logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 7

"SYD, siya nga pala si Gene. Genesis ang real name niya but she preferred Gene para one syllable lang raw," pakilala ni Wincy sa kaibigang katulong sa paghihiwa ng mga rekadong lulutuin para sa tanghalian.
Kakagising lang niya at napagpasyahan niyang bumaba para tumungo sa kusina. Nakaramdam kasi siya ng pagkauhaw. Bakit ba naman kasi wala man lang kahit water despenser sa ikalawang palapag ng bahay nila Wincy? Kailangan pa tuloy niyang um-effort na bumaba para lang kumuha ng tubig.
Nginitian niya ito at saka inilahad ang kaniyang kamay. "Hello, Gene. Sydney nga pala. But you can call me Syd para one syllable lang rin," pakilala niya at magkakapanabay silang natawa.
Naiiling na ipinagpatuloy nalang ni Wincy ang ginagawa. "May gagawin ka ba?"
"Wala naman," aniya at hinatak ang upuan. Hinarap niya ito sa gawi nila Wincy saka umupo.
"Tamang-tama. Tulungan mo kaming magbalat ng patatas. Para mas mapadali 'yong pagluluto," binitawan nito ang hawak na kutsilyo at may kinuhang bowl. Iniabot ito ni Wincy sa kaniya.
"Lahat 'to?" tukoy niya sa mga patatas na kahit yata gawin niyang mashed potato at french fries ay sosobra pa rin.
"Aha."
"Ang dami naman! Saka kailan ka pa nahilig sa patatas?"
"Shut up, okay? Tumulong ka nalang. Saka noong nakaraan pa ako naghahanap ng patatas kaya please lang, 'wag nang maraming tanong."
Sinundan na lamang niya ito ng tingin ng bumalik ito sa pwesto nito at nagsimula uling maghiwa ng baboy. Nginitian na lang siya ni Gene na para bang sinasabi sa kaniya na pagbigyan na si Wincy dahil sa malamang nasa stage pa rin ito ng paglilihi.
"Okay, get it. Asan na 'yong peeler?" aniya at dumampot ng patatas.
"Don't use peeler, my dear cousin. Masasayang ang kapiranggot na patatas na pwedeng mawala. Use a spoon instead," suhestiyon nito sa kaniya habang nakataas ang kamay nitong may hawak na kutsilyo.
Gustuhin man niyang tumutol ay wala na nga siyang nagawa. Inilapag niya ang hawak na patatas at tumayo para kumuha ng kutsara. Habang pabalik sa pwesto ay tinignan lang niya ang mga rekadong nasa ibabaw ng lamesa. Napakadami noon, at sa tingin niya, marami silang kakain mamaya.
"HON, dahan dahan naman sa pagkain. Baka mamaya mabilaukan ka, eh," awat ni Red kay Wincy. Para kasing hindi nakakain sa loob ng mahabang panahon ang pinsan niya. Tuloy-tuloy kasi ang pagsubo nito at hindi niya alam kung nakuha man lang ba nitong uminom ng tubig at dumighay.
"Don't mind me, hon. Sasamain ka sa akin. Just let me eat this mashed potato, okay?" ani Wincy at muling ipinagpatuloy ang pagkain.
Napailing nalang siya. Akala niya siya na ang may pinakamalalang pagnanasa sa patatas. Paborito niya kasi talaga iyon at bigla niyang naalala 'yong mga panahon na nilalait siya ni Wincy kesyo walang ka-taste taste ang panlasa niya. Paano raw ba niya naaatim na kumain ng maraming patatas. Hindi raw ba inaamag ang loob ng kaniyang sikmura sa dami ng starch na na-digest nito.
"Syd, mag-resign ka na sa work mo. Iha-hire kita as my personal cook. Didn't know na ganito pala kasarap ang patatas. Ang sarap, sobra!" baling sa kaniya ni Wincy at muling sumubo ng mashed potato na nagmukhang cerelac dahil sa kumalat ito sa bibig nito. Agad namang pinunasan ni Red ang bibig ng kaniyang pinsan.
"Masarap ba talaga?" tanong naman ni Julia. Isa sa mga kaibigan ni Wincy mula sa San Agustin.
Magkakasabay silang dumalo sa hapagkainan kanina pagkatapos nilang magluto. Kaya naman pala napakarami ng niluluto nila kanina dahil marami pala talaga silang kakain. Muntik na kasing mawala sa isip niya na nandito nga rin pala ang mga kaibigan ng pinsan niya. Paano ba naman niyang maaalala pa gayong abala siyang isipin ang lalaking kaharap niya ngayon.
"Of course. Natikman ko na 'yong mashed potato ni Sydney. Actually, ako 'yong unang taster ng recipe niya," sagot ni Luke kay Julie at nakangiting nilingon siya.
Napairap na lang siya rito. Paano ba naman? Kanina pa siya nito ibinibida. Kesyo raw pangarap niya noong maging chef. Mahilig raw siyang kumain at mag-explore. At marami pang iba. Para bang pasimple nitong ipinapaalala sa kaniya na nasaksihan nito ang mga hilig niya noong magkasanggang dikit pa silang dalawa.
"Oo nga! Alam n'yo ba, akala ko noon cerelac 'yong niluluto ni Syd noon sa kusina ni Lola. Eh, favorite ko 'yong lasa ng cerelac during that time. Kaya ayon, kumuha ako ng kutsara saka naglagay roon ng niluto niya. Aba ang loka, kuntodo ba naman ang pigil sa akin noong isusubo ko na. Hindi raw ako ang dapat na makatikim noon. Niluto raw niya 'yon para kay Luke and she really wanted Luke to taste it first than anyone else. Tapos ayon, ang dami na rin niyang sinabi kesyo hindi ko naman din daw magugustuhan kaya huwag ko na raw tangkain," kwento naman ni Wincy. Ramdam naman niya ang pamumula ng kaniyang mukha lalo pa ng may kung anong kislap sa mga mata ni Luke habang nakatingin sa kaniya.
Pahamak talaga ang pinsan niyang si Wincy. At talagang nakuha pa nitong magkwento sa harap ng mga kaibigan nito? Baka mamaya, kung ano pang maisip ng mga ito!
"Well, masisisi mo ba ako? Luke and I were best buddies before. So, I don't see anything wrong there," patay malisyang sabi niya at tumingin ulit sa kaharap. Natigilan naman siya ng makitang umiba ang timpla nito. Kung kanina ay para bang wiling-wili ito sa naririnig, ngayon naman ay para na itong isang yelo na hindi mo mabasag dahil una't higit sa lahat, mabibitawan mo ito dahil sa sobrang lamig.
Para namang nakaramdam ang mga tao sa paligid nila. Namayani kasi ang katahimikan at halatang nakikiramdam.
Maya-maya'y tumikhim si Wincy upang marahil ay basagin ang katahimikan, "okay. Let's eat. Nako, guys. Try n'yo 'yong menudo! Specialty ko 'yan kaya promise, hindi kayo mabibigo!" alok nito at ganoon nga ang ginawa ng mga kasama. Ilang sandali pa'y pumailanlang ulit ang tawanan at ang pagkakamustahan na para bang walang nangyari kanina. Ngunit kahit gustuhin man niyang makisali sa kwentuhan ng mga ito, hindi na niya magawa dahil napapatiklop siya sa tuwing makikita ang seryosong mukha ni Luke habang kumakain.

Book Comment (28)

  • avatar
    HeartfiliaBernice

    maganda yung pagkakasulat mo sa first chapter, I like it, it's very calming to read. Hindi jumbled yung words and may quality talaga! looking forward sa next chapter! i cant wait kapag nakarating na siya sa maynila hahahhaa sino naman kaya ang mamimeet niya doon? im sure marami since it's a big city! as for me, ayoko sa manila mag-aral. for me lang naman hehehheehe. Thanks for this chapter author 💙

    31/03/2022

      1
  • avatar
    martosmyzelmae

    it's nice to read.

    22/05

      0
  • avatar

    eydhdnxvzfzvd zvzhf? F fz z xvzvzxfzhcxbxzgzgzvz zbxf? zxvzvz zvzbshzhzhzhzbshdhdysysysudududhzhzbsehsfhx fxk kfncjcjgkgifi kf k kcjduuididudidififud kdifududud idifuffj idididididididid idififufufufifjdrggdgkdjgk fidififififud jfififififif kfkeudeeidkfmhmh kfkgkgkgkgjfffjdj kggifif kfkfk kfkgkf kfkfifi kfkfkfi kdififif ididifi iddidkfkfiifif c kdififififi fkfififfiif kfifididifiggig ididkdififif kfidififfifif jdjfifjfjf idiffjfififuf jfifi idifi didi ididid jdiiddjfi kdidig idifif idififif

    10/04

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters