logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

EPISODE 3: TALK

Episode 03 || Talk
Diretsong nagtungo si Sabina papasok sa kanilang gate nang hindi man lang ako hinihintay. Sinalubong siya ng dalawang maid na pamilyar na sa akin saka tinulungan sa pinamili. Hindi ko napansin na marami pala ang pinamili nito, mga damit at pambabaeng gamit siguro. Agad din akong pumasok kasunod ni Sabina.
Pagtapak ko sa loob ng compound ay bumangad sa akin ang maliwananag na mga ilaw. Matagal din akong hindi nakabisita dito. Pinagmasdan ko ang mga magarang disenyo ng roof habang naglalakad papasok.
Their house was big. It was modern. I always admire the interior everytime I'm here. Malaki din ang kanilang bakuran. Sa likod ay may garden na kung saan madalas kaming tumambay ni Sabina. We both love nature. Sabina loves flowers. While me, I love everything about nature. Mayroon ding swimming pool doon.
Pagkapasok ko pa lang ng pinto ay agad na sumalubong si Tita Cris, ang mommy ni Sabina. Habang ang kanyang anak ay namataan kong paakyat na sa taas, marahil ay didiretso na sa kaniyang kwarto upang magpalit ng damit.
"Hello, Emerald, dear!" masiglang bati ni tita saka niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik. Sanay na ako na palagi siyang gan'on. She's really sweet.
"Hi, Tita," bati ko sa gitna ng yakap.
"I'm glad you are here!" Saka ako hinatak papasok sa living room. "How are you, darling? Ang tagal mong hindi naka-visit."
"Okay naman po, Tita. Tinutulungan ko si Auntie sa bakery namin," sagot ko habang nagpapahatak sa kaniya.
"Really? That's good to hear. But I hope na makavisit ka pa rin dito ng madalas. Namimiss ko nang makita kayo ni Sab na pakalat-kalat sa paligid." Tita pouted her lips.
We used to mess around their house. Pareho kaming mahilig magpinta, lalo na tuwing bakasyon. Nagkakalat ang mga paintings at brush sa magara nilang tiles. Nagkakalat din ang mga diyaryo sa paligid. Kapag nagsasawa ay nagpapahidan kami ng mga pintura. Si Tita Cris pa nga ang sponsor namin sa mga art materials na iyon kaya kahit na magastos kami sa paggamit ay ayos lang dahil pinapalitan niya agad.
"Sure po Tita. Bibisita ako ng mas madalas kapag hindi na busy." Napangiti si Tita Cris sa sinabi ko.
"Come on, let's eat. Nagpaluto ako ng favorite n'yo ni Sabina," anyaya niya sa akin saka ako iginiya patungo sa dining room.
Inutusan ni Tita ang isa sa kanilang maid na asikasuhin ang aking bag at ilagay iyon sa kwarto ni Sabina. Gano'n lagi ang set-up sa tuwing nandito ako. They are treating me like I'm part of the family. Sa kwarto kami ni Sab lagi natutulog, hindi niya ako hinahayaang tumuloy sa guest room. Maging ang mismong gamit ko rin ay doon niya pinapalagay. Kulang na nga lang ay pagawan ako ng sariling closet sa loob kwarto niya.
"Wait, I will call Sabina," paalam ni Tita saka nagtungo muli sa sala kung saan naroon ang hagdan pataas ng ikalawang palapag ng kanilang malaking bahay.
Sa dining room ay nakahanda na agad ang mga kubyertos. Talaga ngang nagpaluto si Tita Cris ng Kare-kare, favorite namin 'yun ni Sab. May iba pang mga masasarap na putahe subalit iyon lang ang lubos na naka-agaw ng aking atensyon.
"Emerald's here?"
Nadinig ko agad ang tinig ni Sanya, ate ni Sab. Kakapasok pa lang nito sa kanilang bahay, marahil ay galing na naman sa kung saan. Mabuti at hindi siya late ngayon umuwi, hindi tulad ng palagi niyang uwi kapag may gig. Nagkaabutan sila ni Tita Cris sa sala kaya nawala na rin sa isip nito na susunduin nya nga pala si Sab sa kwarto upang tawagan sa pag-kain ng hapunan.
Dalawa lang silang magkapatid. Sanya has a short black hair. She loves to wear some short clothes, tipong nakikita na ang kanyang pusod. Kaunti na lang ay kasukat na ng cycling ang mga shorts at skirts na madalas na isinusuot. Madalas itong nakamake-up ng pang-rock, ika nga niya. While Sabina has a medium-length blonde hair. Unlike her ate, Sab doesn't wear those clothes. Instead, she loves to wear dresses.
"Yup," sagot ni Tita sa kaniyang panganay. "Oh, you're early tonight, Sanya," puna ni tita nang mapansin ding maaga ang uwi nito ngayon.
"Yes, mom. I declined the gig kasi. Santino is really a pain in the ass," she complained as she kissed her mom on the cheeks.
I always hear her talking about that 'Santino'. And she's always pissed every time she talks about that guy.
"Anyways, nasaan na nga pala si Eme?"
Pagkasabi niya noon ay nagpakita na din ako at lumapit.
"Hi, Sanya," bati ko.
Kahit na mas matanda si Sanya ay hindi niya ako hinahayaang tawagin siya ng 'Ate'. Si Sabina lang ang tumatawag sa kanya noon dahil utos iyon ng mga magulang.
"Eme, it's good your here! Halika, may ipapakita ako sayong dress! I bought it last time but I realized na hindi ko naman masusuot. Let's ta—"
"Hindi pa kumakain 'yan, mamaya mo na chikahin." Napalingon kami kay Sabina na pababa na ng hagdan. Masama ang hitsura nito at halatang bad trip. Nilagpasan lang kami nito saka dumiretso na sa dining room.
Napakunot-noo si Sanya sa iniasta ng kapatid. Si Tita Cris ay napakibit-balikat na lang.
Saglit ko lang napagmasdan si Sabina, she's now in her pajamas. Nakapag-shower na kaya pala dumiretso na sa kaniyang kwarto kanina. Or maybe, isa na rin 'yong dahilan para iwasan ako.
Niyaya na kami ni Tita na dumulog sa hapag-kainan. Ang Dad daw nina Sabina ay hindi uuwi ngayon dahil sa project sa Batangas kaya kami-kami lang ang kumain. Their dad is a head engineer while Tita Cris is a business owner.
Umupo ako sa tabi ni Sanya habang sila Tita ay nasa harap namin nakaupo.
"By the way, how's your Lola and Aunt, honey?" tanong ni Tita sa kalagitnaan ng pagkain. "I phoned your Lola earlier, sabi ay aalis daw sila?" pahabol na tanong nito.
"Okay naman po, Tita. Uuwi daw po ng Zambales bukas ng maaga," magalang na sagot ko. "Nakapag-usap pa nga po sila Auntie Isabel, Lola at Sab kanina," dugtong ko at ibinaling ang tingin kay Sabina.
Hindi niya ako tinapunan ng tingin. Patuloy lang siya sa pagkain na para bang walang interes sa pinag-uusapan.
"Really? Eme, bakit hindi ka sumama?" singit ni Sanya. "That's Zambales. I heard maganda daw doon, sana sumama ka para makapasyal ka," she added.
"Ate, may classes kami," masungit na sagot ni Sabina sa tanong sa akin ng kaniyang kapatid. Hindi ko inaasahan na sasali siya sa usapan. Akala ko nga ay hindi ito nakikinig dahil hindi man lang ako pinansin kanina. "Hassle lang kung sasama siya, she can't enjoy the trip kasi uuwi din naman pagdating ng Sunday." Pinanindigan na niya ang pagpapaliwanag. She got my point though.
"Edi 'wag agad umuwi," ani Sanya habang patuloy sa pag-kain.
"May classes nga!" parang naiiritang ani Sabina.
Hindi niya ako pinapansin o kahit tapunan man lang ng tingin pero nagagawa niyang sagutin ang tanong ng kapatid na dapat sana ay para sa akin.
Imbes na sumabat ay napatahimik na lang ako para hayaan silang mag-usap. Maging si Tita ay na-out sa usapan at nakikinig na lang din sa kanilang salitan ng linya. Hindi ko tuloy manamnam ng lubos ang kinakaing Kare-kare dahil sa pag-uusap ng dalawa.
"She can take a leave naman," kibit-balikat na sabi ni Sanya. "Request for it tapos mag-vacation sa Zambales. Bond with her relatives. That would be fun," suhestiyon nito saka bumaling sa akin at itinaas-taas pa ang mga kilay.
Napangiti na lang ako ng pilit, sinusubukang ubusin ang pagkain.
"What, work lang?" kunot-noo na tutol nito. "She can't! We're just freshmen at hindi dapat mag-li-leave or a-absent or whatsoever kung hindi naman dapat! She might have missed a lot of lessons!" Her tone rose up. Talagang itinigil ang pagkain para lang makipag-debate sa kapatid. As if isa iyong interesting na pag-uusapan.
"Makaka-catch up din naman si Eme kahit mawala siya ng ilang weeks." Sinabi ni Sanya iyon na para bang isa iyong bagay na madali lang gawin. "She's smart anyway," bored na dugtong nito.
"Really? Do you think she could manage it? I mean, may org stuff pa. There's a perfect time for that," Sabina insisted, trying her best to make her sister understand what she was pointing to.
"Okay, girls. Stop the li'l argument." Sa wakas ay sumingit na si Tita. "Emerald's here, there's no need to talk about that," awat ni tita sa dalawang anak, medyo natatawa o ano dahil sa simpleng bagay na kanilang pinagtatalunan.
Sanya smirked. Sabina rolled her eyes. They were weird for my sight. It became awkward. Ako ang paksa ng kanilang munting bagay na pinag-dedesiskusyunan.
Pagkatapos kumain ay tulad ng dati, mag-aalok ako na tumulong magligpit ng pinagkainan pero pipigilan nina Tita. Kaya wala akong magawa kundi sundin si Tita. Aniya'y bisita daw ako dito kaya wala akong dapat gawin. Palagi naman ganon pero nahihiya pa rin ako kapag wala akong maitutulong.
Nagpaalam na si Tita dahil may gagawin pa sa kaniyang office room. Ako naman ay sumunod na sa dalawa pa-akyat ng second floor, kung saan nandoon ang kanilang mga kwarto.
"Halika, Em. Take a look at the new dress I bought! Tingin ko bagay 'yun sayo!" ani Sanya ng nasa may hallway kami, hahatakin na sana ako papasok sa kaniyang kwarto nang tumutol si Sab.
"Nope. She can't. Magmo-movie night pa kami," ani Sabina habang pinipihit ang door knob ng kaniyang kwarto.
"Sungit, saglit lang naman," Sanya rolled her eyes at her sister. "Okay, I'll join you na lang," ngisi nito.
"No, you can't! Hindi ka kasama sa plano. Don't bother us!" mariing tutol ni Sabina.
Sanya mocked her, inaasar ang kapatid. "Whatever you say," maarteng sambit nito. "Next time kami naman ni Em ang magbo-bonding." Napangisi siya sa sariling ideya saka bumaling sa akin na para bang nanghihingi ng suporta.
"Uh...oo, sure," tugon ko na lang.
Pagkatapos noon ay nagpaalam na sa akin si Sanya. Pumasok na din ako sa kwarto ni Sabina, tahimik dahil tila tinatansya ko pa ang mood niya.
Humiga lang siya sa kanyang kama saka nag-cellphone, maybe checking her Instagram or what. Nakita kong nasa bakanteng cabinet na din ang aking mga gamit. Kumuha ako ng damit na pantulog saka pumasok sa shower.
I was in the middle of cleansing my face in front of the mirror when the memory of what happened earlier flashed back into my mind. Naalala ko 'yung lalaki kanina. That rude guy. How could he say those words to me? Kahit nang sumasama ako sa mga Anime Expo ay hindi ako nasabihan ng ganon. Is he really Andre's friend? Hindi sila bagay maging magkaibigan.
Judging. If I could only roll my eyes. Kapag nalaman iyon ni Sabina ay maiinis din 'yon sa lalaki.
Speaking of her. Hindi niya pa rin ako kinakausap. She's really mad. Muntik na siyang mapaaway dahil sa akin. Dahil nandoon sila Chelsea at Audrey. I was guilty. Ayoko siyang mapaaway na naman.
Natapos na lang ako sa pag-aayos ng sarili ay iniisip ko pa rin kung paano siya i-aapproach. Pagkalabas ko ay ganon pa rin ang posisyon niya. Still holding her phone.
"Uhm, manonood pa rin ba tayo ng movie mo?" alinlangang tanong ko.
"Course," Iyon lang ang sinagot niya saka tumayo para kuhain ang kaniyang laptop. Sinaksak din niya ang speaker sa laptop, para sa mas magandang sounds ng papanoorin.
Naupo na ako sa kama niya nang nagsimula na ang movie. Like what she wants, vampire story ang pinapanood namin. Kahit na wala akong interes ay pinilit kong tunghayan ang pelikula.
Tahimik lang kaming nanonood. Pinapakiramdaman ko pa rin ang mood niya. Marahil ay hindi pa rin ako okay sa kanya dahil hindi man lang ako nito kinakausap tulad ng nakasanayan. Isang tanong, isang sagot.
"About kanina," Sa kalagitnaan ng panonood ay nagsalita na rin si Sabina, nakatuon pa rin ang paningin sa pinapanood. Hinayaan ko lang siya na ituloy ang sasabihin.
"Why were you with them?" Her serious tone brought nervousness to me. Binaling niya sa akin ang paningin. "Seems like you're now friends with them, huh? Nakalimutan mo nang balikan ako sa shop, eh." Note the sarcasm in his words.
Napalunok ako sa sinabi niya. "Hindi, I-I mean. . ." nakalimutan ko na ang movie. Balewala na ang pinapanood. Kinagat ko ang pang-ibabang labi. Napatungo ako, hindi alam kong paano ipapaliwanag ang sarili.
"Nakipag-usap sila Shantal at Debi sa akin tapos—"
"It's fine," she declared, cutting me off. "At least you got to know them, alam mo na ang mga pangalan nila." Still sarcasm.
"I'm sorry. . ."
Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko.
Lumipas ang ilang minuto nang walang nagsalita. Pinapakiramdaman ang isa't isa. Nililitis ang pagkakamali na para bang isa iyong mabigat na krimen na kailangan ng masinsinang usapan. Alam kong mali ako. Nakakaguilty.
She heaved a deep sigh. "It's not big deal, Eme," sa wakas ay nagsalita na rin, tinawag ako sa aking nickname. "I don't want it to make a big deal. Ayokong magalit sayo dahil lang sa kanila. Its just that I don't wanna see you with them, especially with those two bitches. They might harm you or what." Naglaho na ang pagiging sarkastiko sa boses nito.
"We're not in good terms, you're aware of it. Galit sila sa akin, I don't want you to get involved with this," pagpapaliwanag niya sa isang mahinahong paraan.
"I-I understand," mahinang tugon ko.
I really felt so guilty. Sabina looked upset after seeing me with the girls. Ayaw niya lang akong makitang kasama sila dahil hindi maganda ang pakikitungo nila Chelsea at Audrey sa akin. "I'm really sorry. . ."
"'Wag ka nang makipag-usap ulit sa kanila, Eme," she pleased.
"O-okay, hindi na," agad na tugon ko nang wala nang pag-aalinlangan.
Pagbaling namin sa kaninang pinapanood ay puro credits na lang ang naabutan. We've missed the movie. Natawa kami dahil do'n. It was not a movie night. But a heart-to-talk, I guess.
Parang biglang naglaho ang tinik na kanina pa bumabara sa dibdib ko.
But how can I attend the org's event without having an interaction with the coordinator? Shantal and Debi are nice anyway. But I don't want my best friend to get mad if she sees me talking with them again.

Book Comment (11)

  • avatar
    Noraidah Gandamra

    nice

    24/04/2025

      0
  • avatar
    PagkanatanBaizehan

    nice

    27/07/2024

      0
  • avatar
    Kristel May Bayona

    fam. nice story sana Mas Marami kapang ma e post

    10/02/2024

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters