logo text
Add to Library
logo
logo-text

Download this book within the app

TSYI - 04

𝗙𝗹𝗮𝘀đ—ĩđ—¯đ—Žđ—°đ—¸ đ—Ŋ𝗮 đ—ŋđ—ļđ—ģ đ—Ŋđ—ŧ đ—ļ𝘁đ—ŧ. ʕâ€ĸá´Ĩâ€ĸʔ
__________________________________________________
PARANG biglang nag-slow-mo ang utak ko sa bigla niyang sinabi sa akin. At tila ba nawala bigla ang mga tao sa paligid namin at kaming dalawa na lang ang natira.
Paulit-ulit sa utak ko kung ano yung apat na letra na sinabi niya.
IKAW.
AKO?
Bakit ako.?
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Ano ba ito?
Para namang kinakabahan ako sa bilis ng tibok ng puso ko pero sigurado akong hindi ako kinakabahan pero hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito. Bago lang ito sa pakiramdam ko at alam kong kakaiba ito.
Kinabahan na ako ng sobra nung nagrecitation ako ng tula sa Filipino subject namin pero hindi yun katulad ng nararamdaman ko ngayon.
Ang weird.
"Natulala na siya, Mark" bulong ni Alex sa huli pero narinig ko na naman kaya napukaw nito ang pagkabigla ko sa nangyayari.
Marahan akong lumingon sakanya at sa unang pagkakataon nakaramdam ako ng pagka-ilang sakanya at hiya kaya agad din akong bumaling sa notebook ko at di na nagsalita.
Shemay.! Bestfriend ko ito. Bakit bigla akong nahiya sakanya.?!
"Oy.! Aisha? Okay ka lang? " biglang tanong ng BestFriend kong si Tiffany na nasa tabi ko. Napansin niya siguro ang biglang pananahimik ko.
"ah.. Oo,Fany. Okay lang ako. " nginitan ko si Tiffany para makumbinsi ko siyang okay lang ako kahit hindi.
Naramdaman kong iniusog ni Aiden ang upuan niya paharap para maipatong niya ang braso niya sa sandalan ng upuan ko at ramdam ko ang pagtitig niya sa akin ng seryoso.
"Sabi ko na e.. Tatablahin mo ko,Aisha. " seryosong sabi niya habang hinahalukay niya ang buong pagkatao ko sa pagtitig niya.
Agad akong napalingon sakanya pero agad din akong napa-atras ng mapansin kong masyado na kaming malapit sa isa't isa.
"ahm.. Ah..hindi naman sa ganun,Aiden." mautal-utal kong depensa sakanya.
Hindi na siya nagsalita at tinignan na lang ako.
"Hoy.! Aiden! Masyado ka na atang malapit sa Bestfriend ko.!" pagtataray ni Tiffany at hinampas si Aiden sa braso ng pabiro.
"Wait lang.!" ngingiting sabi niya kay Tiffany. Kaya hinayaan na siya ng huli.
Mukhang may alam ang Bestfriend ko sa nangyayari pero di niya sa akin sinasabi.
"Oh.? Tapos na ko dito. Maiwan ko na muna kayo dyan. " paalam ni Alex sa amin at tinignan kami ng nakakaloko.
Naiiling na ngumiti lang si Aiden at muling bumaling sa akin.
"Pero seryoso ako sa mga sinabi ko sayo kanina,Aisha. Gusto kitang ligawan at hindi kita lolokohin. "
Ramdam ko ang sensiridad niya sa mga sinasabi niya kahit alam ko kung ano talaga ang ugali niya pagdating sa babae.
Ganito niya ba sabihan ang mga naging syota niya kaya napapasagot niya agad. Kasi pakiramdam ko bibigay agad ako pero hindi pa dapat.
Pangalan lang ang madalas na binabanggit niya sa amin kapag nag-kwkwento siya tungkol sa mga nakaka-flirt niya. Matagal na siguro ang two weeks kaya hindi niya itinuturing na girlfriend ang mga iyon kasi para sa kaniya ang Girlfriend ay iyon pang-matagalan o yun babaeng sigurado siya na makakasama na niya ng matagal pero wala pa ata akong alam na sineryoso niya. Hindi ko din alam dahil hindi ko na pinagkakaabalahan pang itanong sa kanya kung may tumagal ba sa kanya.
"Lintik naman oh.! Pinahirapan mo pa ko mag-isip.. Hindi naman pala pangalan ang papahulaan mo sa akin." biglang pagbibiro ko para mabawasan kahit papaano ang pagka-ilang sa pagitan namin.
Natawa siya bigla. Ang dali lang niya mapatawa sa totoo lang. Napakamot siya sa ulo niya at sinabing..
"Hindi ko naman kasi sinabing pangalan e. Ang sabi ko lang ay Four Letters." nahihiyang sabi niya. Ganyan kasi yan kapag nahihiya. Napapakamot sa ulo.
"Ay.! Wala ba? Kala ko kasi pangalan." naiilang na sabi ko habang pilit na ngumingiti.
Natawa na lang siya sa akin.
"Aisha, okay lang ba na ligawan kita.?" seryosong tanong niya habang diretso ang tingin sa akin.
Napalunok na lang ako sa tinanong niya. Hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin sa tanong niya. Pakiramdam ko nanuyo bigla ang lalamunan ko.
"Aisha, sana pagbigyan mo kong patunayan sayo ang nararamdaman ko. Higit sa pagiging mag-kaibigan ang tingin ko sayo." dagdag pa niya.
Tinignan ko siya sa mga mata niya kung totoo ba ang mga sinasabi niya, pero kitang-kita ko sa mga mata niya ang sensiridad niya sa mga salita niya.
"Mahal kita,Aisha."
Nakita kong namula ang tenga nang sabihin niya ang mga salitang yun na nagpakabog ng sobra sa puso ko na di ko malaman kung ano ang dahilan.
Ano ba ito?! Hindi na maganda ito. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok bago ako nakabuo ng salita.
"Pag-iisipan ko muna,Aiden." yun lang ang tanging lumabas sa bibig ko at muling iniwas ang tingin sa kanya.
Natahimik siya sandali at parang nag-isip.
Maya-maya muli siyang nagsalita.
"Hatid kita mamaya."
o_O
Agad akong napatingin sa gawi niya. At mukhang nakuha naman niya ang ibig sabihin ng mga titig ko. Kaya muli siyang napakamot sa ulo niya. Ugali na niya yan kapag nahihiya at naiilang.
"Hanggang parking na lang. Alam ko namang hindi pwede sa inyo." Nakangiting bawi niya. Kaya nakahinga ako ng maluwag.
Natatakot pa kasi akong magpaligaw baka kasi mahuli ako ng Papa ko na may Boyfriend.
" Okay. Sige." maikling sagot ko.
Uwian na.
At heto kami magkasabay nga umuwi. Hahatid niya talaga ako hanggang parking kasama ng bestfriend ko. Usually kasi hindi namin siya nakakasabay dahil may inaasikaso pa siya sa school bago umuwi. Officer kasi siya ng SSG. At out of way din siya sa amin.
"Mali ata ang daan mo,Aiden? Sa kabilang gate ang parking mo diba." pang-aalaska ni Tiffany.
"Gusto ko nga sana na masigurong makakauwi kayo ng safe. Kaso hindi pwede kaya hanggang dito na lang muna." sagot nito habang nakatingin sa akin," Akin na yang books mo at bag, Aisha." at bigla niyang kinuha yun bag at books ko bago pa man ako makapagsalita at siya na ang nagdala.
"ahm.. Okay lang naman kung ako na magdadala ng gamit ko. nahihiya kong sabi sakanya.
" Pati din books ko, Aiden." Sabi ni Tiffany sabay abot ng libro nito kay Aiden na agad naman kinuha ng isa.
" Fany! nakakahiya naman sakanya. Ang dami na niyang dala oh. bulong ko sa bestfriend ko.
"Hayaan mo siya,Aisha. Ligawan niya rin syempre ang Bestfriend. "
" Pero hindi pa naman ako pumapayag,Fany. Atsaka ikaw ha.. May alam ka pala, di mo man lang sinasabi sa akin." Pagtatampo ko kunyari sakanya kaya nginitian na lang ako ni Tiffany at nag-Peace Sign.
Ano ba talaga?
Papayag ba ako.? Naguguluhan pa ko.
" So, ano,Aisha? Nakapagisip ka na ba? " biglang singit ni Aiden sa bulungan namin ni Tiffany.
Sabay kami nagkatinginan ni Tiffany.
" ah, Ewan ko. Bahala ka." Biglang sagot ko.
Bahala na. Di ko kasi talaga alam.
" Yes.! " bulong niya sa sarili.
" Maka-Yes ka naman parang sinagot ka na." natatawang pang-aasar ni Tiffany kay Aiden.
" Masaya lang ako." pag-amin niya sa amin
Nahihiya na ako buti na lang nandito na kami sa tapat ng sasakyan ni Tiffany. Sumasabay kasi ako lagi sakaniya dahil nasa iisang subdivision naman kami at madadaanan lang ang sa amin. May sarili siya driver kaya magkatabi kaming dalawa sa likod. Meron din naman sa amin kaso hindi na ako nag-papasundo sa amin kasi mas gusto kong kasabay si Tiffany kapag uuwi.
" So, dito na kami,Aiden. Salamat sa pagdadala ng gamit namin ni Aisha! " masayang pagpapaalam ni Tiffany kay Aiden.
Inabot ko na din yun akin at nagpaalam.
" Salamat,Aiden. Ingat" paalam ko sakanya .
" Wala yun. Ingat din kayo " nakangiting paalam niya sa amin. At tuluyan na kaming sumakay ng sasakyan.
Malapit lang naman ang bahay niya sa school namin kaya naka-motor lang siya pauwi. Nakakahiya nga kasi medyo napapalayo pa siya sa paglalakad dahil sa paghatid sa amin dahil nasa kabilang parte ng school ang parking niya.
Ganyan naging routine namin sa araw-araw. Matiyaga niya akong hinahatid sa parking kapag uwian. Nasanay na lang ako kahit nung una ay nahihiya talaga ako. Lalo ngang nakakahiya dahil itong bestfriend kong si Tiffany ay pati libro niya ay pinpadala pa kay Aiden. Paano ba naman.
Kung nililigawan daw ako dapat pati ang Bestfriend para malaman kung pasado. Kaloka talaga 'tong bestfriend ko. Pinaboran naman ni Aiden kaya ayun parang dalawa tuloy kami ni Tiffany ang nililigawan niya.
Hahatid niya ako, sasabayan kumain, ililibre at minsan padadalhan niya ng Love Letter o Tula na siya lang ang may gawa. Ipapaabot niya pa sa iba namin kaklase o kaya naman kay Tiffany kahit mag-kaklase naman kami. Hanggang sa mag-iisang buwan ng ganun ang nangyayari pero matiyaga pa din siyang naghihintay sa akin.
"Aisha, kailan mo balak sagutin si Aiden? " biglang tanong ni Tiffany sa akin habang naglalakad kami papuntang parking.
"Huh? Nanliligaw ba sya? " pagtataka ko. Biglang nawala sa isip ko na nanliligaw pala siya kaya ganun ginagawa niya araw-araw.
Nasapo ni Tiffany ang noo niya sa sinagot ko.
"Aisha, mag-dadalawang buwan na oh.! Grabe, kawawa naman yun tao. Wala bang pag-asa,Aisha? Mukhang okay naman siya. Kung ako tatanungin pasado siya sa akin. " Ngingiting sabi ng Bestfriend ko habang nakatingin sa nauunang si Aiden. Nagpahuli kasi kami dahil nga sa itatanong nito.
Napaisip ako habang tinitignan si Aiden maglakad.
" Eh, sabi ko lang kasi ewan at bahala siya. Nawala sa isip ko manliligaw na pala siya." Nahihiyang sabi ko. " Pero sa totoo lang, meron siyang pag-asa,Fany. " dagdag ko pa sa sagot sa tanong ni Tiffany.
"Yun naman pala. Sagutin mo na. " pangungulit ni Tiffany.
"Pag-iisipan ko pa,Fany Mahirap na. " seryosong sabi ko sa bestfriend ko.
" Makakapaghintay naman ako, Aisha. Kahit gaano pa katagal yan. Hindi ako titigil. " biglang singit niya sa usapan namin kahit nakatalikod siya sa amin.
Nabigla kami ni Tiffanysa sinabi niya at para namang naiihing pusa sa kilig ang Bestfriend ko habang ako natulala sakanya. Dahan-dahan siyang lumingon sa amin at ngumiti.
Damn.! Bakit ba ganito siya.? Bestfriend ko naman siya. Pero bakit hindi ko alam na ganito siya mag-pakilig ng babae.?
Lumipas na ang ilang araw mula nung narinig ko ang katagang iyon sakanya kaya heto ako ngayon sa kwarto ko at nag-iisip ng sobra kung tama na bang sagutin ko na siya.
Pinakiramdaman kong maigi ang puso ko kung anong nararamdaman ko talaga.
Masaya ako kapag kasama ko siya. Sobra. Nalulungkot ako kapag wala siya. Walang ibang nagpapatawa sa akin syempre, bukod sa bestfriend kong si Tiffany. Clown ko nga siya e. Matiyaga. Kung effort lang naman ang usapan, sobra kung gawin niya. Gentleman. Ano pa ba ang masasabi ko.? Sa t'wing kausap ko siya pakiramdam ko kaming dalawa lang at walang ibang tao sa paligid namin.
Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Shemay.! Ano ba kasi itong nararamdaman ko.
(////_////)
Agad kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang contact number niya. Matagal na itong nakasave sa akin pero kahit kelan hindi ko pa siya tinawagan o tinext. Hindi naman kasi ako mahilig sa gadget. Ang hilig ko ay ang mag-basa ng romance story pati mag-sulat at gumawa ng kwento sa notebook ko.
Yeah.! Dream ko maging writer at pangarap kong maging sikat na writer.
Nag-riring na pero agad kong kinansel. Kinakabahan ako. Umuurong dila ko. Parang di ako makakapagsalita.
Bukas na lang siguro kami mag-usap after class.
Kinabukasan hindi ako mapakali habang napapalapit ang oras na matapos ang klase. Hindi ko na talaga maintindihan ang nararamdaman ko!!
Pero sigurado ako.
Ito na yun love na sinasabi nila.
*KRIIIIIIIIINGGGGGG!!!!*
Agad na napapitlag ako ng marinig ang bell ng school namin. At isa-isa na sa mga kaklase namin ang nag-sisialisan para umuwi.
Sheymay!! Lalo akong kinabahan. Di ako makakilos sa kinauupuan ko. Bakit kasi ang bilis ng oras?!
"Ahm.. Aisha? Okay ka lang ba? Kanina ka pa parang wala sa sarili?" Pagaalala ni Tiffany sa akin.
Agad ako napatingin sakaniya at nginitian. "Okay lang ako,Fany. Wag mo kong alalahanin." Paninigurado ko sakaniya.
"Okay. Halika na! Uwi na tayo!" Pag-aaya nito.
Agad ako napatingin kay Aiden na pinagmamasdan lang ako sa kinauupuan ko na tila ba nag-aalala din.
Napalunok ako at sinabing, "Aiden, pwede ba tayo mag-usap saglit?", Tanong ko na ikinabigla niya.
"Hmm.. Sige, Aisha.Hihintayin na lang kita sa parking ha." Agad na paalam ni Tiffanysa akin habang papalabas ng classroom at tinanguan ko na lang bilang pagsang-ayon.
Nakatitig lang ako kay Tiffany hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.
Shemay! Lalong nabilis ang tibok ng puso ko. Tanging ang pag-tibok lang ng puso ko ang naririnig ko sa sobrang katihimikan namin ni Aiden dito sa classroom namin.
"Ano ba iyon pag-uusapan natin,Aisha?" Pagpukaw ni Aiden sa nerbyos ko.
Lalo akong nanigas sa kinauupuan ko.
Tumingin na lang muna ako sa lamesa ko para mawala pagkailang ko.
Sunod-sunod na paglunok ang ginawa ko bago ako nakapagsalita.
"T..tungkol sa .." Shuta!! Bakit ba hindi ko matuloy-tuloy yun sasabihin ko!!?
Nananatiling tahimik at naghihintay lang si Aiden habang nakatayo sa gilid ko.
Huminga ako ng malalim para maibsan ang kaba na nararamdaman ko ngayon at sinabing...
" Alam mo,Aiden. Sobrang saya ko na nakilala kita. Sobrang gaan ng pakiramdam ko kapag kasama kita. Nalulungkot ako kapag wala ka na para bang hindi buo ang araw ko kapag wala ka. Salamat sa pag-intindi at pag-tyatyaga ng sobra sa akin." Pag-amin ko sakaniya na ikinabigla niya. Lumingon ako sa kaniya at nakita ko sa mga mata niya na masaya siya sa naririnig niya pero nakikita ko din ang kaba sa kaniya.
"Salamat kasi...pinili mo ako...pinili mo akong mahalin mo...Huwag sanang mag-babago ang lahat ng iyon sayo, Aiden.." Agad ko siyang nginitan para mawala ang kaba namin pareho.
Naramdaman ko ang pag-init ng bawat sulok ng mga mata ko at pamumula ng mga pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin mula sa kanya at yumuko,"Ngayon, sigurado na ako, Aiden...na higit din sa pagkakaibigan ang nararamdaman ko." dagdag ko bago muling lumingon sa kaniya.
Nakita ko na natulala saglit si Aiden at unting-unti gumuhit ang ngiti sa labi niya na nagpagaan ng nararamdaman ko.
"Ibig bang sabihin niyan? Sinasagot mo na ako, Aisha?" Paninigurado nito.
Tumango ako at sinabing, " Oo, Aiden. Mahal din kita." Pag-amin ko na sobrang nagpasaya sakaniya.
"YEEESSSSSS!!!" Hiyaw ni Aiden sa harap ko na ikinabigla ko. Wala naman ng ibang mga estudyante ngayon dito sa classroom namin at ang lahat ay mga pauwi na. Agad niya akong hinila patayo at niyakap ng mahigpit,"I love you, Aisha! Thank you. Mahal na mahal kita!"
Sobrang ramdam ko ang kasiyahan niya dahil sa pagsagot ko sakaniya. Ganoon din ang nararamdaman ko. Umaapaw sa kaligayahan. At ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin na importante sa lahat.
END OF FLASHBACK.

Book Comment (5)

  • avatar
    Yujiro Hanma

    good

    17/07/2024

      0
  • avatar
    Jelaiza Alfonso

    maganda siya

    26/01/2024

      0
  • avatar
    Marcus Salazar

    .hehe

    30/07/2023

      0
  • View All

Related Chapters

Latest Chapters