logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

Kabanata 1

"GUSTO KONG MAPAG-ISA." Halos maglabasan ang lahat ng ugat ni Sarah sa kanyang leeg nang sigawan niya ang isang kasambahay na siyang nagpupumilit na kumain siya.
"Pero, señorita. Baka po magka—"
Sinalubong ito nang masamang tingin ni Sarah na siyang kinatigil nito sa sasabihin. "Subukan mong ilapag iyan sa kalapit ko at itatapon ko agad iyan!" asik na tukoy niya sa pagkaing nasa tray na hawak-hawak ni Rose ngayon. Ang isang kasambahay na siyang madalas utusan na magdala sa kanya ng pagkain kapag pinipili niyang sa sariling silid kumain.
"Lalabas na po ako," paalam ng kasambahay at bahagyang iniyuko ang ulo bago lumabas ng silid ni Sarah.
Agad namang sinalubong ng mayordoma ang nasabing kasambahay.
"Bakit dala-dala mo ulit iyan? Malilintikan tayo kay Donya Victoria kapag nagkasakit si Sarah," tarantang wika nito. "Ako na ang magdadala." Walang pasabing inagaw ang tray ng pagkain sa kasambahay.
Napakamot nalang sa ulo si Rose bago pumanhik pababa ng hagdanan.
"Señorita, kumain na po kayo," masiglang wika ng mayordoma pagkapasok sa silid ng dalaga. Inilapag ang pagkain sa maliit na lamesita.
"Hindi ba at sinabi ko sayo na huwag mo ako— Cecilia!" Naudlot ang pagsigaw na gagawin ni Sarah nang makilala ang taong nasa silid niya ngayon.
Agad na tinanggal ni Sarah ang kumot na tumatabing sa kalahati niyang katawan at bumaba sa kama.
"Kailangan ko nang tulong mo Cecilia," nagsusumamong wika nito na halos pigain pa nga ang kamay ng mayordomang nasa harapan.
"Hindi kita matutulungan ngayon, señorita," nakayukong wika ni Cecilia bago iniikot ang katawan para sana lumabas na ng silid na agad pinigilan ni Sarah.
"Bakit ganiyan ka makipagusap sa akin, Cecilia? Parang wala tayong pinagsamahan," may hinanakit na wika ng dalaga.
Anak si Cecilia ng yumao nilang mayordoma noon. Bilang kabayaran sa tulong ng pamilyang Mondragon sa pamilya ni Cecilia ay nanilbihan din ito sa pamilya ni Sarah. Si Cecilia ang siyang maiituring ni Sarah na matalik niyang kaibigan. Kasama niya itong tumawa noong mga paslit pa sila, sa iyakan at sa kakulitan. Kahit alam ni Cecilia na malayo ang agwat nila sa buhay ay hindi naging hadlang iyon para ituring siyang iba ni Cecilia. Iba ito sa mga kasambahay na parang napapaso kapag napapadikit sa balat niya. Hindi sa nandidiri sa kanya, kung hindi natatakot na mapagsabihan ng lola Victoria niya. Ayaw na ayaw ng Donya na maging malapit si Sarah sa mga kasambahay. Laging pilit nitong itinatatak sa isipan ng dalaga na hindi nabibilang ang mga kasambahay sa uri nila.
"Pasensiya na talaga. Hindi kita matutulungan ngayon, Sarah."
Wala nang nagawa si Sarah nang tuluyan na siyang iwanan ni Cecilia. Napalamyak nalang siya sa sahig. Nanlalambot siya sa mga nangyayari. Idagdag pa na hindi niya magawang matawagan si Raphael dahil maging cellphone niya ay nagawang kunin ng lola niya.
"Anong dapat kong gawin?" wala sa sariling tanong niya. Nang mapabaling ang tingin sa nagkakapalang kurtinang tumatabing sa malaking bintana ay agad siyang napatayo.
Mabilis na tinungo ang pinto ng silid at kinandado. Siniguradong hindi agad-agad mabubuksan. Nagawa pa niyang iharang ang may kabigatang vase sa pinto.
"Antayin mo ako, Raphael," wika ni Sarah at mabilis na hinaklit ang mga makakapal na kurtina.
Sa paglubog ng araw, muli silang magsasama ni Raphael.
***
INIS na naihagis ni Donya Victoria ang kopitang may lamang alak ng marinig ang iwinika ni Cecilia. Mabilis namang nabasag ang kopita at nagkalat ang maliliit na piraso nito sa sahig.
"Huminahon ka Victoria," wika ni Nathaniel sa asawa na sinamahan pa nang paghagod sa likuran nito para mabawasan ang galit.
May galit na lumayo si Victoria sa asawa. "Anong huminahon, Nathaniel? Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Cecilia? Lumayas ang apo natin! LUMAYAS!"
Napangiwi ang matandang lalaki nang sigawan siya ng asawa. "Narinig ko. Pero hindi naman kailangan na sigawan mo ako. Babalik din iyon si Sarah," kalmadong wika nito. Bahagyang kinagat ang mansanas na naudlot na kainin dahil sa ginawang pagbato ng asawa sa kopita.
Nasapo nalang ni Donya Victoria ang noo dahil sa inis. "Bakit ba kasi ang titigas ng ulo ng lahi mo Nathaniel?"
Natawa nalang si Nathaniel sa litanya ng asawa. Ibinaba ang halos mangalahati ng mansanas sa babasaging lamesa. Na siyang punong-puno ng iba't ibang klase ng pagkain ngayon, kahit pa sabihing dalawa lang naman silang nasa hapag ngayon.
"Hayaan mo ng maikasal si Sarah kay Raphael, Victoria. Gusto ko ang batang iyon."
Malakas na hinampas ni Victoria ang palad sa lamesa. Ni hindi kinurap ang mata kahit pa nasaktan sa ginawang paghampas.
"Hindi ako makakapayag na madaluyan ng dugo ng taong umagaw sa buhay ng anak ko ang apo ko!" nanggagalaiting sigaw ng Donya.
Tinikom nalang ni Nathaniel ang labi. Walang magandang patutunguhan ang usapan nila kung ganito kainit ang ulo ng asawa niya.
Hindi magandang gatungan pa ang nagsisimulang apoy.
***
AKALA mo ay may humahabol na mamamatay tao kay Sarah dahil sa sunod-sunod niyang paglingon sa kanyang likuran habang siya'y tumatakbo.
"Malapit na ako Raphael," pang sampung ulit na wika niya habang tinatahak ang madilim na kalsada.
No choice tuloy siya kung hindi takbuhin ang halos isang oras na papunta sa bahay ni Raphael. Dahil sa biglaang pagtakas, wala siyang kahit ano na nadala. Kahit barya, wala siya.
Patuloy lang sa pagtakbo si Sarah haggang sa makarating siya sa mismong tapat ng bahay ni Raphael. Angat ang bahay na ito dahil sa dami ng ilaw na nagkalat sa iba't ibang bahagi ng bahay.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nakapunta si Sarah sa bahay ng nobyo.
Nang makabawi sa hingal at pagod. Agad na pinindot ni Sarah nang dalawang beses ang doorbell.
Hindi naman nagtagal, bumukas ang maliit na bahagi ng gate.
"Sino po sila? Ano pong sadya niya?"
Bumungad sa kanya ang maliit na babaeng may kakulutan ang buhok. Base sa pagtatanong nito ay hindi siya nito nakikilala. Marahil ay bagong kasambahay ito nila Raphael.
"Nandiyan ba si Raphael? Pasabi naman nandito si Sarah, ang nobya niya."
"Nobya. . ." natatawang wika ng kasambahay.
Kusang umangat ang kaliwang kilay ni Sarah. Sa tingin ba ng babaeng ito ay nagloloko siya?
"Oo bakit? Ako ang girlfriend ni Raphael."
Natatawang humagikgik ang babae. "Hoy babae. . ." Tumigil ito sa pagtawa. Tiningnan si Sarah mula-ulo hanggang paa. "Kung iyang puti at kakinisan mo ang pang-akit mo kay sir ay tumigil kana. Tingnan mo nga iyang itsura mo. Tiyak na pagtatawanan kalang ni ma'am Catherine kapag sinabi mo sa kanya harap-harapang ikaw ang nobya ng fiancee niya."
Kusang hinagod ni Sarah ang nagulong buhok dahil sa pagtakbo. Maging ang kanyang kasuotan ay nagusot din dahil sa ginawang pag-uyabit sa pinagtali-taling kurtina at kumot para lang makatakas siya sa mansyon. Buwis buhay niyang binaba ang pangalawang palapag ng mansyon para lang makatakas. Gamit ang kumot at mga kurtina ay ginawa niya itong tali mula sa bintana hanggang sa makaabot sa lupa. Himala at hindi manlang siya nabalian o nagalusan ng siya'y makababa na.
Hindi maiwasan ni Sarah na mainis sa panglalait na ginawa ng kasambahay. Idagdag pa ang sinabi nitong fiancee daw ni Raphael. Kilala niya si Catharine. Isa ito sa babaeng patay na patay sa nobyo niya. Maganda nga ang babae pero natitiyak niyang hindi siya ipagpapalit ni Raphael sa isang babaeng balatkayo lamang ang pag-uugali.
"Mabuti pa miss. Tawagin mo nalang siya," wika nalang niya habang tinitimpi ang galit.
"Sino ka para sundin ko?" nakataas ang kilay na tanong nito.
Hindi na nakayanan ni Sarah ang galit. Pinalaki siya ng lola niya na sunod sa lahat. Pero hindi niya ginawa iyon para mang-apak ng ibang tao. Ngunit kung ganito rin namang klase ng tao ay baka masaktan niya lang ito.
Kusa na sanang iigkas ang kamay ni Sarah para sampalin ang babae. Pero naudlot iyon nang biglang bumukas ang malaking gate. Parang isang malaking pasabog ang natanawan niya doon. Animo'y parang kurtinang tumatabing sa isang entablado ang nasabing gate. Gaya sa isang palabas sa entablado. Lumabas ang mga artista o tauhan. Lumitaw ang taong siyang dahilan kung bakit sinuway niya ang kanyang lola at lolo.
Kusang tumulo ang luha niya habang parang tangang pinapanood ang pagdampi ng labi ni Catherine sa labi ni Raphael. Ang labi na kahit kailan ay hindi niya manlang nahalikan. Ngunit ang babaeng iyon ay may pagkagat pang nalalaman.
"Ra. . . Raphael. . ." tanging naiwika niya sa gitna ng kanyang pag-iyak.
Gulat na naitulak ni Raphael ang babaeng parang linta kung makasipsip at makahalik sa labi niya.
"Ouch. . ." daing ni Catherine.
Kung hindi lang masakit ang puso ni Sarah ay baka tinawanan pa niya ito.
Pero hindi, durog na durog siya ngayon. Para siyang pinapatay sa sakit. Sobrang sakit na makitang may kahalikan ang taong mahal niya.
"Let me explain, honey."
Mabilis na lumapit sa kanya si Raphael at tangka sana siyang hahawakan sa braso ng sampalin niya ito nang malakas.
"Ga... Gago ka! Walangya ka!" sigaw niya rito.
"Sarah pakinggan mo ako, pakiusap. Mali ka nang nakita."
Tumawa nang pagak si Sarah. Inis na pinahid ang luha. "Hindi ako bulag at lalong hindi ako tanga! Alam mo ba Raphael, halos mamatay ako mapuntahan lang kita. . ."
"Sarah. . ."
Hinampas niya ang dibdib ng lalaki. Ni hindi ito natinag sa kinatatayuan. Ni hindi manlang din siya sinasaktan. "Si. . . Sinuway ko sila lola dahil sayo! Sinuway ko sila, Raphael!"
"Patawarin mo ako Sarah. Patawarin mo ako. . ."
Niyakap siya nang mahigpit ni Raphael na agad niyang kinalas.
"Mabilis pala akong palitan. Salamat. . . Alam ko na ngayon kung ano ka."
Sinampalan niya pang muli si Raphael bago tumakbo nang mabilis.
Takbo lang siya nang takbo. Walang pagod ang paa niya sa kakatakbo. Para bang namanhid ang katawan niya sa pagod. Mas napapagod ang puso niya.
"Lo. . . Lola. . . Patawarin niyo ako," umiiyak na wika niya.
Napapikit nalang siya nang magbuhol ang mga paa niya. Malakas na humampas ang buo niyang katawan sa magaspang na kalsada. Napapikit nalang siya nang makaramdam ng sakit sa dibdib. Isama pa ang labi niyang ngayon ay may bahid na ng sariling dugo. Hindi man kita ang sarili dahil sa kadiliman, natitiyak niyang mukha siyang talunan ngayon. Sugatan at bigo pa sa pagibig.
"Ayo. . . Ayoko na!" galit na sigaw niya kasabay nang pagmulat ng kanyang mata.
Hindi niya akalain na iyon na pala marahil ang huling pagmulat niya.
Sa kanyang pagmulat. Isang mabilis na sasakyan ang sumalubong sa kanya. Para siyang isang papel na humagis sa isang tabi.
"Putang*na! Miss! Gumising ka! Huwag kang mamamatay! Ayokong makulong."
Ang natatarantang sigaw ng isang lalaki ang huli niyang narinig bago siya lamunin ng dilim.

Book Comment (27)

  • avatar
    BurgosKean Cyrus

    good it's great

    25/11/2024

      0
  • avatar
    TumagnaJosephine

    nice story I think I will like it

    22/08/2024

      0
  • avatar
    Vanessa Realco

    it's good

    15/05/2024

      1
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters