logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Chapter 6: Miss him?

Matapos maligo at mag bihis ni Aula ay kaagad siyang lumabas ng silid at baka mainip na si Nicolo at ihahatid pa naman niya ito sa kinapaparadahan ng kotse nito.
"Ate tignan mo ito," sabi ni Angelo nang makalabas siya at ipinakita nito ang magazine sa kanya.
Tinignan niyang maigi ang nasa larawan sa magazine at ang lalaking naka-upo sa kanilang sala.
Tumagal masyado ang tingin niya sa lalaking nasa larawan na ang tanging suot lang ay briefs!
"Ate huwag mong masyadong titigan baka mamaya niyan tuklawin ka!" natatawang tudyo sa kanya ni Angelo.
"Paano akong tuklawin niya ei, hindi naman buhay!"
"Kuya, hindi daw buhay sabi ni ate. Ipakita mo nga sa kanya ang buhay na buhay at makamandag mong alaga nang matuklaw si ate!" natatawang sabi ni Angelo.
Binatukan niya ito. "Saan mo nakuha itong magazine na'to huh, Angelo? Bakla ka siguro noh!? Bakit ka meron nito!" bulyaw niya sa kapatid na hinawakan nito ang nasaktang ulo.
Tinignan niya si Nicolo na naka-ekis ang mga binti na naka-upo sa upuang kawayan nila at parang aliw na aliw sa kanila.
"Sa kaklase ko 'yan gusto kasi naming gayahin si kuya Nicolo 'yong may abs! Para habulin din kami ng mga chicks!" ngiti-ngiting sabi nito.
"Ay, naku-naku mas madami pa akong nakita sa Manila na mas maganda pa ang katawan kaysa 'yang nandyan sa magazine!"
Nang tignan niya muli si Nicolo nakasimangot na ito.
"Akin na nga 'yan ate baka masira mo pa," sabi ni Angelo at kinuha sa kanya ang magazine.
"Grabe ang init," singit ni Nicolo at napatingin siya dito nang itaas nito ang damit nito.
Dahilan para lumantad sa kanya ang mga pandesal nito. Parang ang sarap-sarap papakin ang mga iyon at talaga nga namang nakakaakit kainin!
Parang umuusok-usok pa iyon at nakaka-ningning sa kanyang mga mata.
Natauhan lang si Aula sa kanyang imahinasyon nang sinarhan ni Angelo ng isang buong pandesal ang kanyang bunganga!
"Ate 'yang bunganga mo tulo na laway! Nakakahiya kay kuya Nicolo!"
Mabilis na tinanggal niya ang pandesal sa kanyang bunganga at akmang babatukan ulit ito nang tumakbo na ito palabas ng kanilang bahay.
"Sira-ulo ang batang iyon, ah!" maktol niya sabay lamon ang hawak na pandesal.
Nang mapabaling ulit siya kay Nicolo ngiti-ngiti na ito.
"At ikaw ngiti-ngiti ka naman diyan! Akala mo naman naglalaway ako diyan sa pandesal mo!"
"Wala naman akong sinabing naglalaway ka,"
"Huh? Wala nga ba...para kasing may sinabi ka..."
"Aula, huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa I know you have been fantasizing me even before."
"Tara na nga sa labas grabe ang hangin dito!" sabi niya at napa-ikot ng mga mata.
"Gusto mo na ba talaga akong umalis?"
"Oo umalis ka na baka malasin na naman ako sayo," kunwari inis na sabi niya.
"Sige sinabi mo ei,"
Hanggang sa nagpaalam na si Nicolo sa kanyang mga magulang.
"Kuya balik ka ulit ah, 'yong sinabi ko huwag mong kakalimutan."
"Sure," nakangiting wila ni Nicolo.
"Hoy, ano 'yon!?" sabi niya sa kapatid.
"Wala ka na 'ron ate usapang lalaki!"
"Aba't—" hindi na niya natuloy ang sasabihin nang tumakbo ito.
Naglakad na sila pabalik ng kotse nito. As usual dumaan na naman sila sa kamaisan. Hindi naman na ito nagreklamo pa hanggang sa narating nila ang kotse nito.
"Oh, kita mo na walang nangtrip 'yang kotse mo. Malinis at maayos pa rin nang maabutan mo."
"Yeah,"
"Hoy, salamat nga pala sa paghatid mo. Mag-ingat-ingat ka sa pagmamaneho, baka makadisgrasya ka na naman, tsk!"
Napasimangot si Nicolo sa sinabi niya pero kaagad ding sumeryoso.
"Malulungkot ka ba kapag umalis ako?"
"Ano ka karo ng patay na iiyak ako!? Ay, huwag kang assuming hindi kita kaano-ano para magluksa!"
"Aula! What are you talking about? Pinapatay mo naman ako sa mga pinagsasabi mo ." sabi nito sa nanlalaking mga mata.
Nginitian niya ito, "Ahihi! Grabe ka talaga Nicolo wala kang sense of humor ang dami sigurong tao na bored sayo wala kang ganang kausap!" sabi niya sabay hikab.
Muling napa-iling si Nicolo aywan ba niya sa tingin naman niya na si Aula ang taong nakilala niya na walang sense kausap.
"Ah, never mind, I have to go." iiling-iling na wika ni Nicolo at binuksan na nito ang kotse pero hindi pa naman ito pumapasok.
"Shoo, alis na! Gusto mo pa yatang magdrama ako sa pag-alis mo?"
"Fine,"
"Uy, teka-teka!" pigil niya kay Nicolo bago pa man ito tuluyang makapasok sa loob ng kotse nito.
"Ano?"
"Baka gusto mong bumili ng mais? Magsabi ka lang sakin malapit na ang anihan."
"Aanhin ko naman iyan? Artista ako Aula at hindi negosyante ng maisan!" sabi nitong napasimangot.
"Edi huwag, nagsa-suggest lang naman ako baka may kakilala ka lang gawing commercial ang mais namin!"
"Nahihibang ka na ba? Kailan ka pa nakapanood ng commercial na mais?"
Pinamaywangan niya ito. "Nicolo madaming pwedeng gawin ang mais, at kung may gustong mag-angkat pupwede nilang gawing popcorn, corn soup, o kaya naman gawing modelling venue itong lugar namin ang ganda kaya dito."
"Bakit wala ka na bang ibang mapagbi-bentahan ng mga yan?"
Napalabi siya. "Meron naman kaya lang ang mura ng isang sako nila."
"Edi, doon ka na kaysa namang walang bumili."
"Sige na nga umalis ka na hindi naman pala kita mapapakinabangan. Nagsayang lang ako ng laway!" sabi niya sabay talikod dito at iniwan.
Tinatawag nito ang pangalan niya pero hindi na niya ito nilingon.
Hanggang sa narinig na lang niya ang pag-alis ng sasakyan nito.
Pero ang totoo nalulungkot siya sa pag-alis ni Nicolo kaya minabuti na lang niya na idaan sa biro ang lahat.
*********
"Sinigang na mangga na naman? Kaya naman pala madalas umasim ang kili-kili ko dahil sa paulit-ulit na ulam natin hindi tuloy ako makakaporma mg chicks niyan." pumapalatak na reklamo ni Angelo.
"Mamili ka kung kakain ka o hindi! Ang batang to ba't nagrereklamo ka!?"
"Ang dami-dami na ngang gulay diyan pero sinigang pa rin ang bet niyo." maktol din niya.
"Aba't pinagkakaisahan niyo ba ako? Tatay niyo nga walang karekla-reklamo sa sinigang ko."
Napapaioing na lang siy at dumulog na lang sila sa hapagkainan.
"Siyanga pala ate bakit hindi na dumadalaw dito si kuya Nicolo?" kapagkuwan tanong ng kapatid.
"Aba! Ewan ko 'dun!"
"Baka busy na naman siguro siya sa mga pictorial niya para sa magazine cover, noh?
Natigil siya sa oagnguya at kunot noong tinignan ang kapatid.
"Paano ka nga pala ulit nagkaroon ng ganun?"
"Ang alin ate?"
"Yong magazine," galit na tugon niya.
"Sa ka-klase ko nga 'yon,"
"May bago ba siyang kopya 'nun?" tanong niya.
Nagbabakasali lang naman siya at gusto niyang makitang muli ang binata.
"Ang alin ate?" naguguluhang tanong ulit nito. Ngali-ngali na niyang batukan ang kapatid may pagka-mangmang talaga ito o kaya naman nagtatanga-tangahan.
"Shunga, talaga neto, ano ba ang topic natin!? Di ba 'yong magazine!"
"Uy, ate interesado ka yata kay kuya Nicolo a!"
"Kung batukan na kaya kita diyan ng mahimasmasan ka sa sinasabi mo! Baka ikaw ang interesado sa mayabang na 'yon! Kita mo nga hiniram-hiram mo pa ang magazine ng ka-klase mo siguro bakla ka talaga no! Umamin ka na maiintindihan naman kita."
"Tumahimik nga kayong dalawa!" sita sakanila ng inay nila na kanina pa pala nakamasid."Sa hapag pa talaga kayo nag-asaran? Ganyan ba ang ang tinuturo sa inyo sa eskwelahan niyo?" galit na sabi nito habang may laman pang kanin ang bibig.
"Aba 'nay hindi ba't tinuro din na huwag magsasalita kapag may laman ang bibig? Atsaka dapat si Angelo ang pagsabihan niyo siya 'yong nag-aaral hindi ako graduate na ako—aray naman!" binatukan pa talaga siya ng inay niya.
"Aula, ikaw 'tong nakatatanda pero para kang batang mag-isip!" galit na wika na ng inay niya.
Nang tapunan niya ulit ng tingin ang kapatid humahagikhik na ito. Pinanlakihan niya ito ng mata.
"Hala, magsitigil na kayo ipagpatuloy niyo na ang kumain." sabi ng itay niya na kanina pa tahimik lang kumakain.
Ewan ba talaga niya paanong natitiis ng itay niya ang bunganga ng inay niya.
Kasalanan kasi ng Nicolo'ng 'yon! Bakit ba kasi nasingit-singit pa ang pangalawan ng bweset na lalaking 'yon!
Ang konti tuloy ng nakain niya. Nabweset pa nila ang inay niya kanina.
Well, speaking of that arrogant man, dalawang buwan na niya itong hindi nakikita.
Wow, as if naman may pag-asa pa na magkita sila?
Bakit umaasa ba talaga siya!? Ahay 'nunca na mangyayari iyon. Tsaka wala na siyang pakialam 'dun kahit pa sumikat nang sumikat.
Pero palagay naman niya na lalaos din ito at mawawalan ng kinang. Malamang mauubusan 'yon ng pera mukhang gastador din ang hinayupak na 'yon. Kita naman na sobrang ingat na ingat pa nito ang kotse nito.
Teka, teka bakit ba ang sama ng sinasabi ng utak niya tungkol sa binata?
Paano naman 'yong mga sandali na hinatid siya ni Nicolo sa barong-barong nilang bahay? Hindi ba't mas dapat niyang i-appreciate 'yon kaysa pansinin ang kayabangan nito?
Hayys ano ba 'tong pinagsasabi niya!? Pati utak niya nilamon na din ni Nicolo.
Alam naman niya na impossible nang magtagpong muli ang mga landas nila ng binata.
Aaminin niya sa kanyang sarili na hinahanap-hanap pa niya ang presensya nito.
Buburahin na lamang niya sa utak niya si Nicolo.
Babalik na nga lang siya sa palengke sa kung saan may kikitain.

Book Comment (182)

  • avatar
    Jensen Bonoan

    nice

    6d

      0
  • avatar
    SalinasJessica

    ibaka dzai Ganda ng story mo sana next agad hehehe

    24d

      0
  • avatar
    Jacob Menchero

    for my diamond tnks you hahahaha

    16/08

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters