Alas-tres na nang matapos ang pang-hapong kong klase sa araw na iyon. Hindi ako nakatanggap ng text galing kay Sabina kaya napagdesisyunan kong umuwi na lang muna. I just rode a jeepney on the way home. Malamang ay siya muli ang makakasama ko ngayong weekends. At tiyak kong yayayain na naman ako ni Tita Cris na sa kanila na matulog kaya mabuti nang handa ako. Kinuha ko ang aking spare backpack sa may cabinet saka inilagay doon ang ilan kong damit. I brought some oversized shirts, knee-length maong shorts and pajamas. Of course, undies were included. Papagalitan ako ni Sabina kapag nagdala ako ng libro kaya hindi na ako nag-abala pang magdala. Gusto niya kapag weekends ay mag-enjoy lang at 'wag isali ang pag-aaral. Anyways, magbabasa pa rin naman ako. I just brought the manga with me, naisip ko na basahin na lang iyon ng palihim. "Emerald," hindi pa ako natatapos sa pag-aayos ng gamit ay narinig ko na ang tawag ni Lola. "Nakauwi ka na pala," dugtong nito. "Opo, kauuwi lang po," magalang na sagot ko saka lumapit kay Lola para mag-mano. "Tumawag ang mommy ni Sabina, doon ka daw tutuloy sa kanila?" tanong ni Lola habang naglalakad patungong kusina. Inaayos niya ang ilang pinamili na gulay. Bata pa lang kami ay magkasama na kami ni Sabina kaya close na rin ni Lola ang mommy nito. Bukas ay uuwi ng Zambales si Lola kasama si Auntie Isabela, anak ni Lola at kapatid ni Mama. Sila ang kasama ko dito sa bahay simula bata pa. Sabi nila ay may dumating daw na kamag-anak galing ibang bansa kaya sila uuwi. Hindi na ako nagtanong pa tungkol doon. Niyaya nila akong sumama pero tumanggi ako, malayo ang byahe at may pasok ako pagdating ng Lunes. Wala din naman talaga akong interes. "Opo, doon po muna ako," sagot ko kay Lola. "Nasaan na po si Auntie?" tanong ko nang mapansin na wala pa si Auntie sa bahay. "Namili lang ng kung ano. Kanina pa nga iyon. Nanggaling na nga ako sa kapit-bahay kanina para magpaalam ay wala pa din si Isabela," mahabang sagot ni Lola. Hindi ko maintindihan kung bakit pati sa kapit-bahay ay kailangan pa niyang mag-paalam. Sadyang napaka-friendly ni Lola kaya lahat ata ng kapit-bahay ay kaibigan nito. "Lola," tawag ko sa kanya saka lumapit para yumakap. "Mami-miss ko po kayo." I pouted my lips, trying to look cute. Lola hugged me back. "Asus, uuwi rin naman agad kami ng Auntie mo," ani Lola saka kinurot ang pisngi ko. "Tatawag naman kami palagi." Napangiti ako. Naabutan kami ni Auntie Isabela sa ganoong posisyon. Dala-dala niya ang mga pinamili na marahil ay mga pasalubong para sa mga kaanak sa probinsya. Tinawanan nya lang kami ni Lola saka nagtungo sa lamesa upang ilapag doon ang mga dalahin. Nagpresinta akong tumulong sa pag-aayos. Tuloy ay nawala na sa isip ko ang planong pagbabasa ng manga. Pagsapit ng alas-singko ay dumating na din si Sabina para sunduin ako sakay ng kanilang kotse. Inabangan ko siya sa may gate ng aming bahay. "Naka-formal ka ata ngayon, Sab." Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang suot na puting off-shoulder dress at stilletos na may kataasan. Bagay na bagay sa kanya. "Yeah. An urgent meeting with the investors, sinama na naman ako ni Dad," paliwanag niya, ang labi ay napapangiwi. "Hindi tuloy ako nakapag-mall kanina!" She rolled her eyes. Sa ata lahat ng urgent ay si Sabina ang naka-prepared. Hindi halatang nagmadali. Baka nga ay pinaghandaan pa ang meeting na iyon. Napangisi ako sa naisip. "Why are you smiling like that?" Pinagtaasan niya ako ng kilay nang mapansin ang pag-ngisi ko. Agad akong umiling. "Wala, bagay sayo," tanggi ko na ang pinatutungkulan ay ang kasuotan niya. "I know right." She flipped hair playfully. Tinawanan ko lamang iyon at hindi na sumalungat pa. Totoo naman. She's so pretty, kahit naman ata ano ang suotin ay nangingibabaw pa rin ang ganda niya. "Natawagan mo si Macy?" Agad na tanong ko nang maalala ang ibinilin ni Bryle. "Yep, thanks," pasalamat niya. "About sa group lang naman 'yon. Bago pa nila alalahanin tapos ko na," proud na dugtong nito. "Nandito na pala si Sabina." Napalingon kami kay Auntie nang mapansin niya na nandito na si Sab. Napangiti agad ito saka iginiya siya papasok sa loob. "Halika, iha, pasok ka," Nakipagbatian pa muna siya kila Lola habang ako naman ay abala sa pay-aayos ng aking backpack na dadalhin sa bahay nila. Nagpaalam na rin ako kila Lola at Auntie tungkol dito. Bukas ng umaga ang alis nila, walang maiiwan sa bahay. Doon muna ako kila Sab tutuloy at uuwi rin pagsapit ng weekdays. Hindi nagtagal ay umalis na rin kami ni Sabina. "Nakakainis, traffic pa!" reklamo niya habang nasa byahe. "May accident pa ata or something, err!" Hindi na siya mapakali sa kinauupuan at panay ang tingin sa harapan. Ako naman ay payapa lang na naka-upo. Pababa na kami ng Antipolo nang maramdaman ang pagbagal ng daloy ng mga sasakyan. Pinipilit pa niya na bilisan ng driver ang takbo, bagay na imposible dahil nga sa traffic. "Nagmamadali ka ata," pansin ko. "Of course! Dadaan pa tayo sa mall!" aniya. Akala ko ay sa bahay nila ang diretso namin ngunit lumiko ang aming sasakyan sa daan patungo sa mall. Pagkadating sa parking area ay ibinilin ni Sabina na hintayin kami ng driver dahil saglit lang daw ang kanyang pamimili at babalik din naman kami agad. I don't trust Sabina's words pagdating sa ganitong mga bagay. Alam kong matatagalan na naman kami. Pagkapasok namin sa mall ay agad na niya akong kinaladkad patungo sa mamahaling dress boutique. Wala akong nagawa kundi sumunod. Masuring tinitingnan ni Sabina ang bawat dress na mahawakan. Sa huli ay ibinabalik din ito. Nang mapansin kong paulit-ulit lang at wala namang napipili ay nagtanong na ako. "Kanina ka pa, wala ka pa ring napipili?" tinatamad na sambit ko habang pinagmamasdan siya sa ganoong sitwasyon. "Ano ba talagang bibilihin mo, Sab?" Halos mapahikab na ako sa pagkabagot. I am not into this stuff, kaya ganoon na lamang ang pagkabagot ko habang hinihintay siyang pumili ng kung anong damit. "I saw this dress kasi online. Oorder na sana ako kaso biglang na-sold out na daw. I really like the design of that dress, kaya ganoon ang hahanapin natin," mahabang paliwanag niya. "Mag-patahi ka na lang ng gano'ng design," suhestiyon ko, para makaalis na kami dito. "Or find something else." Uwing-uwi na talaga ako. "Nah. Matatagalan kapag nag-patahi. Balak ko kasing sa next week na 'yun isuot. Just wait, Eme," aniya ng hindi na ako tinapunan pa ng tingin. I waited for about 20 minutes, still wala pa rin syang nabibili. Sa inip ay nagpaalam muna ako na tutungo sa bookstore ng mall na ito. Babalikan ko rin doon si Sabina. Sadyang hindi ko lang kayang tagalan ang panonood sa kaniya. Pagpasok ko pa lang ng bookstore ay nawala na agad ang pagkabagot na naramdaman ko kanina, napalitan na agad iyon ng excitement. How I wish I spent those minutes here instead of waiting for Sabina inside that boutique. Sana ay kanina ko pa naisip ito. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Hindi malaman kung ano ang uunahing tingnan. Paints. Canvas. Brush Pens. Pencils. Books. Manga! Lahat ng iyon ay nakaka-aliw sa paningin. Inuna kong magpunta sa books section. I stopped when a particular book caught my attention. Kinuha ko agad iyon. Angela's Ashes. I suddenly remembered someone after reading the title. It was familiar. Lumang libro na iyon, subalit napaka-ganda pa rin sa paningin ko. Kung may pera lang ako hindi na ako mag-dadalawang isip pa para bilhin ang librong ito. Napanguso na lamang ako sa isiping iyon. Siguro ay pag-iipunan ko na lang saka ako babalik dito para bilhin. I really like that book. Hindi ko alam basta iba ang dating sa'kin ng librong iyon. Maganda siya sa paningin. Gano'n talaga kapag may gusto ka na hindi mo agad makuha. You have no choice but to wait. I'll wait until maka-ipon ako. I decided to take a look at the painting materials section. Nagulat ako nang makita doon sila Chelsea, she's with her friends again. Dali-dali akong nagtago sa may shelf para hindi nila ako mapansin. "Hey," ani isang babae mula sa aking likuran, gulat pa akong napalingon upang tingnan kung sino ang tumawag. Nang tuluyang makita ay agad kong namukhaan ang babae. Siya 'yung kaibigan ni Chelsea na naatasang humawak ng event sa org. "Emerald, right? I'm Shantal," pakilala nito. Inalok pa niya sa akin ang kanyang kamay bilang pormal na magpakilala. Shantal has long wavy brown hair. She's beautiful. Agad akong nailang. Hindi ko alam kung kukuhain ko ba ang kamay niya o aalis na lang. I don't want to be rude though. Kinuha ko ang kamay niya saka tipid na ngumiti. "You belong to the org, aight? Bat parang kanina lang kita nakita?" tanong nito na tila ba may inaalala. "Ow, ikaw 'yun! 'Yung bihira umattend!" she exclaimed. Sumulpot ang isa pa nilang kaibigan mula sa likuran ni Shantal. "Shantal, may nakita ka—" hindi na natapos pa ng babae ang sasabihin nang lumipad ang kanyang tingin sa akin. Malamang ay kaibigan rin nila ito. She has shoulder-length black hair. Among their circle of friends ay siya 'yung hindi girly-type. But she's beautiful despite her boyish-like outfit. "Oh, hi!" Ngiti nito sa akin. Ngumiti rin ako pabalik, hindi malaman ang gagawin. "Deborah, pwede na rin sa Debi," pakilala din nito at nagulat ako nang naglahad din siya ng kamay sa akin. Malalim ang kanyang boses na hindi tulad ng sa kanyang mga kaibigan na may pagka-maarte. Ang kanya ay parang malapit na sa pagiging tomboy or what. Alinlangan kong kinuha ang kanyang kamay. "Emerald," aniko saka tipid na ngumiti. "Nice, friends-friends na rin pala kayo nito ni Shantal," ani Deborah saka tumingin kay Shantal. "'Di'ba siya 'yung inaway ni Audrey kanina sa org meeting?" diretsong tanong nito sa kaibigan, sa pagkakasabi niya n'on ay para bang wala ako sa harap nila. It felt awkward but I still managed to smile. "Yup, si Emerald nga 'yon." Napanguso si Shantal saka bumaling sa akin. "Emerald, sorry about that li'l commotion kanina with our friends, Audrey and Chelsea, ganun lang talaga sila but they're nice naman." She apologetically smiled at me. "O-okay lang, wala lang sa akin 'yon," sambit ko saka tipid na ngumiti. Hindi naman ako nagdamdam tungkol sa pakikitungo sa akin ng dalawa kanina. Sanay na ako sa ganon. Unlike Chelsea and Audrey, alam kong mabait ang dalawang nasa harap ko. Hindi ko nga lang alam kung tama bang makipag-usap sa dalawa dahil nandito lang din sina Chelsea at baka makita pa ako. "Inactive ka sa org, and wala ka rin doon sa opening last time. Bakit bihira ka lang umattend?" usisa ni Shantal. Sabi ko na ay itatanong din sa akin iyon. Alinlangan akong napangiti kay Shantal. Siya nga pala ang madalas humawak sa mga events and stuff ng org kaya imposibleng hindi niya mapapansin ang pagkawala ko. Kapag nalaman ba nila ang dahilan ay tatanggalin ba nila ako? Napakagat ako sa labi sa ideyang iyon. Nag-isip pa ako ng medyo kapani-paniwalang alibi. "Ahm, It's—" "It's none of your business, girls." I didn't have a chance to complete my words. Napalingon ako sa nagsalita at hindi na nagulat nang makita ang presensya ni Chelsea, kasunod noon ay agad ko ding nakita si Audrey. Tulad ng dati ay masama pa rin ang titig nito sa akin. Nakakrus ang kaniyang mga kamay at mataray ang pagkakatingin. Ang kanyang nagpupuluhang mga labi ay lalong nagdedepina sa kaniyang pagiging maldita. "Emerald, ikaw na naman," puna ni Audrey saka sarkastikong ngumiti. Nasa tabi ito ni Chelsea. Tulad ng kaniyang kaibigan ay masungit rin ang itsura nito. Hindi ganoon kapula ang labi niya ngunit ang kaniyang nagtataasang kilay ay sadyang nagsasabi ng pagiging maldita. Parang mga typical bullies o school whores sa mga movies na napapanood ko. Napatahimik lang ako. Should I go now? I really don't know how to face both of them. Chelsea examined me with her brows furrowed. She then smirked. "Nag-iisa? Nasaan ang kaibigan mo?" she asked with a tone of sarcasm. Nanatili ako sa ganoong posisyon. . . hindi alam kung aalis na nga ba o sasagutin pa ang sarkastikong tanong niya. "Nandito." Agad akong napalingon sa nagsalita at nagulat nang makita si Sabina with her serious mode, raising her eyebrow. Hindi man lang ako nito tinapunan ng tingin. Uh-ow, this is bad. "Looking for me, huh?" Humakbang palapit si Sabina. "Do you miss me, Chelsea?" she smirked at Chelsea, next to Audrey. "Oo, namiss kitang sampalin," barumbadong ani Chelsea kay Sabina. "Pa-isa nga ulit." Agad na lumapit si Sabina palapit kay Chelsea, halatang gusto na nitong sumugod. Hinawakan ko ang braso ni Sabina para pigilan siya sa pag-sugod. "Girls, ang iinit naman ng ulo niyo, chill!" Pumagitna na si Shantal sa dalawa. She still managed to look calm despite the situation. "Tingin ko kailangan na nating um-exit, guys," singit ni Deborah habang nakatingin sa mga kasama. Hinawakan niya sa braso si Chelsea, na ngayon ay nanunuya ang tingin nito kay Sabina. "Emerald, Sabina, sibat na kami," paalam ni Deborah samin. Inalis ni Chelsea ang pagkakahawak ni Deborah sa kanyang braso at kusa din kaming tinalikuran. Ganon din ang ginawa ni Audrey. Huling umalis sina Deborah at Shantal, they're giving us an apologetic smile. Pagka-alis ng apat ay saka lang ako nilingon ni Sabina. Awtomatiko akong napakagat sa ibabang labi dahil sa ibinibigay niya sa aking tingin. "Let's go," matigas na utos Sabina saka ako tinalikuran, sa tonong iyon ay nahihinuha ko na hindi maganda ang mood niya sa akin. Saka ko lang napansin na may bitbit na itong paper bag. Marahil ay nabili na niya ang hinahanap na dress. Gusto ko mang tanungin siya tungkol sa pamimili ay pinili ko na lamang na manahimik. Hindi bagay sa sitwasyon ngayon ang nasa isip na pangunguwestyon ko. Sinundan ko lang siya palabas ng mall. Pagkarating namin sa parking area ay agad din naming nakita ang kanilang driver. Pumasok na kami sa loob ng sasakyan nang hindi man lang siya nagsasalita. Tahimik lang din ako sa byahe. Pinapakiramdaman ko lang ang atmosphere. Hindi ko alam kung dapat na ba akong magsalita kaso ay nakakatakot at baka mas magalit siya. Hanggang sa makarating sa tapat ng kanilang bahay ay walang nagsasalita sa pagitan namin. "We'll talk later, Emerald," seryosong sambit ni Sabina saka lumabas ng kotse. Hindi na ako nakasagot. ···· If you liked this episode, please tap the little star over there. Arigathanks! I hope you enjoy reading! ―Yurishiya
nice
24/04/2025
0nice
27/07/2024
0fam. nice story sana Mas Marami kapang ma e post
10/02/2024
0View All