logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

The Princess with a Curse

The Princess with a Curse

PreciousPearL


Kabanata 1

SUMASAYAW ang mga puno dahil sa lakas ng hangin. Makulimlim ang langit at malalaki ang patak ng ulan. Patuloy ako sa paglakad-takbo kahit basang basa na. Napatigil lamang ako ng sumalubong sa aking harapan ang humahangos na aking kapitbahay. Kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa bumungad na emosyon sa kan'yang mata.
"Claire ang mga magulang mo." Lumambot ang ekspresyon niya at punung-puno ng pagkaawa. My eyes widen with shocked. Hindi ko na siya pinatapos at kumaripas ng mabilis na pagtakbo. Pakiramdam ko'y may humihila sa aking katawan para pigilan sa pagtakbo pero nilalabanan ko.
Mariin akong umiling. Nagngangalit ang  ngipin ko dahil sa galit. No, i shouldn't believe her. I don't believe her. Pilit kong pinapaniwala ang sarili na hindi mangyayari 'yon.
Kahit hingal na hingal hindi ko inalintana ang matinding pagod at pagka-uhaw. Ilang beses din akong nadapa at napasubsob sa maputik na daan pero patuloy akong bumabangon. Sa mga oras na ito, pakiramdam ko' y nakikipagkarerahan ako kay kamatayan. Hindi siya p'wedeng makarating sa aming tahanan.
Ngunit ang kaunting pag-asa at tapang na binuo ko ay parang isinampal sa aking mukha dahil sa mga taong nagkukumpulan sa harapan ng aming bahay. I was suddenly scared.
I walked slowly towards the front of our house. Biglang nahawi ang mga tao sa daraanan ko. My world stopped, because of their bodies lying on the ground. Ang panlalamig ay biglang gumapang sa buong katawan ko.
Nilamon ako ng sobrang panlulumo. Nanginginig ang katawan ko at kusang bumagsak sa lupa ang mga tuhod.
Tears rolling down my face.
Para akong nauupos sa sobrang panginginig. Hindi sa lamig, kung 'di sa sakit at galit. Hindi matigil ang pagdaloy ng luha sa aking mga pisngi at nakisabay ang malakas na pag-alulong ng mga aso, hindi kalayuan sa aming bahay. Pakiramdam ko'y isang minsahe iyon ng pakikiramay.
Mabilis akong yumakap kay Nanay, pilit niyang inaabot ang walang buhay na kamay ni Tatay. Pinupunit ang puso ko sa nakikita. "Ina, halika dadalhin ko po kayo sa ospital." Bigla akong nataranta ng malaman na humihinga pa siya. Tatawag na sana ako ng mga kasama para buhatin siya pero lumapat ang nanlalamig niyang palad sa aking mga kamay na ikinatigil ko.
Nakangiti siyang umiling. "H-indi na anak." Alam kong peke iyon dahil nababasa ko sa kaniyang mga mata ang sobrang kalungkutan. Mariin akong umiling at napakagat labi. Pilit kong pinipigilan ang sariling pag-iyak dahil alam kong mas mahihirapan siyang iwan ako.
Alam ko naman na darating din ang araw na ito, na iiwan nila ako. Ang pagkakamali ko lang, hindi ko iyon pinaniwalaan.
Malungkot siyang sumulyap sa katawan ni Tatay na wala ng buhay. Alam kong hanggang sa huling sandali ng buhay ni Tatay, ginawa niya ang lahat ng makakaya niya upang ipagtanggol at proteksyunan kami ni Nanay.
Hindi nakatakas sa akin ang butil ng mga luha na kumawala sa kaniyang mata habang pareho naming tinatanaw si Tatay. Pakiramdam ko'y nagkapira-piraso ang puso ko at sumabog sa kung saan, pilit ko mang buuin ito, mababasag pa rin at hindi na mabubuo dahil alam kong ilang oras na lang ang nalalabi at mag-isa na ako.
Sila lamang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundong ito, sila ang dahilan kung bakit ako sumasaya. Ano na lamang ang gagawin ko kung mawawala sila?
Hindi ko na rin napigilan at bumuhos ang pagtitimpi kong emosyon. Yinakap ko silang pareho ng napakahigpit. Naramdaman ko ang marahan na haplos sa akin ni Nanay. "Lakasan mo ang loob, Anak. Tulad ng laging sinasabi namin sayo, kailangan mong maging matapang dahil hindi lamang ito ang mararanasan mo pa."
Napaubo siya, nataranta ako ng lumabas ang dugo sa kaniyang bibig, ngunit patuloy pa rin siyang lumalaban at naghahabol ng hininga. Binalot ako ng takot. Nanginginig ang kamay niya habang humahaplos sa aking pisngi.
Kinuha ko 'yon para damahin at masuyong hinalikan. Pilit niyang pinapahid ang luha na kumakawala sa aking mata. "A-yaw kong umiiyak ka, Claire. Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo, masaya ako dahil naging bahagi ka ng buhay namin ni Vladimir." Tears rolling down my face. Punung puno ng pait ang nararamdaman ko.
Paano ko magagawang maging matapang kung sila lamang ang pinaghuhugutan ko ng katapangan?
Kailan man, wala silang naging pagkukulang pagdating sa pagmamahal sa akin, pero ang naging pagkakamali lamang nila, hindi nila ako sinanay na mag-isa.
"A-nak, makinig ka sa akin. Hanapin mo ang pulang baul. Nakabaun ito sa likod ng bahay natin. Alam kong naguguluhan ka sa mga nangyayari, pero nasa baul na iyon ang kasagutan sa mga katanungan mo," seryoso niyang paliwanag sa akin. Napasinghap ako at tahimik na nakatitig lamang sa kan‘ya.
"Pinalaki ka namin ng maayos, kaya alam kong mas pipiliin mo ang ikabubuti sa lahat. Ipakita mo sa kanilang nagkamali sila ng paniniwala sayo." Parang hinaplos ang puso ko ng marinig iyon sa labi niya, ngunit naguguluhan pa rin ako. Dapat ko bang pagkatiwalaan ang sarili ko?
Ngumiti siya ng matamis. "Oo, masakit tanggapin ang mga nangyayari, pero 'wag kang mawawalan ng pag-asa dahil hindi lahat ng araw ay nagtatapos sa kalungkutan. Matatapos din ang lahat ng ito, Anak." Alam kong pinalalakas niya lamang ang loob ko dahil sa mga nangyayaring ito.
Matabang akong umiling sa kaniya at napasinghap. "Inay, hindi niyo po ba nakikita? Hindi ko man lang kayo nailigtas ni Tatay sa kamay ng kamatayan," bumagsak ang luha ko at mariin na kumuyom.
Dinala ni Nanay Estrella ang mga kamay ko sa pisngi niya at masuyong dinama iyon. Lumambot ang ekspresyon ko. "Wala kang kasalanan, anak. Walang kasalanan ang inosenteng katulad mo. Sila ang may kasalanan. Tingnan mo ang mga mata ko, Claire." My eyes widen. Ngunit ginawa ko ang sinabi niya.
Napatitig ako sa kaniya at parang nahipnotismo ako sa kulay green niyang mga mata na alam kong hindi normal sa dating kulay nito na noon ay itim. Naguluhan ako, ngunit mas nangibabaw ang pagpapakita ng abilidad ko. Pilit nitong ipinapakita ang mga pangyayari na ilang beses ko ng nakita, bago pa man mangyari ang lahat ng ito.
Mga pangyayari kung paano sila mamamatay.
Tuluyan ng kinain ng kadiliman ang paningin ko at bumalik sa nakaraan.
Nagmulat ako na nasa harapan ako ng limang lalaki. Tahimik na nakatayo at nanunood lamang sa kanila.
Sumugod sila sa bahay. Suot nila'y cloak na pula habang umaabot hanggang sa paanan. Maging ang mga mukha nila'y hindi ko rin makita dahil binabalutan ng itim na maskara. Alam kong hindi sila mga normal na tao dahil nararamdaman ko ang kakaiba nilang presensya.
May kakaiba silang kakayahan, tulad ko.
Parang dagat ng mapapait na alaala ang bumubulaga sa aking harapan habang marahas nilang pinahihirapan ang mga magulang ko. "You know the rules right?" malamig na tanong ng isa sa mga lalaki parang kulog ang boses nito sa aking pandinig.
I was expecting the scenes that came after, dahil ilang ulit ko na itong napapanaginipan. Kumuyom ang kamao ko. "H-uwag!" sigaw ni Nanay.
Sa isang iglap, tinapos ang buhay ni Tatay sa pamamagitan ng espada. Tumulo ang mga luha ko. Parang hinati ang dibdib ko sa mga sigaw at iyak ni Nanay.
Puno ng pagsisisi ang nararamdaman ko. Kung naniwala ba ako, mangyayari pa ba ang lahat ng ito? Kung binago ko ba ang kapalaran nila mangyayari pa ba ito?
Wala akong magawa kung 'di ang matulala.
Napasinghap ako ng malakas na tumilapon ang katawan ni Nanay sa pader ng bahay namin. Sa sobrang lakas nito, nadurog ang pader at nagkapira-piraso. Matalim kong tiningnan ang tatlong lalaki na siyang nagpapahirap sa kaniya. Bagama't may pagtataka sa akin kung bakit ganoon kalakas ang katawan ni Nanay Estrella ngunit sa mga sandaling ito, nakatuon ang pansin ko sa mga lalaking nagpapahirap sa kaniya. Dahil pagkatapos nito, sila ang hahanapin ko.
Dalawang lalaki ang muling lumapit sa kan'ya. "Hindi ka sana aabot sa ganito kung makikisama ka lang," seryosong saad ng lalaking tahimik kanina. Napakunot ang noo ko, ang mga pangyayaring ito'y hindi kasama sa mga pangitain ko. "Wala kayong mahihita sa akin kahit patayin niyo ako," sumagot si Nanay Estrella napaka smooth at kalmado na para bang hindi siya natatakot sa nangyayari.
Humalakhak sila pareho. "Hindi ka pa rin nagbabago. Matapang ka pa rin, Estrella," ngisi nito. Ngunit dinuraan lamang sila ni Nanay sa mukha.
Napasinghap ako ng dumilim ang tingin ng dalawang lalaki at kasunod nito'y magkakasunod na atake na pinatama ulit sa katawan niya. Napasigaw ako. Walang tigil nilang pinahirapan si Nanay hanggang sa gumapang na ito.
Nanginig ang mga kamay ko sa matinding galit at tuluyan na akong napasubsob sa lupa ng makita kong sinaksak nila ng espada sa tagiliran ang babaeng pinakamamahal ko.
Bakit?
Does they deserve all of this pain? Bakit ganoon na lang ang pagpapahirap na ginawa nila sa pamilya ko? Anong karapatan nila para saktan ang pamilya ko?! Ano bang ginawa nilang kasalanan? Anong dahilan nila para pumatay?!
Nababalot ng galit at katanungan ang buong isipan ko ng bumalik sa kasalukuyan. Naguguluhan akong bumaling sa berde niyang mga mata. Ngunit hindi ko na nagawang tanungin si Nanay dahil bigla akong nataranta. Nahihirapan na siyang huminga! Tatlong beses siyang sumuka ng dugo. Pinanlamigan ako at binalot ng matinding takot.
Hinawakan ko ang mga kamay niya. Lumingon ako sa paligid at nakitang lahat ng mga kapitbahay namin ay tahimik na nakatingin lamang sa amin. Maging sila ay wala ring magawa. "Nay, please don't leave me," pagmamakaawa ko sa kan'ya.
Ngunit sa kahuli-hulihang sandali, wala pa rin akong nagawang paraan para pigilan ang naging kapalaran nila. Iniwan ako ni Nanay habang mahigpit akong nakayakap sa katawan niyang walang buhay.

Book Comment (33)

  • avatar
    Warfoxxx

    wahhh! exciting! 🖤🖤🖤🖤 Keep writing, author!

    17/04/2022

      0
  • avatar
    Eshra Mae Montenegro Damarillo

    the best app ever

    12/08

      0
  • avatar
    Kem Pingay

    ganda ng movie

    20/07

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters