logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7 The War has Begun

I told everything about what happened yesterday at the coffee shop to Vern that night. I am so sure that that woman is a vampire but I don't want to conclude yet. Baka nagkakamali lang ako and hell! Sana nga mali lang ako dahil ayokong makakita ng bampira!
"Paranoid ka na naman, Myst," puna ni Vern.
Napabaling ako sa nagsalitang si Vern. It's been almost a week since my encounter with that woman happened at simula noon, palagi na 'kong nakakaramdam na parang may nakamasid sa'kin. Noong una, hindi ko ito pinapansin pero nang tumagal ay na-conscious na 'ko sa mga galaw ko. Minsan itinitigil ko pa ang mga ginagawa ko para lang igala ang paningin ko, nagbabaka-sakaling makita kung sinong nakamasid at nag-oobserba sa'kin.
"Meron talagang nakamasid sakin, Vern," reklamo ko rito bago padabog na ibinaba ang pagkain sa usual table namin sa cafeteria.
Gaya ng mga ginawa ko noong nakaraan, hindi ko nalang inisip kung sino 'yon pero kahit anong gawin ko, hindi talaga siya maalis sa isipan ko. Patuloy pa rin ang paglinga ko sa paligid habang kumakain. Naiirita naman si Vernon sa ginagawa ko kaya hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko para iharap ito sakaniya.
"Nakakahilo ka naman, e! Sa'kin ka na nga lang tumingin!" galit na wika nito.
Napanguso ako dahil pinisil niya ang pisngi ko. Bahagya itong natigilan at napabitaw agad na para bang napaso siya nang hawakan niya 'ko.
I was about to ask him if he's okay when Theodore and Maeve came out of nowhere. Sa itsura nila ngayon, mukhang friends na sila, ah?
"Problema mo, Bernon? May sakit ka ba?" tanong ni Theo na umupo sa harap namin.
Napatingin ako ay Vern na agad nag-iwas ng tingin habang hawak ang mukha niya. Mukha ngang masama pakiramdam niya. Hindi naman siya ganito kanina.
"You look pale.." saad ni Maeve na naupo sa tabi ni Theo.
Looking at them, parang magkaibigan na sila. Parang noong nakaraan lang halos magpatayan 'to sa harap ko, ah? Anong usok ang nalanghap nila at bakit biglang nagkaayos sila?
"Wala, bakit ba nandito na naman kayo? Guguluhin niyo na naman si Myst?" maangas na sambit ni Vern sa dalawa, akala mo naman kaya niya. Isa rin naman siyang takot.
Nagkatinginan ang dalawang nasa harap namin, mukhang nag-uusap sila sa mga tinginan na 'yon na silang dalawa lang ang nakakaalam. Is there something they want to tell us? Ilang segundo silang natahimik bago nag-iwas ng tingin sa isa't-isa na para bang may tinatago. It's not that I want them to tell me what is it. Gustuhin ko mang malaman, nasa kanila pa rin ang desisyon and I'll respect their decision if they choose not to tell us. I'm fine with it.
"Friends na pala kayo," tugon ko pa, stating what's obvious.
Nagkatinginan silang muli ng ilang segundo bago nag-iwas. Napa-inom si Maeve sa tubig niya habang si Theo naman ay napailing at parang nandidiri siyang nabanggit ko na magkaibigan na sila. Bakit, hindi ba?
"No way, over my jaw dropping gorgeous body," singhal ni Theo.
Nagkibit-balikat na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain, gayon din ang ginawa nila. Nagtataka pa 'ko dahil hindi man lang sila nagsalita o ano, walang gulong nangyari sa pagitan nila. Maging si Vern ay tahimik ngayon kaya parang ang awkward tuloy, siya pa naman ang inaasahan kong mag-iingay ngayon.
Kinabukasan ay walang klase kaya maaga akong nagtungo sa shop para magtrabaho. I'm still thinking about that vampire disguised as woman I encounter. If she's really a vampire then this place isn't safe anymore. Kinakabahan tuloy ako sa mga susunod na mangyayare, sana lang ay mali ang kutob ko sakaniya. Sana hindi siya totoong bampira.
"Mabuti nalang at narito ka na, hija! Marunong ka ba mag-drive? Ninenerbiyos kasi ako, hindi ako makakapag-drive ng ayos." Nadatnan ko ang paranoid na si Tiya Lo.
Nagmamadali ito habang may kung anong kinakalikot sa bag niya at kinakausap si Inday. Naguguluhan man ay dinaluhan ko si Tiya Lo para pakalmahin ito. Halata sa mukha niya kung gaano siya ka-stress. Mukhang may nangyaring hindi maganda, at hindi rin maganda ang kutob ko rito.
"Basta Inday, isara mo na ang coffee shop tutal lahat ay abala para sa pista bukas. Idaan mo nalang ang susi sa bahay mamaya, aalis muna kami ni Mystica," aniya.
Naguguluhan ako sa mga nangyayari, mukhang nagpa-panic si Tiya Lo at Inday. Hindi ko alam kung aning dahilan, ang alam ko lang ay masamang balita 'yon.
Iniabot na sa'kin ni Tiya ang susi ng sasakyan niya at naguguluhan man ay nagsimula na 'kong mag-drive patungo sa binigay niyang lugar. Hindi na bago sa akin ang lugar na ito dahil isa ito sa kilalang lugar dito sa amin.
Ilang minuto lang ang lumipas at nakarating na kami sa abandonadong tulay na nagkokonekta mula sa Peculium Ville patungo sa kabilang bayan na pinaghihinalaang napupuno ng kulto at iba pang hindi maipaliwanag na bagay. Inabandona ang tulay at hinarangan ng kung ano-ano dahil ang sabi ng iba, ang mga tao raw sa karatig bayan na 'yon ang dahilan kung bakit dumarami ang krimen dito sa lugar namin. Lahat ng naroon ay pinalayas at sa huli, tinawag nilang ghost town ang lugar.
Hindi pa man nakakababa ng sasakyan ay tanaw na agad ang dami ng pulisya sa lugar. Isa roon ang kilalang sheriff ng Peculium, nasa edad 40 pataas na ito ngunit maskulado pa rin ang pangangatawan, bagay na kinahuhumalingan ng ibang kababaihan sa lugar namin bukod sa pagiging maputi ni sheriff. Mahilig din itong magbiro at palakaibigan siya sa lahat.
"Mabuti at nakarating kayo agad, Madame Lorette." Ginawaran niya kami ng isang matamis na ngiti. Humawak ito sa lukod ni Tiya Lo para pakalmahin ito dahil halata ang pagka-nerbiyos dito.
"Sheriff Cruz, sigurado ho ba kayong si Cha 'yan? Yung empleyado ko?" kinakabahang tanong ni Tiya Lo.
Ngayon ko lang napansin na may pinalilibutan ang mga pulis sa gitna ng tulay. Hindi ko maaninag kung ano iyon dahil maraming nakaharang at medyo malayo kami ngunit base sa sinabi ni Sheriff Cruz, mukhang may krimeng naganap dito.
Ilang segundo rin ang tumagal bago sinagot ni Sheriff ang tanong ni Tiya Lo. Lumapit ang isang pulis sakaniya at bahagyang inabot ang isang supot na naglalaman ng ID's at wallet na tingin ko'y pag-aari ng biktima.
"Nakita namin ito sa bag niya, napag-alaman naming wala siyang kasama manirahan sa kaniyang bahay at may nakapagsabing sainyo siya nagta-trabaho kaya ikaw na ang tinawagan ko." May lungkot sa mga mata nito nang tingnan niya si Tiya Lo, agad na nag-sink in sa akin ang mga sinabi niya. Bigla akong kinilabutan.
Hindi na napigilan ni Tiya Lo ang mapaiyak nang makita ang nasa laman ng supot. Kung hindi ako nagkakamali ay 'yun ang empleyado niya na ilang araw ng hindi pumapasok.
Wala akong ibang nagawa kundi pakalmahin si Tiya Lo. Gayon din ang ginawa ni Sheriff.
"Ano raw ang kinamatay? P-pwede ko ba siyang makita?" wika ni Tiya.
Napabuntong-hininga si Sheriff habang ibinabalik sakaniya ni Tiya ang supot. Halata ang pagtutol sa itsura nito.
"Ang suspetsa namin, kagagawan ito ng mga taga kabilang baryo. Siguro naghihiganti sila dahil napalayas sila sa lugar nila. Pahamak talaga ang dala ng mga 'yon." Napailing si Sheriff habang tinitingnan ang kumpulan ng pulis, ang iba'y kinukuhaan ng litrato ang crime scene.
Iginiya kami ni Sheriff Cruz patungo sa crime scene. Madamung kalat kaming nadaanan dahil ginawang tambakan ang lugar na ito. Kalmado na si Tiya Lo habang si Sheriff ay panay ang paalala sa amin na hindi kami maaaring lumapit sa mismong bangkay.
To be honest, I don't know why I'm here. Parang kanina lang papasok palang ako sa shop, ngayon narito na 'ko sa isang crime scene. This is the first time I've seen one. Hindi maaalis sa akin ang pagkamangha sa kagamitan nila at the same time ay naaawa dahil sa sinapit ng biktimang si Cha.
Itinaas ni Sheriff ang barricade tape na may nakasulat na 'DO NOT ENTER CRIME SCENE'. Nang makatawid sa tape ay bumungad sa'min ang karumaldumal na itsura ng bangkay. May mga galos ito sa bawat parte ng katawan at halatang pinahirapan. Nababalot ng dugo ang damit nito pati na rin ang paligid niya.
Agad akong napangiwi nang makita ang bangkay, humagulgol naman ng iyak si Tiya Lo kaya dinaluhan ko ito. Habang pinapakalma ang nagdadalamhating matanda ay hindi ko maiwasang tingnan ang bangkay. I'm not really used to seeing dead bodies this close, sa litrato pa lang ay hindi ko na makayanan ngunit may nagtutulak sa'kin na tingnan pa ang biktima.
Magulo ang buhok niya at halatang nanlaban, may mga kalmot ang mukha niya at hindi nakatakas sa akin ang marka sa leeg nito. Hindi ito agaw-pansin kung tutuusin ngunit nakita pa rin 'yon ng mga mata ko. Dalawang bilog ito, na para bang kagat ng isang hayop. Agad na nanumbalik sa akin ang mga litratong pinakita ni Vern, a vampire's bite..
Muntik na 'kong mag-panic nang galawin na ang bangkay at ilipat iyon sa mortuary stretcher bago tinakpan. Sinundan ko iyon ng tingin at nang ipapasok na nila sa ambulansya ay hindi sinasadyang matabig ng lalake ang stretcher kaya lumaylay ang kamay ng biktimta. Nanlambot ang buong sistema ko nang makita ang isa pang vampire's bite sa palapulsuhan ng biktima.
Agad na napukaw ang atensyon ko sa humarang sa unahan dahilan para hindi ko makita ang bangkay ng biktima.
"Nakasayad ang kamay, ayusin niyo!" sigaw ni Sheriff sa mga nagbubuhat.
Unti-unti itong humarap sa'kin at sa tingin niya pa lang ay alam kong alam niya kung ano ang nasa isip ko.

Book Comment (85)

  • avatar
    mahneym_98

    Interesting and intriguing novel! Definitely a must read mystery novel!

    26/07/2022

      1
  • avatar
    Juday Lauria

    Highly recommended! Gandaaa ng kwento :>

    24/04/2022

      1
  • avatar
    Purple

    RECOMMENDED!💜💜💜

    22/04/2022

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters