!" aniko, ginagaya ang linya ng mga anime character, tanda ng pasasalamat sa pagkain.
Ang kanilang reklamo kanina tungkol sa ganitong klaseng mga putahe ay nawala nang magsimula na kaming kumain. Masarap ang mga sushi, napapangiti na lang talaga ako.
"By the way, aalis din ako agad." Napatingin kami ni Sabina sa kaniyang kapatid. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang magsalita si Sanya. "Weekends pa naman."
"Oh?" walang ganang sabi ng kapatid. Pinaglalaruan ang chopsticks. Napairap si Sanya sa walang kwentang reaksyon nito.
"Saan ka pupunta, San?" Ako na ang nagtanong.
"Star Studio. May offer daw sabi ni Santino," maikling paliwanag nito.
Santino. Star studio.
"Big hit 'yon para sa banda kapag nagkataon," aniya.
"Wow. Congrats," bati ko, namamangha at natutuwa para kay Sanya.
"'Di pa hundred percent sure kung legit, kaya nga pupuntahan," aniya.
"Ikaw lang mag-isa?" tanong ko habang nilalantakan ang Monaka.
"Nope, I'm with Santino. He'll be my driver, of course," sagot niya, nakangiti na tila ba nakaganti sa kung ano. "Sabi ko sunduin ako dito eh, tagal naman," aniya habang tinitingnan ang oras sa kanyang wristwatch.
Napapaisip ako kung sino ba o ano si Santino na palaging binabanggit ni Sanya. All I know is he's her bandmate. The rest is I don't know.
"Shopping tayo," bulong sa akin ni Sabina nang matapos na kaming kumain sa restaurant na iyon at makalabas. "My treat!" she exclaimed.
"Hindi na. Samahan lang kita," sagot ko habang mabagal na naglalakad saka binalingan ng tingin si Sanya na abala sa pagpipindot sa kanyang telepono.
"Bookstore tayo mamaya, para hindi ka mabored," ani muli ni Sabina. Nang-eenganyo ang ideyang iyon. Pero masaya na ko sa kung anong nangyari para sa araw na ito. I've finally eaten my dream Japanese foods, I'm fine with that.
Nakarating na kami sa parking lot para samahan si Sanya sa paghihintay sa sinasabing susundo sa kaniya. Parehong nasa kanya-kanyang cellphone ang atensyon ng dalawa habang ako naman ay tahimik lang na nasa likuran nila, iniisip ko kung nasaan kaya naka-park ang sinakyan namin kanina. Mukha kasing naiwan ko kanina sa loob ng kotse ang wallet ko.
"Malapit na birthday ni Bryle. Ano kayang magandang iregalo?" tanong ni Sabina habang ang isip ay tila naglalakbay sa kung saan. Hindi ko alam kung para sa akin ba ang tanong na iyon o para sa sarili.
"Kotse." It's Sanya with her idea. Napairap ang kapatid sa pagsingit nito sa usapan.
"And who the hell would buy her friend a car on his 19th birthday?" sarkastikong ani Sabina sa kapatid.
"Baka ikaw," Sanya smirked. Her sister just rolled her eyes at her, ignoring her tease.
"Try mo lang. Baka matuwa," she added.
"Oh, shut up. I'm not asking your opinion," masungit na sabi ni Sabina. She rolled her eyes for the nth time.
"Whatever. Freedom of speech," sagot muli ni Sanya. Hindi ko makuha ang ibig niyang sabihin pero natawa ako dahil sa reaksyon nito. Hindi talaga nagpapatalo.
"Eme, what do you think?" baling sa akin ni Sabina na hindi ko na nasagot dahil sa pumaradang kotse sa harapan namin mismo. Nasa likuran ako ng dalawa kaya nang biglaang mapaatras ang mga ito ay halos matapakan ang puting rubber shoes ko.
Mula sa sinasakyang pulang Nissan Xtrail ay lumabas ang isang matangkad na lalaki. Nakasuot ito ng stripe na longsleeve na nakatupi hanggang siko, itim na ripped jeans at white sneakers. Agad na napatingin ang lalaki kay Sanya.
"Kahit kailan talaga pa-importante ka!" masungit na sabi ni Sanya sa lalaki.
"I told you I came from a meeting." Ang boses nito ay malamig. Seryoso ang mukha nito nang bumaling kay Sanya.
"Tsk. Meeting your face! Gagabihin na tayo dahil sa kabagalan mo, Santino!"
Saglit ko pang napagmasdan ng mabuti ang itsura ng lalaking kausap ni Sanya. Siya pala 'yung Santino. Medyo singkit ang kaniyang mga mata. Matangos na ilong. Manipis na mga labi. Ang buhok nito ay natural ang kulay na itim, parang katulad ng sa akin. Maputi ang kanyang balat. 'Yung kutis na katulad ng mga Asian. Parang Chinese o kung ano pa mang lahi na tulad no'n. Mukha nga siyang may lahi. Tingin ko ay nasa 20's na rin ito. He looked mature. And cold. Kung hindi mo alam na kabanda ito ni Sabina ay mapagkakamalan mo siyang isang business man or what. Tiyak kong kapag naka-suot ito ng business attire ay babagay sa itsura niya dahil mukha talaga siyang seryoso.
Napairap si Sanya kay Santino saka ito tinalikuran upang magpaalam sa amin. "Bye, girls," Lumapit pa talaga ito sa amin ni Sabina. "I don't want you to introduce to that guy. Tsh. He's rude. Very rude," bulong nito saka humalik sa aming mga pisngi. Napairap si Sabina sa kaartehan ng kapatid. Ako naman ay tipid na ngumiti.
Lumapit na si Sanya sa sasakyan ni Santino. Binuksan na niya ang pinto ng kotse. Akala mo ay sa kanya ang sasakyan, nauna pa sa may-ari.
"Hey, hindi mo ako driver," Hinawakan ni Santino ang pinto ng kotse, pinigilan sa pagsara. "'Don ka sa shotgun seat," iritadong utos nito.
Napasimangot naman si Sabina. "Whatever," Saka ito umikot para buksan ang pintuan ng front seat.
Halata ring naiirita ang lalaki kay Sanya. The feeling was mutual. Parehas silang naiirita sa isa't isa.
"Sab, ipaalam mo na lang ako kay Mommy. Uwi na rin kayong dalawa. 'Wag papagabi, ah?" Bilin ni Sanya sa kapatid, hawak-hawak ang pinto ng sasakyan.
Tumango lang si Sabina bilang sagot. Si Sanya ay hindi pa tuluyang pumapasok sa loob, balak pa ata nitong maglitanya ng iba't ibang klase ng pamamaalam na gusto niya.
Nakita kong napatingin sa gawi namin ni Sabina si Santino bago ito pumasok sa loob ng kaniyang kotse.
"Take care, San. Salamat ng sobra sa treat. Bye!" Nakangiting sambit ko kay Sanya.
"You're always welcome, sweetie! You too, take care," sagot nito. Nakangiti na para bang napakabait na babae na akala mo hindi sinungitan kanina lang ang lalaking kausap."Bye Sabina. Bye Emerald," paalam niyang muli sa amin saka tuluyan nang pumasok sa loob at isinara ang pinto.
Natigilan ako nang 'di inaasahang dumapo sa akin ang mata ni Santino. Para sa akin ang titig na iyon. Nakaramdam ako ng kakaiba habang nakatingin din sa kanyang malalalim na mga mata. Iyon 'yung tingin na tila ba nang-eeksamin. Nangingilala. Hindi ko mapangalanan. Medyo matagal na napako ang paningin niya sa akin bago nagdesisyunang isara ang bintana ng kotse saka paharurutin ito.
Nakapagtataka ang tingin niyang gano'n sa akin. Kung bakit ay hindi ko alam. Ewan. Nakaka-curious lang kung bakit gano'n na lang ang naramdaman ko dahil sa hindi inaasahan at kakaibang paninitig niya. Basta sigurado ako na ako mismo ang tiningnan niya ng gan'on dahil ang bigat sa mata niya ay naramdaman ko.
"Was it real? Nakatingin ata siya sayo," puna ni Sabina habang tinatanaw namin ang pag-alis ng sasakyan. Hindi ko inaasahan na napansin niya din iyon.
"Hindi ata. Ewan," Napakibit-balikat na lang ako.

Book Comment (11)

  • avatar
    Noraidah Gandamra

    nice

    24/04/2025

      0
  • avatar
    PagkanatanBaizehan

    nice

    27/07/2024

      0
  • avatar
    Kristel May Bayona

    fam. nice story sana Mas Marami kapang ma e post

    10/02/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters